• Latest articles
Feb 21, 2024
Masiyahan Feb 21, 2024

Ang buhay ay puno ng di-inaasahang mga liko.  Halos anim na taong pagkaraan ng kanyang ina, si Bernadette ay kinailangang magdusa sa pagkawala rin ng kanyang ama.  Nagmula ng pag-alis sa Lourdes upang sumapi sa samahang pambanalan, siya ay hindi na nagkaroon ng pagkakataong makita ang kanyang ama.

Kapag natutuligsa ng ganitong biglaang pagpanaw, ganito kung paano nakatagpo si Bernadette ng lakas—Isang madre ang nakakita sa kanya na lumuluha sa harap ng estatwa ng Birheng Maria, at nang sinikap ng madre na damayan siya, sinabi niya:  “Aking kapatid, magkaroon ka palagi ng dakilang katapatan sa matinding paghihirap ng ating Tagapagligtas.  Noong nakaraang Sabado ng hapon, nagdasal ako kay Hesus sa Kanyang paghihirap para sa lahat ng yaong mga mamamatay sa yaong sandali, at sa yaong ganap na sandali na nakarating ng kabilang-buhay ang aking ama.  Isang kaginhawaan para sa akin na natulungan siya.”

Para kay Bernadette, ang Santa na, bilang isang musmos na babae, ay nakasaksi sa pangitain ni Maria sa Lourdes, ang buhay ay hindi walang mga kagipitan.  Kinakailangan niyang dumaan ng maraming mga pagsubok; malalaki at maliliit na mga pagpapahiya ay pinasan niya.  Malimit niyang sinabi: “Kapag ang mga dinarama ko ay napakalakas, ginugunita ko ang mga diwa ng Ating Panginoon:  ‘Narito Ako, huwag kang matakot.’  Kaagad kong kinaluluguran at pinasasalamatan ang Ating Panginoon para sa biyayang ito ng pagtanggi at pagkapahiya mula sa yaong mga may-kapangyarihan.  Ang pag-ibig nitong Mabuting Panginoon na makapag-aalis ng mga ugat mula rito sa puno ng pagmamataas.  Kapag lalo akong magiging musmos, lalo akong lumalaki sa loob ng Puso ni Hesus.”

'

By: Shalom Tidings

More
Feb 21, 2024
Masiyahan Feb 21, 2024

Hulyo 1936 nuon, ang kasagsagan ng digmaang Espanyol.  Naglalakad si El Pelé sa lansangan ng Barbastro, España, nang isang malaking kaguluhan ang nakakuha ng kanyang pansin.  Habang sumusugod siya sa pinagmumulan, nakita niya ang mga sundalong kinaladkad ang isang pari sa lansangan.  Hindi siya maaaring tumayo na lamang sa mga gilid at manood; sumugod siya para ipagtanggol ang pari.  Ang mga sundalo ay hindi natakot at sinigawan siya na isuko ang kanyang sandata. Itinaas niya ang kanyang rosaryo at sinabi sa kanila: “Ito lang ang mayroon ako.”

Si Ceferino Giménez Malla, magiliw na kilala sa El Pelé, ay isang Romani—isang komunidad na kadalasang tinutukoy bilang mga Gypsies at minamaliit ng nangingibabaw na lipunan.  Subalit si Pelé ay pinahahalagahan hindi lamang ng kanyang sariling komunidad, kahit na ang mga ilustrado tao ay iginagalang ang mangmang na lalaking ito dahi sa kanyang katapatan at karunungan.

Nang siya ay hinuli at ikinulong noong 1936, ang kanyang asawa ay namatay na, at siya ay isa nang lolo.

Kahit sa bilangguan, patuloy pa din siyang naniwaka sa kanyang rosaryo.  Ang lahat, maging ang kanyang anak na babae, ay nakiusap sa kanya na isuko ito.  Pinayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na kung tumigil siya sa pagdarasal, maaaring mailigtas ang kanyang buhay.  Ngunit para kay El Pelé, ang pagsuko ng kanyang rosaryo o pagtigil sa pagdadasal ay simbolo ng pagtakwil sa kanyang pananampalataya.

Kaya, sa gulang na 74, binaril siya at itinapon sa isang mass grave.  Ang matapang na kawal ni Kristo ay namatay na sumisigaw: “Mabuhay si Kristong Hari!” may hawak pa ding Rosaryo sa kanyang mga kamay.

Animnapung taon ang lumipas, ang Banal na si Ceferino Giménez Malla ay naging una sa pamayanang Romani kailanman na ma-beatify, nagpapatunay muli na ang Tagapagligtas ay palaging nandiyan para sa lahat ng tumatawag sa Kanya, anuman ang kulay o paniniwala.

'

By: Shalom Tidings

More
Feb 21, 2024
Masiyahan Feb 21, 2024

Tuklasin ang kagandahan ng pagsagawa ng pinakamahusay na Bagong Taong Panukala sa taong ito

Sa ganang tayo’y nakatayo sa bingit ng bagong taon, ang hangin ay puno ng pag-asa, pag-asa, at pangako ng isang bagong simula.  Para sa madami, ang pagbabagong ito ay sumasagisag ng isang pagkakataon na iwanan ang mga pasanin ng nakaraan at simulan ang isang paglalakbay ng paglago at paghilom.  Pati ako ay tumahak ng landas na ito—nilalakbay ang mga sali-salimuot ng buhay, paghahanap ng ginhawa, lakas, at kagalakan sa pamamagitan ng mapagbagong biyaya ng panalangin.

Pagsapit Ng Hatinggabi

Ilang taon na ang nakakalipas, natagpuan ko ang aking sarili na nakikipagbuno sa mga labi ng mga nakaraang kirot na tila mabigat sa aking puso.  Ang mga peklat ng mga pagkabigo at kawala ay umukit ng kanilang mga tatak, na nag-iiwan sa akin ng pananabik para sa isang panibagong pasimula.  Sa sandaling ito ng pagmumuni ako gumawa ng isang panukala—isang panukala na magdadala sa akin sa landas patungo sa biyaya at paghilom.

Nang sumapit ang hatinggabi, nagpasiya akong ialay ang aking sarili sa nakakapagpanibagong kapangyarihan ng dasal.  Ang panukalang ito ay hindi bunga nang isang panandaliang pagnanais para sa pagbabago kundi mula sa isang malalim na pangangailangan na ayusin ang mga sirang piraso ng aking kaluluwa at hanapin ang kagalakan na nawala sa akin sa napakatagal na panahon.

Sa mga naunang araw ng bagong taon, ang pamilyar na kirot ng aking nakalipas na mga pasakit ay naging balakid sa pagpapanatili ng aking panukala.  Sinikap ng mga kaguluhan ng isip at pag-aalinlangan na madiskaril ang aking pangako, ngunit kumapit ako sa aking pananampalataya at determinasyon.  Sa pamamagitan ng patuloy na pagdadasal, nagsimula akong makadanas ng banayad na pagbabago sa loob ko—mga bulong ng biyaya na sumasalat sa aking sugatang espirito.

Habang lumilipas ang mga buwan, bumuhos ang mga biyaya sa aking buhay na tulad ng banayad na ulan, na nagpapaginhawa sa tigang na lupa ng aking puso.  Nagkaroon ako ng lakas ng loob na patawadin ang mga nagkasala sa akin at naunawain na ang pagpapatawad ay isang handog na ibinigay ko sa aking sarili.  Ito ay nakapagpapalaya, isang dakilang biyaya na nagpalaya sa akin mula sa mga kadena ng kapaitan, pinapahintulutan ako na yakapin ang pag-ibig at kagalakan.

Panindigan Ang Iyong Resolusyon

Ang landas ay hindi salat sa tinik, ngunit ang biyaya ng panalangin ang nagbigay sa akin ng lakas at katatagan upang magtiyaga.  Napagtanto ko na ang paglalakbay na ito ay hindi lamang tungkol sa paninindigan sa isang resolusyon—ito ay tungkol sa pagyakap sa isang buhay na tinatanglawan ng nagniningning na liwanag ng pananampalataya.

Ang pagkamaalinsunod sa pagdadasal ay may mahalagang papel sa aking paglalakbay sa paghilom at pagpapanibago.  Madalas ay nahihirapan akong panatilihin ang bagong ugaling ito sa gitna ng mga pakikibaka at pang-abala sa buhay.  Heto ang ilang mga payo na nakatulong sa akin na makapaglimi at mapanatiling buhay ang aking resolusyon:

1. Magtakda ng Kagalang-galang na Oras: Magtalaga ng tiyakang oras ng araw na pinakamainam para sa iyo na manalangin nang palagian.  Maaaring sa umaga bago magsimula ang kaguluhan ng maghapon, sa tahimik na pamamahinga sa tanghalian, o sa gabi upang pag-isipan ang nagdaang araw.  Ang nakatalagang oras na ito ay makakatulong sa pagbuo ng isang gawi.

2. Lumikha ng Kagalang-galang na Lugar:  Magtalaga ng isang natatanging lugar para sa panalangin, maging ito man ay isang maaliwalas na sulok sa iyong tahanan, simbahan, o isang natural na lugar sa may labas.  Ang pagkakaroon ng nakalaang espasyo ay nakakatulong upang makalikha ng isang ugnayan sa kabanalan at kapayapaan.

3. Pakinabangan ang mga Panulong sa Pananalangin: Isama ang mga pantulong sa panalangin tulad ng pahayagan, rosaryo, o mga espirituwal na aklat.  Ang mga gamit na ito ay maaaring mapahusay ang iyong karanasan sa pagdadasal at panatilihin kang nakatutok, lalo na kapag ang mga abala ay nagbabanta na hilahin ka papalayo.

4. Maghangad ng Pananagutan: Ibahagi ang iyong resolusyon sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya na makakagabay sa iyo sa iyong paglalakbay at magpapaalala sa iyo sa pananagutan mo.  Ang pagkakaroon ng taong makakasama mo sa iyong pag-unlad at pakikibaka ay ng mapagkukunan mo ng pampasigla.

Pagharap Sa Unos

Ngayon, habang iniisip ko ang napakahalagang taon na iyon at ang mga sumunod pang iba, napupuno ako ng matinding kagalakan.  Ang sakit na minsang bumihag sa akin ay naging bukal ng lakas, habag, at mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos.  Ang mga peklat ay nananatili, ngunit ngayon ang mga ito ay patunay ng biyaya na gumabay sa akin sa pagharap sa unos.

Habang tayo ay nakatayo sa bukana ng bagong taon, hinihikayat ko kayong yakapin ang kapangyarihan ng dasal sa inyong buhay.  Ito ay isang gabay ng pag-asa, isang mapagkukunan ng kaginhawaan, at isang kaligtasan sa pinakamadilim na panahon.  Anuman ang iyong maging pasiya, nawa’y ang mga ito ay puno ng pananalangin at sagana sa pananampalataya, batid na ang biyaya ng Diyos ay gagabay sa iyo sa bawat hakbang ng daan.

'

By: Sharon Justine

More
Jan 24, 2024
Masiyahan Jan 24, 2024

Sa pinakamadilim na gabi, ating nakikita ang pinakamaningning na mga bituin.  Tulutan mong suminag ang iyong ilaw.

Ipalagay ang paggunam-gunam ng isang tahimik at madilim na gabi sa kaloob-looban ng magaspang na binungkal na kuweba.  Na may sapat na kalapitan sa bayan upang marinig ang satsatan ng Belen sa mga pagdurugtong nito ngunit may sapat na kalayuan upang madama nito ang pagiging bukod.  Ang kuweba, isang sabsaban na nilukob ng dayami at matapang na amoy ng mga hayop, at kinumutan ng kadiliman.

Makinig.  Dinggin ang banayad na mga dalangin at mga lagaslas, ang malugod na pagdedede ng isang Sanggol na sumususo sa dibdib.  Isang Bata, malusog at mahalaga, idinuruyan ng Kanyang ina at ama.  Sa ibabaw, isang matingkad na makalangit na ilaw na sumisinag nang pababa sa kuweba, isang nalalabing palatandaan na ito’y  anuman ngunit hindi isang walang saysay na pangyayari.

Ang Sanggol, na kaluluwal lamang, na ibinalot sa pananggalang na mga damit na ginawa at binurda ng Kanyang ina… malugod sa Kanyang pakain, Siya’y nanahan nang matiwasay.  Sa labas, sa loob ng satsating bayan ng Belen, walang may kaalaman sa laki ng pangyayaring ito.

Isang Malalim, Madilim na Kuweba

Sa Kinaugaliang alamat, ang sagisag ng Pagsilang ay inilalarawan sa loob ng isang kuweba.  Ito’y may dalawang bahagi.  Sa una, ang mga sabsaban ay kadalasang binubungkal nang may kagaspangan mula sa bato sa panahon ng pagsilang ng ating Panginoon.  Ang ikalawang dahilan ay makahulugan.

Itong madilim na kuwebang may katiyakan ay nagdudulot ng pagsasa-ayos ng ilaw ni Kristo—na tumatagos sa panahon at pagitan at bato— Diyos na bumababa sa lupa.  Ito rin ang kuweba, na may anyong tulad ng puntod, na nagpapahiwatig ng Kanyang Paghihirap at Kamatayan.

Dito sa isang sagisag ay naisulat ang nakayayanig na pangyayari na ibinago ang buhay ng tao nang walang hanggan.  Itong isang Bata, na nakatagpo ng ginhawa sa Kanyang inang napupuno ng biyaya “ay nakalaan para sa paglagpak at pagtaas ng karamihan sa Israel, isang pahiwatig upang mapagsalungatan” (Lukas 2:34).

Isang Malalim, Madilim na puso

Bawa’t isa sa atin ay nakapagmana na ng isang nalugmok na katauhan.  Ang ating mapanirang pagnanasa—o karupukan na magkasala—ang siyang nakapagsasanhi sa ating sariling mga puso na magdilim.  Kaya naman, hindi nakabibigla na matatagpuan natin sa Ebanghelyo ni Mateo, ang masidhing payo, “Pinagpala ang may mga malinis na puso, pagkat makikita nila ang Diyos” (Mateo 5:8).

Maaari tayong magnais na mag-isip na kung tayo ang nabubuhay sa panahon ni Hesus, hindi tayo maaaring makapagmintis na makilala Siya sa gitna ng ating pag-iral.  Ngunit ang ganitong pag-iisip, ikinatatakot ko, ay pawang kayabangan.  Tila mahigit pa na hangga’t ang ating pananalig ay naitayo sa matatag na saligan at tayo’y bukas sa pagdating ng Mesias, magkakaroon tayo ng gulo sa pagtagpo sa Kanya kahit na Siya’y kusang nakaharap sa atin.

At minsan, tayo’y nagmimintis na makita Siya ngayon kapag Siya’y nasa harapan natin.  Totoo bang namumukhaan natin Siya sa  Yukaristiya?  O sa mapasakit na balatkayo ng ng mga dukha?  O kahit sa mga taong nasa paligid natin—lalo na sa mga yaong nangyayamot sa atin?

Hindi lagi.  At marahil hindi pirmihan.  Ngunit mayroong mga panlutas para sa yaon.

Paaninagin ang Ilaw

Si San Josemaria Escriva ay nagbala sa atin,  “Ngunit huwag limutin na hindi tayo ang pinagmulan nitong ilaw: pinaaninag lamang natin ito.’  Kapag iniisip natin ang ating puso na isang salamin, mapagtatanto natin na kahit ang maliit na gatla sa labas ay babaguhin ang panganganinag.  Kapag higit na magiging madungis ang salamin, lalong kulang ang ating pag-aninag ng liwanag ni Kristo sa iba.  Ngunit kung karaniwang pananatilihin nating malinaw ang salamin, ang pag-aaninag nito ay hindi magpapalabo nang kahit papaano.

Kung gayon, paano natin mapananatiling malinis ang mga puso natin?  Subukan itong limang mga hakbang sa Paskong ito para gawing malinis ang mga puso natin upang umaninag ang ilaw ng Sanggol na ito, ang Prinsipe ng Kapayapaan.  Nawa’y mabatid natin Siya sa kuweba, sa mundo, sa mga taong nakapaligid sa atin.

  1. 1. Manalangin para sa malinis na puso

Hilingin sa Diyos na malabanan ang mga tukso ng kasalanan at pagtibayin ang mga kinaugaliang arawing pagdarasal.  Tanggapin Siya nang karapat-dapat sa Yukaristiya upang mapagyaman ka Niya.  “Likhain Mo sa akin ang malinis na puso, O Diyos, at igawad ang tamang diwa sa akin” (Salmo 51:10).

  1. 2. Magsanay ng pagpapakumbaba

Ikaw ay matitisod nang higit pa sa iilang ulit sa iyong banal na lakbayin.  Gawin nang tuwina ang Pangungumpisal at maghanap ng banal na pari para sa banal na pamamatnugot.

  1. 3. Basahin ang mga Ebanghelyo

Ang pagbasa at pagmumuni-muni ng mga Ebanghelyo ay kahanga-hangang mga paraan para sa higit na malalim na pag-unawa at higit na matalik na kaugnayan sa Ating Panginoon.  “Magsilapít kayo sa Diyos, at Siya’y lalapit sa inyo” (Jaime 4:8).

  1. 4. Tanggapin ang liwanag

Tanggapin nang maluwag sa loob at buong pagmamahal ang mga pangaral ni Kristo at ng Kanyang Simbahan, kahit na ito’y mabigat.  Dumalangin para sa liwanag at pag-unawa kapag ikaw ay hindi tiyak sa kinakailangan mula sa iyo.

  1. 5. Layuan ang dilim

Si Santa Madre Teresa ng Calcutta ay minsang isinaad, “Ang mga salitang hindi nagdudulot ng liwanag ni Kristo ay nagdaragdag ng dilim.”  Sa madaling sabi, kung anumang mga pag-uusap o ang medya na tinatangkilik natin na hindi nakapagdadala ng ilaw ni Kristo sa atin, nangangahulugan na ang mga ito’y ginagawa ang salungat.  Sa pagiging makatwiran sa libangan o mga gawi na ikinalulugod natin, tayo’y tunay na umiiwas sa yaong mga hindi nakapagdadala ng ilaw ni Kristo.

'

By: Emily Shaw

More
Oct 17, 2023
Masiyahan Oct 17, 2023

Magkaron ng aktwal na karanasan kung paano magagamit ng Diyos ang mga bagay sa lupa upang ipaalam ang mga bagay sa langi

Nang ako’y lumabas ng aking pintuan para ipasok ang mga basurahan isang araw, napatigil ako sa takot.  May isang sariwang balat ng ahas na nakataklop sa takip ng paagusan sa tabi ng bahay.  Agad akong tumawag sa aking asawa, dahil mayroon akong hindi ayos sa mga ahas.

Nang naging malinaw na kahit na ito ay patay na balat ng ahas, walang mga buhay na ahas sa malapit, nagpahinga ako at nagtanong sa Diyos kung anong aral ang sinusubukan Niyang ituro sa akin noong araw na iyon.

Ano Ang Buong Punto?

Ako ang tinatawag ng mga guro na manhid na mag aaral. Mabilis akong natututo sa pamamagitan ng paggalaw o pakikipag-ugnayan sa mga bagay.  Kamakailan lang, napansin ko na madalas magpakita sa akin ang Diyos sa pamamagitan ng mga materyal na bagay.  Ang banal na sining ng pagtuturong ito ay binanggit pa sa Katesismo ng Simbahang Katoliko.

“Ang Diyos, na lumilikha at nag-aalaga ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ay nagbibigay sa mga tao ng patuloy na katunayan ng Kanyang Sarili sa mga nilikhang katotohanan.” (CCC, 54)

Halimbawa, nagpadala ang Diyos ng umuusok na kalderong apoy at nagniningas na sulo kay Abraham, isang anghel na nakikipagbuno kay Jacob, at isang nagniningas na palumpong kay Moises.  Nagpadala ang Diyos ng kalapati na may dalang sanga ng olibo at pagkatapos ay isang bahaghari kay Noe, ilang hamog kay Gideon, at isang uwak na may dalang tinapay at karne kay Elias.

Ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Jacob, at ang Diyos ni Moises ay ating Diyos din.  Bakit hindi gagamitin ng Diyos ang lahat ng nilikha ang nakikita, nasasalat na bagay sa lupa upang ipaalam ang mga hindi nakikita at hindi nasasalat na mga katotohanan ng Langit?

Isinulat ni Padre Jacques Philippe, “Bilang mga nilalang sa laman at dugo, kailangan natin ang taguyod ng mga materyal na bagay upang makamit ang mga espirituwal na katotohanan.  Alam ito ng Diyos, at ito ang nagpapaliwanag sa buong misteryo ng Pagkakatawang-tao” (Time for God, p. 58).

Ang Diyos ay maaaring magpadala sa atin ng mga pasabi sa pamamagitan ng isang plaka o isang istiker ng bamperr.  Noong nakaraang linggo ang mga salita sa likod ng isang trak na, “patuloy na gumalaw,”ay naging kawili-wili sa akin.  Ipinaalala nila sa akin ang kabatiran ng homiliya na narinig ko noong umagang iyon — na tinawag tayong patuloy na magbahagi ng Ebanghelyo.

Maaaring gamitin din ng Diyos ang kalikasan upang turuan tayo.  Habang namimitas ng mga cherry kamakailan, nagunita ko kung gaano kasagana ang ani, at kakaunti ang mga manggagawa.  Ang mabagyong araw ay maaring makapagpaalala na “tayo ay napapaligidan ng malaking ulap ng mga saksi.” (Hebreo 12:1). Ang isang magandang ibon o napakagandang paglubog ng araw ay maaaring ang paraan ng Diyos upang iangat ang ating lumulundong espirito

Sa tuwing ako ay bukod-tangìng nagugulat sa isang bagay, sinisikap kong tanungin ang Diyos kung anong aral ang itinuturo Niya sa akin.  Isang gabi kamakalawa, halimbawa, habang pinagninilayan ko ang tungkol sa pagbangon para tingnan ang aking anak, isang  kard ng panalangin na nagpaparangal kay Sta.  Si Monica, ang patrona ng mga ina, ay biglang nahulog mula sa aking aparador.  Agad akong bumangon at tiningnan siya.  O ang oras na nagising ako sa dis-oras ng gabi at naramdaman kong tinawag ako na magdasal ng rosaryo sa ngalan ng isang namatay na miyembro ng pamilya at natuwa akong makita ang pinaka-maluwalhatinlg bulalakaw.

Kung minsan nagpapadala ang Diyos ng Kanyang pahatid sa pamamagitan ng ibang tao. Ilang ulit ka nang nakatanggap ng kard, tawag sa telepono, o teks mula sa isang tao na siya mismong kinailangan mo na pampalakas-loob.

Isang tag-araw, habang nagbibisikleta nag-iisip ng posibilidad na ihinto ko ang aking pag-aaral sa Bibliya, nakatagpo ako ng isang kaibigan.  Walang kaabog-abog, binanggit niya ang tunay niyang balak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng Bibliya dahil sa sandaling hintuan ang isang bagay, napakahirap na ipagpatuloy itong muli.

Maaaring gumamit din ang Diyos ng mga konkretong bagay para disiplinahin tayo o tulungan tayong lumago sa ating pagkadisipulo.

Isang umaga nakatuklas ako ng tatlong malalaking pako.  Ang mga ito ay magkakapareho, ngunit natagpuan ko sa tatlong magkakaibang lugar: sa gasolinahan, sa aking daanan at sa kalye.  Sa ikatlong pako, huminto ako at tinanong ang Diyos kung ano ang ibig Niyang sabihin sa akin at natanto kong kailangan ko ng pagsisisi tungkol sa isang bagay sa aking buhay.

Hindi ko malilimutan ang pagkakataon na ako ay lumabas, at agad na dumapo ang isang langaw sa aking mata. Hahayaan kitang gamitin ang iyong imahinasyon para sa aral natutunang aral na iyon.

Pamamaraan Ng Pagkakatuto

Tinuturuan tayo ng Diyos sa lahat ng oras, at tinatanggap Niya ang lahat ng uri ng mga mag-aaral.  Ang mabisa para sa isang tao ay maaaring hindi mabisa para sa iba. May ilan na mas malinaw nilang madidinig ang Diyos sa Misa, ang iba sa Eukaristikong Pagsamba, sa pagbabasa ng Bibliya, o sa kanilang pansariling oras ng panalangin.  Gayunpaman, ang Diyos ay palaging kumikilos at patuloy na nagtuturo sa atin sa pamamagitan ng ating mga iniisip, damdamin, mga imahen, mga sipi ng Banal na Kasulatan, mga tao, guniguni, mga salita ng kaalaman, tugtugin, at bawat kaganapan sa ating panahon.

Personal kong pinahahalagahan kapag ang Diyos ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng pisikal na mga bagay, dahil mas naaalala ko ang aralin sa ganoong paraan.  Nagtataka marahil kayo kung ano ang natutunan ko sa balat ng ahas.  Ipinaalaala nito ang sumusunod na kasulatan: “Ang mga tao ay hindi nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma.  Sa ibang paraan ay nangagpuputok ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat.  Sa halip, isinisilid ang bagong alak sa mga bagong sisidlang balat, at kapwa ay nagsisitagal.” (Mateo 9:17)

Banal na Espirito, tulungan Mo kaming maging mas mulat sa anumang mga aral na itinuturo Mo sa amin ngayon.

'

By: Denise Jasek

More
Oct 17, 2023
Masiyahan Oct 17, 2023

Ang mga tao ay madalas na nagugulat kapag pinaa-alam ko sa kanila na ang pinakamalapit kong kaibigan sa monasteryo ay si Padre Philip, na nangyaring naging 94.  Siya na bilang pinakamatandang monghe ng komunidad, at ako na bilang pinakabata, ay sadyang magkatugma; isa pang kapanalig na monghe ay magiliw na tinutukoy kami bilang “alpa at omega.”  Bilang karagdagan sa aming pagkakalayo ng gulang, mayroong napakaraming kaibhang pumapagitan sa amin.  Si Padre Philip ay naglingkod sa Tanod Baybayin bago pumasok ng monasteryo, nag-aral ng Botanika at wikang Ingles, tumira na sa Roma at Ruwanda, at siya’y matatas sa iba-ibang mga wika.  Sa madaling sabi, siya’y may mga karanasan sa buhay na higit pa sa akin. Sa kabila nito, may ilang mga bagay na pinagbabahaginan namin nang karaniwan: kapwa kami’y katutubo ng California at mga nagsalin-anib mula sa Protestantismo (siya na dating Presbiteryano at ako na dating Baptist).  Ikinalilibang namin nang lubos ang opera, at higit na mahalaga, pinananatili namin ang buhay ng pananalig nang magkasabay.

Likas lamang na mamili ng mga kaibigang nakapamamahagi ng ating karaniwang mga kinawiwilihan.  Ngunit sa ating pagtanda at ang mga kalagayan ng ating mga buhay ay nagbabago, makikita natin ang ating mga sarili na nawawalan ng mga kaibigan habang nakakapagkamit ng mga bago.  Winika ni Aristoteles na lahat ng mga pagkakaibigan ay dapat magbahagi ng isang karaniwang bagay. Ang mga tumatagal na pagkakaibigan ay yaong mga nagbabahaginan ng mga pangmatagalang bagay.  Halimbawa, ang pagkakaibigan ng dalawang mga tabladong manlalangoy ay namamalagi habang mayroong mga alon na masasakyan.  Gayunman, kung walang gumugulong na alon o kapag ang manlalaro sa alon ay napinsala at hindi na makasagwan nang paalis, ang pagkakaibigan ay mangungupas maliban lamang kung makakita sila ng bagong bagay na mapagbabahaginan nila.  Kaya, kung ang mithi natin ay magkaroon ng habang buhay na mga kaibigan, ang susi ay ang makakita ng bagay na maaring maipagbahagi sa panghabangbuhay, o kaya, kawalang-hangganan.

Ang punong pariseyo, si Kaypas, ay pinaratanganan si Hesus ng kalapastanganan nang inulat Niyang Siya ang Anak ng Diyos.  Higit na lapastanganan sa paghayag na ito ay nang sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad, “Kayo ay aking mga kaibigan.”  Sapagka’t ano ang maaaring magkaroon ang Anak ng Diyos na karaniwan sa mga mangingisda, isang mambubuwis, at isang panatiko?  Ano ang maaaring magkaroon ang Diyos na may pagkatulad sa atin?  Siya’y labis na matanda kaysa sa atin.  Siya’y may higit na karanasan sa buhay.  Siya ay kapwa Alpa at Omega.  Anuman ang ating karaniwang ipinamamahagi ay dapat na nabigay Niya sa atin sa unang lagay.  Kabilang sa dami ng mga biyayang ibinabahagi Niya sa atin, ang Kasulatan ay malinaw tungkol sa bagay na tumatagal nang pinakamahaba: “Ang Kanyang matimtimang pag-ibig ay nagtatagal nang magpasawalang-hanggan.”  “Ang pag-ibig… ay napagtitiisan ang lahat ng mga bagay.”  “Ang pag-ibig ay walang katapusan.”  Lumalabas na, ang pakikipagkaibigan sa Diyos ay napakadali.  Ang dapat lamang natin na gawin ay “umibig dahil inibig Niya muna tayo.”

'

By: Brother John Baptist Santa Ana, O.S.B.

More
Jul 27, 2023
Masiyahan Jul 27, 2023

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayong lahat ay lumiko sa ating sariling daan…” (Isaias 53:6).

Ang aking kasalukuyang sasakyan ay may sistema ng senyales ng babala kapag nawawala sa tamang linya. Sa tuwing nawawala ako sa aking itinalagang daan habang nagmamaneho, ang sasakyan ay nagbibigay sa akin ng senyales ng babala.

Ito ay nakakainis noong una, ngunit ngayon ay pinahahalagahan ko ito. Ang aking lumang kotse ay walang ganoong makabagong teknolohiya. Hindi ko napagtanto kung gaano ako kadalas na naanod sa labas ng hangganan habang nagmamaneho.

Sa nakalipas na ilang buwan, nagsimula akong lumahok sa sakramento ng pagkakasundo (Kumpisal). Sa loob ng mga dekada, hindi ko pinansin ang gawaing ito.

Pakiramdam ko ay isang pag-aaksaya lamang ng oras ito. Naisip ko sa aking sarili: Bakit kailangang ipagtapat ng isang tao ang kanyang mga kasalanan sa isang pari kung maaari silang makipag-usap nang direkta sa Diyos? Ang regular na pagsusuri sa iyong budhi ay hindi komportable. Ang pag-amin ng iyong mga kasalanan, nang malakas, ay nakakahiya. Ngunit ang alternatibo ay mas masahol pa. Ito ay tulad ng pagtanggi na tumingin sa salamin sa loob ng maraming taon. Maaaring mayroon kang lahat ng uri ng mga bagay na nakadikit sa iyong mukha, ngunit nagpapatuloy ka sa ilalim ng maling impresyon na mukhang maayos ka.

Sa mga araw na ito, sinusubukan kong pumunta sa Kumpisalan linggu-linggo. Naglalaan ako ng oras para sa pagmumuni-muni sa sarili at sa pagsusuri ng aking budhi. May napansin akong pagbabago sa loob ko. Ngayon, habang nagdadaan ang bawat araw ko, muling naging aktibo ang aking panloob na sistema ng babala. Sa tuwing naliligaw ako sa landas ng kabutihan sa pamamagitan ng walang patutunguhan na pagsusumikap at walang katapusang mga hangarin, ang aking konsensya ay nagbibigay sa akin ng hudyat. Ito ay nagpapahintulot sa akin na bumalik sa kurso bago ako tuluyang malihis nang napakalayo papunta sa mapanganib na sona.

“Sapagka’t kayo’y naliligaw na parang mga tupa, ngunit ngayon ay nagsibalik na kayo sa pastol at tagapag-alaga ng inyong mga kaluluwa.” (1 Pedro 2:25)

Ang sakramento ng pakikipagkasundo ay isang regalo na matagal ko nang binalewala. Para akong isang tupang naligaw. Ngunit ngayon ay bumaling ako sa aking Pastol, ang Tagapangalaga ng aking kaluluwa. Sinusuri Niya ang aking espiritu kapag naliligaw ako. Idinidirekta Niya akong muli sa landas ng kabutihan at kaligtasan.

'

By: Nisha Peters

More
Jul 27, 2023
Masiyahan Jul 27, 2023

Kapag ang iyong kaluluwa ay napapagal at hindi mo alam upang mapanatag ang isip mo…

Maaaring ikaw ay may kaalaman na sa kung paano itinanong nang minsan ni San Francisco de Asis: “Sino Ikaw, Panginoong aking Diyos, at sino ako?” Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa pag- aalay at mula sa mga ito’y umalsa ang isang ginintuang bola nang isinaad niya, “Panginoong Diyos ako’y walang saysay, ngunit ang lahat ng ito’y sa Iyo.”

Itong salaysay ay unang narinig ko noong kami ay naatasang pagmuni-munihan ang katulad na tanong: Sino Ikaw, Panginoong aking Diyos, at sino ako? Sa kapilya, sa harap ng Banal na Sakramento, ako’y lumuhod at idinalangin yaong dasal.

Ipinakita sa akin ng Diyos kung sino ako, sa pamamagitan ng nakabalot nang sapin-sapin na lumang bendang pumapaikot sa sugat na pinatuyuan at pinatigas ng dugo. Sa mga nagdaang taon, napaligiran ko ang aking puso ng mga panghadlang upang pangalagaan ito. Sa loob ng kapilya, napagtanto ko na hindi ko mapapagaling ang aking sarili; kinailangan ko ang Diyos na saklolohan ako. Ako’y humiyaw sa Kanya: “Ako ay walang ginintuang bola, may sugatang puso lamang ako!” Nadama ko ang Diyos na tumugon: “Minamahal Kong anak, yaon AY ang ginintuang bola, ito’y Aking tatanggapin.

Habang luhaan, ipinahiwatig kong hinihila ang puso ko palabas ng aking dibdib, at Itinaas ang mga kamay ko sa pag-aalay na nagsasabing, “Panginoong Diyos, ako’y walang kabuluhan, at ang lahat ng ito ay sa Iyo.” Ako’y nagapi ng Kanyang pag-iral, at nalaman kong ako’y nalunasan nang lubos sa pagkaalipin na sumupil sa akin sa tanang buhay ko. Sa dingding na malapit sa akin, napansin ko ang isang tularan ng Pagbabalik ng Isang Mapagwaldas na Anak ni Rembrandt at kaagad kong nadama na ang aking Ama ay natanggap ako sa pag-uwi. Ako ang mapagwaldas na anak na bumalik sa pagdaralita at pangangamba, na walang karapatan at nagsisisi, na masuyong tinanggap Niya bilang Kanyang anak.

Madalas, ang ating makamundong pag-unawa ng pag-ibig ay nagbibigay-takda sa ating pag- unawa ng ano ang magagawa ng Diyos para sa atin. Ang pag-ibig ng tao, bagama’t may mabuting layon, ay napasusubali. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang maliw at maparangya! Ang kabutihang-loob ng Diyos ay hindi mahihigitan kailanman. Hindi Niya mapagkakait ang Kanyang pagmamahal.

Ang pagmamataas o takot ay nauudyok tayong ihandog sa Diyos ang pinakamainam ng ating sarili, na hinahadlangan Siya upang maipagbago Niya ang mga bahagi na ating pinawawalan ng halaga. Upang makamit ang Kanyang paghilom, dapat nating isuko ang lahat sa Kanya, at tulutan Siyang magpasya kung paano Niya tayo maisasahugis nang muli. Ang paghilom ng Diyos ay hindi akalain. Kinakailangan nito ang lubusang pagtitiwala. Kaya, tayo ay dapat na makinig sa Diyos na nagnanais na magdulot ng pinakamabuti para sa atin. Ang pakikinig sa Diyos ay nagsisimula kapag ihinahabilin natin ang lahat sa Kanya. Sa paglalagay natin sa Diyos bilang una sa ating mga buhay, tayo’y nagsisimula na makipagtulungan sa Kanya. Nais ng Diyos ang kabuuhan ng ating mga sarili—ang mabuti, ang masama, at ang hindi kanais-nais pagka’t nais Niyang maipagbago itong mga madidilim na dako sa pamamagitan ng Kanyang nakapaghihilom na liwanag. Ang Diyos ay matiyagang naghihintay para sa atin upang makita Niya sa atin ang kamuntian o kabiguan.

Tayo’y magsitakbuhan sa Diyos at yakapin Siya tulad ng nawawalang mga bata na nagsi-uwi sa kanilang Ama, naniniwalang tayo’y tatanggapin Niya nang may bukas na mga bisig. Tayo’y makapagdarasal tulad ni San Francisco: “Panginoong Diyos, ako’y walang saysay, at ang lahat ng ito’y sa Iyo” nananalig na tayo’y lulubusin Niya ng apoy na nakapagbabagong-anyo at tutugon: “Ito’y Aking tatanggaping lahat, at gagawin kitang lubusang bago.”

'

By: Fiona McKenna

More
Mar 23, 2023
Masiyahan Mar 23, 2023

Simula sa unang araw ng aking pagkakakulong, ako ay nagtatayo ng isang relasyon sa Diyos. Madalas akong nagsisisi na kinailangan ko ng ganoong trahedya para ako ay magpasakop sa aking pangangailangan para sa Kanya, ngunit mas madalas ay nakadarama ako ng pasasalamat na natagpuan ko ang isang nagniningas na pagnanasa para sa buhay sa Panginoon. Ang pagnanais kong hanapin Siya ay nagmula sa panalangin. Taimtim akong nagdasal para sa mga dumaranas ng matinding kahihinatnan ng aking mga mapanganib na pagkilos na dulot ng mga adiksyon. Sa panahong ito ng panalangin na ipinahayag ng Diyos ang Kanyang walang pasubaling pag-ibig para sa akin at tinawag ako sa pagkakamag-anak sa Kanya sa pamamagitan ng Kanyang Anak, si Hesu-Kristo. Ang aking paglalakbay, ang pagbuo ng isang relasyon sa Diyos sa mga taong ito sa bilangguan, ay nagpapaalala ng mga pamamaraan na kailangan upang maitayo ang pundasyon para sa isang pag aapoy sa kampo, isang kasanayang nabuo ko noong nakaraan nang malaya akong gugulin ang aking oras sa kasiyahan sa labas. Nilinis ko ang lupa para bigyang puwang ang bago kong pag-ibig.

Tulad ng mga batong inilagay ko sa paligid ng hukay ng apoy, pinalibutan ko ang aking sarili ng iba na naghahanap ng pagpapabuti sa sarili sa pamamagitan ng banal na patnubay. Simbahan ang naging pundasyon kung saan inilatag ang aking pundasyon. Nakinig akong mabuti sa Ang Salita, at ginawa ko ang lahat ng aking makakaya upang ilapat ito sa aking pang-araw-araw na gawain. Pero walang laman ang fire pit ko. Nagtakda akong magdagdag ng mga elemento upang itayo ang aking hukay ng apoy.

Ang maliliit na bahagi ng oras ay inilaan sa komunal na panalangin, pagtitipon sa pag-aaral ng Bibliya at mga sesyon ng pagbawi ng grupo. Ang mga maliliit na karagdagan na ito, tulad ng pag-aapoy ay kailangan upang simulan ang paglalagablab ng apoy, ngunit alam ko na kailangan ko ng mas malaking bagay na idadagdag, o ang aking apoy ay tiyak na mabilis na maapula. Taimtim akong naghanap ng isang bagay na maaari kong ialay ang aking buhay na magpapatatag ng aking kaugnayan sa Diyos. Ang sagot ay dumating sa anyo ng gawaing paglilingkod.

Ang paglilingkod sa iba, sa simpleng anyo man ng pakikinig, o pagtatrabaho sa mga posisyon sa pamumuno na nakatuon sa pagtuturo sa aking mga kasamahan, ang nagdulot sa akin ng tunay na kagalakan. Itinambak ko ang mga higanteng tala ng mga posisyon ng serbisyo sa aking pugad ng pagsisindi. Ngayon kailangan ko ng isang bagay na nasusunog para sa pag-aapoy.

Laking gulat ko, ang mga natatanging tagapag pabilis ay ipinahayag na inihatid mismo ng Panginoon. Ang mga sesyon ng pagpapayo kasama ang aming Kapelyan, ang propesyonal na mentoring kasama ang aking superbisor sa trabaho, at ang mapagmahal na suporta ng aking pamilya sa bahay, ay nagbigay sa akin ng lakas ng loob na kailangan kong humingi ng tawad sa aking nakaraan at maniwala sa aking hinaharap. Ibinuhos ko ang lahat ng kanilang mapagmahal na patnubay sa kahoy na panggatong nang may sabik na pag-asa. Sa wakas ay dumating na ang oras upang sunugin ang aking itinayong obra maestra.

Natagpuan ko ang perpektong kislap sa Buhay na Salita. Sa loob ng isang buong taon, nilagyan ko ang mahalagang elementong ito. Pinakain ko ito ng hangin habang tinutunaw ang turo, direksyon at karunungan ng Diyos at maingat na inilagay ang spark malapit sa base ng aking istraktura. Tinulungan ng Diyos sa pamamagitan ng marahan na pag-ihip laban sa kislap, at ang apoy ng pag-ibig kay Jesus ay umaalingawngaw sa buhay sa aking puso.

Ngayon, ang apoy na ito ay nagniningas at maliwanag. Ang pag-ibig na ibinabahagi ko sa Panginoon ay nasiyahan sa lahat ng aking inaasam-asam. Bago ang pagkakakulong, ako ay nawala at ginulo ng mga makamundong kasiyahan, na nakulong sa mga patibong nito, nadama na lubhang naubos at walang direksyon. Bilang isang taong nawala sa ilang ng buhay, walang mabubuhay kung walang apoy. Ang aking buhay ay makabuluhan sa Panginoon, at mas madaling makakita ng pag-asa sa pagkakataon sa pamamagitan ng liwanag ng apoy na ito.

'

By: Jennifer Sage

More
Mar 23, 2023
Masiyahan Mar 23, 2023

Wala siyang higit na ipinagmamalaki kung hindi ang matawag siyang ‘Mummy’s boy’. Isinalaysay ni Rob O’ Hara ang kanyang magandang kwento ng buhay ng pamumuhay malapit sa Ina ng Diyos.

Saan nagsimula ang lahat?

Maraming taon na ang nakalilipas bilang isang maliit na batang lalaki, lumaki ako sa Dublin bilang isang solong anak na may kamangha-manghang mga magulang. Mahilig silang magdasal ng Rosaryo araw-araw nang walang pag-aalinlangan. Ang kasabihan ni Father Patrick Payton, “Ang mag-anak na nagdadasal ng sama-sama ay nananatiling magkakasama” ay ang kasabihan sa aming  tahanan.

Natatandaan ko na nakatagpo ko ang Ating Ina noong bata pa ako. Inanyayahan nina Mama at Papa ang mga tao na magdasal ng Rosaryo sa buwan ng Mayo, buwan ni Maria. Hindi ito gaanong mahalaga sa akin, ngunit bigla na lang, habang nakaupo ako sa gitna ng mga taong nagdarasal ng Rosaryo, nakaramdam ako ng matinding pagnanais na manalangin. Napuno ng amoy ng mga rosas ang hangin, at naramdaman ko ang presensya ng Ating Ina. Nang matapos ang Rosaryo, naramdaman ko ang pagnanais na patuloy na manalangin at hinikayat ang mga tao na manatili nang mas matagal, “Magdasal tayo ng isa pang Rosaryo, narito ang Mahal na Birhen.” Kaya, nagdasal kami ng isa pang Rosaryo, ngunit hindi pa rin iyon sapat. Nagsimulang umalis ang mga tao, ngunit nanatili ako roon at nagdasal ng isa pang 10-15 Rosaryo sa piling ng Ating Ina. Hindi ko Siya nakita, ngunit alam kong naroon Siya.

Noong apat o limang taong gulang pa lang ako, naranasan ko ang biyaya at tulong ng Ating Ina sa unang pagkakataon sa isang nadaramang paraan. Noong dekada 80, mataas ang kawalan ng trabaho. Ang aking ama ay nawalan ng trabaho, at dahil siya ay nasa kalagitnaan ng kwarenta ay hindi madaling makakuha ng panibago. Ilang beses ko nang narinig ang kwentong ito habang lumalaki, kaya malinaw sa isip ko ang mga detalye. Bumaling ang aking mga magulang sa Ating Ina ng may pagtitiwala. Nagsimula silang magdasal ng Rosaryo Nobena at sa pagtatapos ng nobena, nakuha ng Tatay ko ang trabahong talagang gusto niya.

Noong dumating ako sa aking kabataan, nagsimula kong mapansin na ang pananampalataya, panalangin at maging ang pakikipag-usap tungkol sa Ating Ina ay hindi “ayos”. Kaya’t huminto ako sa pagdarasal ng Rosaryo at naghanap ng mga dahilan para hindi ako naroroon kapag magdadasal nito ang aking mga magulang. Nakakalungkot mang sabihin, nahulog ako sa sekular na mundo at talagang inihulog ko ang sarili ko doon. Nakalimutan ko ang tungkol sa kapayapaan, kagalakan, at katuparan na natagpuan ko sa pananalangin noong bata pa ako at sa aking kabataan. Itinaboy ko ang aking sarili sa palakasan, pakikisalamuha, at sa huli, sa aking karera. Naging matagumpay ako at naging tanyag, ngunit palagi akong may namumuong kahungkagan sa loob ko. May hinahanap ako, ngunit hindi ko alam kung ano iyon. Sa pag-uwi ko makikita ko ang Nanay at Tatay ko na nagdadasal ng Rosaryo at nagtatawa sa sarili ko at lalampas.

Ang patuloy na pangungulit ng kahungkagan na ito ay nagpalanta sa aking buhay, nagtaka ako kung bakit hindi ako iniiwan ng kawalan na ito, anuman ang gawin ko. Bagama’t mayroon akong magandang trabaho, ako ay inaapi ng husto, nahuhulog ako sa depresyon. Isang araw, pagkatapos ng isa pang kakila-kilabot na araw, umuwi ako upang makita ang aking mga magulang na nakaluhod, nagdarasal ng Rosaryo gaya ng dati. Bumaling sila sa akin nang may kagalakan at hiniling sa akin na sumama sa kanila sa pananalangin. Wala akong maisip na dahilan, kaya sabi ko, “Okey.” Pinulot ko ang mga butil ng rosaryo na dati ay pamilyar sa aking paghipo at iniyuko ko ang aking ulo sa pagdarasal.

Sa ilalim ng Mantel ni Maria

Dumalo ako sa Misa kung saan napansin ako ng ilang matagal ng mga kaibigan na nakaupo sa likod ng simbahan, kaya inanyayahan nila akong sumama sa kanila sa isang pulong ng panalangin. Nang pumunta ako, nagulat ako nang makita ko ang ibang mga kabataan na nagdadasal ng Rosaryo. Habang lumuluhod ako para magdasal, lahat ng masasayang alaala noong bata pa ako na nagdarasal sa magandang panalanging ito ay sumagi sa isip ko. Dahil sinira ko ang relasyong iyon sa aking “Nanay” ay hindi ko siya nakausap nang napakatagal na panahon. Sinimulan kong ibuhos ang aking puso sa Ating Ina, regular na nagdarasal ng Rosaryo habang papunta sa trabaho.

Balik sa maka-inang yakap ni Inang Maria, ang lahat ng madilim na bahagi ng aking buhay at ang bigat ay nagsimulang mawala at nagsimula akong magkaroon ng magandang panahon sa trabaho. Nang mapagtanto ko kung gaano ako kamahal ng Mahal na Birhen, sinimulan kong lalong ibuhos ang aking puso sa kanya. Pakiramdam ko ay binalot ako ng kanyang asul na mantel na napapaligiran ng kapayapaan at kalma.

Napansin ng mga tao kung gaano ako kasaya at tinanong ako kung ano ang nagbago. “Oh, nagdadasal ulit ako ng Rosaryo.” Sigurado akong naisip ng mga kaibigan ko na medyo kakaiba ito para sa isang kabataang lalaki sa kanyang maagang 20s, ngunit nakikita nila kung gaano ako kasaya. Habang nagdarasal ako, lalo akong napapamahal kay Hesus sa Banal na Sakramento at Eukaristiya. Habang lumalago ang aking relasyon kay Jesus at lalong bumabaling kay Jesus, nagsimula akong makibahagi sa mga kilusang kabataang Katoliko sa Ireland tulad ng Pure in Heart at Youth 2000. Kinain ko ang mga aklat tulad ng “Total Consecration to Jesus through Mary” at “True Devotion to Mary” ni Saint Louis De Montfort. Ang kanyang kasabihan na “Totus Tuus” na pinagtibay ni Saint Pope John Paul II, ay lubos na tumimo sa akin. Sinabi ko rin sa Ating Ina, “Ibinibigay ko ang aking sarili nang buong-buo sa iyo.” Ang aking pananampalataya ay lumago habang ito ay inalagaan ng mga dakilang organisasyong ito, at nadama ko ang labis na kagalakan. Naisip ko, “Ito ang Langit, ito ay mahusay!”

Paghahanap ng “siya na”

Alam ko sa aking puso na mayroon akong bokasyon na magpakasal, ngunit hindi ko pa lang nakikilala ang tamang babae sa oras na iyon. Kaya bumaling ako sa Ating Ina at nagsabing, “Tulungan mo akong mahanap ang perpektong asawa para sa akin upang manalangin kami sa iyo at mahalin ang iyong Anak nang mas malalim.” Araw-araw kong dinasal ang panalanging ito at sinimulan kong pasalamatan sina Jesus at Maria para sa magiging asawa ko, at sa mga anak na inaasahan kong pagpapalain kami. Pagkalipas ng tatlong buwan, nakilala ko ang aking magiging asawa, si Bernie. Sa aking unang pakikipagkita, sinabi ko sa kanya, “Pumunta tayo sa simbahan at magdasal ng Rosaryo sa Mahal na Birhen.”

Maaari namang tumanggi si Bernie, ngunit sinabi niya, “Oo, gawin natin iyan” at lumuhod kami sa harap ng rebulto ng Mahal na Birhen at nagdasal ng Rosaryo. Iyon ang pinakamagandang unang tipanan na naranasan ko at ang huling unang tipanan na naranasan ko! Sa buong panliligaw ko ay nagdarasal kami ng Rosaryo araw-araw sa Ating Ina at San Jose para tulungan kaming maghanda para sa sakramento at makasama namin sa aming kasal. Ikinasal kami sa Roma at iyon ang pinakamagandang araw ng aming buhay. Hindi nagtagal, naglihi si Bernie. Nang ipanganak ang aming maliit na batang babae, si Lucy, inilaan namin siya sa Ating Ina sa kanyang araw ng Binyag.

Mga Araw ng Unos

Sa mga unang taon ng aming kasal, iniwan ko ang aking trabaho sa mundo ng korporasyon sa pagbabangko. Hindi ito ang lugar para sa akin sa maraming kadahilanan. Habang ako ay walang trabaho, sinisikap na magbayad ng upa at magpalaki ng isang bata, nagdasal kami ng Rosaryo para sa tamang trabaho na darating. Sa kalaunan, ang aming mga panalangin ay sinagot ng isang napakagandang trabaho para sa isang organisasyon ng kawanggawa na tinatawag na Human Life International. Luwalhati sa Diyos at salamat sa Ating Ina!

Lalo kaming natuwa nang magbuntis si Bernie ng kambal na lalaki, gayunpaman sa ika labing-anim na linggo ng pagbubuntis, isinugod namin sa ospital si Bernie dahil sa sakit. Ang mga pagsusuri ay nagsiwalat na ang kambal ay hindi mabubuhay. Ngunit sa halip na mawalan ng pag-asa, bumaling kami sa Ating Ina. Kasama namin siya, hinihikayat kami na talagang sumandal sa kanya. Nanalangin kami na mamagitan siya para sa isang mahimalang pagpapagaling. Ang linggong inilagi namin sa ospital, kami ay masaya, nagbibiruan at nagtatawanan. Kami ay puno ng pag-asa at hindi kailanman nawalan ng pag-asa.

Ang mga kawani ng ospital ay namangha na ang kabataang mag-asawang ito na dumaranas ng napakahirap na panahon ay napapanatili ang kanilang kagalakan at pag-asa. Lumuluhod ako sa kama at nagdadasal kami ng Rosaryo, nakikiusap sa Mahal na Birhen na samahan kami. Ipinagkakatiwala na namin ang kambal sa pangangalaga nina Hesus at Maria, ngunit noong ika-6 na araw ay nakunan kami, at ipinagkatiwala namin ang aming mga anak sa kanilang mapagmahal na pangangalaga. Ito ay isang mahirap na araw. Nayakap namin sila at nahawakan at nailibing. Ngunit ang Mahal na Birhen ay kasama namin sa aming kalungkutan. Nang makaramdam ako ng panghihina, para akong guguho sa lupa, inalalayan ako ng Mahal na Birhen. Nang makita kong umiiyak ang aking asawa at naisip kong kailangan kong manatiling matatag, ang Ating Ina ang tumulong sa akin.

Senyales ng Biyaya

Habang kami ay nagdadalamhati pa, nagpunta kami sa isang peregrinasyon sa Medjugorje. Sa unang araw, hindi namin inaasahan na ang magdidiwang ng Misa ay ang aming napakabuting kaibigan, si Padre Rory. Bagama’t hindi niya alam na nandoon kami, ang kanyang homiliya ay tila nakadirekta sa amin. Inilarawan niya kung paano nakayanan ng isang sikat ang kalungkutan at pagkawala ng kanyang batang kaibigan sa pamamagitan ng Rosaryo. Inialis siya ng Rosaryo sa madilim na lugar na iyon. Para sa amin, iyon ay isang kumpirmasyon—isang mensahe mula kay Jesus at Maria; malalampasan natin ang mahirap na panahong ito sa pamamagitan ng pagbaling sa kanila at pagdarasal ng Rosaryo.

Pagkalipas ng dalawang taon, biniyayaan kami ng isa pang magandang batang babae, si Gemma. Pagkatapos, nagkasakit ang aking ama at habang siya ay nasa higaan ng kamatayan, hinimok ako ng aking asawa na tanungin siya kung sino ang kanyang paboritong santo. Nang tanungin ko siya, isang magandang ngiti ang sumilay sa kanyang mukha at magiliw siyang sumagot, “Maria…. dahil siya ang aking ina.” Hindi ko makakalimutan iyon. Ito ay napakalapit na sa katapusan ng kanyang buhay at kagalakan lamang ang sumilay mula sa kanya sa pag-iisip kung ano ang naghihintay sa kanya.

 

'

By: Rob O'Hara

More
Feb 22, 2023
Masiyahan Feb 22, 2023

Si Maria Stardero, isang 12-taong-gulang na batang babae, ay dinala ng kanyang tiyahin sa simbahan kung saan dose-dosenang mga batang lalaki ang nakatayo o nakaluhod sa pagdadasal habang hinihintay nilang dumating si Don Bosco para sa kumpisal.  Habang patungo siya sa upuan, napansin ng ilan sa mga batang lalaki na ang mga mata ng batang babae ay walang mga cornea at kahawig ng mga puting holen.

Pagdating ni Don Bosco, tinanong niya ang batang babae tungkol sa kanyang kalagayan.  Hindi siya isinilang na bulag, sinabi niya sa kanya, ngunit dahil sa karamdaman sa mata ay ganap na nawala ang kanyang paningin dalawang taon na ang nakalipas.  Nang tinanong niya ang tungkol sa paggagamot, nagsimulang humikbi ang kanyang tiyahin.  Nasubukan na nila ang lahat, ngunit ang mga manggagamot ay may isang bagay lamang na masabi: “Ito ay walang lunas!”

“Masasabi mo ba kung ang mga bagay ay malaki o maliit?” tanong ni Don Bosco sa bata.

“Wala po akong makita.”

Siya ay kaniyang dinala sa may bintana upang tingnan kung nakakaaninag siya ng liwanag, ngunit hindi niya makaya.

“Gusto mo bang makakita?” tanong ni Don Bosco.

“Aba, opo! Ito ang tanging bagay na nais ko,” wika ng batang babae, naluluha.

“Gagamitin mo ba ang iyong mga mata para sa ikakabuti ng iyong kaluluwa at hindi upang masaktan ang damdamin ng Diyos?”

“Pinapangako ko pong gagawin ko, nang buong puso ko!”

“Mabuti,” sabi ni Don Bosco. “Mababawi mo ang iyong paningin.”

Matapos ang pagdulog kay Maria, Tulong ng mga Kristiyano, binigkas ni Don Bosco ang Aba Ginoong Maria at binasbasan ang batang babae.  Kapagdaka hawak ang medalya ng Maria, Tulong ng mga Kristiyano, sa harap ng mga mata ng batang babae, hiniling niya, “Para sa kaluwalhatian ng Diyos at ng Mahal na Birhen, sabihin mo sa akin kung ano ang hawak ko sa aking kamay.”

“Hindi niya kaya . . .” sinimulan ng nakakatandang tiyahin, ngunit hindi pinansin ni Don Bosco.  Pagkaraan ng ilang sandali, sumigaw ang bata, “Nakakakita ako!”  Kaagad niyang inilarawan ang medalya nang buong linaw.  Ngunit nang iunat niya ang kanyang braso para tanggapin iyon, gumulong ito sa isang madilim na sulok.

Kumilos ang tiyahin upang kunin ito, ngunit sinenyasan siya ni Don Bosco pabalik.

“Hayaan mo siyang hanapin yon nang makita kung lubusang naibalik ng Mahal na Birhen ang kanyang paningin,” giit niya.  Agad na naglakad ang batang babae patungo sa madilim na sulok at yumuko upang kunin ang maliit na bagay.  Habang madaming saksi ang nakamasid, mangha at labis na natinag, si Maria ay lubos na nagpasalamat kay Don Bosco at nang may mga hikbi sa labis na kagalakan.

Ipagkatiwala mo ang lahat kay Hesus sa Banal na Sakramento at kay Maria, Tulong ng mga Kristiyano, at makikita mo kung ano ang mga himala! – San Juan Bosco

 

 

'

By: Shalom Tidings

More