Home/Makatagpo/Article

Jun 23, 2021 1200 0 Deacon Doug McManaman, Canada
Makatagpo

Tuklasin ang Iyong Tunay na Pagkakakilanlan

Ikaw ay tunay, ganap, maniningning … na kaisaisa sa Dios na nagsaad na ikaw!

Mga Alon ng Kawalan ng Pag-asa

Noong taong 2011, bago nagsimula ang kapistahan ng Pasko, nagtamo ako ng tila mahiwagang karamdaman.  Ni sino sa larangan ng panggagamót ay walang makapagsabi kung ano ito.  Ika-23 ng Disyembre, nag umpisang manginig ang buong katawan ko.  Nakaramdam ako ng matinding sakit sa paligid ng ulo, leeg, ulo at mga braso, kaya ako’y umakyat ng kama, umaasang itoy mawawala bago dumating ang araw ng Pasko.  Ngunit hindi nawala.

Ako ay nasa Silid Ng Kagipitan noong ika-26 ng Disyembre, na may malubha pa ring karamdaman.  Ang sakit sa ulo ay lumipat sa balikat at bumaba sa mga braso patuloy sa mga binti.  Ang manggagamot sa Silid Ng Kagipitan. ay inakalang ito ay Polymyalgia Rheumatica na wala pang tuklas na panlunas.  Pinauwi nila ako na may reseta para sa  at Gamot sa matinding sakit at Prednison.

Isang linggo ang lumipas, ang kalagayan ko ay hindi umigi at nagsimula akong nag isip na hindi ako makababalik sa mga silid- aralan upang magturo.  Itoy hindi lamang pangkatawang tinutuos. Nilalabanan ko din ang kawalan ng pag asa. Nakaramdam ako ng mga alon ng pagkalungkot na pumupuspus nang pamalagihan.  Hindi ko mailarawan sa isip ko sakaling itoy manatiling ganito para sa nalalabi pa ng aking buhay.

Isang Karaniwang Panalangin

Ako ay nasa telepono arawaraw sa pagsangguni sa aking pang espirituwal na patnugot.  Sa isang tagpo, sinabi ko sa kanya, “Maaring ito ay katulad ng nararanasan ng mga taong pinagsisilbihan ko sa ministeryo.”  Ang aking paglilingkod bilang diakono ay para sa mga dumadanas ng sakit na may kaugnayan sa isip.  Ang karamdamang ito ay nagbigay sa akin ng pansin mula sa loob ng kadiliman at masalimoot na daan na kailangan nilang tahakin sa panghabang buhay.  Ako ay nagkamit ng mas makahulugang paghanga sa pagpapakumbaba ng kanilang buhay bilang tagapamahagi sa mga paghihirap ni Kristo.

Hinumok akong magdasal ng aking patnugot.  “Sa Iyong mga kamay, Panginoon, inihahabilin ko ang aking diwa.”  Ang mga linyang ito ay bahagi ng aking panggabing dasalin mula sa aklat ng maiikling dasal.  Sa madaling sabi, matagal ko na itong dinadasal ngunit kapag tayoy nagdadasal nang paulit-ulit, nawawaglit sa atin ang tunay na dama at kalaliman ng kahulugan nito.  Kailanman, di ko naisipang ang dasal na ito ay bigyan  na mas seryosong pagtuon, sa ibang salita, “Sa iyong mga kamay, Panginoon, inahahabilin ko ang aking diwa;  gawin Mo ang ayon sa kalooban Mo kung kalooban Mo na hindi na ako babalik sa silid-aralan, at siya nawa.”

Ang tulog ko ng gabing yaon ang pinakamahimbing.  Nagising ako nang may napakalaking kagalakan.  Bagama’t ako ay nasa kabigatan pa rin ng sakit, ang kadiliman ay sadyang nawaglit.  Hindi nagtagal, ang sakit ay nagsimulang gumaan;  at sa bandang huli, ako’y dahandahang napagaling ng Prednison hanggang hindi ko na ito kinailangan.  Nakayanan kong bumalik sa silid aralan at nakapagturo pa ako ng walong taon.  Maging ang aming pampamilyang manggagamot at kung sino pang espesyalista na sinangguni ko nang panahong yun ay hindi nakatuklas ng sanhi ng aking pananangis.  Tiniyak sa akin ng huling espesyalista na pinagsanggunihan ko na hindi ito ‘polimyalgia rheumatika’ ngunit hindi nya rin alam kung ano ito o maaring ito’y isang uri ng mikrobyo.

Tikim ng Paghihirap

Pagkaraan ng mga taon, binalikang-tanaw ko ang karanasang ito na bilang isang biyaya, isang handog.  Tinulungan ako nitong makita ang paghihirap ng mga binibisita kong may sakit sa isip sa ibang liwanag ng pag-uunawa.  Nakatikim ako ng hirap na tinitiis nila araw-araw, taon-taon, ang makakamit ng pag-unawa sa kanilang suliranin upang makibahagi sa kanilang paghihirap, tulad ng pagdamay ng aking patnugot noong kasalimuotan ng panahong yon.  Ito ang kabuluhan ng kahulugan ng pagkatawang tao ng Pangalawang Tao ng Banal na Trinidad. Iniugnay ng Dios Anak ang kalikasan ng tao sa Kanya at sumapi sa karimlan nito.  Sa pamamagitan nito ibinahagi ang sarili Nya sa paghihirap ng tao.

Siya’y dumating para turukan ng liwanag ang ating kadiliman, at ng Kanyang buhay sa ating kamatayan.  Kung tayo’y maghihirap, hindi na tayo maghihirap nang mag-isa at hindi na tayo mamamatay na mag-isa.  Matatagpuan natin Sya sa kalagitnaan ng ating paghihirap at matatagpuan natin Sya sa bingit ng ating kamatayan, at ang ating matatagpuan ay walang katapusang awa na papatnubay sa ating paghihirap at kamatayan.

Tuklasin ang Tunay na Pag-Ibig

Ang Banal na Katarungan ay Naipahayag sa katauhan ni Kristo bilang Banal na Awa.  Ang awa ng Dios na naipahayag sa Kanyang pagdurusa, pagkamatay, at pagkabuhay na muli.  Bagamat hindi tayo karapatdapat, ang Dios na Sya mismong walang hanggang Buhay, ay nagpahayag ng Kanyang walang hanggang awa sa pamamagitan ng pagkamatay Nya sa Krus.  Dahil sa kamatayan Nya, Kanyang pinawalang bisa Nya ang pangingibabaw, ang kadiliman, at ang kawalan ng pag-asa na dulot ng kamatayan.  Gagawin Nya sa atin ito kahit pa ikaw o ako lamang ang nangangailangan na mahango sa walang hanggang kamatayan.  Minahal ng Dios ang sangkatauhan nang hindi pangkaraniwan.  Hindi, minahal Nya ang bawat isa na tila wala na Syang kailangang mahalin pa.  Kahit ang Dios ay hindi natin binibigyan ng pansin sa bawat sandali ng ating buhay, binibigyan Nya ng pansin ang bawat isa sa atin sa bawat tagpo ng ating pag-iiral.  Ganyan kamahal ng Dios ang bawat isa.

Tunawin ang Iyong mga Takot

Ang buhay ay tungkol sa pagtuklas ng lubos na pag-ibig.  Napakarami sa atin ang natatakot na pahintulutan ang ating sarili upang madama yaong Pag-ibig dahil ito ay gaya ng araw na nagpapainit sa lahat na nananatiling nasisinagan nito.  Tinutunaw nito ang ating mga pinakamalalim na hinanakit, ngunit para sa iba sa atin, itong mga pighati ay lubos na naging bahagi ng ating pagkatao, kaya tayo’y tumatanggi.  Ang lubos na pagmàmahal ng Dios ay tutunawin din ang mga takot natin.  Ngunit para sa ibang tao ay kumakapit sa kanilang pagdududa dahil ang kanilang mapanànggalang tindig ay mahalagang bahagi ng kanilang pagkatao.  Para mayakap ang Pag ibig na yon, kinakailangan nating kalimutan ang kasarinlan upang pahintulutan ang Dios na patnubayan tayo bilang Kanyang mga anak.  Sa pagwaglit ng ating mga hinanakit, mga takot, at kasarinlan,  maaring makaramdam tayo ng pagkaligaw, ngunit ang totoo tayo ay hindi naliligaw.  Tayo ay natagpuan na.

Ang awa ng Dios na inihayag sa Katawan ni Kristo –sa Kanyang Katawang-tao, Pagdurusa, Kamatayan at Muling Pagkabuhay– ay ganap at sadyang hindi inaasahan.  Makikita natin ang Awa sa imahe ng Dios, ngunit kailangan nating pahintulutan nitong imahe ang Kanyang Walang-hanggang Awa na mag mahal mula sa labas at papaloob, mula sa bagay na ating pinagmumunimunihan sa panlabas, paroon sa liwanag at pag-ibig na nanggagaling sa ating sarili.  Upang  makamit ito nang lubos ay layuning pang habang buhay;  ngunit sa araw na sisimulan nating tahakin ang landas na ito ay ang araw na magsisimula tayong mabuhay

Share:

Deacon Doug McManaman

Deacon Doug McManaman is a retired teacher of religion and philosophy in Southern Ontario. He lectures on Catholic education at Niagara University. His courageous and selfless ministry as a deacon is mainly to those who suffer from mental illness.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles