Home/Makatawag ng Pansin/Article
Trending Articles
Tanong: Ako ay nakagayak na ikasal sa loob ng ilang buwan, ngunit ang ideya ng gayong buong buhay na pananagutan ay nagdudulot sa akin ng pagkabalisa. Alam kong napakaraming pag-aasawahan na nagtatapos sa diborsyo o pagdurusa – paano ko masisiguro na ang aking pag-aasawa ay mananatiling matatag at puno ng kaligayahan?
Sagot: Binabati kita sa iyong kasunduang magpakasal! Ito ay isang kapanapanabik na oras sa iyong buhay, ngunit isa ding mahalagang panahon para maggayak – hindi lamang para sa kasal, ngunit para sa maraming mga taon ng pagsasama bilang mag-asawa na ipapagpala sa inyo ng Diyos!
Sa pantaong pananalita, ang pag-aasawa ay isang mabigat na katotohanan, sapagkat pinagbubuklod nito ang dalawang tao na patehong may kapintasan sa isang pamilya… habang sila ay nabubuhay. Ngunit sa kabutihang palad, ang pag-aasawa ay hindi lamang isang pantaong katotohanan: itinatag ito ni Kristo bilang isang Sakramento! Tulad ng naturan, ito ay isang mapagkukunan ng biyaya para sa lahat ng pumapasok dito – mga biyaya na maaari nating unawain sa bawat sandali!
Kaya, ang unang hakbang sa isang maligayang pag-aasawahan ay ang panatilihin ang Diyos sa gitna nito. Sumulat si Venerable Fulton Sheen ng isang aklat na pinamagatang, “Tatlo upang Mag-asawa,” sapagkat ang kasal ay hindi lamang sa pagitan ng isang lalaki at isang babae kundi kasama rin dito ang isang pangatlong persona – Ang Diyos, na dapat manatili sa gitna. Kaya’t manalangin kayo bilang mag-asawa, at ipanalangin ang iyong asawa.
Ang mas maraming oras na iginugol mo sa Diyos, mas magiging katulad ka Niya – na mabuti, sapagkat kakailanganin mong paunlarin ang mga birtud sa pagtahak mo sa buhay may-asawa! Ang pasensya, kabaitan, kapatawaran, katapatan, dangal, at mapagpakasakit na pagmamahal ay mga birtud na mahalaga sa buhay. Kahit bago ka pa mag-asawa, magsumikap kang umunlad sa larangang ito. Gawing palagian ang pagkumpisal samantalang hinahangad mong maging katulad ni Cristo. Manalangin para sa mga birtud na ito; isagawa ang mga ito araw-araw – lalo na ang pagpapatawad.
Ang isang mabuting pag-aasawahan ay hindi kailanman umiiral sa labas ng isang mas malawak na pamayanan, kaya palibutan ang iyong sarili ng mga tagapayo sa iyong kasal – mga mag-asawa subók na ang pagsasama at nakaranas ng ilang bagyo ngunit lumalabas na mas malakas. Maaari kang humingi sa kanila ng payo at inspirasyon pagdumating ang mabuway na araw. Hindi kailangang lahat sila ay buhay: ang ilang dakilang santo ay nanirahan sa buhay-may-asawa, tulad nina San Louis at Zelie Martin, o Sta.Monica na naging isang dakilang santo dahil sa pinagdaanang mahirap na pag-aasawahan.
Ang inyong pagsasama ay sasalakayin – kinamumuhian ng Masama ang mabuting pag-aasawahan, sapagkat ang pag-aasawa ang pinakamalinaw na tanda ng Trinity dito sa lupa. Gaya nang ang Trinity ay isang nagbibigay-buhay na pamayanan ng pagmamahal, tulad ng tatlong Banal na Persona na nagbibigay ng kanilang sarili sa bawat isa para sa kawalang-hanggan, kaya ang mabuting pag-aasawahan ay dapat na nakikitang halimbawa dito sa lupa – dalawang taong ganap na ibinibigay ang kanilang sarili sa isa’t isa na nagbubunga ng bagong nilikha (mga anak). Kaya’t lubhang napupuot ang Diyablo sa pag-aasawahan. Ihanda ang iyong sarili sa espirituwal na pakikidigma, kung gayon. Kadalasan, ito ay isang natural na di-pagkakaintindihan lamang, na lumalala. Marahil, may isang maliit na di-pagkakasundo at sa isang iglap, ang pag-iisip ng diborsyo ay nagsisimulang mangulit ng iyong kaisipan; marahil ay agad kang matuksong mangarap ng iba matapos kayong ikasal; baka naman lubha kang abala sa ibang bagay para makipag-ugnayan sa iyong asawa.
Labanan ang mga pagsalakay na ito! Tulad ng nais sabihin ng Protestanteng manunulat na si John Eldredge, ang pag-aasawa ay napapasalooban ng dalawang tao na “magkatalikurang nakabunot ang espada.” Ang kaaway ay HINDI kailanman ang habangsamantalang ayo ay isang koponan, pinagbuklod ng mga panata at biyaya, ipinaglalaban ang inyong pagsasamang mag-asawa sa pakikibaka sa totoong kaaway, ang diyablo.
At madami tayong sandata! Ang mga Sakramento, ang Salita ng Diyos, panalangin, pag-aayuno… lahat ng ito ay dapat na maging regular na bahagi ng inyong pagsasama. Manatiling matiwasay na bibigyan ka ng Diyos ng biyaya upang maisabuhay ang iyong mga panata, ano man ang mangyari. Mapagbigay Siya sa mga taong mapagbigay sa Kanya; Tapat Siya sa mga taong tapat sa Kanya. Pag-aralan ang turo ng Simbahan tungkol sa kasal at pamilya, tulad ng encyclicals na Humanae Vitae at Familiaris Consortio, o ang “Theology of the Body” o “Pagmamahal at Pananagutan,” at ialinsunod ang iyong pagsasama dito sa magandang paningin sa kasal na pag-ibigan na iminumungkahi ng Simbahan.
Higit sa lahat, huwag sumuko! Minsan, nang ako ay nagtuturo ng isang klase sa relihiyon, isinama ko ang isang mag-asawa na higit na 50 taon nang kasal. Matapos silang magbigay ng isang mahusay na pagtatanghal tungkol sa kanilang pagsasamang mag-asawa, tinanong nila ang mga bata kung mayroon silang anumang nais itanong. Isang masulong sa pag-iisip na 12-taong-gulang na batang lalaki ang nagtanong, “Naisip nyo ba ang tungkol sa paghihiwalay?”
Madaming kaasiwaan sa loob ng silid. Nag-aatubili, nagwika ang maybahay, “Buweno, oo, may mga araw …” Ang asawa niya ay tumingin sa kanya ng may pagtataka at sumagot, “Talaga? Ikaw rin?”
Sila ay nagtiyaga – at umabot sila nang 50 taon. Ipinagdarasal ko na mangyari din ito sa iyong pagsasama!
Father Joseph Gill ay isang kapelyan ng mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado mula sa Franciscan na Pamantasan ng Steubenville at Seminaryo ng Mount Saint Mary. Si Father Gill ay nakapaglathala na ng maraming mga album ng Christian rock music (makukuha sa iTunes). Ang kanyang pasinayang nobela, “Days of Grace”, ay makukuha sa amazon.com.
Natatakot ka ba sa kamatayan? Ako man dati, hanggang sa madinig ko ang PhD na ito Nang bata pa, madalas kong mapansin na tila nakakaasiwang dumalo sa mga libing. Nagiging balisa ako na mag-isip sa matinding kalungkutan na bumabalot sa nagdadalamhating mga miyembro ng pamilya. Ngunit sa pandemya, ang balita ng mga kapitbahay, kamag-anak, parokyano, at mga kaibigan na nangamatay ay nagtulak sa akin na gumawa ng 180-degree na pagbabago sa aking pananaw sa kamatayan. Ang kamatayan ay mukhang di gaanong nakakatakot sa mga panahong ito. Ngayon, para itong masayang pagbalik sa bahay ng Ama matapos magawa ang Kanyang kagustuhan sa lupa. Ang tuluy-tuloy na pagtaas ng mga libing sa You Tube buhay na p g daloy kahit paano ay naging nakapagpapatibay na karanasan para sa akin. Ito ay nakatulong sa akin na maunawaan kung paanong napakawalang katiyakan ang buhay. "Walang mas tiyak kaysa sa kamatayan, ngunit walang mas hindi tiyak kaysa sa oras ng kamatayan." Samakatuwid, dapat tayong maging handa dahil ang kamatayan ay dadating tulad ng isang magnanakaw sa gabi. Si San Gregorio ay naglalahad na para sa ating kabutihan, itinatago sa atin ng Diyos ang oras ng ating kamatayan, nang sa gayon, tayo ay maging handa sa kamatayan. Kamakailan, habang pinaglilinayan ang pitong huling salita ni Hesus, nakinig ako sa isang mananalita na nangusap tungkol sa kahalagahan ng pagtamo ng isang “PhD,” na walang iba kundi ang “Paghahanda para sa Isang Maligayang Kamatayan”. Sa mas malalim na pananaliksik nito, natagpuan ko ang isang aklat na sinulat ni San Alphonsus Ligouri na pinamagatang Paghahanda sa Kamatayan. Ito ay isang dapat-mabasa ng sinumang nagsusumikap na mamuhay ng isang buhay Kristiyano. Napagtanto ko dito ang karupukan ng buhay sa lupa at kung paano tayo dapat magsikap na mabuhay para sa langit. Nais kong magbahagi ng ilang mahahalagang kabatiran na nagpabago sa aking pangkalahatang pananaw tungkol sa buhay at kamatayan. Lahat Ng Makamundong Kaluwalhatian Sa Ating Buhay Ay Maglalaho Sa oras ng kamatayan, ang lahat ng palakpakan, libangan, at karangyaan ay nawawalang parang ambon. Ang mga makamundong pagbubunyi ay nawawalan ng lahat ng kanilang ningning kapag sila ay binalikang-aral mula sa higaan ng kamatayan ng isang tao. Wala tayong makita kundi usok, alikabok, kapalaluan, at dalita. Kung kaya, iwasan natin ang paghahabol sa mga makamundong titulo, nang makamit natin ang walang hanggang korona. Ang oras na taglay natin ay napakaikli upang sayangin sa mga makamundong kapalaluan. Laging Pinagdidilihan Ng Mga Santo Ang Kamatayan Pinag-ingatan ni San Charles Borromeo ang isang bungo sa ibanaw ng kanyang mesa upang mapagnilay -nilayan niya ang kamatayan. Ang Banal na Juvenal Ancina ay may kasabihan na nakasulat sa isang bungo na "Kung ano ka ngayon, gayon ako nuon, kung ano ako ngayon, ikaw ay magkakagayon". Ang kagalang-galang na Caesar Baronius ay may mga salitang, "Alalahanin ang kamatayan!" sa kanyang singsing. Ang Tunay Na Kahulugan Ng ' Pag-aaruga-Sa-Sarili' Ang pag-aaruga-sa-sarili ay hindi tungkol sa pagpapalayaw sa ating sarili ng iba't ibang kakanin, pananamit, libangan, at senswal na kasiyahan ng mundo! Ang tunay na pagmamahal sa katawan ay binubuo ng pagpapahalaga nito nang may paghihigpit, sa pagbabawal dito ng lahat ng kaaliwan na maaaring humantong sa walang hanggang kalungkutan at dalita. Dalawin Natin Nang Madalas Ang Libingan Dapat tayong magtungo doon hindi lamang upang ipagdasal ang mga yumao, kundi gaya ng sabi ni San Krisostomo: "Dapat tayong magtungo sa libingan upang pagnilayan ang alikabok, abo, uod...at magbuntong- hininga." Ang bangkay ay nagiging dilaw muna, at pagkatapos itim. Pagkatapos ang katawan ay natatakpan ng isang puti, nakakarimarim na amag. Saka nito, bumubuo ito ng madikit na putik, na umaakit sa mga uod na kumakain sa laman. Matapos ubusin ang lahat ng laman, ang mga uod ay maglalamunán sa isa't isa. Sa bandang huli, walang natitira kundi isang maamoy na kalansay, na sa paglipas ng panahon ay nagkakapira- piraso. Masdan mo kung ano ang tao: siya ay isang maliit na alabok sa giikan, na tinatangay ng hangin. Ang Bukas Na Iyon Para Magkumpisal Ay Baka Hindi Na Dumating Paano kung ngayon na ang huling araw ko sa mundo? Kung nakagawa ako ng kasalanan ngayon at magpasiya na makipagkasundo sa Diyos bukas, ano ang mangyayari sa akin sa kawalang-hanggan? Gaano kadaming mga aba, yumaong kaluluwa ang maaaring dumaan sa gayong mga nakapanghihinayang na yugto?b Minsan ay sinabi ni San Camillus de Lellis, "Kung ang lahat nitong mga patay na katawan ay mangagsibuhay na muli, ano ang hindi nila gagawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?" Ikaw at ako ay may pagkakataong makagawa ng mga pagbabago. Ano ang ginagawa natin para sa ating mga kaluluwa? Ang ating kasalukuyang buhay ay isang patuloy na pakikidigma sa impiyerno kung saan tayo ay palaging nasa panganib na mawala ang ating mga kaluluwa. Paano kung nasa punto na tayo ng kamatayan ngayon? Hindi ba natin hihilingin sa Diyos na bigyan tayo ng isa pang buwan o isang linggo upang maging malinaw ang ating budhi sa Kanyang paningin? Ngunit dahil sa Kanyang dakilang awa, binibigyan tayo ng Diyos ng panahong iyon NGAYON. Magpasalamat tayo sa Kanya, sikaping matubos ang mga kasalanang nagawa, at magamit ang lahat ng paraan upang matagpuang nasa estado ng biyaya. Kapag dumating si Ate Kamatayan, wala nang panahon para tubusin ang mga nakaraang kasalanan, dahil dadating siyang umaawit– “Magmadali, halos oras na ngayong lisanin ang mundo; magmadali, kung ano ang nagawa, nagawa na.”
By: Suja Vithayathil
MoreAng pag-aalis ng damo ay nakakapagod, ngunit ito ay isang magandang ehersisyo hindi lamang para sa iyong katawan kundi para din sa iyong kaluluwa! Pagkatapos ng maraming mga dahilan upang maiwasan ang paglilinis ng aking likod-bahay, kinailangan ko ng harapin ang katotohanan na kailangan ko na itong linisin nang husto. Ako ay masuwerte na ang aking asawa ay nasa mabuting kundisyon upang tumulong, kaya't magkasama naming, ginugol ang isang araw ng aming patlang sa Pasko sa pagbubunot ng mga hindi kaaya-ayang manlulusob. Hindi ko alam, na may banal na layunin ang ehersisyo. Habang sinisimulan kong gibain ang matitigas na yakka na naglakihan na ng husto gamit ang natitirang lakas mula sa mga pagtitipon sa kapaskuhan, pinupuno ako nito ng labis na kagalakan, bagaman hindi ito masyadong nakakatuwa sa simula. Isang Hindi Maiiwasang Paghaharap Habang masigasig kong hinuhugot at hinahagod ng kamay ko ang mga damo, ang pag-eehersisyo ay umakay sa akin na pag-isipan ang aking espirituwal na kalusugan. Gaano ako naging kalusog sa espirituwal? Nakaranas ako ng isang pagbabago sa buhay sa pakikipagtagpo ko kay Hesus, ako ay Nabinyagan sa Espiritu noong 2000, at nagkaroon ako ng maraming mapagpakumbabang mga pribilehiyo at pagkakataon na maging mas mabuting tao, sa pamamagitan ng pamumuno ng Banal na Espiritu. Maraming "aray" na mga sandali sa pag-unlad na naghamon sa akin na magsikap pa ng husto, hindi sa pagsisikap na gawing perpekto ang aking sarili (sapagkat walang bagay na perpekto dito sa lupa), ngunit oo, nagiging mas malapit ako sa kabanalan sa aking paglalakad kasama ang Diyos na posible araw-araw, hangga't sinusubukan ko. Ngunit talagang pinaghihirapan ko ba ang layuning ito? Nabawasan ang aking pokus sa panahon ng pandemya, dahil sa halip ay nalubog ako sa takot, pagkabalisa, kawalan ng katiyakan, dalamhati, at pangungulila para sa mga kaibigan at komunidad na nawalan ng mga mahal sa buhay, trabaho, ari-arian, at kapayapaan. Sa panahon ng aking pagpapaganda sa hardin, napaharap ako sa iba't ibang uri ng mga damo. Ang damo ay "isang halaman na nagdudulot ng pagkalugi sa ekonomiya o pinsala sa ekolohiya, nagdudulot ng mga problema sa kalusugan para sa mga tao o hayop, o hindi kanais-nais kung saan ito lumalaki." Isa-isa Nariyan ang Field Bindweed, isang matibay na pangmatagalang baging na binigyan ng maraming pangalan. Sinasabi ng Google na, sa kasamaang-palad, ang pagbubungkal at paglilinang ay tila nakakatulong sa pagkalat ng Bindweed. Ang pinakamahusay na kontrol ay maagang interbensyon. Dapat tanggalin ang mga punla bago sila maging pangmatagalan. Pagkatapos nito, kapag ang mga putot ay nabuo na, ang matagumpay na pagkontrol ay magiging mas mahirap na. Panginoon, ano ang nasa akin na katulad ng Bindweed? Ang pagmamalaki, pagnanasa, kasinungalingan, pagkakasala, pagmamataas, o pagtatangi? Pagkaraan, nariyan ang Quackgrass—isang gumagapang at patuloy na pangmatagalang damo na nagpaparami sa pamamagitan ng mga buto. Ang mahaba, magkakadugtong, na kulay straw na rhizome nito ay bumubuo ng isang mabigat na banig sa lupa, kung saan maaaring lumitaw ang mga bagong usbong. Pinapayuhan kaming hukayin ang mabilis na lumalagong damong ito sa sandaling makita namin ito sa aming mga hardin, siguraduhing mahukay ang kabuuan ng halaman (kabilang ang mga ugat) at itapon ito sa aming basurahan kaysa sa bunton ng pang - abono, dahil malamang na patuloy itong lalago sa huli! Panginoon, ano ang aking Quackgrass? Tsismis, inggit, malisya, selos, materyalismo, o katamaran? Ang susunod na damong ito ay talagang hindi ko gusto. Ang Canada thistle ay isang agresibo at gumagapang na pangmatagalang damo mula sa Eurasia. Pinamumugaran nito ang mga pananim, pastulan, pampang ng kanal, at tabing daan. Kapag ito ay nag-ugat, sinasabi ng mga eksperto na ang pinakamahusay na kontrol ay ang pag-diin sa halaman at pilitin itong gumamit ng mga nakaimbak na sustansya sa ugat. Gayunpaman, maniwala ka man o hindi, ang damong ito ay nakakain! Panginoon, ano ang Canada thistle ko? Alin sa aking mga kasalanan ang maaari kong baguhin at gawing mabunga ang mga resulta? Pagdidiin, pag-aalala, pagkabalisa, kontrol, labis na pagtitiwala, o pagiging sapat sa sarili? Ang mga nutsedges ay mga pangmatagalang damo na halos kahawig ng mga damo, ngunit ang mga ito ay mas makapal, mas matigas, at hugis-V. Ang pagkakaroon ng Nutsedge ay madalas na nagpapahiwatig na ang paagusan ng lupa ay mahina o may tubig. Gayunpaman, kapag naitatag, napakahirap kontrolin. Panginoon, ano ang aking Nutsedge, ang mga gawi na dapat bigyan ng babala sa akin na oras na upang ihanda ang aking sarili nang mas mabuti? Kakulangan sa panalangin, katamaran sa pag-aaral ng Iyong Salita, pagiging maligamgam sa pagbabahagi ng Mabuting Balita, kawalan ng habag at empatiya, kawalan ng pasensya, pagkamayamutin, o kawalan ng pasasalamat? Pagkatapos, mayroong mababang lumalagong Buckhorn Plantain. Sa mahabang ugat, maaari itong makatagal sa panahon ng tagtuyot at mahirap alisin sa pamamagitan lang ng kamay. Upang alisin ang damong ito, bunutin ang mga batang halaman at sirain ang mga ito bago maglabas ng mga buto ang mga halaman. Bilang huling paraan, maraming pampatay halaman ang epektibo. Panginoon, ano ang aking Buckhorn Plantain, ang mga umuugat at tumatangging umalis habang tumatagal ito? Nakakahumaling na pag-uugali, pagkamakasarili, katakawan, walang kabuluhan, pagkakautang, o mga tendensiyang nalulumbay at mapang-api? Ah, at ito—hindi ba natin sila matututunang mahalin! —Mga dandelion na may matingkad na dilaw na ulo sa tagsibol. Nagbibigay sila ng mahalagang mapagkukunan ng pagkain para sa mga bubuyog sa unang bahagi ng taon. Ngunit pagdating ng panahon, sasakupin din nila ang iyong hardin. Mayroon silang mga pinaka madamong katangian. Ang pag-aalis ng mga dandelion sa pamamagitan ng paghila gamit ang kamay o asarol ay kadalasang walang saysay maliban lang kung paulit-ulit na itong ginagawa sa loob ng mahabang panahon, dahil sa kanilang malalim na punong ugat na sistema. Panginoon, ano ang aking Dandelion, ang magkakaugnay na mga ugat na nagdadala ng mga bagong problema? Sobrang pagmamahal sa sarili, sobrang paggugol ng oras sa social media, mga laro, at mga video, negatibong pag-iisip, napakaraming dahilan, mga larong sisihan, pagpapaliban, o pagpapalugod sa mga tao? Hindi ba Masakit ang Pagpuputol? Sa katunayan, ang "mga damo" ay hindi likas na masama. Maraming mga damo ang nagpapatatag sa lupa at nagdaragdag ng organikong bagay. Ang ilan ay nakakain at nagbibigay ng tirahan at pagkain para sa mga hayop. Tunay na nagbigay ito sa akin ng malaking pag-asa—na magagamit ko at mababago ko ang aking mga kahinaan, masasamang gawi, nakatanim na pagkamakasalanan, at mga limitasyon sa mabuting paggamit sa pamamagitan ng paghingi sa Panginoon ng tulong at pagpapagaling, pagiging ganap na umaasa sa Kanya upang putulan ako at gamitin para sa Kanya at sa mga layunin Niya. Alam kong mahirap ang pagbabago, at ang ilang mahahalagang pagbabago ay magagawa lamang sa pamamagitan ng tulong ng Diyos. Kung taos-puso natng hahanapin ang Diyos at hihingi ng tulong sa Banal na Espiritu, ang ipinangakong tutulong, alam ng Diyos ang mga paghihirap na kinakaharap natin at hinihikayat tayong pumunta sa Kanya para sa karagdagang tulong na kailangan natin (Mateo 7:7-8; Hebreo 4:15- 16; 1 Pedro 5:6-7). Hindi ginagawa ng Diyos ang lahat ng gawain para sa atin, ngunit nag-aalok Siya ng tulong para maging mas epektibo tayo. Araw-araw ay isang bagong pagkakataon upang simulan ang prosesong ito ng pagbabagong-buhay, pagbabagong-lakas, at pagpapanibago. Isaalang-alang natin ito bilang isang hamon at kapaki-pakinabang na oras. Iwan na ninyo ang dating pamumuhay. Hubarin na ninyo ang inyong dating pagkatao, na napapahamak dahil sa masasamang pita. Magbago na kayo ng diwa at pag-iisip; at ang dapat makita sa inyo'y ang bagong pagkatao na nilikhang kalarawan ng Diyos, kalarawan ng Kanyang katuwiran at kabanalan. (Efeso 4:22-24).
By: Dina Mananquil Delfino
MoreBilang isang musmos na babae, ninais kong maging isang Superhero ngunit hindi nagtagal tinanggap ko na ito’y isang walang saysay na pangarap ng bata, hanggang… Noong ako’y isang bata, gumigising ako nang maaga sa mga Sabado ng umaga upang panoorin ang Sobrang - magkakaibigan—isang karikaturang samahan ng mga sobrang mga bayani na sinasagip ang mundo. Ninais kong maging isang sobrang bayani kapag malaki na ako. Hinaharaya kong ako’y nakatatanggap ng hudyat na may isang nangangailangan ng tulong at ako’y dagliang lilipad para sa kanilang pangangailangan. Lahat ng mga sobrang bayani na nakita ko sa TV ay nananatiling nakabalatkayo. Sa tanaw ng mundo, sila ay karaniwang mga kauring may nakaiinip na mga kabuhayan. Gayunpaman, sa panahon ng gipit, agad silang nagtitipon at nagpupulong sa pagsagip ng katauhan mula sa masasamang tao. Nang lumaki ako, napuna ko na ang mga sobrang bayani sa karikatura ay tauhang mga kathang-isip. Nilimot ko ang aking walang saysay na mga hakà… hanggang, isang araw, noong natagpuan ko ang totoong sobrang bayani na nagmulat sa aking mga mata. Ako’y paminsan-minsang daraan upang manalangin sa kapilya ng habang-panahon na pagsamba sa isang pampook na simbahan. Dahil kinakailangang mayroong manatili sa lahat ng panahon sa pagsamba ng Yukaristiya, mga boluntaryo ay nagsisipagtala para sa maiikling patlang. Sa dami ng aking mga pagdalaw, napansin ko ang isang matandang ginoong nasa upuang de gulong na nananatiling nananalangin nang maraming oras sa kapilya. Siya’y nag-aanyong may labinsiyam na gulang. Sa bawa’t kadalasan, siya’y huhugot ng iba-ibang mga bagay mula sa bag—isang Bibliya, rosaryo, o isang piraso ng papel na inaakala kong listahan ng mga dasalin. Nagtataka ako kung anong uri ng hanapbuhay na kanyang ginawa noong kabataan at nang malusog pa ang katawan. Kung anuman ang dati niyang ginagawa ay maaaring hindi kasing- halaga ng kanyang ginagawa ngayon. Naunawaan ko na ang itong ginoong nasa upuang de gulong ay gumagawa nang bagay na napakahigit na mahalaga kaysa sa pinakamarami sa atin na tumatakbo nang paligid. Ang mga sobrang bayani na nakabalatkayo ay nakakubli sa payak na paningin! Ito’y nangangahulugan na ako, mandin, ay maaaring maging sobrang bayani… ng pagdarasal. Tumutugon sa SOS Ako’y nagpasyang makisapi sa paghahalili ng pagdarasal sa simbahan, isang samahan ng mga tao na nakapagpangakong mamagitan sa pagdasal para sa mga iba nang palihim. Marami sa mga magigiting na nagdarasal ay matatanda. Ang ilan ay mga taong baldado. Ang ilan ay mga nasa kapanahunan ng buhay na sila’y nasa tahanan na lamang dahil sa iba’t-ibang dahilan. Nakatatanggap kami ng mga pagbibigay-alam sa email ng mga ngalan ng mga taong nakapaghiling ng mga dalangin. Tulad ng mga sobrang bayani sa mga karikatura na napanood ko noong nakaraan, tumatanggap kami ng hudyat kapag may isang nangangailangan ng tulong. Ang mga kahilingang ipapanalangin ay dumarating nang kahit kailan sa araw: Si Ginoong X ay nahulog sa akyatan at isinugod sa pagamutan. Si Ginang Y ay napag-alaman na may kanser. Isang apo ay nasangkot sa nabunggong sasakyan. Ang kapatid na lalaki ng isang ginoo ay nadukot sa Nigeria. Isang mag-anak ay nawalan ng kanilang tahanan sa buhawi. Ang mga pangangailangan ay marami. Ginagawa namin nang taimtim ang inaatas sa amin na tagapamagitan sa pananalangin. Humihinto kami sa kahit anumang ginagawa namin at magdarasal. Kami’y isang hukbo ng mga mandirigmang nagdarasal. Nilalabanan namin ang hindi makitang dahas ng kadiliman. Kaya naman, isinusuot namin ang buong bakal na pananggalang ng Diyos at lalaban nang may banal na mga sandata. Nagdarasal kami para sa kapakanan ng iba. Nang may sigasig at paglaan, patuloy naming isinasamo ang mga kahilingan sa Diyos. Ang Talab ng Bayani Nakadudulot ba ng kaibhan ang dasal? Sa bawa’t kadalasan, kami’y nakakukuha ng katugunan mula sa mga taong nakiusap ng dalangin. Ang lalaking dinukot sa Nigeria ay naibalik sa loob ng isang linggo. Marami ang nakaranas ng paglunas. Higit sa lahat, maraming tao ang nabigyang lakas at naginhawaan habang nasa dalamhati. Si Hesus ay nagdasal, at ipinagbago Niya ang mundo! Ang dasal ay bahagi ng Kanyang ministeryo ng paglunas, pag-adya at pagkaloob para sa mga nangangailangan. Si Hesus ay laging nakikipag-usap sa Ama. Manding tinuruan Niya ang kanyang mga alagad na magdasal. Ang dasal ay tutulutan tayo na maunawaan ang palagay ng Diyos at maihanay ang kalooban natin sa Kanyang Banal na kalikasan. At kapag tayo’y nagdarasal para iba, tayo’y nagiging kasama ni Kristo sa Kanyang ministeryo ng pag-ibig. Kapag iniaalay natin ang ating mga alalahanin sa makapangyarihan, may lahat ng karunugan, saanma'y matatagpuan na Diyos, magkakaroon ng palitan sa kapaligiran. Ang ating matapating dalangin, kaisa sa kalooban ng Diyos, ay makapaggagalaw ng mga bundok. “Sumasamo kami sa Iyo, Panginoon, na tulungan at ipagtanggol kami. Iadya Mo ang mga inaapi. Kaawaan Mo ang mga hamak. Itayo Mo ang mga nalugmok. Ilahad Mo ang Iyong Sarili sa mga salat. Lunasan Mo ang may-sakit. Akayin Mong pabalik yaong Iyong mga taong naligaw. Bigyan Mo ng makakain ang mga gutom. Buhatin Mo ang mahihina. Alisin Mo ang mga kadena ng mga bilanggo. Nawa ang bawa’t bansa ay matuntunan na malaman na Ikaw lamang ang Diyos, na si Hesus ay Iyong Anak, na kami ay Iyong mga tao, ang kawan na Iyong pinapastol. Amen.” (San Clemente)
By: Nisha Peters
MoreQ – Ang aking mag-anak ay may suliranin sa isa sa aking mga kapatid, at madalas na kailangan kong masalita tungkol sa kanya sa iba ko pang mga kapatid. Ito ba ay pagbubunton? Ito ba ày tsismis? Okay lang ba, o makasalanan? A – Pinapahalagahan ni Santiago ang mga hamon ng pagtimpi sa dila. Sa ikatlong kabanata ng kanyang Kalatas, isinulat niya, “Kapag nilagyan natin ng renda ang mga bibig ng mga kabayo upang sundin tayo, kaya nating ibaling ang kanilang buong katawan...Gayundin, ang dila ay isang maliit na bahagi ng katawan, ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan. Isipin kung paanong ang isang malawak na kagubatan ay napapalagablab ng isang maliit na kislap. Ang dila din ay isang apoy, isang daigdig ng kasamaan na kabilang sa mga bahagi ng ating katawan. Lahat ng uri ng hayop ay napaamo ng sangkatauhan, ngunit walang taong makakapagpaamo sa dila. Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito din ang ginagamit natin sa paglait sa taong nilalang kawangis ng Diyos. Sa iisang bibig nanggagaling ang papuri at sumpa. Mga kapatid, ito ay hindi dapat maganap. Maaari ba na ang kapwa tubig-tabang at tubig-alat ay umagos mula sa iisang bukal?" (Santiago 3:3-12). Ang Amerkanong punong-abala sa radio na si Bernard Meltzer ay minsang naglatag ng tatlong panuntunan sa kung dapat ba o hindi na tayo ay magsabi ng isang bagay tungkol sa ibang tao. Ito ba ay kinakailangan? Ito ba ay totoo? Ito ba ay malumanay? Ang mga ito ang tatlong mahahalagang katanungan! Kapag pinag-uusapan ang iyong kapatid na babae, kinakailangan bang malaman ng iba pang miyembro ng iyong pamilya ang tungkol sa kanyang mga pagkakamali at pagkukulang? Inihahayag mo ba ang katotohanang nilalayon o pinalalaki ang kanyang mga kahinaan? Ipinagpapalagay mo ba ang pinakamahusay sa kanyang mga layunin, o pinahihintulutan mong tuligsain ang mga negatibong motibo sa kanyang mga kilos? Minsan, isang babae ang nagtungo kay San Philip Neri at ikinumpisal ang kasalanan na tsismis. Bilang parusa, inatasan siya ni Fr. Neri na kumuha ng unan na puno ng mga balahibo at punitin ito sa ibabaw ng isang mataas na tore. Inakala ng babae na iyon ay isang kakaibang penitensiya, ngunit tinyoad niya ito at minasdan ang mga balahibo na lumipad sa apat na direksyon. Sa pagbabalik sa santo, tinanong niya kung ano ang ibig sabihin nito. Sumagot siya, "Ngayon, humayo ka at tipunin ang lahat ng mga balahibong iyon." Tumugon siya na hindi ito magagawa. Sumagot siya, “Gayundin ang mga salitang sinasabi natin. Hindi na natin sila maibabalik dahil ipinadala sila sa hangin sa mga lugar na hindi natin mauunawaan." Ngayon, may mga pagkakataon na kailangan nating ibahagi ang mga hindi magandang bagay tungkol sa ibang tao. Nagtuturo ako sa isang Katolikong paaralan, at kung minsan kailangan kong ibahagi ang ilang bagay tungkol sa pag-uugali ng isang mag-aaral sa isang kasamahan. Ito ay palaging nagbibigay sa akin ng pag-aalinlangan—ginagawa ko ba ito para sa mga tamang dahilan? Tunay bang ninanais ko ang pinakamahusay para sa mag-aaral na ito? Madaming ulit na nakikita ko ang aking sariling nasisisyahan na magbahagi ng mga kwento tungkol sa mga mag-aaral nanakakasira sa kanila, at kapag nasiyahan na ako sa kanilang mga kasawian o masamang pag-uugali, sa sandaling iyon, tiyak na lumampas na ako sa linya tungo sa pagkakasala. May tatlong uri ng kasalanan na nakakasira sa karangalan ng ibang tao. Mayroong padalos-dalos na paghatol, na nangangahulugang napakabilis nating ipinapalagay ang pinakamasama tungkol sa pag-uugali o layunin ng isang tao. Pangalawa, mayroong paninirang-puri, na nangangahulugang pagsasabi ng mga di-mabuting kasinungalingan tungkol sa ibang tao. Pangwakas, ang panliliit ay ang pagsisiwalat ng mga pagkakamali o pagkukulang ng ibang tao nang walang mabigat na kadahilanan. Kaya, sa kaso ng iyong kapatid na babae, isang panliliit ba na ibahagi ang kanyang mga pagkukulang? Kaya lang, nang walang mabigat na kadahilanan. Matanong mo ang iyong sarili: kung hindi mo ibahagi ang kanyang mga pagkukulang, siya ba o ang isa pang tao ay mapipinsala? Kung hindi–at ito ay para lamang “magbunto”–samakatwid tayo ay tunay na nagpakasawa sa kasalanan ng paninira. Ngunit kung ito ay tunay na kinakailangan para sa ikabubuti ng pamilya, kung gayon matuwid na siya ay pag-usapan nang patalikod. Upang mapaglabanan ang mga pagkakasala ng dila, ipinapayo ko ang tatlong bagay. Una, ipamahagi mo ang magagandang bagay tungkol sa iyong kapatid! Ang bawat isa ay may mga mapantubos na katangian na maaari nating pag-usapan. Pangalawa, dasalin ang Pagpupuri isang magandang panalangin na lumuluwalhati at pumupuri sa Diyos, bilang kabayaran sa paggamit natin ng ating dila nang pasalungat. Panghuli, isaalang-alang kung paano natin nais na mapag-usapan. Walang sinuman ang magnanais na ipagparangya ang kanilang mga pagkakamali. Kaya, pakitunguhan natin ang ating kapwa nang may pagkahabag sa ating pananalita, sa pag-asang matatamo natin ang kawangis na kabaitan!
By: Father Joseph Gill
MoreAng pagsasabi ng 'Hindi' ay nangangahulugan ng paglubog sa kanyang pamilya sa isang madilim na butas ng pinansiyal na stress, ngunit ginawa niya ang matatag na hakbang na iyon ... Ako ay isang 31 taong gulang na Ex-Assistant Professor mula sa India. ‘Ex’ dahil ilang buwan na rin simula noong isuko ko ang titulong iyon. Pagkatapos makapagtapos ng kolehiyo noong 2011, ginugol ko ang susunod na apat na taon sa paghahanda para sa kursong Chartered Accountancy, ang katumbas ng paghahanda sa CPA. Napagtanto ko sa lalong madaling panahon na ang pagpapatuloy ko sa CA ay hindi ang aking tawag at ako ay nagtigil . Isang Pangarap na Natupad Ang pagsuko sa kung ano ang itinuturing ng marami na isang kumikitang karera ay maaaring mukhang isang kamangmangan, ngunit ang aking desisyon ay gumabay sa akin na makilala at kilalanin ang aking tunay na hilig, ito ay ang pagtuturo, isang bagay na pinangarap ko mula noong pagkabata. Matapos kong ilipat ang aking pagtuon sa isang propesyon sa pagtuturo, biniyayaan ako ng Diyos ng trabaho sa pagtuturo sa Primary Section ng isang kilalang paaralan. Kahit na nagturo ako sa paaralang iyon sa loob ng apat na taon, hindi ako kontento dahil ang pangarap ko noong bata pa ako ay maging isang Propesor sa kolehiyo. Sa awa ng Diyos, pagkatapos ng halos apat na taon ng pagtuturo, natanggap ko ang sertipikasyon na kailangan ko para mag-aplay para sa isang bukas na posisyon bilang Assistant Professor sa isang lokal na kolehiyo. Noong inalok ako ng trabaho, masayang natupad ko ang aking pangarap at pinagsilbihan ang mga pangangailangan ng aking mga estudyante sa loob ng dalawang taon bilang Assistant Professor. Mahirap na Pagpili Sa kalagitnaan ng aking ikatlong taon, sinimulan ng aming kolehiyo ang proseso ng akreditasyon na magkaloob ng isang 'Katayuan ng Kalidad' sa mga institusyon ng mas mataas na edukasyon. Bagama't ito ay isang mahaba, maingat na proseso na may masyadong mabigat na gawain, ang mga bagay ay nagpatuloy nang maayos sa simula. Ngunit sa bandang huli, pinilit kaming makibahagi sa hindi etikal na pag-uugali na lubhang nakabahala sa akin. Hinihiling sa amin ng administrasyon na lumikha ng mga pekeng rekord at idokumento ang mga aktibidad na pang-akademiko na hindi kailanman naganap. Ang aking reaksyon ay pagkainis—masigasig na gusto kong umalis sa aking trabaho. Gayunpaman, ang mga bagay ay hindi maayos sa bahay. Kami ay isang pamilya ng apat. Ang aking mga magulang ay hindi nagtatrabaho, at ang aking kapatid na lalaki ay nawalan ng trabaho. Dahil nag-iisang kumikita sa pamilya, mahirap isuko ang trabaho. Dahil sa pandemya, mahirap din maghanap ng ibang trabaho. Sa kabila ng lahat ng ito, kahit papaano ay nag-ipon ako ng lakas ng loob at nagsumite ng aking pagbibitiw. Ngunit tumanggi ang aking mga superbisor na tanggapin ito, nangako na hindi ko na kakailanganing gumawa ng mga maling dokumento at maaari pa nga akong magtrabaho mula sa bahay. Atubili, tinanggap ko ang mga tuntunin. Sa loob ng mga buwan, gayunpaman, muli akong hinilingan na idokumento ang isang akademikong seminar na hindi naganap. Sa bawat pagkakataon na nagpapakasawa ako sa gayong pang-aabuso ng tungkulin, pakiramdam ko ay ipinagkanulo ko ang Panginoon. Ibinahagi ko ang problemang ito sa aking mga espirituwal na tagapayo na humimok sa akin na talikuran ang trabahong ito na hindi lumuluwalhati sa Diyos. Pakikipagtagpo sa Kapalaran Sa wakas, nag-ipon ako ng lakas ng loob at sinabi kong 'hindi' sa aking mga superbisor. At ito ay isang MALAKING hindi. Sa halip na isumite ang nakatalagang gawain, isinumite ko ang aking pagbibitiw. Iniwan ko ang trabaho agad-agad at tinanggihan ang suweldo ko noong nakaraang buwan mula nang umalis ako nang hindi nagpapaalam. Sa pananalapi, ako ay bumulusok sa lubos na kadiliman. Umaasa ang pamilya ko sa kinikita ko. Ang kamakailang operasyon ng aking ina ay inubos ang ipon ng pamilya. Halos wala akong sapat para mabayaran ang mga gastusin sa susunod na buwan. Hindi ko alam ang gagawin ko. Hindi ko sinabi sa aking ama at kapatid na huminto na ako sa aking trabaho dahil hindi nila ito papayagan. Ginawa ko ang tanging magagawa ko—kumapit ako ng mahigpit sa Panginoon at umasa sa Kanyang lakas. Hiniling ko ang pamamagitan ni Mamma Mary sa pamamagitan ng patuloy na pagdarasal ng Santo Rosaryo. Lumipas ang mga araw at linggo, at wala akong natanggap na tawag para sa mga interbyu. Nagsimulang bumalot sa aking kaluluwa ang takot. Sa pagtatapos ng Setyembre, wala pa rin akong mga panayam na naka-iskedyul ng sinuman sa mga recruiter na aking nilapitan. Ako ay naging desperado. Isang Hindi Kapani-paniwalang Sorpresa Noong Setyembre 30, sa wakas ay nakatanggap ako ng tawag sa telepono mula sa isang International School na matatagpuan malapit sa aking tahanan na nag-aanyaya sa akin na makapanayam para sa isang posisyong magturo ng parehong kategorya ng mga paksang itinuro ko sa kolehiyo. Ito ay isang hindi kapani-paniwalang sorpresa. Ang Paaralan na ito, batay sa kurikulum ng IGCSE ng Cambridge University, ay nangangailangan ng antas ng kaalaman sa paksa na katumbas ng inaasahan ng undergraduate na kagawaran sa isang Indian University. Inalok ako ng posisyon at naisumite ang lahat ng kailangan ko para sa aking trabaho noong unang bahagi ng Oktubre 2021. At biniyayaan din ako ng Diyos ng mas mataas na suweldo kaysa sa kinita ko sa kolehiyo. Purihin ang Panginoon! Ngayon, kapag nagtatanong ang mga tao kung bakit ako umalis sa kolehiyo upang magturo sa isang mataas na paaralan, ibinabahagi ko kung gaano kahanga-hanga ang aking Diyos sa akin. Kahit na ang aking bagong posisyon ay isang mas mababang trabaho na may maliit na suweldo, tatanggapin ko pa rin ito nang may kagalakan alang-alang sa aking Panginoong Hesus. Sa aking pagbabalik-tanaw, napagtanto ko na ang mga makamundong titulo ay hindi mahalaga. Ang mahalaga ay mapanalunan natin ang walang hanggang korona. Bilang ang Sinasabi ng liham sa mga Hebreo, “At tayo'y…buong tiyagang magpatuloy sa takbuhing nasa ating harapan. ituon natin ang ating paningin kay Hesus, ang pinuno at tagapagsakdal ng ating pananampalataya” (12:1b-2). Ibinabahagi ko ang aking kuwento nang may kagalakan, hindi para siraan ang aking dating amo o para ipagmalaki na pinagpala ako ng Diyos dahil sa aking pagiging naging madasalin. Ang layunin ko ay ibahagi ang aking paniniwala na kapag gumawa tayo ng isang hakbang para sa Panginoon, gagawa Siya ng isang daang hakbang para sa atin. Kung sakaling matagpuan mo ang iyong sarili na hinihiling na ikompromiso ang mga utos ng Diyos ngunit natatakot ka na sa pagsasabi ng hindi ay magdadala ito ng negatibong kahihinatnan ng pang pinansiyal sa iyo at sa iyong pamilya, lakas-loob kong inirerekomenda, mahal kong mga kapatid, na ipagsapalaran mong tumalon sa kadiliman sa pananalapi para sa kapakanan ng Panginoon...at magtiwala sa Kanyang awa. Ang karanasan ng mga Banal, at ang sarili kong abang karanasan, ay tumitiyak sa akin na hindi tayo pababayaan ng ating Diyos.
By: Suja Vithayathil
MoreAng pag-inom, paninigarilyo at malayang paggawa ng anumang nais ko ay nag-iwan sa akin ng kahungkagan. Buong buhay ko, pinaulanan ako ng biyaya ng Diyos, kahit na hindi ako karapat-dapat. Lagi kong iniisip, “Bakit Panginoon? Ako ay isang hindi perpektong makasalanan." Walang pag-aalinlangan, palaging bumabalik ang isang sagot na nagpapatibay sa akin ng Kanyang pagmamahal sa akin. Ang Talaarawan ni Saint Faustina, ay naglalarawan ng Kanyang awa nang napakaganda, "Bagaman ang kasalanan ay isang kailaliman ng kasamaan at kawalan ng utang na loob, ang halagang ibinayad para sa atin ay hindi kailanman mapapantayan. Samakatuwid, hayaan ang bawat kaluluwa na magtiwala sa Pasyon ng Panginoon, at ilagay ang pag-asa sa Kanyang awa. Hindi ipagkakait ng Diyos ang Kanyang awa sa sinuman. Maaaring magbago ang langit at lupa, ngunit ang awa ng Diyos ay hindi kailanman mauubos.” (Diary of Saint Maria Faustina Kowalska,72). Hindi mabilang na mga karanasan sa biyaya at awa ng Ating Panginoon ang nagpabago sa aking pananampalataya at nagbigay-daan sa akin upang lumago sa mas malalim na pakikipagkaibigan sa Kanya. Mga Makamundong Paraan Sa lipunan ngayon, mahirap makahanap ng mga nasa hustong gulang o kabataan na nagsasagawa ng kanilang pananampalataya araw-araw. Malakas ang pang-akit ng materyal na mundo. Bilang isang 24 taong gulang, personal kong naranasan ito. Sa halos 8 taon, bilang isang kabataan at nasa hustong gulang, mas pinahahalagahan ko ang opinyon ng mundo kaysa sa Diyos. Kilala ako bilang isang babaeng mahilig sa kasiyahan—pag-inom, paninigarilyo, at malayang ginagawa ang anumang gusto ko. Lahat ng tao sa paligid ko ay nasa iisang bangka at nasisiyahan kami sa ginagawa namin kahit wala itong katuturan. Sa panahong ito ng aking buhay, nagsisimba pa rin ako tuwing Linggo ngunit hindi ko lubos na nauunawaan ang aking pananampalataya. Pinadadala ako ng aking mga magulang sa maraming retreat noong ako ay lumalaki. Bagama't palagi akong may mga kahima-himalang mga karanasan at pakikipagtagpo kay Jesus, nakahinang pa rin ako sa mga paraan ng mundo. Sa mga naging karanasan ko sa mga retreat ay naging mausisa ako tungkol sa aking pananampalataya ngunit hindi iyon nagtagal. Kalaunan magbabalik naman ako sa pakikipag-saya at pakikipag-inuman kasama ang aking mga kaibigan at kalilimutan ang lahat ng aking magagandang desisyon. Sa tingin ko, maraming mga taong kaedad ko ang may katulad na kuwento. Kinailangan ko ng humigit-kumulang na 8 taon bago ko napagtanto na may higit pa sa buhay kaysa sa materyal na kasiyahan at sa biyaya at tulong ng Diyos nagawa kong talikuran ang mga paraan ng mundo at hanapin Siya sa lahat ng bagay. Sa wakas ay natagpuan ko ang katuparan sa Kanya dahil nagbibigay Siya ng kagalakan na walang hanggan, hindi panandalian. Gayunpaman, bago ko tuluyang talikuran ang mga makamundong kasiyahan, sinubukan kong manatili ang isang paa sa mundo habang sinusubukang manatili sa landas na inilatag ng Panginoon para sa akin. Natuklasan ko na ito ay isang akto ng pagbabalanse na hindi ko kayang pamahalaan. Paggaling Sa una, inakala ko na maganda ang aking ginagawa sa aking paglalakbay sa aking pananampalataya at tuluyang nag-aral patungo sa isang degree sa Teolohiya. Bagaman, noon pa man ay mas nakatuon ako sa aking sarili kaysa sa pakikipagrelasyon sa mga lalaki, sinisikap kong gawing pangunahing priyoridad ang aking relasyon sa Diyos. Gayunpaman, hindi ko isinuko ang aking pagkahilig sa alak, mga droga at pamumuhay ng pakikipagsaya. Ang isang bagong relasyon ko sa isang lalaki ay nagsimulang yumabong nang mabilis at nagsimula kaming maging sekswal na magkaibigan bagaman alam kong ito ay isang bagay na hinihiling sa akin ng Diyos na talikuran. Ang alak at mga droga ay nakatulong sa akin na maging mapurol sa katotohanan na ako ay nabubuhay pa rin sa kasalanan at miserableng natatalo sa pagdaig ng aking mga tukso. Ngunit, sa Kanyang awa, binigyan ako ng Panginoon ng isang nakagigising na pangyayari. Sa pangalawang pagkakataon ng aking pakikipagtalik sa lalaking ito, bigla akong sinaksak ng matinding sakit. Bagaman, Bisperas ng Pasko noon, nagpunta ako sa ER kung saan natuklasan nila na ang cyst ay pumutok sa panahon ng pakikipagtalik. Inirekomenda nila na magpatingin ako sa aking OB/GYN na doktor sa lalong madaling panahon, ngunit dahil sa pista ng Pasko at katapusan ng linggo, gumugol ako ng ilang araw sa sakit bago ako nakakuha ng appointment. Nagsagawa pa siya ng mga karagdagang pagsusuri para malaman kung bakit ako ay nakakaramdam pa rin ng sakit at sabi niya sa akin ay tatawagan niya ako sa sandaling malaman ang mga resulta. Noong Bisperas ng Bagong Taon, nagtagal ako sa simbahan, pumunta sa Misa at nagdarasal sa harap ng Ating Panginoon sa tabernakulo. Nakaramdam ako ng sobrang kahihiyan at hindi karapat-dapat, at ang sakit ay walang tigil. Nasasaktan ako sa loob at labas. Inilabas ko ang aking telepono para basahin ang isang sipi mula sa Bibliya at nakita kong may nakaligtaan akong tawag mula sa opisina ng aking doktor, kaya lumabas ako para tumawag pabalik. Sinabi sa akin ng nurse na noong sinuri nila ako para sa Sexually Transmitted Diseases, nagkaroon ako ng positibong resulta para sa gonorrhea. Nakatayo ako doon na gulat na gulat, hindi ko alam kung ano ang sasabihin, kaya kinausap ko ang nurse na ulitin ang sinabi niya. Parang hindi pa rin ito totoo, ngunit sinabi niya sa akin na magiging okay ang lahat kung pupunta lang ako para sa isang iniksyon. Mawawala na ang lahat. Pabagsak akong bumalik sa isang upuan, umiiyak at sumisigaw ang aking puso sa Diyos sa pagsisisi para sa aking mga aksyon, kalungkutan para sa mga kinahinatnan at ginhawa na maaari itong gumaling. Paulit-ulit akong nagpasalamat sa Kanya at nangako na magbabago at magbabalik loob. Pagkatapos kong matanggap ang iniksyon, nadismaya ako dahil sa sobrang sakit pa rin na nararamdaman ko. Kailan kaya ito tuluyang mawawala? Pagkatapos ng isa pang araw na pagsusumiksik ko sa bahay sa sakit, naiinip ako sa paghihintay na mawakasan ang paghihirap na ito, nadama ko ang Banal na Espiritu na hinihikayat ako na manalangin para sa paggaling ko habang nakikinig ako sa kantang “House of Miracles” ni Brandon Lake. Sa bahagi ng kanta kung saan nagsisimula ang panalangin ng pagpapagaling, nadama kong dinaig ako ng Espiritu Santo na lumalapit sa akin. Ang aking mga kamay na nakataas sa hangin upang purihin ang Panginoon, ay dahan-dahang nagsimulang gumalaw papunta sa aking ibabang tiyan sa utos ng Panginoon. Habang nakapatong ang aking mga kamay roon, paulit-ulit akong nanalangin para sa paggaling at nagsumamo sa Diyos na bigyan ako ng lunas mula sa sakit na ito. Nagsimula akong sunod - sunod na nanalangin sa mga wika. Nang matapos ang panalangin at natapos ang kanta, naramdaman kong may pisikal na umalis sa aking katawan. Hindi ko maipaliwanag nang buo, ngunit naramdaman kong may isang bagay na kahima - himala na naglilinis sa aking katawan. Idiniin ko ang aking tiyan kung saan naroon ang lahat ng sakit, ngunit wala ni isa mang kirot ang nanatili. Ako ay natigilan dahil mula sa matinding sakit ay biglang nawala ang lahat ng sakit sa pagitan lang ng isang kanta at nakaramdam ako ng labis na pasasalamat sa ginawa ni Jesus para sa akin. Inisip kong babalik ang sakit, ngunit hindi ito nagbalik. Sa buong araw na iyon ay hindi kailanman ako nakaramdam ng anumang sakit at sa mga sumunod pang mga araw, at alam kong sa sandaling iyon ay pinagaling ako ni Jesus. Naranasan ko nang gumaling sa aking buhay noon sa pisikal at sa loob, ngunit ito ay naiiba. Bagama't naramdaman kong hindi ako karapat-dapat na tanggapin ang Kanyang pagpapagaling dahil idinulot ko ang karamdamang ito sa aking sarili, pinuri at pinasalamatan ko ang Diyos sa pagpapakita sa akin ng gayong awa. Sa sandaling iyon, naramdaman kong binalot akong muli ng mahabaging pag-ibig ng Diyos. Pagbabago Nabubuhay tayo sa isang makasalanang mundo, at lahat ay nagkukulang sa Kanyang plano para sa ating buhay sa ilang panahon at sa iba't ibang paraan. Gayunpaman, hindi tayo hinahatulan ng Diyos para manatili sa ating kasalanan. Sa halip, naghihintay Siya nang may kasamang biyaya at awa upang tayo'y ibalik at gabayan pabalik sa Kanya. Siya ay matiyagang naghihintay na may bukas na mga bisig. Naranasan ko na ito ng maraming beses. Kapag inaanyayahan ko Siya na samahan ako kapag ako ay nagdadalamhati at sa aking pagkabigo, binabago Niya ako, pinalalakas ang aking pananampalataya at tinutulungan akong maunawaan Siya nang mas malalim. Ang mundo ay may maraming mga paggambala kung saan maaari tayong makahanap ng pansamantalang kasiyahan, ngunit si Jesus lamang ang makakapagbigay ng tunay na kasiyahan, kabuuan, at walang hanggan. Walang halaga ang pakikisalu-salo, alak, droga, pera o pakikipagtalik ang makakatumbas sa kung ano ang maibibigay Niya sa bawat isa sa atin. Natutunan ko sa pamamagitan ng mapait na karanasan na ang tunay na kagalakan ay matatagpuan lamang sa ganap na pagsuko at pagtitiwala sa Kanya sa lahat ng bagay. Kapag sinusuri ko ang aking mga intensyon sa pamamagitan ng lente ng Kanyang pag-ibig, nasusumpungan ko ang tunay na kaligayahan at nagdudulot ng kaluwalhatian sa Diyos sa pamamagitan ng pagbabahagi ng Kanyang pagmamahal.
By: Mary Smith
MoreTanong: Gusto kong magsimulang magbasa ng Bibliya, ngunit hindi ko alam kung saan magsisimula. Babasahin ko ba ito nang diretso, tulad ng isang nobela? Dapat ko bang buksan sa isang hindi pinipiling pahina at simulan ang pagbabasa? Ano ang mairerekomenda mo? Sagot: Ang Bibliya ay isang makapangyarihang lugar para makatagpo si Hesus! Tulad ng sinabi ni San Jerome, "Ang kamangmangan sa Kasulatan ay kamangmangan kay Kristo." Kaya, dapat kang papurihan sa pagnanais na gawin itong bahagi ng iyong espirituwal na buhay! Sa unang sulyap, ang Bibliya ay maaaring mukhang mahirap gamitin, puno ng magkakahiwalay na mga kuwento, mahabang talaangkanan, mga batas at propesiya, tula at mga awit, atbp. Inirerekomenda ko ang dalawang paraan ng pagbabasa ng Bibliya. Una, huwag basahin ang Bibliya mula sa simula hanggang sa wakas, dahil ang ilang mga libro ay mahirap halungkatin! Sa halip, gamitin ang "The Great Adventure Bible Timeline" ni Dr. Jeff Cavins para mabasa mo ang lahat patungo sa kabuuan ng pangkalahatang kuwento ng Istorya ng Kaligtasan—ang kuwento kung paano at ano ang ginawa ng Diyos sa buong kasaysayan ng tao, nagsimula sa Paglikha, at upang iligtas tayo mula sa ating mga kasalanan. Nilikha ng Diyos ang mundo na mabuti, ngunit ang mga tao ay nahulog sa pamamagitan ng orihinal na kasalanan at nagdala ito ng kasamaan sa mundo. Pero hindi tayo pinabayaan ng Diyos. Sa halip, nakipag-ugnayan siya sa atin, sa pamamagitan ng tinatawag na mga tipan, at sa pamamagitan ni Abraham, Moises, at David. Itinuro Niya sa atin kung paano natin Siya susundin sa pamamagitan ng Batas, at tinawag tayo pabalik sa katapatan ng Kanyang mga pangako sa pamamagitan ng mga propeta. Sa wakas, ipinadala ng Diyos ang kanyang anak, na si Jesus, bilang tiyak na solusyon sa pagkasira, sakit, at dalamhati ng tao na dulot ng kasalanan. Sa pamamagitan ng Kanyang buhay, kamatayan, at Pagkabuhay na Mag-uli, ipinagkasundo tayo ni Jesus sa Diyos para sa magpakailanman, at itinatag ang Kanyang Simbahan upang dalhin ang kaligtasang iyon hanggang sa dulo ng mundo. Sinasabi ng Bibliya ang kamangha-manghang kuwentong ito ng Kasaysayan ng Kaligtasan sa iba't ibang bahagi ng iba't ibang aklat. Ginagabayan ka ni Dr. Cavins’ Timeline sa mga aklat at kabanata na dapat mong basahin upang maunawaan ang buong kuwento, mula kay Adan hanggang kay Jesus. Ang isa pang mahusay na paraan ng pagbabasa ng Bibliya ay tinatawag na lectio divina. Ang "sagradong pagbasa" na ito ay nag-aanyaya sa iyo na kumuha ng isang maliit na sipi at hayaan ang Diyos na magsalita sa iyo sa pamamagitan nito. Maaaring pinakamahusay na magsimula sa isang sipi mula sa mga Ebanghelyo o mula sa mga liham ni San Pablo—maaaring 10-20 talata. Ang proseso ng Lectio Divina ay nagsasangkot ng apat na hakbang: Lectio (Pagbasa): Una, manalangin sa Espiritu Santo. Pagkatapos, basahin ang sipi ng isang beses nang dahan-dahan (malakas, kung kaya mo). Tumutok sa anumang salita, parirala, o larawan na kapansin-pansin para sa iyo. Meditatio (Pagninilay): Basahin ang talata sa pangalawang pagkakataon, at tanungin kung paano nakikipag-usap ang Diyos sa iyo sa pamamagitan ng salita, parirala o imahe na namumukod-tangi. Sa paanong paraan ito nalalapat sa iyong buhay? Oratio (Panalangin): Basahin ang talata sa pangatlong beses, at kausapin ang Diyos tungkol sa salita, parirala, o larawang nakabighani sa iyo. Ano ang inihahayag nito tungkol sa Diyos? Hinihiling ba Niya sa iyo na magbago bilang tugon sa Kanyang salita? Gumawa ng isang resolusyon para maging mas tapat ka sa Kanya. Contemplatio (Pagninilay): Umupo nang tahimik sa presensya ng Diyos. Bigyang-pansin ang anumang mga salita, larawan, o alaala na maaaring lumitaw sa iyong mga isipan—ganito ang pakikipag-usap ng Diyos sa katahimikan. Gamitin ang pamamaraang ito araw-araw upang maging daan ito sa pamamagitan ng isang ebanghelyo o sulat ni Pauline. Malalaman mo na bibigyan ka ng Diyos ng mga pananaw at karunungan na hindi mo inakala na maaari mong makamit. Pagpalain nawa ng Diyos ang iyong pagsisikap na makilala Siya sa pamamagitan ng Kanyang Salita! Binabasa mo man ito upang maunawaan ang Kasaysayan ng Kaligtasan at kung paano gumawa ang Diyos sa nakaraan o nananalangin kasama ng Banal na Kasulatan sa pamamagitan ng Lectio Divina upang malaman kung paano gumagawa ang Diyos sa kasalukuyan, ang Salita ng Diyos ay buhay at mabisa, at maaari nitong baguhin ang iyong buhay!
By: Father Joseph Gill
MoreTanong: Ako’y napakalapit sa aking babaeng kapatid, ngunit kamakailan lamang, sinabi niya sa akin na huminto na siyang isabuhay ang pananampalataya. Isang taon na siyang hindi dumalo ng misa, at sinabi niya sa akin na hindi na niya matiyak kung ang Katolisismo ay totoo. Paano ko siya matutulungang ibalik ang sarili niya sa Simbahan? Sagot: Ito ay isang karaniwang kalagayan na matatagpuan sa maraming pamilya. Kapag ang mga magkakapatid, mga anak, o mga kaibigan ay lumisan ng Simbahan, nasasaktan ang mga puso ng mga nagmamahal sa kanila. Ako’y may dalawang kapatid na hindi na isinasangkatungkulan ang pananampalataya, at ito’y nakapamimighati sa akin ng lubos. Ano ang gagawin tungkol dito? Ang una at ang pinakamagaan (ngunit hindi nangangahulugang pinakamadali) na sagot ay ang dasal at pag-aayuno. Bagama’t magaan, ito ay masidhing mabisa. Sa huli, ang biyaya ng Diyos ang nakapagsasanhi sa kaluluwa na magbalik-loob sa Kanya. Kaya bago tayo magsalita, kumilos, o gumawa ng ano pa man para sa isang naliligaw na tupa, dapat tayong magsumamo sa Diyos na palamlamin ang kanyang puso, liwanagin ang kanyang isip, at punuin ang kanyang kaluluwa ng dampi ng Kanyang pagmamahal. Magpatulong sa iba na makipagdasal at makipag-ayuno sa iyo para sa pagbabago nitong kaluluwa. Kapag tayo'y nakapagdasal na, dapat tayong magpakita ng saya at kabaitan. Si San Francisco de Sales, na madalas na tawaging “Ang Maginoong Santo” dahil sa kanyang dakilang kagandahang-loob, ay nagsabi, “Maging mahinahon hangga't maaari, at alalahanin na makahuhuli ka ng mas maraming langaw sa isang kutsarang pulòt kaysa sa isang daang bariles na sukà.” Napakaraming tao ang gumagawi patungo sa paninisi at pagpaparatang kapag sinusubukang ibalik muli ang nawawalang kaluluwa. Ngunit dapat nating hangarin na maging tagasunod ni Kristo bilang isang kasiyahan, at hindi bilang katungkulan lamang! Kung totoong Siya ang ating buhay, ating galak, ang Kanyang saya ay dapat magningning sa ating buhay. Ito ay makapagkakayag ng mga kaluluwa kahit di man banggitin ang ngalan ni Jesus, pagkat ang saya at kabaitan ay sukdulang kaakit-akit. Sa katapusan, tulad ng winika ng isang Pranses na Heswita na si Pierre Teilhard de Chardin, “Ang ligaya ay tanda ng walang pagkakamaling pag-iral ng Diyos!” Isang may malapit na kaugnayan dito ay ang tanong: Isinasabuhay ba natin ang ating pananalig na sumasalungat sa makabagong kalinangan? Kung ang buhay natin ay walang kaibhan sa makamundong kultura, ngayon ay dapat nating tanungin kung tayo’y tunay na mabibisang saksi sa nakapagbabagong kapangyarihan ni Kristo. Kapag tayo’y walang humpay na pinag-uusapan ang ating mga ari-arian, o hindi nararapat na kalakip sa papuri o sa ating hanapbuhay, o kung malaya tayong makipagtsismis o manood ng mga walang kabuluhang palatuntunan, hindi tayo maaaring makapagpukaw ng kahit sino upang tumalima kay Kristo. Ang mga sinaunang Kristiyano ay labis na matagumpay sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sapagkat ang buhay nila ay sukdulang puno ng kaibhan sa mapagpalayaw na kultura na kanilang tinitirhan. Tayo ay nakatira pa rin sa mapagpalayaw na pangkasaluyang-Kristiyanong kultura, at ang ating buhay ay patas na makakatindig ng mahusay kapag isinasabuhay natin ang ating pananampalataya ng buong katapatan. Mahalaga din na ikaw ay makipag-usap sa iyong babaeng kapatid. Maaaring siya ay nagpagalagala dahil nagkaroon siya ng di-kanaisnais na karanasan sa pakikitungo sa pari, o maaaring siya ay nagkaroon ng maling pagkaunawa hinggil sa isang bagay na itinuturo ng Simbahan. Maaari din na siya'y nakikipaghamok sa isang sala sa sarili niyang buhay, at ang kanyang pagliban sa simbahan ay nagsimula sa isang budhi na hindi mailagay sa katahimikan. Huwag kang maging mapagsanggalang, ngunit makinig ng matiyaga at sumang-ayon sa anumang tamang paliwanag na kanyang gawin. Kung siya ay nakahandang magtanong, maging handa ka sa mga kasagutan! Tiyakin na alam mo ang itinuturo ng Simbahan, at kung hindi mo alam ang sagot sa isa sa mga tanong, mag-alay ka ng karagdagang pagsisiyasat. Anyayahan mo siya na sumama sa iyo sa retreat o sa usapang pandiwa, kung siya ay handa para dito. Maaaring bigyan mo siya ng regalong aklat tungkol sa pananampalataya, o isang CD ng mabuting usapan na minsan mo nang narinig. Mag-alay ka na magsaayos para sa kanya upang makipagkita sa isang pari, kung siya ay papayag. Ito ay maaaring mapaglinlang, dahil ayaw mong maging mapilit, kaya gawin mo ang paanyaya na walang apurahan o kapanagutan. Sa wakas, magtiwala ka sa Diyos. Mahal Niya ang iyong kapatid higit pa sa maaaring magawa mo, at gagawin Niya ang lahat ng maaari upang siya’y magbalik-loob sa Kanya. Magmasigasig ka, habang nalalaman mo na ang bawat-isa ay kasalukuyang nasa lakbayang pandiwa. Ang iyong kapatid na babae ay maaaring maging katulad ni San Agustin, na naglagalag ng malayo ngunit naging isang Dalubhasa ng Simbahan. Mahalin mong tuwina ang iyong kapatid, at magtiwala sa Diyos na nagnanais na walang masasawi bagkus lahat ay makakamtan ang buhay na walang-hanggan.
By: Father Joseph Gill
MoreTunay, na sa anumang maibigay na sandali sa sinuman sa atin ay makakahanap tayo ng kahit isang libong napakagaling na mga dahilan upang maging malungkot. Ang ating buhay ay hindi kailanman naging eksakto sa paraang inaasahan natin. Ngunit kung mananatili tayo sa mga katotohanan - lumalaban sa tukso ng pagnanasa sa mga pantasya, kung saan tinitingnan natin ng may pananabik ang ilang mundo, ilang trabaho, ilang buhay maliban sa talagang pamumuhay natin - makikita natin na ang kaligayahan ay isang gawa ng kalooban. Ito ay isang pagpili. Sa monasteryo, ang mga matatandang monghe ay may isang kasabihan: "Ang mongheng iyon ay matagal ng tumitingin lampas sa pader." Ang isang hindi masayang monghe ay palaging nagbibigay sulyap sa labas ng monasteryo at sa buhay ng iba pang mga kalalakihan, at ginugunihin na sila ay nabubuhay sa glorya at walang katapusang kaligayahan. Ngunit nakatago sa Ebanghelyo ni Juan ang gamot sa tuksong iyon. Ang ika-siyam na kabanata ay nakatuon sa isa sa mga mas malamang na hindi bayani ng bibliya: isang lalaking ipinanganak na bulag. Siya ay isang malamang na hindi bayani hindi dahil sa siya ay bulag ngunit dahil sa takbo ng kwento, ipinakita niya ang kanyang sarili na isang tamad, matigas ang ulo, masuwayin, walang galang, at walang pitagan. Kinuwestiyon siya ng mga awtoridad hinggil sa kanyang malahimalang paggaling, sumagot siya ng, "Hindi ka nakikinig sa akin, o nais ninyong maging mga alagad niya?" Siya ay isang tunay na tuso , at ako ay kumbinsido na siya ay isang tinedyer. (Pagkatapos ng dalawampung taon sa silid-aralan, ipinagpalagay ko ang aking sarili na isang awtoridad sa katamaran, katigasan ng ulo, pagsuway, kawalang galang, at paggalang. Dagdag pa ... bakit pa sila pupunta sa kanyang mga magulang? At bakit pa kailangang ipahiwatig ng kanyang mga magulang na siya ay matanda na at may sapat na gulang upang magsalita para sa kanyang sarili. Gayunpaman, lumilitaw na si Jesus lamang ang tao sa kwento na hindi naiinis sa kanya. Ngunit ang batang ito ay may isang maituturing na pantubos na katangian - pantubos sa teolohikal na kahulugan ng salita. Maaaring siya ay walang galang at matigas ang ulo, ngunit naninindigan siya sa mga katotohanan. "Paano mo napabalik ang iyong paningin?" tanong nila sa kanya. "Hindi ko alam. Dinikitan niya ng putik ang aking mga mata at ngayon nakakakita na ako.” "Ngunit ang taong iyon ay isang makasalanan." "Siguro nga. Hindi ko alam. Dati akong bulag at ngayon nakakakita na ako. " "Ngunit wala kaming ideya kung saan nanggaling ang taong ito." "Wala akong pakialam? Dati akong bulag at ngayon nakakakita na ako! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo? " Pansinin na hindi siya nagpapahayag ng pananampalataya. At pagkatapos lamang ng walang tigil na pagtatanong sa wakas ay kinilala niya na ang taong ito ay si Jesus (kahit sino siya) at tiyak na nagmula sa Diyos. Ni hindi niya pinasalamatan si Jesus pagkatapos. Kailangang hanapin siya ni Jesus. "Naniniwala ka ba sa Anak ng Tao?" sabi ni Jesus. "Sino un?" Sabi ni Jesus, "Kausap mo siya." Ngayon nai-imagine ko na ang isang alternatiba sa pagtatapos ng kuwentong ito kung saan sinabi ng binatilyo, "Ay! Tama Maraming salamat sa lahat. Ngunit alam mo, marahil ay hindi ikaw ang talagang nagpagaling sa akin. Siguro nagkataon lang yun. Marahil ang aking pagkabulag ay pangkaisipan lamang mula pa sa simula. Marahil ay may isang bagay sa putik na iyon. Siguro mas mabuti kung pag-isipan ko muna ang tungkol sa bagay na ito sandali bago ako gumawa ng anumang mabilis na desisyon. " Ngunit tandaan: ang batang ito ay isang makatwiran. Para sa mas mabuti o mas masama, naninindigan siya sa mga katotohanan. Sinasabi sa atin ni Saint John na ang sinabi lamang niya ay, "Naniniwala ako, Panginoon," at sinamba Siya. Minsan tinanong ko ang aking baguhang maestro kung paano ko dapat malaman kung tinawag talaga ako ng Diyos para maging isang monghe ni Saint Louis Abbey. "Buweno," ang sabi niya pagkatapos ng ilang pag-iisip, "Wala ka sa ibang lugar." Narito ka at wala ka sa ibang lugar. Ito ay sapat na dahilan para sa kagalakan.
By: Father Augustine Wetta O.S.B
MoreAng buhay sa aking pamilya ay naging isang paglalakbay ng parehong kagalakan at kalungkutan. Ang pagmamahal at kagalakan ay madalas na natabunan ng pagkawala ng mga kaibigan, pagkabigo sa mga pagsusulit, pagbabago ng mga paaralan at mga problema sa pabahay. Naranasan ko ang matinding pagdurusa at kalungkutan sa buong pagsubok na ito, ngunit sa kabila nito, mananatili ako sa tulong ng Mahal na Ina na susuporta at aaliwin ako. Ang pagsisimula ng mataas na paaralan ay isang malaking pagbabago sa aking buhay. Marami sa aking mga kaibigan at kasamahan sa paaralan mula sa pangunahing paaralan ay lumipat sa iba pang mga mataas na paaralan kaya't kailangan kong subukang umangkop sa mga bagong tao at hanapin ang mga magiging kaibigan ko. Mayroong mas maraming trabaho at pagtatasa sa aking bagong paaralan, at ito ay mahirap nang walang malapit na kaibigan sa tabi ko. Sa paglipas ng mga buwan, naisip ko kung ang mga paghihirap at pagsubok na ito ay magtatapos na. Nanalangin ako sa Inang Maria para sa ginhawa sa mga panahong mahirap na ito at nagsimula sa isang pamamahinga na 'Do-It-Yourself' ni Fr Michael E. Gaitley na tinawag na "33 Days to Morning Glory" upang maghanda para sa pagtatalaga kay Maria. Ang bawat araw ng pamamahinga ay may kasamang araw-araw na pagbabasa mula sa mga santo. Naging inspirasyon ako ng mga pangunahing sipi mula sa mga katuruang Saint Louis De Montfort, Saint Maximilian Kolbe, Saint Teresa ng Calcutta at Pope Saint John Paul II. Ang librong ito ay nagpalalim ng aking relasyon kay Maria at nagtitiwala sa kanyang ina pag-aalaga habang ako ay sumasalamin sa aking binasa habang nagdarasal ako ng Rosaryo araw-araw. Ngayon, kapag natupok ako ng pagkabahala o pag-aalala, simpleng ipinagdarasal ko ang Rosaryo at ramdam ko ang nakakaaliw na kamay ng Inang Maria sa aking balikat. "Habang binibigkas ko ang Rosaryo, hawak ko ang kamay ng Banal na Ina. Matapos ang pagdarasal ng Rosaryo ay hinawakan ng Banal na Ina ang aking kamay ”(Pope John Paul II). Habang lumalalim ang aking pagmamahal at pagtitiwala kay Maria sa bawat araw ng pag-urong, hindi na ako nakaramdam ng lungkot at pag-iisa sa paaralan. Ang pagdarasal ng Rosaryo at iba pang mga panalangin kay Maria ay nagdala ng isang malaking pagbabago sa aking buhay espirituwal. Sa araw ng pagtatalaga, nagising ako ng maaga sa umaga upang ipanalangin ang pagdarasal ng pagtatalaga. Nang dumaan ang mga salita sa aking mga labi, bumubulusok ang aking puso ng labis na kagalakan at kaligayahan habang ako ay nasisiyahan sa kaalamang sa wakas ay nakalaan ako kay Maria. Marami sa atin, na nahaharap sa mga katulad na paghihirap sa ating buhay ay madalas na hindi sigurado tungkol sa kung ano ang gagawin o kung saan pupunta. Gawin natin ang opurtunidad na ito upang magtiwala sa pamamagitan nng Mahal na Ina . Kailangan nating tandaan na nakaranas si Maria ng maraming kalungkutan at paghihirap noong siya ay nasa lupa at maaaring maunawaan nang eksakto kung ano ang nararamdaman natin. Ang paghawak sa kanyang kamay at paghingi sa kanya na samahan kami sa aming mga pagdurusa ay maaaring humantong sa amin sa 'isang landas ng mga rosas at pulot.' Ipagdasal natin ang malakas na dasal na ito na humihingi ng tulong kay Maria sa mga paghihirap sa buhay: Ina ng Diyos at ating Ina, Ipagdasal mo kami sa Diyos, aming maawain na Ama, Upang ang matinding paghihirap na ito ay magtapos at ang pag-asa at kapayapaan ay maaaring muling magsimula. Amen.
By: Eva Treesa
MoreSuper-napakayaman, alam-ito-lahat, mahusay na ginagalang, makapangyarihang impluensya...ang listahan ay walang hanggan, ngunit ang lahat ng mga ito ay hindi mahalaga kapag ito ay tungkol sa katanungan ng kung sino ka. Sa simula ng 1960s, ang folk-rock grupo The Byrds ay nagkaroon ng isang napakalaking -tagumpay na tinatawag na Turn! Turn! turn! na adaptado mula sa ikatlong kabanata ng Eklesiastes. Natagpuan ko ang kanta na nakakatakot. Ito hinihikayat sa akin upang basahin ang buong Libro , na kung saan ako natagpuan na talagang kakaiba. Ito ay kamangha-manghang dahil, hindi tulad ng mga letra sa kanta natagpuan ko ang natitira, lalo na ang unang kabanata, na maging isang ‘Debbie Downer’, isang walang pagsalang paggamot ng mga kondisyon ng tao. Ang may-akda, Qoheleth, ay isang matanda na inilarawan sa sarili na nakakita ng na ng lahat , ginawa na ang lahat, at karanasan ang lahat ng ito. Siya ay may kasiyahan ng lahat ng buhay na maiaalok; siya ay super napakayaman, may napakaraming kaalaman, ay mahusay na tinatawag sa pamamagitan ng kanyang mga kasamahan, may kapangyarihan na mag-paikot sa loob ng buhay, at sa katunayan ay nagkaroon ng pag-aari ng bawat nilalang na maaaring dumating sa kanyang paraan. Ngunit, ganun paman sa lahat ng mga ito, siya ay dumating sa konklusyon na ito ay hindi mahalaga. Bakit hindi? Sa aking palagay na natutunan niya sa loob na kung sino ka ay higit na mahalaga kaysa sa kung ano ang mayroon ka. Ang dahilan ay relatibong malinaw—ang mga kalakal ng sanglibutan ay palaging magpapatuloy at mangabubuwal dahil sila ay panandalian , transitoryo, at may hanggan. Bago ka Paalisin Kung sino tayo ay isang isyu ng ating moral at espirituwal na katangian, isang bagay ng kaluluwa. Sa unang kabanata ng Simulas, ay ipinahayag sa atin na tayo ay ginawa sa larawan at katulad ng Diyos, na kung saan binubuo tayo na magkakasama sa tunay na Kaharian ng Diyos at buhay na walang hanggan. Sa simpleng salita, tayo ay kung sino tayo ay sa relasyon sa Dios, hindi sa kung ano ang ating mayroon. Kami ay, sa pangunahing kalagayan, espirituwal at relihiyon. Sa talinghaga ng Ebanghelyo tungkol sa mayaman na mangmang, nagpapahiwatig si Hesus ng katulad na punto ngunit mas mahigit pa. Sa makabuluhang paraan ay pinapahiya ni Hesus ang tao na nagbibigay ng kanyang katapatan sa kanyang kayamanan at kaligtasan, sa maling pagpapalagay na ang mga ito ay magdadala sa kanya ng kagalakan. Ang tao ay hindi lamang mayaman, ngunit ang kanyang kayamanan ay magpapalawak kapansin pansin dahil siya ay nagkaroon ng isang magandang ani. Ano ang ginagawa niya? Siya ay nagpasya na ihiwalay ang kanyang lumang barnas at bumuo ng mas malaki upang maglagay ng kanyang karagdagang kayamanan. Ang tao ay binuo ng kanyang buhay sa ilang mga pag-iisip: (1) ang mga kalakal ng mundo ay mahalaga; (2) ang maraming taon, isang pamumuhuhay na kinakailangan upang maunawaan ang kanyang mga ambisyon; (3) ang kanyang kayamanan ay magpapalaganap ng isang kahulugan ng kapayapaan at hindi pinaghihigpitan kasiyahan. Ibinigay ang mga pag sa alang alang , walang anoman ay nawawala. Sa halip, hangal na mayamang binata! Ang Salita na tinutukoy sa kaniya ng Dios ay nagpapahiwatig ng kanyang mga plano: “Ikaw na mangmang, sa gabi na ito ang iyong buhay ay hinihiling sa iyo, at ang mga bagay na iyong inihanda, sino ang mga ito?” (Lukas 12:20) Ang sinasabi ni Hesus sa kaniya ay hindi kinakailangan ng Diyos ang kanyang mga pag-aari, kundi ang kanyang buhay mismo – sino siya! At ang mga pangangailangan ay ginawa hindi sa malayo sa hinaharap ngunit dito, ngayon. Sa gabi na ito, ang iyong kaluluwa, iyong puso, iyong buhay ay kinakailangan sa iyo. “Sa gayo’y,” sabi ni Hesus, “sa mga naglalagay ng mga kayamanan para sa kanilang sarili ngunit hindi mayaman sa Dios.” (Lukas 12:21) Sa halip na ang "kagagalak ng buhay," sa makatuwid baga'y ang pagtitipon ng mga kayamanan sa sanglibutan, ipinapahayag ni Hesus sa kaniya ang pagbibigay ng kanyang buhay. “Hanapin ninyo ang Kanyang Kaharian, at ang mga bagay na ito ay ibibigay sa inyo.” (Lukas 12:31) Sa Katapusan Katotohanan Ginigiliw na mambabasa, ito ay ang pinka importante -mula sa simula na alinman-o pagpili: Ang aking mga mata ay sa Dios o sa mga kayamanan ng sanglibutan? Kung ang unang, pagkatapos ay kami ay buhay out aming tunay na karangalan ng pagiging tao. Gusto naming ibigin ang Diyos ng ating buong puso at kaluluwa at ng ating kapuwa bilang ating sarili dahil kami ay nakasalalay sa tunay na bagay. Tayoay magkakaroon ng tamang relasyon sa Diyos, sa ating kapuwa, at sa buong nilikha. Ang pagiging nakatuon sa mga kayamanan ng sanglibutan ay hindi maaaring matugunan ang pagnanais ng puso dahil hindi sila makapag-ibig sa atin, na kung saan ay pangunahing pangangailangan ng kaluluwa. Sa halip, ang obsesyon at pag kahaling na ito ay nagiging sanhi ng mas mataas na gutom at nagbibigay ng pag-anak sa isang pinakadakilang pakiramdam ng paghihirap. Malinaw na sinasabi, kung tinanggihan namin ang banal at transendenteng sa aming mga buhay, mangyayari sa atin ang pananampalataya ng ating eksistensya, ang pakiramdam ng walang kabuluhan at paghiwalay mula sa ating kapwa tao, malalim na kaluluwa, at kasalanan. ni Hesus na tumanggap ng isang realistang paningin sa kung paanong ang mga kayamanan ay maaaring magpakasamba sa ating mga puso at magbigay-daan sa atin mula sa kahalili ng ating tunay na kayamanan, na ang Kaharian ng Diyos na natupad sa Langit. Sa pamamagitan ng linya na ito, inihayag sa atin ni Santo Pablo sa kanyang sulat sa mga Colosas na “pagtatayo ang inyong mga isip sa mga bagay na nasa itaas, huwag kayong magtatayo ng inyong mga bagay sa ibabaw ng lupa.” (3:1-2) Ito ay, samakatuwid, mahalaga para sa amin sa pagsusuri kung ano ang ating tunay na gusto. Ang pag-ibig na nabuhay ayon sa Ebanghelyo ay pinagmulan ng tunay na kagalingan, samantalang ang paghahanap ng mga materyal na kayamanan at kalakasan ay madalas na nagmumungkahi ng kasiyahan, paghihirap, pag-aabuso sa iba, pagsasama-sama, at paghahari. Ang mga pagbabasa mula sa Eklesiastes, ang Ebanghelyo ni Lucas, at ang sulat ni Pablo ay lahat ay nagpapahiwatig sa katanungan: ‘Sino ako?’ na mahalaga ng walang hanggan higit pa sa kung ano ang mayroon ka. Ang mahalaga ay ikaw ay anak na minamahal ng Diyos, na nilikha upang maluwalhati sa pagibig ng Diyos.
By: Deacon Jim MC Fadden
MoreMay isang kalungkut-lungkot na pakahulugan ang Krus na, sa kasamaang-palad, nakahawa sa isipan ng madaming Kristiyano. Ito ay ang pananaw na ang madugong sakripisyo ng Anak sa krus ay "kasiya-siya" sa Ama, isang pagpapayapa ng isang Diyos na walang hanggang galít sa makasalanang sangkatauhan. Sa pagbasang ito, ang ipinako sa krus na si Hesus ay tulad ng isang bata na inihagis sa nagniningas na bibig ng isang paganong kabanalan upang pawiin ang poot nito. Ngunit ang talagang nagpapatunay sa kamalian ng baluktot na teolohiyang ito ay ang bantiog na sipi mula sa Ebanghelyo ni Juan: "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, na isinugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan" (3:16). Inihayag ni Juan na hindi dahil sa galit o paghihiganti o sa pagnanasa sa kabayadan kaya isinugo ng Ama ang Anak, kundi dahil mismo sa pag-ibig. Ang Diyos Ama ay hindi kung anong kalunus-lunos na pagka-Diyos na ang nalamog na pansariling karangalan ay kailangang maipanumbalik; sa halip, ang Diyos ay isang magulang na nag-aalab ng may pagkahabag sa Kanyang mga anak na napagala sa panganib. Kinamumuhian ba ng Ama ang mga makasalanan? Hindi, subalit napopoot Siya sa pagkakasala. .Nagkikimkim ba ang Diyos ng ngitngit sa mga hindi makatarungan? Hindi, subalit namumuhi ang Diyos sa kawalan ng katarungan. Kaya naman, isinusugo ng Diyos ang kaniyang Anak, hindi sa kagalakan na makita Siyang nagdudusa, kundi may-habag na itumpak ang mga bagay-bagay. Si San Anselmo, ang dakilang medieval na theologian madalas na di-matwid na sinisisi dahil sa malupit na theology ng kasiyahan, ay malinaw na malinaw sa bagay na ito. Tayong mga makasalanan ay tulad ng mga brilyante na nalaglag sa putikan. Nilikha ayon sa larawan ng Diyos, nadungisan natin ang ating sarili sa dala ng karahasan at poot. Ang Diyos, pag-angkin ni Anselmo, ay bibigkas lamang ng isang salita ng pagpapatawad mula sa langit, ngunit hindi nito malulutas ang problema. Hindi nito maibabalik ang mga brilyante sa dati nilang ningning. Sa halip, sa kanyang pagsinta na muling itatag ang kagandahan ng nilikha, bumaba ang Diyos sa putikan ng pagkakasala at kamatayan, iniakyat ang mga brilyante, at pagkatapos ay pinakintab ang mga ito. Sa paggawa nito, mangyari pa, kailangang madungisan ang Diyos. Ang paglulubog na ito sa dungis—ang banal na pakikipag-isa sa mga naliligaw—ay ang “sakripisyo” na ginagawa ng Anak para sa walang hanggang kasiyahan ng Ama. Ito ay ang sakripisyong nagpapahayag, hindi ng poot o paghihiganti, kundi ng pakikiramay. Sinabi ni Hesus na sinumang disipulo Niya ay dapat handang magpasan ng kanyang krus at sumunod sa Guro. Kung ang Diyos ay pag-ibig na hindi makasarili kahit na hanggang sa kamatayan, dapat tayong maging ganoong pag-ibig. Kung handang buksan ng Diyos ang sarili niyang puso, dapat handa tayong buksan ang ating puso para sa iba. Ang krus, sa madaling salita, ay dapat na maging mismong kayarian ng buhay Kristiyano.
By: Bishop Robert Barron
MoreBilang isang batang babae, ginawa ko kung ano ang lahat ng mga tinedyer ay subukan upang gawin – May pakiramdam ako na ako ay naiiba sa aking mga kasamahan. Sa isan lugar sa isang daan, napagisipan ko na ang aking pananampalataya ang aking pagkakaiba. Minasama ko ang aking mga magulang sa pagbibigay sa akin ng bagay na tio na naging pagkakaiba ko. Ako ay naging rebelde at nagsimulang pumunta sa mga kasayahan, disko at panggabihan grupohan. Hindi ako nais na manalangin pa. Gusto ko lamang ang buong kagalakan ng paglalagay sa paganda sa mukha, pag dadamit ng magara, nana naginiginip sa araw tungkol sa kung sino ay magkakaroon sa mga kasayahan, sayawansa buong gabi, at higit sa lahat, lamang 'makiayon doon. ' Ngunit, sa paguwi ko ng isang gabi, habang nakaupo sa kama na nagiisa , nakaramdam ako ako ng pangungulila sa aking kalooban. Namumuhi ako sa naging ako; ito ay isan kabalintuanan na hindi ko nagustuhan kung sino ako , at ganon paman hindi ko alam kung paamo magbago at maging sarili ko. Sa isa sa mga gabing ganoon, habang umiiyak na nagiisa, naalala ko ang simpleng kaligayahan na mayroon ako ng ako ay bata ng alam ko na ang Diyos at ang aking pamilya ay mahal ako. Noon, yun ang mahalaga. Kaya, sa unang pagkakataon sa tagal ng panahon ako ay nagdasal Umiyak ako sa Kanya and hiningi ko sa Kanya na ibalik ako sa dating kaligayahan. Parang binigyan ko Siya ng ultimatum na kapag hindi Niya ipinakita and sarili Niya sa susunod na taon, hindi na ako babalik sa Kanya. Ito ay nakakatakot na dasal, ngunit ito rin ay isang mabisa. Ito ay aking dinasal at nakalimutan ko na ng husto. Ako ay ipinakilala sa Nanal na Misyon ng Pamilya, isang pamayanan na tiraha, kunng saan ppumupunta para matuto ng iyong pananampalataya at mak ilala ang Panginoon. Mayroon araw away na dasal, buhay Sakramento , madalas na kumpisal, araw araw na pagro rosaryo at pagmamasid ng Banal na Oras. Naalalako na naisisp” Ito ay sobrang pagdarsal sa isang araw!” Sa puntong iyon, hindi man lang akong makapagbigay ng limang minute sa aking araw sa Panginoon Kahit paano, ako ay nagtapos na aplayan para sa Misyon. Bawat isang araw, ako ay nauupo sa pagdarasal sa harap ng Eukaristiya Panginoon at tinatanong Siya kung sino ako at kung ano ang layunin ng aking buhay. Dahan dahan ngunit sigurado, ipinkato sa akin ng Paninoon ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Mga Banal na Kasulatan at sap ag gugol ng oras sa katahimikan sa Kanya .Unti unti akong nakatanggap ng pag hilom ng sugat sa aking kalooban at lumago sa pagdarasal at relasyon sa Panginoon. Simula sa pagiging rebelde babaeng tinedger na nawala sa masayahing anak ng Panginoon, ako ay nagtungo sa isang ganap na pagbabago. Oo, gusto ng Panginoon na makilala natin Siya. Ipinakikita Niya ang Kanyang sarili sa atin dahil sinasagot Niya ng tapat kada isang dasal na itaas sa Kanya.
By: Patricia Moitie
MoreAng Kuwaresma ay palapit na. Nakadadama ka ba na mag-atubiling talikdan ang iyong mga kinagigiliwang bagay? Habang lumalaki, ako’y isang magulong bata na may kalakasang bibig at masidhing hilig sa musika. Isa sa aking pinakamaagang mga ala-ala ay ang magbukas ng radyo ng sarili ko at maririnig ang musika na mahiwagang lalabas mula sa yaong munting kahon. Ito’y tulad ng isang buong bagong mundo na bumukas para sa akin! Ang buong pamilya ko'y nakagiliwan ang musika, at madalas kaming umaawit, tumutugtog ng piyano, kumukuskos ng kudyapi, nakikinig sa awit na klasiko, o gumagawa ng aming sariling himig. Aking naaalala nang iniisip ko na ang buhay ay magiging napakabuti kapag mayroong isang malamyos na ponograma na naririnig sa paligid. Ipinasa ko itong paghilig sa musika sa aking mga anak. Bilang isang batang mag-anak, kami ay may mga awit sa halos bawa’t okasyon, kabilang ang aming mga panahon ng pagdarasal. Ngayon, lahat kami’y namumuno ng musika sa ilang hugis o ayos, at kasalukuyan akong naglilingkod bilang ministro ng musika para sa dalawang parokya. Ang musika ay pinanggalingan ng ligaya at buhay. Bagama't isang araw, tinamaan ako nang tuwiran sa gitna ng aking mga mata na ako’y napakahilig sa musika. Yaong Kuwaresma, tinigilan kong makinig ng musika sa sasakyan. Yaon ay isang kasukdulan para sa akin, pagka't lagi akong nakikinig sa musika habang nagmamaneho. Itong ugali ay isang bagay na mahirap na talikdan. Ito’y gaya ng isang kagyat na wala-sa-isip na kilos. Tuwing pagpasok ko sa aking sasakyan, ang kamay ko’y hahablot ng CD na maisasalang. Ngunit ako’y nagsumikap at sa wakas ay nasanay ko ang aking kamay na hindi hawakan ang anumang mga pindutan ngunit sa halip ay gawin ang tanda ng krus. Pagkaraka, pinalitan ko ang pakikinig sa musika ng panalangin, ng sadyang pagdarasal ng rosaryo. Yaon ay pitong taon nang nakalipas, at ako’y hindi na lumingon nang pabalik. Ako’y yumabong upang kilalanin ng dakilang utang na loob itong paghinto na kasama ang Diyos. Ang paghinto na kasama ang Panginoon ay nag-aalay sa atin ng puwang na kinakailangan nating lahat upang mawaglit mula sa panlabas na mga bagay at madugtong panloobang buhay. Ito’y nakatutulong na muling makamit natin ang kapayapaan. Ito’y nakatutulong sa atin na sumandig at makinig nang higit sa Diyos. Gunitain kung paano si San Juan Ebanghelista ay sumandig sa dibdib ni Hesus sa Huling Hapunan. Ngayon, harayain ang sarili mo na nakasandig nang napakalapit na maririnig mo ang pintig ni Hesus. Nais ng Diyos na tayo ay sumandig. Upang tayo’y makagawa ng lawak sa ating arawing kabuhayan na sasandig ang ating mga ulo sa Kanyang Kabanal-banalang Puso at matuto mula sa Kanya o payakang ibsan ang ating napapagal na mga kaluluwa. Bilang nagmamahal ng himig, palaging may tonong dumaraan sa isipan ko noon, at madalas, ito ay tunay na nakahihira. Ngayon, kapag ako’y may tono sa isip ko, hihinto ako at tatanungin ang Diyos kung Siya’y may isang bagay na ipinahihiwatig sa akin sa pamamagitan nito. Itong umaga, bilang halimbawa, nagising ako sa isang tono na kailanma'y hindi ko narinig, “Ako ay aawit ng mga awa ng Panginoon magpakailanman; ako’y aawit, ako’y aawit.” Ang Himig ay ang wika ng puso. Naniniwala ako na ang Diyos ay nalulugod sa ating pag-awit ng mga papuri sa Kanya at na Siya’y madalas na umaawit sa atin. Kaya, umaawit pa rin ako! Bagaman, aking nadarama na ako’y sadyang napagpapalà kung ang pag-awit ay patungo sa purok ng katahimikan, o kung anong nais kong tawagin na 'makagulugang katahimikan,' isang purok ng sukdulang kalapitan sa Panginoon. Sadyang pinagkakautangan ko ng loob itong tahimik na kinalalagyan pagkatapos matanggap ang Banal na Komunyon. Sa ating maabalahing mga buhay, ang makagawa ng paghinto kasama ang Panginoon ay kadalasang isang digmaan. Ang pagdarasal ng Rosaryo ay lubos na nakatutulong sa akin sa paghahamok na ito, na may gawang kahulugan pagka’t ang ating Banal na Ina ay isang tampok sa pagdidilidili. “lningatan ni Maria ang lahat ng mga ito, pinagbulaybulayan ang ito sa kanyang puso,” (Lukas 2:19). Iwinangis ni Hesus ang Kanyang Sarili para sa atin sa pagpapahalaga ng pagpaparoon sa katahimikan, gaya ng Kanyang malimit na pagpaparoon sa tahimik na luklukan upang makap-isa sa Kanyang Amang nasa Langit. Isang araw nitong nakaraang tag-init, habang nasa masikip na tabing-dagat noong isang muling-pagtitipon ng mag-anak, naratnan ko ang aking sarili na kinukulang sa pagdarasal ng Rosaryo at nangangamba. Ako’y nagnanasa ng tahimik na saglit na kapiling ang Panginoon. Ang aking anak na babae ay napunang ako’y wala sa sarili at mapagpahinang binanggit ito. Ako’y nagpasyang magbakasakali sa tabi ng laot nang mag-isa sa loob ng isang oras at naliwanagan ko na kapag ako’y pumasailalim ng tubig, mararatnan ko ang aking purok. Nagdasal ako ng Rosaryo habang lumalangoy yaong hapon at nanumbalik ang aking pagkapayapa. “Kung lalo tayong nagdarasal, lalo tayong magnanais na magdasal. Tulad ng isda na sa una ay lumalangoy sa ibabaw ng tubig, at pagkaraa’y susulong nang pailalim, at laging patungong higit na malalim, ang kaluluwa ay sumusulong, sumisisid, at nawawala ang sarili nito sa katamisan ng pakikipag-usap sa Diyos.”—San Juan Biano. Espiritu Santo, tulungan Mo kaming mahanap ang tahimik na panahon na labis naming kinakailangan, na sa gayo'y higit naming maririnig ang Iyong tinig at makapagpapahinga nang payak sa Iyong yakap.
By: Denise Jasek
More