Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 02, 2021 769 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

TANONG AT SAGOT

Tanong: Ako ay nakagayak na ikasal sa loob ng ilang buwan, ngunit ang ideya ng gayong buong buhay na pananagutan ay nagdudulot sa akin ng pagkabalisa. Alam kong napakaraming pag-aasawahan na nagtatapos sa diborsyo o pagdurusa – paano ko masisiguro na ang aking pag-aasawa ay mananatiling matatag at puno ng kaligayahan?

Sagot: Binabati kita sa iyong kasunduang magpakasal!  Ito ay isang kapanapanabik na oras sa iyong buhay, ngunit isa ding mahalagang panahon para maggayak – hindi lamang para sa kasal, ngunit para sa maraming mga taon ng pagsasama bilang mag-asawa na ipapagpala sa inyo ng Diyos!

Sa pantaong pananalita, ang pag-aasawa ay isang mabigat na katotohanan, sapagkat pinagbubuklod nito ang dalawang tao na patehong may kapintasan sa isang pamilya… habang sila ay nabubuhay.  Ngunit sa kabutihang palad, ang pag-aasawa ay hindi lamang isang pantaong katotohanan: itinatag ito ni Kristo bilang isang Sakramento!  Tulad ng naturan, ito ay isang mapagkukunan ng biyaya para sa lahat ng pumapasok dito – mga biyaya na maaari nating unawain sa bawat sandali!

Kaya, ang unang hakbang sa isang maligayang pag-aasawahan ay ang panatilihin ang Diyos sa gitna nito. Sumulat si Venerable Fulton Sheen ng isang aklat na pinamagatang, “Tatlo upang Mag-asawa,” sapagkat ang kasal ay hindi lamang sa pagitan ng isang lalaki at isang babae kundi kasama rin dito ang isang pangatlong persona – Ang Diyos, na dapat manatili sa gitna.  Kaya’t manalangin kayo bilang mag-asawa, at ipanalangin ang iyong asawa.

Ang mas maraming oras na iginugol mo sa Diyos, mas magiging katulad ka Niya – na mabuti, sapagkat kakailanganin mong paunlarin ang mga birtud sa pagtahak mo sa buhay may-asawa! Ang pasensya, kabaitan, kapatawaran, katapatan, dangal, at mapagpakasakit na pagmamahal ay mga birtud na mahalaga sa buhay. Kahit bago ka pa mag-asawa, magsumikap kang umunlad sa larangang ito.  Gawing palagian ang pagkumpisal samantalang hinahangad mong maging katulad ni Cristo.  Manalangin para sa mga birtud na ito;  isagawa ang mga ito araw-araw – lalo na ang pagpapatawad.

Ang isang mabuting pag-aasawahan ay hindi kailanman umiiral sa labas ng isang mas malawak na pamayanan, kaya palibutan ang iyong sarili ng mga tagapayo sa iyong kasal – mga mag-asawa subók na ang pagsasama at nakaranas ng ilang bagyo ngunit lumalabas na mas malakas.  Maaari kang humingi sa kanila ng payo at inspirasyon pagdumating ang mabuway na araw. Hindi kailangang lahat sila ay buhay: ang ilang dakilang santo ay nanirahan sa buhay-may-asawa, tulad nina San Louis at Zelie Martin, o Sta.Monica na naging isang dakilang santo dahil sa pinagdaanang mahirap na pag-aasawahan.

Ang inyong pagsasama ay sasalakayin  –  kinamumuhian ng Masama ang mabuting pag-aasawahan, sapagkat ang pag-aasawa ang pinakamalinaw na tanda ng Trinity dito sa lupa.  Gaya nang ang Trinity ay isang nagbibigay-buhay na pamayanan ng pagmamahal, tulad ng tatlong Banal na Persona na nagbibigay ng kanilang sarili sa bawat isa para sa kawalang-hanggan, kaya ang mabuting pag-aasawahan ay dapat na nakikitang halimbawa dito sa lupa – dalawang taong ganap na ibinibigay ang kanilang sarili sa isa’t isa na nagbubunga ng bagong nilikha (mga anak). Kaya’t lubhang napupuot ang Diyablo sa pag-aasawahan. Ihanda ang iyong sarili sa espirituwal na pakikidigma, kung gayon.  Kadalasan, ito ay isang natural na di-pagkakaintindihan lamang, na lumalala.  Marahil, may isang maliit na di-pagkakasundo at sa isang iglap, ang pag-iisip ng diborsyo ay nagsisimulang mangulit ng iyong kaisipan;  marahil ay agad kang matuksong mangarap ng iba matapos kayong ikasal;  baka naman lubha kang abala sa ibang bagay para makipag-ugnayan sa iyong asawa.

Labanan ang mga pagsalakay na ito!  Tulad ng nais sabihin ng Protestanteng manunulat  na si John Eldredge, ang pag-aasawa ay napapasalooban ng dalawang tao na “magkatalikurang nakabunot ang espada.”  Ang kaaway ay HINDI kailanman ang habangsamantalang ayo ay isang koponan, pinagbuklod ng mga panata at biyaya, ipinaglalaban ang inyong pagsasamang mag-asawa sa pakikibaka sa totoong kaaway, ang diyablo.

At madami tayong sandata! Ang mga Sakramento, ang Salita ng Diyos, panalangin, pag-aayuno… lahat ng ito ay dapat na maging regular na bahagi ng inyong pagsasama. Manatiling matiwasay na bibigyan ka ng Diyos ng biyaya upang maisabuhay ang iyong mga panata, ano man ang mangyari. Mapagbigay Siya sa mga taong mapagbigay sa Kanya;  Tapat Siya sa mga taong tapat sa Kanya. Pag-aralan ang turo ng Simbahan tungkol sa kasal at pamilya, tulad ng encyclicals na Humanae Vitae at Familiaris Consortio, o ang “Theology of the Body” o “Pagmamahal at Pananagutan,” at ialinsunod ang iyong pagsasama dito sa magandang paningin sa kasal na pag-ibigan na iminumungkahi ng Simbahan.

Higit sa lahat, huwag sumuko!  Minsan, nang ako ay nagtuturo ng isang klase sa relihiyon, isinama ko ang isang mag-asawa na higit na 50 taon nang kasal. Matapos silang magbigay ng isang mahusay na pagtatanghal tungkol sa kanilang pagsasamang mag-asawa, tinanong nila ang mga bata kung mayroon silang anumang nais itanong. Isang masulong sa pag-iisip na 12-taong-gulang na batang lalaki ang nagtanong, “Naisip nyo ba ang tungkol sa paghihiwalay?”

Madaming kaasiwaan sa loob ng silid.  Nag-aatubili, nagwika ang maybahay, “Buweno, oo, may mga araw …” Ang asawa niya ay tumingin sa kanya ng may pagtataka at sumagot, “Talaga? Ikaw rin?”

Sila ay nagtiyaga – at umabot sila nang 50 taon. Ipinagdarasal ko na mangyari din ito sa iyong pagsasama!

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles