Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 12, 2022 999 0 Karen Eberts, USA
Makatawag ng Pansin

PAANO BINAGO NG KUWARENTENAS ANG BUHAY KO

Sa pagtakbo ng mga linggo na magkasama kami ng aking asawang naghahanapbuhay mula sa bahay, 24 na oras sa maghapon, muli ko na namang natagpuan ang aking sarili na parang isang bulkang sasabog…

Iyon ay ang tagsibol ng 2020 at ang Covid-19 ay kumalat sa buong bansa at sa kalakhang bahagi ng mundo. Nakikiangkop kami sa mga bagong parirala tulad ng “pag-aagwat sa lipunan,” at “pagkakanlong sa kinalalagyan.” At ang paghalubilo sa kapwa ay limitado sa paggamit ng teknolohiya. Kaya naman, isang kaibigan ang humimok sa akin at iba pang mga kaibigan na samahan siya sa isang online na pag-aaral ng Bibliya, istilo ng pandemiya. Matapos manood ng mga bahagi ng isang video at mabasa ang mga bahagi ng aklat na kalakip nito, i-papadala namin ang mensahe namin ang aming mga saloobin at kuru-kuro sa isa’t isa.

Sa unang kabanata ng pag-aaral ay natagpuan ko ang salitang “pagtitimpi.” Sa kabila ng pagiging mag-aaral ng Banal na Kasulatan sa loob ng madaming taon, natanto ko na ang katawagang ito ay hindi bahagi ng aking talasalitaan! Ito ay hindi nababago sa akin, dahil nakita ko ito sa kabuuan ng Bibliya, ngunit ang salitang pagtitimpi ay tila mas angkop sa ibang panahon ng kasaysayan. Inilarawan ng may-akda ang kabanalan na ito bilang kakayahang pigilan ang kapangyarihan ng isang tao, kahit na ang isa ay may karapatan na gamitin ito, para sa nakahihigit na kabutihan na maaaring hindi maliwanag sa isang naghahanap ng kaginhawahan. Siya ay nag-alay ng talinghaga upang magpaliwanag: isipin na ang Diyos ay may dalawang bisig, kapwa makapangyarihan. Habang iniinat ang Kanyang kanang bisig upang magpataw ng kapangyarihan, kung minsan ginagamit Niya ang Kanyang kaliwang bisig upang hilahin ang kabilang kamay, nang sa gayon ay mapigilan ang lakas na gamit nito.

Ibinahagi ko ang insight na ito sa pangkatang text. Isang kalahok ang sumagot na “Siya ay may sapat na pag-aalala upang payagan akong makipaghamok at makita ang mas malalim na pang-unawa at ugnayan sa Kanyang puso.” Nakita ko ang mismong bagay na ito sa aking buhay nang paulit-ulit sa paglipas ng mga taon. Ang 40 taon na nagsilbi ako sa pangangalaga sa pangkalusugan ay tila kahanay ng 40 taon na ang mga Israelita ay pagala-gala sa disyerto. Ang pag-ungol at pagdaing ay naging tanda ng bawat kanya-kanya nating paglalakbay subalit ang Panginoon ay patuloy sa pagtustos sa aking mga pangangailangan at gayon din ng mga Israelita at itinuro sa atin ang pagtupad na nagbunga ng pagtitiyaga, isa sa “mga bunga ng Espirito.”

Sa paglipas ng panahon, ang pagtitiyaga ay nakagawian na at bihira na akong magpahayag ng inis o galit sa salita—kahit man lang paglabas ng pintuan ng aking tahanan! Kahit pa ako ay umasenso na sa loob ng aking tahanan, natuklasan ko pa din na ito ang dako na kumalabit sa aking mga nagkasalang anghel. Bagama’t ako ay pinagpalaan ng isang mabuti at mapagmahal na asawa, ang paglipat niya sa pagtatrabaho mula sa bahay ay nangailangan ng di inaasahang pagsasaayos sa pagiging magkasama 24 oras sa isang araw.

Sa paglipas ang mga linggo, minsan ko pang naramdaman ang aking sarili na parang bulkan na halos sasabog na. Sinubukan kong supilin ito, ngunit nang sa pakiwari ko’y pang-isang daang ulit nang hinaplit ni Dan ang isang buong baso ng tsaa, yelo at lahat, papunta sa panggilid na mesa, sumambuiat ako at tumakbo para kumuha ng tuwalya. Nang humingi ako ng paumanhin kinalaunan, naalala ko ang sinabi ng aking asawa sa isang kinatawan ng organisasyon ng Big Sisters na syang humingi ng sangguni ng asawa upang matukoy ang pagiging angkop ko bilang isang mapagkawang gawa. Bilang tugon sa aking pag-uusisa tungkol sa nilalaman ng kanilang mahabang pag-uusap ay sumagot siya, “Madaming mabubuting bagay ang sinabi ko tungkol sa iyo. Tinanong nga nila ako kung sa palagay ko ba ay matiyaga kang tao. Sinabi ko sa kanila na napakatiyaga mo…sa lahat maliban sa akin!” Habang kami ay makasabay na tumawa, kapwa umaamin sa katotohanan ng kanyang pahayag, napagtanto ko na sa larangan ng tiyaga, ang Diyos ay hindi pa tapos sa akin.

Magmula nang matigil sa panunungkulan, pinagtibay/kinagawian ko na ang paglalakad sa kapitbahayan tuwing umaga. Ang pagpapalakas ay nagpanatili sa aking nakatuon sa mga iniisip habang ibinubuhos ko ang aking puso sa Panginoon araw-araw. Pinagtapat ko ang aking pagkainip, humingi ng patawad, tinala ang mabubuting katangian ng aking asawa, at nagpasalamat sa Diyos dahil sa kanya. Ang tila hindi ko magawa ay ang pagtitimpi! Malinaw na hindi ko naipinakita ang kahulugan ng “pagtitimpi sa sarili, pagpigil at pagpaparaya” na nasa talasalitaan! Isang umaga, pagkatapos ng isa pang nakakadismayang araw ng aking asawa sa pagtatrabaho mula sa bahay, inilatag ko ang lahat habang nagdadasal ako. “Panginoon, sinubukan ko ang lahat ng paraan na alam ko kung paano ipanalangin ito. Sumusuko ako sa Iyong gawa sa aking buhay; gawin mo akong tunay na matiyagang tao sa bawat isa, maging sa aking asawa. Ginawa ko ang aking makakaya; ngayon ay hinihiling ko sa na gawin Mo sa akin ang hindi ko magagawa sa aking sarili.”

Nang matapos ang araw, napasulyap ako sa salansan ng mga dasal sa dulong mesa. Ang isa sa mga aklat na maaaring ika-anim o ikapito mula sa itaas ang nakakuha ng aking pansin. May katagalan nang hindi ko ito nabuksan, at ni hindi ko na maalala kung ano ang pamagat nito. Gayunpaman, naakit ako dito. Ito ay tinawag na “Biblical Homilies,” ni Karl Rahner, isang kilalang Aleman na teolohiyo. Binuklat ko ang aklat kung saan may nakalagay na palatandaan at natawa sa pamagat sa pahina: “Kung Kaya Mo Siyang Pagtiisan, Kaya Ko Din.”

Tinukoy ni Fr. Rahner ang 1 Pedro 3:8-9: “Sa pangwakas, lahat kayo ay maging isang pag-iisip, madamayin, mapagmahal sa isa’t isa, mahabagin, mapagpakumbaba. Huwag gumanti ng masama sa kasamaan, o insulto sa insulto; ngunit, sa halip, isang pagpapala, sapagkat dito kayo tinawag, upang kayo ay magmana ng isang pagpapala.” Binasa ko ang sermon na sumunod:

Ang pagkakasundo at pagkakaunawaan sa isa’t isa, ang pagiging magkaisang isip, ay mahirap para sa atin. Ngayon maaari lang tayong mamuhay nang sama-sama at maging matiyaga sa isa’t isa, magpasan ng mga pasanin ng isa’t isa, kung ginagawa natin ang lahat ng makakaya upang magkaisa, kung tayo ay mapagpakumbaba at mahinahon, kung kaya nating pigilan ang ating dila kahit na tayo ay nasa tama,” (ngayon ay natitiyak kong ang paring ito ay nakamatyag sa akin mula sa bintana nitong mga nakaraang linggo!) “kung mahahayaan natin ang kapwa na maging natural at ibigay sa kanya ang nararapat, kung iiwasan natin ang padalus-dalos na paghatol at tayo ay maging matiyaga.” (Nandoon na naman ang salitang iyon!)  “Sa gayon ito ay maaaring mangyari, kahit man lang sa isang simple ngunit mabisang paraan, na magka-isang isip. Maaaring hindi natin sabay sabay na magagawa ang pagdamay, ngunit maaari tayong maging isang isip sa Kristiyanong pagtitimpi,” (PAGTITIMPI!!! Ang salitang kailanman ay hindi ko sinuri o isinaalang-alang hanggang nitong nakalipas na isang linggo o higit pa!) “pasan ng bawat Isa ang pasanin ng kapwa. Nangangahulugan ito na pabigat ang isang tao para sa akin dahil lamang sa pagiging sarili niyang pagkatao sapagkat alam kong pabigat ako sa kanya sa dahil lamang ng pagiging sarili kong pagkatao.”

Alam ko na hindi ko mababago ang sinuman maliban sa aking sarili, at mukhang hindi rin iyon magiging maganda! Ang pagkakita nito na nabaybay nang napakalinaw, tulad ng ibinigay, ay pinagsama ang mga piraso. Laging nagsisikap si Dan na ipakita sa akin na mahal niya ako, sa kabila ng aking kahinaan. Ipinamuhay niya ang batas ng pag-ibig para sa akin. Naghanap ako onlayn para maghanap ng mga panbanggit sa “pagtitiis” sa banal na kasulatan. Lumalabas, may iba’t ibang salin ng salita, batay sa kultura at panahon kung kailan pinagsama-sama ang bawat isa—mahabang pagtitiis, pagtitiis na nagtitiis, pagiging magaling sa puso, maging ang “pagbuo ng kagustuhang manatili sa mga bagay”. Ang sagot ko kay Dan ay parang “mahabang pagtitiis,” habang ang sagot niya sa akin ay parang “pagkamataas-puso.” Nakakita kami ng iba’t ibang paraan upang magkatawang-tao ang parehong birtud.

Naalala ko ang kahulugan ng pagpapahinuhod na narinig ko sa video ng pag-aaral bibliya  : ang kakayahang pigilan ang kapangyarihan ng isang tao, kahit na may awtoridad ang isang tao na gamitin ito, para sa higit na kabutihan na maaaring hindi nakikita ng naghahanap ng lunas. Ito ang parehong aral na natutunan ko sa mga taon ng pagsasanay ng pisikal  terapewtika—ang mga mahinahong tugon ay nakagawa ng mas malaking pagkakaiba sa paglipas ng panahon. Kung walang oras upang maunawaan kung ano ang nagtutulak sa paglaban ng isang pasyente sa paggamot, walang pag-unlad. Kapag nalaman nilang naiintindihan ko sila, magsisimula na ang pagbabago ng mga pasyente ko. Ang kanilang pag-unlad ay sulit na sulit sa aking labis na pagsisikap.

Nakita ko na ngayon na hinihiling sa akin ng Diyos na pigilan ang aking kapangyarihan–maging ang aking dila o ang aking iniisip–para sa higit na ikabubuti ng aming pagsasama. Ako ay “naghahanap ng kaluwagan;” ngunit hindi makita kung paano ito darating. Ito ay sa pamamagitan ng pagdadala ng pasanin ng isa kung kanino ko ipinangako na maging totoo, sa magandang panahon at sa masama, upang mahalin at parangalan ang lahat ng mga araw ng aking buhay, tulad ng ginawa niya para sa akin. Paano ko isasagawa ang pagtitiis? Sa pagsulyap sa isang larawan ng aking asawa, alam ko: ang halimbawa ay nasa harapan ko mismo.

Share:

Karen Eberts

Karen Eberts is a retired Physical Therapist. She is the mother to two young adults and lives with her husband Dan in Largo, Florida

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles