Home/Masiyahan/Article

Sep 09, 2021 630 0 Mary Therese Emmons, USA
Masiyahan

PAGALINGIN ANG MUNDO

Habang lumalaki kami bilang isang malaking mag-anak na may sampung magkakapatid at sampung magkakaibang personalidad, ang tahanan mamin ay malimit na maingay at magulo, nguni’t puno din ng malalim na pananampalataya at pagmamahalan. Ako ay may malilinaw na gunita ng sarili ko at mga kapatid ng pangungunsumi sa aming ina ng sumbungan at di-pagkakaunawaan.

Malimit na ang aking ina ay payak lamang na tumutugon sa aming alitan ng pagbibigkas ng “Ang Pinagpala” sa kanyang tahimik at malumanay na tinig: “Pingpala ang mga tagapamayapa, pagka’t Sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.” Sa tuwing madidinig namin ang mga salitang ito, bubuwelta at pagtitibayan naming magbago upang magkasundo at magpaumanhin. Sa paglipas ng mga taon, napakaraming mga makabuluhan salita ng aking ina ay naging aking panloobang tinig. Tinig na kasalukuyang lalong lumalakas ngayon sa loob ng maligalig na mundo na ating tinitirhan.

Kakatwa mang ihambing, ang mundo ngayon ay hindi ganap na kakaiba sa tahanan ng aking pinaglakihan. Itong mundo ay maingay at magulo din, nguni’t puno din ng pananalig at pag-ibig. Bagama’t may mga nagbabanggaang kakanyahan, nagkakaibang mithiin, at nagsasalungatang kuro-kuro, gayunpaman ay naniniwala akong mayroon pa ring pangkalahatang pagnanais para sa katiwasayan, at pinagsasaligang pagmamahalan para sa isa’t-isa.

Ang dasal na kinagigiliwan ng aking ama ay isang payak nguni’t magandang dasalin ni San Francisco de Asis na naging makabuluhan sa akin habang ako ay tumatanda. Ito ay lubos na angkop sa mga panahon ng ating buhay. Hindi lamang dasalin para katahimikan, Ito ay dasalin na ang hanap ay ang landas na maging pinagmumulan ng pagpapalaganap ng katahimikan.

Ito ay nag-aanyayang kalimutan natin ang ating sarili upang kalingain ang iba at bigyang lunas itong mundo na sukdulang nasugatan at nananangis sa sakit. Habang pinagmumunihan ko ang mga taos-pusong salita nitong makapukaw-damdamin na dasal, hindi ko mapigilang maramdaman ang paghahalubilo ng awa at pakikiramay sa mga nasaktan, at ang tapat na pagnanais na makatulong sa paghilom, mag-alay ng ginhawa, at magdala ng katahimikan saan man ako.

Isang kakaibang mundo Ito kapag tayong lahat ay nakayakap sa mga banayad na salita ng banayad na santo ng Asis at nasangkatuparan ang mga ito sa ating buhay:

 

Panginoon, gawin Mo akong kasangkapan ng Iyong kapayapaan.

Kung saan may poot, makapagbigay-daan ako sa pagpunla ng pag-ibig;

Kung saan may pinsala, pagpapaumanhin;

Kung saan may pag-aalinlangan, pananalig;

Kung saan may hapis, pag-asa;

Kung saan may karimlan, liwanag;

Kung saan may dalamhati, ligaya;

Banal na May-Kapal, Ipagkaloob na di ko labis na hangarin

Ang mamanatag, kundi magpanatag;

Ang maintindihan, kundi umintindi

Ang mahalin, kundi magmahal;

Pagka’t nasa pagbibigay upang tayo ay makatanggap;

Nasa pagpapaumanhin upang tayo ay mapatawad;

At nasa pagpanaw upang tayo ay maisilang sa walang-hanggang buhay. Amen.

Share:

Mary Therese Emmons

Mary Therese Emmons is a busy mother of four teenagers. She has spent more than 25 years as a catechist at her local parish, teaching the Catholic faith to young children. She lives with her family in Montana, USA.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles