Home/Masiyahan/Article

Sep 09, 2021 1112 0 Shalom Tidings
Masiyahan

Banal na Pagmumuni Muni

Isang tanghali, si Padre Pio ay nag iisang nakaupo sa balkon, sa labas ng kanyang kompartimento.  Naramdaman ng kanyang  kanang -kamay , si Padre Alessio, na ito ay magandang pagkakataon na repasuhin ang mga sulat na humihingi ng payo mula kay Padre Pio. Ngunit, siya ay namangha sa kanyang sagot “ako ay abalang abala sa kasalukuyan”, sagot ni Padre Pio.  “Hindi ko masasagot ang mga tanong sa oras na ito “

Nalito si Padre Alessio, dahil nakikita niya na hindi naman abala si Padre Pio. Siya ay nag iisang nakaupo na may Rosaryo sa kanyang kamay, ngunit parati naming hawak niya ang Rosaryo. Ipinaliwanag sa akin malaunan ni Padre Pio na “Maraming mga tanod na Anghel na naririto ngayon na nagdadala ng mga mensahe mula sa aking mga anak na espirituwal”  Sa paglipas ng mga taon, si Padre Alessio ay nakakaranas ng mga milagrosong katok sa kanyang pintuan, mga  bulong sa kanyang tainga mula sa mga  Anghel ni Padre Pio, na tinatawag siya kapag hindi kaya ni Padre Pio na lumakad na walang katulong.

Bawat  isa sa atin ay may inatasan na isang tanod na  Anghel, na parating nakikita ang mukha ng Panginoon Diyos.  Ang kanilang gawain ay gabayan tayo patungo sa Kanyang pinaroroonan, sa mga lugar na inihanda ng Panginoon Diyos para sa atin sa langit.  Kailan man kayo ay may panganga ilangan, tawagan ninyo ang inyong tanod na  Anghel na tulungan kayo.  Ipadala ninyo ang inyong tanod na Angel sa kaibigan na nababalisa.  Tandaan natin na parating may isang saksi sa ating mga gawa.

Anghel ng Diyos, tanod kong mahal, pag-ibig niya ang sa iyo’y naglagay
sa aking piling sa lahat ng araw, upang ako’y tanglawan at tanuran, akayin at pamahalaan. Amen.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles