Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 12, 2022 653 0 Lianna Mueller
Makatawag ng Pansin

PALIPARIN PALAYO ANG MGA ALALAHANIN

Narito ang isang paraan upang mawala ang iyong mga alalahanin…

Sa bawat araw ay dumarating ang pagkakataon na baguhin ang ating pag-iisip at ang ating puso. Bagama’t mahigpit kong itinataguyod ang pananalangin, sa pagsasagawa, hindi ito ang aking nakaugaliang ginagawa. Tulad ng marami, mas gusto kong mag-alala kaysa magdasal, hinahayaan ang sarili kong mauwi sa ‘paano kung’. Paulit-ulit, kailangan kong matutunan ang leksiyon ng pagbabago ng aking disposisyon, na siya namang nagpapabago sa aking puso. Pinayuhan tayo ni Jesus na huwag mag-alala, at kaya araw-araw ay sinisikap kong ilipat ang aking mga alalahanin sa mga panalangin at ng sa gayon ay hayaan silang lumipad palayo.

Sa halos buong 2021, nag-ipon ako para makadalo sa isang sikat na kumperensyang Katoliko. Ngunit ang mga gastos ay naging mas mataas kaysa sa inaasahan ko. Ilang taon ko nang gustong dumalo sa kumperensyang ito at hindi ko inaasahan na ito ang taon na magbubukas ng pagkakataon. Isang mahal na mag-asawa na malapit na kaibigan ko at naging maimpluwensya sa aking buhay ang tumawag para sabihin sa akin na dadalo sila sa taong ito at masigasig akong hinikayat na dumalo. Mayroong isang bagay sa kung paano sila magsalita na nagsasabi sa akin na ito ay ang Banal na Espiritu na humihikayat sa akin. Pagkatapos ng tawag na iyon ay alam kong walang pag-aalinlangan na kailangan kong dumalo sa kumperensya ngayong taon. Ang pag-iisip na makadalo ay napuno ako ng kagalakan at pag-asa.

Habang ang mga gastos na nauugnay sa pagdalo sa kumperensya ay patuloy na tumataas, napansin ko ang aking sarili na nahuhulog sa bitag ng pag-aalala. Sa halip na alalahanin kung paano palaging nagbibigay ang Diyos, nag-aalala ako kung magkakaroon ba ako ng kinakailangang pondo sa tamang panahon.

Isang araw, naudyukan akong huminto sa pag-aalala at sa halip ay bumaling sa Diyos, ang nagbibigay ng lahat ng mabubuting regalo! Nang ang pag-aalala ay nauwi sa pananalangin, isang ngiti ang namuo sa aking mukha. Naalala ko na tapat ang Diyos, at sisiguraduhin akong may pera sa aking  pagdalo. “Ama sa Langit,” panalangin ko, “salamat sa bawat pagkakataong ibinibigay Mo sa akin. Mangyaring ibigay ang aking mga pangangailangan para sa kumperensya. Salamat sa Iyong laging pagbibigay sa akin sa Iyong perpektong paraan.”

Ang pagiging may kamalayan sa aking mga alalahanin ay naging isang bumbilya sumandali. Bumukas ang ilaw at naaalala kong gawing panalangin ang aking mga alalahanin. Gumaan ang isip ko, pati na rin ang puso ko. Naaalala ko na ang aking Ama sa Langit ay patuloy na naglalaan para sa akin sa bawat bahagi ng aking buhay. Bakit hindi niya ako pagkalooban sa bahaging ito? Ngayon, nagsusumikap ako araw-araw, sa bawat bahagi ng aking buhay, na bumuo at ugaliing ilipat ang aking mga alalahanin sa mga panalangin at sa gayon ay hayaang lumipad ang aking mga alalahanin.

Kahanga-hangang ipinagkaloob ng Diyos at nakadalo ako sa kumperensya. Bagama’t nagbabantang makansela ang aking paglipad dahil sa bagyo ng niyebe sa umaga ng aking pag-alis, nanaig ang Diyos at nakarating ako nang ligtas at nasa oras. Namangha ako sa magandang lugar para sa kumperensiya at sa komportable kong silid sa otel. Lumalabas na nakaipon pala ako ng higit pa sa kailangan ko para sa mga gastusin ko! Bakit ako nag-alala? Ginawa ng Diyos Ama ang lagi Niyang ginagawa kung saan siya mahusay at nagkaloob para sa mga pangangailangan ng isa sa Kanyang mga anak. Nagpapasalamat ako sa karanasang ito at sa muling pagkatutong ibaling ang isip ko sa Diyos sa halip na mag-alala. Habang binabago natin ang ating mga iniisip, binabago rin natin ang ating buhay. Habang ibinabaling natin ang ating mga puso sa Diyos sa halip na sa negatibiti, tayo ay nagiging mas katulad Niya. Gaano tayo mas magiging hindi balisa, at gaano lalo kalaki ang ating pasasalamat sa ating Ama sa Langit, kung palagi nating babaguhin ang ating mga alalahanin na maging mga panalangin? Gaano kaya kapayapa ang buhay kung hahayaan nating lumipad ang ating mga alalahanin palayo? Salamat, Ama sa Langit, na Ikaw ay isang panalangin lamang ang layo!

Share:

Lianna Mueller

Lianna Mueller works as a counselor in the Dallas, TX area. She loves to write fiction and non-fiction in her free time, and blogs at sunflowersojourn.wordpress.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles