Home/Makatagpo/Article

Jul 29, 2024 99 0 Ania Graglewska
Makatagpo

Nakakalakad ka na Ulit?

Mula sa pagiging malusog na mag aaral sa pamantasan hanggang sa paraplegic, tumanggi akong makulong sa upuang de gulong …

Sa mga unang taon ng Pamantasan, napadausdusan ako ng isang disc. Tiniyak sa akin ng mga doktor na ang pagiging bata at aktibo, physiotherapy, at mga ehersisyo ay makakapagpabuti sa akin, ngunit sa kabila ng lahat ng pagsisikap, araw-araw akong nasasaktan. Nagkaroon ako ng mga talamak na yugto bawat ilang buwan, na nagpapanatili sa akin sa kama nang ilang linggo at humantong sa paulit-ulit na pagbisita sa ospital. Gayunpaman, pinanghawakan ko ang pag-asa, hanggang sa nadulas ako ng pangalawang disc. Doon ko napagtanto na nagbago na ang buhay ko.

Galit sa Diyos!

Ipinanganak ako sa Poland. Ang aking ina ay nagtuturo ng teolohiya, kaya ako ay pinalaki sa pananampalatayang Katoliko. Kahit na noong lumipat ako sa Scotland para sa Pamantasan at pagkatapos ay sa England, pinanghawakan ko ito nang husto, marahil hindi sa paraang gawin o mamatgay, ngunit palagi itong nandiyan.

Ang unang yugto ng paglipat sa isang bagong bansa ay hindi madali. Ang aking tahanan ay naging isang pugon, na ang aking mga magulang ay nag-aaway sa isa’t isa sa halos lahat ng oras, kaya ako ay halos tumakas sa dayuhan na lupaing ito. Iniwan ang aking mahirap na pagkabata, nais kong tamasahin ang aking kabataan. Ngayon, ang sakit na ito ay nagpapahirap sa akin na huminto sa mga trabaho at panatilihing balanse ang aking sarili sa pananalapi. Nagalit ako sa Diyos. Gayunpaman, hindi siya pumayag sa aking pagalis.

Nakulong sa bahay sa matinding sakit, ginamit ko ang tanging magagamit na libangan—ang koleksyon ng mga relihiyosong aklat ng aking ina. Dahan-dahan, ang mga retreat na dinaluhan ko at ang mga librong nabasa ko ay umakay sa akin na matanto na sa kabila ng aking kawalan ng tiwala, talagang gusto ng Diyos na patatagin ang aking relasyon sa Kanya. Ngunit hindi pa rin ako lubos na nagagalit na hindi pa Niya ako pinapagaling. Sa kalaunan, naniwala akong galit ang Diyos sa akin at ayaw akong pagalingin kaya naisip kong baka madaya ko siya. Nagsimula akong maghanap ng banal na pari na may magandang ‘statistics’ para sa pagpapagaling upang ako ay gumaling kapag ang Diyos ay abala sa paggawa ng ibang mga bagay. Hindi na kailangang sabihin, hindi iyon nangyari.

Pagbabago Sa Aking Paglalakbay

Katulad nang isang araw sa isang grupo ng panalangin, napakasakit ng pakiramdam ko. Natatakot sa isang nagbabadyang matinding kaganapan, nagbabalak akong makaalis nang tanungin ng isa sa mga kasapi doon kung mayroong karamdaman sa katawan na nais kong padasalan. May dinadanas akong ilang kaguluhan sa trabaho, kaya ang sabi ko ay oo. Habang nagdadasal sila, nagtanong ang isa sa mga lalaki kung may karamdaman ako na kailangang kong ipadasal. Nasa pinakababa sila sa aking listahan ng ‘ranggo ng pagpapagaling’, kaya hindi ako nagtiwala na makakatanggap ako ng anumang ginhawa, ngunit sinabi ko pa din ang ‘Oo’. Nagdasal sila at nawala ang sakit ko. Umuwi ako, wala pa rin. Nagsimula akong tumalon at umikot at gumalaw, at okay pa rin ako. Ngunit walang 

Kaya, tumigil ako sa pagsasabi sa mga tao; sa halip, nagpunta ako sa Medjugorje upang pasalamatan ang ating Ina. Doon, nakatagpo ko ang isang ginoo na nagre-reiki at ninais na pagdasalan ako. Tumanggi ako, ngunit bago lumisan ay binigyan niya ako ng isang paalam na yakap na nagdulot sa akin ng pag-aalala dahil naalala ko ang kanyang mga salita na ang kanyang dampi ay may kapangyarihan. Hinayaan kong manaig ang takot at maling pinaniwalaan ko na ang damping ito ng kasamaan ay mas malakas pa sa Diyos. Nagising ako kinaumagahan nang may matinding sakit, hindi ako makalakad. Makalipas ang apat na buwang kaginhawahan, nagbalik ang sakit ko nang napakatindi na inisip kong hindi ko na kaya pang makabalik sa UK

Nang ako’y magbalik, napag-alaman ko na ang aking mga disc ay sumasanggi sa mga ugat, na nagdudulot ng mas matinding sakit nang ilang buwan. Pagdaan ng anim o pitong buwan, nagpasya ang mga doktor na kailangan nilang gawin ang mapanganib na pamamaraan sa aking gulugod na matagal na nilang pinagpapaliban. Napinsala ng operasyon ang isang ugat sa aking binti, at ang aking kaliwang binti ay paralisado mula sa tuhod. Isang panibagong paglalakbay ang nagsimula doon mismo, isang naiiba.

Alam Kong Kaya Mong Gawin Yan

Sa pinaka-unang pagkakataon na dumating ako sa bahay na naka-upuang may gulong, takot na takot ang aking mga magulang, ngunit ako ay puno ng kagalakan. Nasiyahan ako sa lahat ng teknolohikal na bagay…sa tuwing may pumindot ng button sa aking upuang may gulong, sabik akong parang bata.

Iyon ay makalipas ang Pasko, nang magsimulang umurong ang aking paralisis na napagtanto ko ang lawak ng pinsala sa aking mga ugat. Saglit akong napasok sa isang ospital sa Poland. Hindi ko malaman kung papaano ako mabubuhay. Basta nanalangin ako sa Diyos na kailangan ko ng isa pang pagpapalunas: “Kailangan Kitang makitang muli dahil alam kong kaya Mong gawin ito.”

Kaya, nakahanap ako ng serbisyo sa pagpapalunas at naniwala ako na ako’y gagaling.

Isang Saglit na Ayaw Mong Palampasin

Sabado noon at noong una ay ayaw magpunta ng aking ama. Sinabi ko na lang sa kanya: “Hindi mo nais na makaligtaan kapag ang iyong anak na babae ay gumaling.” Ang naunang talakdaan ay may misa, na sinundan ng serbisyo ng pagpapagaling kasama ang Pagsamba. Subalit nang kami ay dumating, sinabi ng pari na kinailangan nilang baguhin ang plano dahil ang pangkat na dapat mamuno sa serbisyo ng pagpapagaling ay wala doon. Naaalala kong nag-iisip ako na hindi ko kailangan ng anumang pangkat: “Kailangan ko lang si Hesus.”    

Nang magsimula ang misa, wala akong nadinig ni isang salita. Nakaupo kami sa gilid kung saan may larawan ng Banal na Awa. Tumitig ako kay Hesus na parang hindi ko pa Siya dating nakita. Ito ay isang nakamamanghang larawan. Napakaganda Niya! Hindi ko na nakita pa ang larawang iyon saan man matapos noon. Sa buong Misa, binalot ng Banal na Espirito ang aking kaluluwa. Sinasabi ko lamang sa isip ko ‘Salamat sa Iyo’ kahit hindi ko alam kung ano ang ipinagpapasalamat ko. Hindi ako nakahiling ng paglunas, at iyon ay nakakasiphayo dahil kinailangan ko ng lunas.

Nang magsimula ang pagsamba, hiniling ko sa aking ina na dalhin ako sa harapan, nang mas malapit kay Hesus hangga’t maaari. Doon, nakaupo sa harap, naramdaman kong may humihipo, at minamasahe ang likod ko. Nagiging mainit-init at maginhawa na kaya’t pakiramdam ko ay matutulog na ako. Kaya, nagpasiya akong maglakad pabalik sa bangko, nakalimutan kong hindi ako ‘makalakad.’  Basta’t naglakad ako pabalik at sinundan ako ng aking ina daladala ang aking mga saklay, pinupuri ang Diyos, nagwiwikang: “Naglalakad ka, Naglalakad ka.” Ako ay napagaling, ni Hesus sa Banal na Sakramento. Saglit lang pagkaupo ko, nadinig ko ang isang tinig na nagsasabi: “Ang iyong pananampalataya ang nagpagaling sa iyo” 

Sa aking isipan, nakita ko ang larawan ng babaeng humipo sa balabal ni Hesus nang Siya ay padaan. Ang kanyang kwento ay nagpapaalala sa akin ng sarili kong kwento. Walang nakatulong hanggang sa umabot ako sa puntong ito kung saan nagsimula akong magtiwala kay Hesus. Dumating ang paglunas nang tanggapin ko Siya at sabihin sa Kanya: “Ikaw ang tangi kong kailangan.” Nawalan nang lahat ng mga kalamnan ang kaliwa kong binti at maging iyon ay nanumbalik sa isang magdamagan. Makahulugan ito sapagkat sinusukat ito ng mga doktor noon, at nakita nila ang isang kamangha-mangha, di maipaliwanag na pagbabago.

Isinisigaw Ito

Sa pagkakataong ito nang natanggap ko ang paglunas, nais kong ibahagi ito sa lahat. Hindi ako nahiya. Nais kong malaman ng lahat kung gaano kahanga-hanga ang Diyos at kung gaano Niya tayo kamahal. Hindi ako natatangi at wala akong ginawang natatangi upang makatanggap ng kagalingang ito.

Gayon din, ang malunasan ay hindi nangangahulugan na ang aking buhay ay naging lubhang maginhawa sa isang magdamagan. May mga paghihirap pa din, ngunit higit na mas magaan. Dinadala ko sila sa Eucharistic Adoration at binibigyan Niya ako ng mga kalutasan, o mga ideya kung paano ko sila haharapin, pati na ang katiyakan at pagtitiwala na haharapin Niya ang mga ito.

Share:

Ania Graglewska

Ania Graglewska ay isang madamdaming ebanghelista at ang tagtatag at pinuno ng Cenacle, isang charismatic prayer group. Naninirahan siya sa London, UK.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles