Home/Makatagpo/Article

Oct 13, 2024 46 0 Erin Rybicki, USA
Makatagpo

Higit pa sa Rosas

Ang Hindi ko inaasahan noong sinimulan ko ang mabisang panalanging ito…

O Munting Therese ng Batang Hesus, mangyaring pumili para sa akin ng isang rosas mula sa hardin ng Langit at ipadala ito sa akin bilang isang mensahe ng pag-ibig.” Ang kahilingang ito, ang una sa tatlo na bumubuo ng ‘Padalhan moa ko ng Rosas ‘ Novena kay Saint Therese, ay kumuha ng aking atensyon.

Nag-iisa ako. Malungkot sa isang bagong lungsod, nananabik para sa mga bagong kaibigan. Nag-iisa sa isang bagong buhay ng pananampalataya, pananabik para sa isang kaibigan at huwaran. Nagbabasa ako tungkol kay Santa Therese, ang pangalan ko sa binyag, nang walang pagsubaybay sa kanya. Namuhay siya sa marubdob na debosyon kay Hesus mula noong siya ay 12 taong gulang at nagpetisyon sa Papa na pumasok sa monasteryo ng Carmelite sa edad na 15. Ang aking sariling buhay ay ibang-iba.

Nasaan ang Aking Rosas?

Si Therese ay puno ng sigasig para sa mga kaluluwa; nanalangin siya para sa pagbabagong loob ng isang kilalang kriminal. Mula sa nakatagong mundo ng kumbento ng Carmel, inilaan niya ang kanyang panalangin para sa pamamagitan ukol sa mga misyonerong nagpalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa malalayong lugar. Habang nakahiga sa kanyang higaan ng kamatayan, ang banal na madre na ito mula sa Normandy ay nagsabi sa kanyang mga kapatid na babae: “Pagkatapos ng aking kamatayan, magpapaulan ako ng mga rosas. Gugugulin ko ang aking Langit sa paggawa ng mabuti sa lupa.” Ang aklat na binabasa ko ay nagsabi na mula noong siya ay namatay noong 1897, pinaulanan niya ang mundo ng maraming grasya, himala, at maging ng mga rosas. “Baka padadalhan niya rin ako ng rosas,” naisip ko.

Ito ang pinakaunang Nobena na dinasal ko. Hindi ko masyadong inisip ang dalawa pang kahilingan ng panalangin—ang pabor na mamagitan sa Diyos para sa aking intensyon at marubdob na maniwala sa dakilang pag-ibig ng Diyos para sa akin upang magaya ko ang Munting Daan ni Therese. Hindi ko matandaan kung ano ang aking intensyon dahil sa wala kong pagkaunawa sa Munting Paraan ni Therese. Nakatuon lang ako sa rosas.

Sa umaga ng ika siyam na araw, nagdasal ako ng Nobena sa huling pagkakataon. At naghintay. Baka mag dadala ng rosas ang isang magbubulaklak ngayon. O baka uuwi ang asawa ko galing sa trabaho na may dalang mga rosas para sa akin. Sa pagtatapos ng araw, ang tanging rosas na tumawid sa aking pintuan ay naka-print sa isang kard na kasama ng isang pakete ng mga pagbating kard mula sa isang orden ng misyonaryo. Ito ay isang matingkad na pula, namagandang rosas. Ito ba ang aking rosas mula kay Therese?

Aking Hindi Nakikitang Kaibigan

Minsan, nagdasal ulit ako ng Padalhan mo ako ng Rosas Nobna. Laging pareho ang mga resulta. Ang mga rosas ay makikita ko sa maliit, na nakatagong mga lugar; Makaka-kilala ako ng isang taong nagngangalang Rose, makakakita ng rosas sa pabalat ng libro, sa likuran ng isang larawan, o sa mesa ng isang kaibigan. Sa kalaunan, naiisip ko si St. Therese sa tuwing may masisilip akong isang rosas. Siya ay naging isang kasama sa aking pang-araw-araw na buhay. Tinigilan ang Nobena, natagpuan ko ang aking sarili na humihiling sa kanyang pamamagitan sa mga pakikibaka sa buhay. Si Therese ay ang hindi ko nakikitang kaibigan.

Nabasa ko ang tungkol sa mas marami pang mga Santo, at namamangha ako sa kanilang mga iba’t ibang mga paraan na ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata ay namuhay ng may marubdob na pagmamahal sa Diyos. Ang pagkaalam sa konstelasyon na ito ng mga tao, na ipinahayag ng Simbahan nang may katiyakan na sila ay nasa Langit, ay nagbigay sa akin ng pag-asa. Sa bawat lugar at sa bawat buhay, kailangang mamuhay nang may kabayanihang kabutihan. Ang kabanalan ay posible kahit para sa akin. At may mga huwaran. Marami sila! Sinubukan kong gayahin ang pasensya ni Saint Francis de Sales, ang atensyon at banayad na paggabay ni Saint John Bosco para sa bawat bata sa kanyang pangangalaga, at ang kawanggawa ni Saint Elizabeth ng Hungary. Nagpapasalamat ako sa kanilang mga halimbawa na nakatulong sa akin. Mahalaga silang mga kakilala, ngunit mas higit si Thérèse. Dahil naging kaibigan ko siya.

Isang Panimula

Sa kalaunan, binasa ko ang The Story of a Soul, ang sariling talambuhay ni Saint Therese. Sa personal na patotoo na ito ako unang nagsimulang maunawaan ang kanyang Little Way. Iniisip ni
Therese ang kanyang sarili espiritwal bilang isang napakaliit na bata na may kakayahan lamang sa maliliit na mga gawain. Ngunit sinasamba niya ang kanyang Ama at ginawa ang bawat maliliit na bagay nang may malaking pagmamahal, at bilang isang regalo para sa Ama na nagmamahal sa kanya. Ang bigkis ng pag-ibig ay mas malaki kaysa sa laki o tagumpay ng kanyang mga gawain.
Ito ay isang bagong diskarte sa buhay para sa akin. Ang aking espirituwal na buhay ay nakahinto sa oras na iyon. Baka masimulan ito ng The Little Way ni Therese.

Bilang ina ng isang malaki at aktibong pamilya, ang aking kalagayan ay ibang-iba kay Therese. Siguro maaari kong subukang umpisahan ang aking mga pang-araw-araw na gawain na may parehong mapagmahal na saloobin. Sa kaliitan at tagong aking tahanan, gaya ng dating kumbento para kay Therese, maaari kong subukang gawin ang bawat gawain ng may pagmamahal. Bawat isa ay maaaring maging kaloob ng pagmamahal sa Diyos; at sa kalaunan ay pagmamahal para sa aking asawa, sa aking anak, sa kapitbahay. Sa ilang pagsasanay, bawat pagpapalit ng lampin, bawat pagkain na nilagay ko sa mesa, at bawat kargada ng labahan ay naging munting handog ng pagmamahal. Ang aking mga araw ay naging mas madali, at ang aking pagmamahal sa Diyos ay lalong lumakas. Hindi na ako nag-iisa.

Sa bandang huli, ito ay tumagal ng higit sa siyam na araw, ngunit ang pabigla-bigla kong paghiling ng isang rosas ay naglagay sa akin sa landas tungo sa isang bagong espirituwal na buhay. Sa pamamagitan nito, nakipag-ugnayan sa akin si Saint Therese. Hinila niya ako sa pag-ibig, sa pag-ibig na siyang pakikipag-isa ng mga Banal sa Langit, sa pagsasagawa ng kanyang “Munting Paraan” at, higit sa lahat, sa higit na pagmamahal sa Diyos. Sa bandang huli ay nakatanggap ako ng higit pa sa isang rosas!

Alam mo ba na ang kapistahan ni Saint Therese ay sa Oktubre 1? Maligayang kapistahan sa mga kapangalan ni Therese.

Share:

Erin Rybicki

Erin Rybicki is a wife, mother and epidemiologist. As a home educator with more than twenty-five years of experience, she has been a guest speaker at Michigan Catholic Home educators’ conference. She lives with her husband in Michigan, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles