Home/Makatawag ng Pansin/Article
Hindi ko siya kilala maski noon pa … pero ang sabi niya iniligtas ko ang kanyang buhay…
Bisperas noon ng ika-4 ng Hulyo. Si Bella, ang aking labinlimang taong gulang na anak na babae at ilan sa kanyang mga kaibigan ay nasa itaas na naglalaro ng mga video games. Bumaba sila ng hagdan at pumunta sa kusina kung saan kami nag-uusap ng aking asawa.
“Ma, gutom na kaming lahat. Pwede ka bang gumawa ng grilled cheese sandwich para sa amin,” tanong ni Bella?
“Oo naman,” sabi ko.
“May gustong itanong sa iyo si Randy,” sabi ni Bella.
Naglakad si Randy patungo sa kalan.
“Isang beses ka nang nakapunta dito, hindi ba?” sabi ko sa kanya sabay kuha ng kawali at binuksan ang kalan.
“Oo isang buwan ng nakakaraan,” sagot niya na may malaking ngiti.
“Tama. Taga saan Ka?” Ang tanong ko.
“Buweno ang aking pamilya ay nagmula sa Morocco,” sabi niya.
Si Randy ay may matamis at mabait na presensya. Hindi ako sigurado kung nag-aral siya sa mataas na paaralan kasama si Bella o kung nagkita sila sa pamamagitan ng social media, mga larong football o sa isang kasayahan
“Wow, kakaiba,” sabi ko na may malaking ngiti. ” Nag-aaral ka rin ba sa eskuwelahan ni Bella?”
“Hindi,” sabi niya. “Nagkita kami ngayong tag-init sa aplaya.”
“Oh, okay, ano ang tanong mo Randy?”
“Pinagpaliwanagan mo ba ang nanay ko tungkol sa pagpapalaglag noong ipinagbubuntis niya ako?”
Ako ay ganap na nagulat. Sino siya? Saan siya nakatira, nagtataka ako habang nakatitig sa kanya, nagugulo ang utak ko para alalahanin kung nakipag-ugnayan ba ako sa kanyang ina matagal ng panahon.
Natitiyak kong hindi ako iyon hanggang sa tumingin ako kay Bella at Randy na magkatabi. Bigla kong naalala ang pakikipag-ugnayan sa isang dalaga noong buntis ako kay Bella.
“Ano ang pangalan ng iyong ina?” nagtanong ako
“Maryam,” sabi niya.
Ang panginginig ay dumaloy sa aking gulugod. Paano napunta ang kanyang anak sa aking kusina … at mga kaibigan ni Bella? Tinignan ko siya sa mukha.
“Oo ginawa ko.” Sabi ko.
Lumapit sa akin si Randy at inakbayan ako. Niyakap niya ako ng mahigpit.
“Iniligtas mo ang buhay ko. Iniligtas mo ang buhay ko. Salamat. Salamat,” tuloy-tuloy niyang sabi.
Nakatayo kami sa kusina at mahigpit na magkayakap ng ilang minuto.
Humarap ako sa asawa ko, “Naniniwala ka ba dito?
“Hindi, hindi ko mapaniwalaan ,” sabi niya, na nakatinging hindi pa rin makapaniwala.
Tinawagan ni Randy ang kanyang ina at isinali niya sa aming pag-uusap. Tapos iniabot niya sa akin ang telepono.
“Hiniling ko sa Diyos na tulungan akong mahanap kang muli at ginawa Niya! Akalain mo bang si Bella at Randy ay magkaibigan,” sabi ni Maryam na nabasag ang boses dahil sa emosyon.
“Hindi ko mapaniwalaan ang alinman sa ito Maryam. Sa totoo lang, nalulula ako,” sabi ko.
Bago namin ibinaba ang telepono, gumawa kami ng mga plano na magsama-sama para ‘mag-kamustahan’ sa huling labinlimang taon ng aming buhay. Patuloy na napapa-iling ang asawa ko.
“Naalala ko noong umuwi ka ng gabing iyon. Sinabi ko sa iyo na baliw ka para kausapin at pigilan siya tungkol sa pagpapalaglag,” sabi niya.
Naalala ko ang gabing iyon halos labing-anim na taon na ang nakakaraan. Sabado noon, at nasa hapunan ako kasama ang aking mga kapatid na babae at ilang kaibigan. Umupo ako sa unahan ng mesa dahil ipinagdiriwang namin ang aking ikaapat na pagbubuntis. Ang aming tagapag-silbi ay isang maganda, at may eleganteng maitim na buhok na dalaga na buntis din.
Pagkatapos ng hapunan, iniabot sa akin ng waitress ang aking mga natirang pagkain at saka tumabi sa akin at bumulong, “Sana maipagdiwang ko rin ang aking pagbubuntis, ngunit hindi ko magawa. Mayroon akong naka-iskedyul na pagpapalaglag sa darating na Miyerkules ng umaga.”
Nagulat ako at nalungkot.
“Bakit ka magpapalaglag?” Tanong ko.
“Hindi ako kasal, at sa aking sariling bansa ay itatapon ang aking mga magulang mula sa kanilang bayan at mawawalan ng negosyo kung may makaalam na ang kanilang anak na babae ay buntis at hindi kasal.”
“Nakakatakot naman, ngunit paano nila malalaman?”
“Malalaman nila. Hindi mo naiintindihan,” sabi niya.
“Tama ka, hindi ko maaaring maunawaan, pero ang alam ko ay nais ng Diyos na magkaroon ka ng anak na ito , kung hindi hindi Niya ito ibibigay sa iyo.”
”Hindi ako Kristiyano tulad mo, Muslim ako. Wala akong katulad ng Diyos mo,” sabi niya.
“Oo, meron ka. Iisa lang ang Diyos,” sabi ko.
“Kami ng boyfriend ko ay naghihirap; napakasama ng mga bagay na nangyayari sa pagitan namin.”
“I’m sorry na nahihirapan ka. May tatlo pa akong anak. Noong maagang natuklasan ang panganay ko na may kakaiba at nakamamatay na sakit, hindi namin akalain na makakasama pa namin siya hanggang ngayon. At ngayon sa edad na 42 ay buntis ako sa aking ikaapat na anak at nahaharap sa aking ikaapat na cesarean section. Pero sa kabila nun, masasabi ko sa iyo na kahit anong mangyari sa inyo ng boyfriend mo, at sa kabila ng mahirap mong sitwasyon, itong batang ito ang magiging kayamanan mo, makikita mo.”
“Wala akong kahit na sino, hindi ko magagawa ito.”
“Nandito ako para sa iyo. Ibigay mo sa akin ang iyong numero at tatawagan kita sa umaga.”
Napatingin ako sa nametag niya habang mabilis niyang isinulat ang cell phone number niya sa lalagyan ng pagkain ko at nagpaalaman na kami.
Tinawagan ko si Maryam kinaumagahan. Ipinaliwanag niya ang kanyang sitwasyon sa pananalapi at ibinahagi ang ilan sa mga detalye ng kanyang relasyon sa kanyang kasintahan. Naintindihan ko na kung bakit naisip niya na ang tanging paraan ay ang pagpapalaglag. Hindi ko maisip kung ako ang nasa kalagayan niya. Sinabi ko sa kanya ang tungkol sa isang lokal na sentro ng pagbubuntis at ibinigay sa kanya ang kanilang numero ng telepono.
Isang araw bago ang nakatakdang pagpapalaglag niya, tinawagan ko ulit si Maryam. Ibinahagi niya ang kamangha-manghang balita na tutulungan siya ng pregnancy center at kinansela niya ang kanyang pagpapalaglag. Nagpatuloy kami sa paminsan-minsang pag-uusap tungkol sa aming pagbubuntis, ngunit nang maipanganak ang aming mga sanggol ay nawalan na kami ng komunikasyon sa isa’t isa.
Napatingin ako kay Randy.
“Ang iyong ina ay isang magandang dalaga na nabuntis at natagpuan ang kanyang sarili sa isang gulo na walang pag-asa. Noong gabing nagkita kami, pakiramdam niya nag-iisa siya, nawawala, at puno ng kahihiyan. Ang ginawa ko lang ay pinaalalahanan ko siya na ang Diyos ay hindi gumagawa ng mga bahay ng kahihiyan, ang tao ang gumagawa nito. Gumagawa Siya ng mga bahay ng biyaya, at nais Niyang bigyan siya ng walang katulad na kayamanan sa pamamagitan mo. Ang tapang ng iyong nanay na buhayin at itaguyod ka laban sa lahat ng hirap ay isang kabayanihan . Nagpapasalamat ako na isa ako sa maliliit na piraso na isinama ng Diyos sa ganitong pagkakataon ng isang pagtatagpo.
Lumingon ako kay Bella.
“At ikaw ay naging mahalagang bahagi rin nito, dahil hinding-hindi magtatapat si Maryam sa akin kung hindi rin ako buntis.”
Dumilat nang husto ang magandang hugis almond na mga mata ni Bella habang nakangiting may pagmamalaki.
Ang pagmamahal kay Maryam at pakikinig sa kanya noong gabing iyon ay naging madali para sa akin. Pagkatapos ng lahat, hindi naman siya ang aking walang asawa, at buntis na anak. Naiisip ko lang kung ganoon din ba ang magiging reaksyon ko kung anak ko iyon? Ang pakikisalamuha ko kay Maryam ay humahamon sa akin na maging isang ina na tumutugon sa mga pagkakamali at pagkukulang ng aking mga anak nang may kasamang biyaya at paniniwala sa kanilang kabutihan kaysa sa kahihiyan at paghatol. Gusto kong ako ang taong nilalapitan nila kapag sila ay may problema para ipaalala ko sa kanila na hindi sila ang kanilang mga pagkakamali. Gusto kong malaman nila na marami akong nagawang gulo sa buhay ko dahil sa aking mga pagkakamali, pagkukulang at kasalanan, ngunit sa pamamagitan nila naranasan ko ang tumutubos at nagpapabagong pag-ibig ng Diyos, at magagawa rin nila ito.
Rosanne Pappas is an artist, author, and speaker. Pappas inspires others as she shares personal stories of God’s grace in her life. Married for over 35 years, she and her husband live in Florida, and they have four children.
Ang buhay ay puno ng di-inaasahang mga liko. Halos anim na taong pagkaraan ng kanyang ina, si Bernadette ay kinailangang magdusa sa pagkawala rin ng kanyang ama. Nagmula ng pag-alis sa Lourdes upang sumapi sa samahang pambanalan, siya ay hindi na nagkaroon ng pagkakataong makita ang kanyang ama. Kapag natutuligsa ng ganitong biglaang pagpanaw, ganito kung paano nakatagpo si Bernadette ng lakas—Isang madre ang nakakita sa kanya na lumuluha sa harap ng estatwa ng Birheng Maria, at nang sinikap ng madre na damayan siya, sinabi niya: “Aking kapatid, magkaroon ka palagi ng dakilang katapatan sa matinding paghihirap ng ating Tagapagligtas. Noong nakaraang Sabado ng hapon, nagdasal ako kay Hesus sa Kanyang paghihirap para sa lahat ng yaong mga mamamatay sa yaong sandali, at sa yaong ganap na sandali na nakarating ng kabilang-buhay ang aking ama. Isang kaginhawaan para sa akin na natulungan siya.” Para kay Bernadette, ang Santa na, bilang isang musmos na babae, ay nakasaksi sa pangitain ni Maria sa Lourdes, ang buhay ay hindi walang mga kagipitan. Kinakailangan niyang dumaan ng maraming mga pagsubok; malalaki at maliliit na mga pagpapahiya ay pinasan niya. Malimit niyang sinabi: “Kapag ang mga dinarama ko ay napakalakas, ginugunita ko ang mga diwa ng Ating Panginoon: ‘Narito Ako, huwag kang matakot.' Kaagad kong kinaluluguran at pinasasalamatan ang Ating Panginoon para sa biyayang ito ng pagtanggi at pagkapahiya mula sa yaong mga may-kapangyarihan. Ang pag-ibig nitong Mabuting Panginoon na makapag-aalis ng mga ugat mula rito sa puno ng pagmamataas. Kapag lalo akong magiging musmos, lalo akong lumalaki sa loob ng Puso ni Hesus.”
By: Shalom Tidings
MoreGaano man kahirap ang panahon, kung matiyaga ka, hindi ka matitinag. Namumuhay tayo sa napakadilim at nakakalitong panahon. Ang kasamaan ay nasa paligid natin, at ginagawa ni Satanas ang lahat para wasakin ang lipunan at ang mundong ginagalawan natin. Ang pagtingin sa mga balita kahit ilang minuto ay maaaring maging lubhang nakakasira ng loob. Kapag sa tingin mo ay hindi na ito maaaring lumala pa, makakadinig ka ng ilang bagong kalupitan o kasamaan sa mundo. Madali kang masiraan ng loob at mawalan ng pag-asa Ngunit bilang mga Kristiyano, tayo ay tinawag na maging tauhan ng pag-asa. Paano ito mangyagari? Mayroon akong kaibigan na katutubo ng Rhode Island. Minsang Araw ng mga Ama, binigyan siya ng kanyang mga anak ng isang sombrero na may larawan ng angkla at Hebreo 6:19 na nakaburda dito. Ano ang kahalagahan nuon? Ang watawat ng estado ng Rhode Island ay may angklang may nakasulat na salitang "pag-asa". Ito ay isang patukoy sa Hebreo 6:19, na nagsasabing: “Taglay natin ang pag-asang ito, isang matibay at matatag na angkla ng kaluluwa, isang pag-asang tumutuloy sa Kabanal-banalanng templo sa kabila ng tabing..." Ang aklat ng Hebreo ay sinulat sa mga taong dumadanas ng matinding pag-uusig. Ang kilalanin na ikaw ay Kristiyano ay nangangahulugan ng kamatayan o pagdurusa, pagpapahirap o pagpapatapon. Dahil napakahirap, madami ang nawalan ng pananampalataya at nag-isip kung karapat-dapat bang sundin si Kristo. Sinisikap ng may-akda ng liham sa mga Hebreo na hikayatin silang manatili, magtiyaga—na ito ay sulit. Sinasabi niya sa kanyang mga mambabasa na ang pag-asa na nakabatay kay Hesus ang kanilang angkla. Masinsin At Hindi Natitinag Noong ako ay nasa mataas na paaralan sa Hawaii, bahagi ako ng isang programa na nagtuturo ng pandagat aghambuhay sa mga mag-aaral. Gumugol kami ng Ilang linggo sa bawat pagkakataon na naninirahan at gumagawa sa isang bangka. Sa kadamihan ng mga pook na aming nilayagan, may isang pantalan o daungan kung saan maaari naming itali ang bangka nang walang panganib sa lupa. Ngunit may ilang malalayong mataas na paaralan na hindi malapit sa pantalan o bayo na may daungan. Sa mga pagkakataong iyon, kinailangan naming gamitin ang angkla ng bangka—isang mabigat na metal na bagay na may ilang matutulis na kawit dito. Kapag inihulog ng isa ang angkla sa tubig, kumakapit ito sa ibaba ng kama ng dagat at pumipigil sa bangka sa paglutang papalayo. Maaari tayong maging tulad ng mga bangka, na pahagishagis at palutanglutang sa kati at alon ng pang-araw-araw na buhay. Nadidinig namin sa mga balita ang tungkol sa paglusob ng terorista, barilan sa mga paaralan at simbahan, masamang kapasiyahan ng hukuman, masamang balita sa iyong pamilya, o mga natural na sakuna. Madaming mga bagay ang maaaring yumanig sa atin at masiraan ng loob at puno ng kawalan ng pag-asa. Maliban kung tayo ay may isang angkla para sa ating mga kaluluwa, tayo ay maiibalibag at hindi magkakaroon ng anumang kapayapaan. Subalit upang ang isang angkla ay gumana, kailangan nitong ikabit sa isang bagay na matibay at matatag. Ang isang bangka ay maaaring magkaroon ng pinakamalakas, pinakamahusay na angkla na magagamit, ngunit maliban kung ito ay nakakabit sa isang bagay na matibay at matatag, ang bangkang ito ay matatangay ng susunod na pagtaas ng tubig o alon. Madaming tao ang may pag-asa, ngunit inilalagay nila ang kanilang pag-asa sa kanilang kwenta sa bangko, sa pagmamahal ng kanilang asawa, sa kanilang mabuting kalusugan, o sa pamahalaan. Maaring sabihin nila: “Hangga’t nasa akin ang tirahan ko, ang hanap-buhay ko, ang sasakyan ko, lahat ay magiging maayos. Hangga't bawat isa sa aking mag-anak ay malusog, lahat ay maayos." Ngunit nakikita mo ba kung gaano kahina iyon? Ano ang mangyayari kung mawalan ka ng hanap-buhay, magkasakit ang isang miyembro ng mag-anak, o bumagsak ang ekonomiya? Nawawalan ka na ba ng pananampalataya sa Diyos? Kailanman Ay Hindi Natangay Naaalala ko noong ang aking ama ay nakikipagtunggali sa kanser sa mga huling taon ng kanyang buhay. Ito ay isang mabagyo, magulong panahon para sa aming mag-anak dahil sa bawat bagong pagsusuri, salit-salit naming nadinig ng magandang balita o masamang balita. May mga pagpunta sa ER, at minsan siyang inilipad pa sa ibang pagamutan para sa madaliang pagtistis. Nakaramdam ako ng labis na pag-aalipusta at kahinaan ng loob habang pinagmamasdan namin ang aking ama na nagdudusa at nanghihina. Ang aking ama ay isang matatag at debotong Kristiyano. Gumuugol siya ng ilang oras bawat araw sa pagbabasa at pag-aaral ng Salita ng Diyos, at nagturo siya ng mga pag-aaral ng Bibliya sa loob ng madaming taon. Nakakatukso para sa akin na magtaka kung nasaan si Hesus sa lahat ng ito. Matapos madinig ang isa pang masamang pagbabala, habang pakiramdam ng aking kaluluwa'y nabanat ng pinakahuling ulat na ito, nagpunta ako sa isang simbahan upang manalangin. "Panginoon, ako'y nawawalan ng Pag-asa. Nasaan Ka?" Habang tahimik akong nakaupo duon, napagtanto ko na inilagay ko ang aking pag-asa sa paggaling ng aking ama. Kung kayat ramdam ko'y nangangatog at hindi matatag. Subalit inaanyayahan ako ni Hesus na ilagay ang aking pag-asa, ang aking angkla, sa Kanya. Mahal na mahal ng Panginoon ang aking ama nang mas higit pa sa kakayanin ko, at Siya ay kasama niya sa mahirap na pagsubok na ito. Ibibigay ng Diyos sa aking ama ang kakailanganin niya upang makatakbo nang maayos ang kanyang pakikipagtunggali hanggang sa katapusan, kailanman iyon. Kailangan ko yung tandaan at ilatag ang aking pag-asa sa Diyos at sa dakilang pagmamahal ng Diyos sa aking ama. Pumanaw ang aking ama sa bahay makalipas ang ilang linggo, pinaligiran ng pagmamahal at madaming panalangin, magiliw na inalagaan ng aking ina. Namatay siya na may maamong ngiti sa kayang mukha. Siya ay handa nang magtungo sa Panginoon, umaasa na makita nang harapan ang kanyang Tagapagligtas sa wakas. At ako ay payapa sa ganito, handang siya ay payagang lumisan. Ang pag-asa ay ang angkla, ngunit ang angkla ay kasing-tibay lamang ng kung ano ang kinakapitan nito. Kung ang ating angkla ay matatag na nakakapit kay Hesus, Siya na nakadaan na sa tabing nauna pa sa atin at naghihintay sa atin, kung kaya't gaano man kataas ang mga alon, gaano man kalakas ang mga bagyo sa paligid natin, tayo ay mananatiling matatag at hindi matatangay.
By: Ellen Hogarty
MoreTakot at nag-iisa sa isang bangka sa gitna ng isang mabagyong dagat, ang munting Vinh ay nakipagkasundo sa Diyos... Nang matapos ang Digmaan sa Vietnam noong 1975, bata pa ako, ang pangalawa sa huli sa 14 na mga anak. Ang aking kahanga-hangang mga magulang ay mga debotong Katoliko, ngunit dahil ang mga Katoliko ay dumanas ng pag-uusig sa Vietnam, ninais nilang kaming mga anak ay tumakas patungo sa ibang bansa para sa isang mas maayos na buhay. Ang mga nagkakanlong ay kadalasang lumilisan sakay ng maliliit na bangkang kahoy, na kadalasang tumataob sa dagat, na walang naiiwang buhay sa mga pasahero. Kaya, nagpasya ang aking mga magulang na susubok kaming umalis nang paisa-isa, at gumawa sila ng malaking sakripisyo upang makaipon ng sapat para mabayadan ang napakalaking gastos. Sa unang pagkakataon na sinubukan kong lumisan, siyam pa lamang ako. Inabot ako ng dalawang taon at labing-apat na pagtatangka bago ako tuluyang nakatakas. Aabutin pa ng sampung taon bago makatawid ang aking mga magulang. Ang Pagtakas Siksikan sa isang maliit na bangkang kahoy kasama ng 77 iba pa, ang 11 taong gulang na ako ay nag-iisa sa gitna ng kawalan. Madaming panganib kaming hinarap. Nang ikapitong gabi, habang hinahampas kami ng napakalaking bagyo, nakiusap sa akin ang isang babae: “Maaaring hindi tayo makaligtas sa bagyong ito; anuman ang iyong relihiyon, manalangin sa iyong Diyos.” Tumugon ako na nagdasal na ako. Sa katunayan, nakipagkasundo ako: "Iligtas Mo ako, at magiging mabuting bata ako." Habang humahampas ang hangin at alon sa bangka nang gabing iyon, nangako akong iaalay ko ang aking buhay sa paglilingkod sa Diyos at sa Kanyang mga tao sa natitirang bahagi ng aking buhay. Nang magising ako kinaumagahan, nakalutang pa din kami, at tahimik ang dagat. Kami ay nasa matinding panganib pa din, gayunpaman, dahil naubusan kami ng pagkain at tubig. Pagkalipas ng dalawang araw, nasagot ang aking mga panalangin nang tuluyan kaming makadating sa Malaysia pagkatapos ng sampung araw sa dagat. Sa pagsisimula ng bagong buhay sa isang kampo ng mga takas maging tapat sa pakikipagkasundo na ginawa ko sa Diyos. Walang mga magulang, walang sinoman na mag-aalaga sa akin, walang sinumang magsasabi sa akin kung ano ang gagawin, inilagay ko ang aking buong pagtitiwala sa Diyos at hiniling na gabayan Niya ako. Araw-araw akong nagsisimba, at hindi nagtagal hiniling sa akin ng pari na ako ay maging tagapaglingkod sa altar. Si Father Simon ay isang misyonaryong pari na Pranses na talagang kumikilos nang lubos, tinutulungan ang mga takas sa lahat ng kanilang mga pangangailangan, lalo na ang kanilang mga aplikasyon sa imigrasyon. Naging bayani ko siya. Natagpuan niya ng labis na kagalakan sa paglilingkod sa iba kaya nais kong maging katulad niya paglaki ko. Sa mga hamon na hinarap ko sa pagsisimula ng bagong buhay sa Australia, nakalimutan ko ang dati kong pangako. Sa pagtatapos ng ika-10 taon, habang iniisip ko kung ano talaga ang nais kong gawin sa buhay ko, ipinaalala sa akin ng ating Panginoon ang aking pagnanasang maging isang pari. Nakipagkasundo sila sa aming kura paroko, na si Monsignor Keating, para sa isang pagsasanay para sa akin. Ibig na ibig ko ito kaya nagpasiya akong pumasok sa seminaryo minsang natapos ko ang mataas na paaralan. Tagatupad Ng Mga Pangako Sa mga lumipas na 26 na taon, pinaglilingkuran ko ang Arkidiyosesis ng Perth bilang isang pari. Gaya ni Padre Simon, natagpuan ko ang malaking kagalakan sa paglilingkod sa mamamayan ng Diyos. Ang pinakamalaking hamon ko ay ang hinirang na magtatag ng bagong parokya sa labas ng Perth noong 2015. Nataranta ako. May paaralan ngunit walang simbahan o pasilidad, kaya nagsimula kami sa pamamagitan ng pagpupulong para mag Misa sa isang silid-aralan. Humingi ako ng payo sa mga kapwa kong pari. Dalawang pahayag nila ang nakahuli ng aking pansin. Ang isa ay nagsabi: "Magtayo ka ng isang simbahan, at magkakaroon ka ng mga mamamayan," sabi ng isa pa: "Magbuo ng isang pamayanan, kapag mayroon kang mamamayan, maaari kang magtayo ng isang simbahan." Tinanong ko ang aking sarili, "Mayroon ba akong manok, o mayroon akong itlog?" Nagpasya ako na kailangan ko ang kapwa manok at itlog, kaya itinayo ko ang kapwa pamayanan AT ang simbahan. Isang Vietnamese refugee na may bahagyang pagkakataon na makaligtas sa pag-uusig sa kanyang sariling bansa, natatakot na hindi matkkatagal nang isang gabi ng nakahihindik na bagyo sa gitna ng karagatan, na naglulunsad ng isang pamayanan ng simbahang sa Australia —mangha pa din ako sa mga kahanga-hangang gawain ng Panginoon!! Tinulungan ako ng Dominican Sisters na magbuo ng komunidad at gayundin sa pangangalap ng pondo para maisakatuparan ang Simbahang Katoliko ng San Juan Pablo II. Madaming bukas-palad na puso mula sa ibang mga parokya sa Perth at sa buong mundo ang nagpaabot sa amin ng tulong, at nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng kanilang pagtaguyod. Ang mga pagkakataong tulad nito ay paulit-ulit na nagpapaalala sa akin na ang salitang 'Katoliko' ay nangangahulugan na pandaigdigan—saan man tayo naroroon sa mundo, tayo ay mga tao ng Diyos. Ang aming simbahan, na nagsimula sa isang dosenang mamamayan, ay mayroon na ngayong mahigit 400 parokyano. Ang aming mga kasanib ay nagmula sa 31 iba't ibang kultura. Bawat linggo, nakakakita ako ng mga bagong mukha. Habang natututo ako tungkol sa magkakaibang kultura at mga taong may iisang pananampalataya, nakakatulong ito na mapalalim ang aking kaugnayan sa Diyos. Ang Pagtanggap Ay Nagbubunga Ng Pagbibigayan Bagamat nasisiyahan ako sa aking buhay at ministeryo sa Australia, hindi ko nakalimutan ang aking pinagmulan sa Vietnam. Ginagamit ako ng Panginoon upang itaguyod ang isang bahay ng mga ulila na pinamamahalaan ng Dominican Sisters. Kasabay ng pangangalap ng pondo, dinadala ko din ang mga mamamayan sa mga misyong paglalakbay upang tulungan ang mga madre na pangalagaan ang mga ulila. Itinutuon ng mga kabataan ang kanilang sarili sa misyonerong gawain, pinapakain sila, tinuturuan sila, ginagawa ang anumang kinakailangan, at nagbubuo ng isang ugnayan na nagpapatuloy sa paglipas ng aming mga pagdalaw. Walang umuuwi nang hindi nakakadanas ng matinding pagbabago sa kanilang pananaw sa buhay. Mahigit 40 taon na ang lumipas mula noong ako ay nasa maliit na bangkang iyon kung saan ako ay nangako sa Diyos. Ang aking pakikipag-ugnay sa Diyos ay inaruga ng aking mga magulang hanggang sa maabot ang puntong iyon ng pagsuko. Noong tinuruan nila akong bumigkas ng-Rosaryo, inisip kong ito ay nakakainip. Dadaing ako, “Bakit kailangan nating ulit-ulitin ang mismong dasal? Hindi ba natin mabibigkas ang mga ito nang minsanan at pagkatapos ay sabihin ang pareho din, pareho din, pareho din nang makalabas ako at makapaglaro." Ngunit napagtanto ko na ang Rosaryo ay buod ng buong Bibliya, at ang pag-uulit ng panalangin ay nagbibigay-daan sa akin na pagnilayan ang mga misteryo. Sinasabi ko sa mga tao ngayon na ang kahulugan ng BIBLE ay Batayang Impormasyon Bago Lisanin ang Earth. Binigyan ako ng aking mga magulang ng pormasyon na maging tapat sa pangakong binitiwan ko sa bangka, at sa Diyos, sa Kanyang awa, inalagaan ako noong hindi magawa ng aking mga magulang. Patuloy silang nanalangin para sa kanilang mga anak, ipinagkatiwala kami sa Panginoon, at isang nakatutuwang sorpresa para sa kanila nang ako ay naging pari. Ngayon, gawain ko na alalayan ang mga mag-anak sa pag-aaruga ng pananampalataya at mangaral sa sinumang lalapit sa akin para sa payo: “Huwag matakot na aninawin ang isang tawag mula sa Diyos. Maglaan ng oras para makipag-usap sa Diyos at tulutang ang Diyos na makausap ka. "Marahan mong malalaman kung ano ang nais ng Diyos na gawin mo sa iyong buhay." Ako ay patuloy na magdasal araw-araw na maging tunay na tapat sa pangakong binitiwan ko sa Diyos—na maging Kanyang anak kailan pa man.
By: Father Vinh Dong
MoreAng Kasulatan na binabasa sa Misa ay laging magandang pakinggan sa aking mga tainga bilang isang batang babae. Bagaman, pagkat ito’y nakalilito, inilalagay ko ito kabílang sa tumpok ng mga bagay na “napakahirap” na maunawaan, sa gayon ay isinasaisang-uri ang lahat ng Kasulatan bilang isang hiwaga na balang araw ay maipaliliwag kung ako’y nasa langit na kapiling ang Diyos. Pagkaraan, bilang isang may sapat na gulang, ako’y nakarinig ng isang nakapagbabagumbuhay na sipi ni San Geronimo, “Ang pagkawalang-malay sa Kasulatan ay pagkawalang-malay kay Kristo.” Si San Geronimo ay pinapayuhan ako na hindi ko na kailangang maghintay para sa “balang-araw.” Sa halip, nagkaroon ako ng pahintulot ng Diyos na maunawaan at makilala si Kristo sa sandaling ito. Ang aking lakbay sa loob ng salita ng Diyos ay tulad ng pagtatalatag ng isang panulirong larô ay naging higit na malinaw nang ang mga bahagi ay naisaayos nang tama. Ang Kasulatan, lalo na ang Ebanghelyo ni Juan, ay isinisiwalat na ang Makapangyarihang Diwa ng Diyos, ang may-likha ng lahat, ay nagkatawang-tao pagkat ako’y minahal Niya. Bilang bahagi ng Kanyang paglikha, nais Niya akong maging Kanyang anak, upang manahin ang Kanyang Kaharian, at manahan na kasama Siya nang payapa habambuhay. Gayunman, ang Hari ng Kaluwalhatian ay mapagkumbabang pinili na magkatawang-tao bilang isang sanggol, nagdusa, at namatay sa krus para sa akin, upang matupad ang Kanyang plano. Sa bawa’t lipat ng pahina, ang saklob ng pagkawalang-malay ay naitataas habang ang aking pananampalataya at pag-ibig para sa Kanya ay lumalaki; alam ko na ngayon na ako’y nakasapi sa Kanya. Sa tulong ng Banal na Ispirito, sinusubukan kong himukin ang iba na huwag maging walang malay kay Kristo dahil sa kakulangan ng pag-unawa sa Kasulatan. Sa loob ng maraming taon, ako at ang aking asawa ay mga tagapagtugma ng programa sa pag-aaral ng Kasulatan sa aming parokya, sa pag-aasang kami’y makapagkakayag ng iba sa Ang Diwa ng Diyos, na darating upang makilala si Hesus, ang Anak ng Diyos, na naging tao.
By: Teresa Ann Weider
MoreKahiman alam mo o hindi, kapag hanap mo ang katotohanan, hanap mo ang Diyos Isang maalinsangan na araw ng tag-init nang ako'y siyam na taong gulang, ako ay namasyal kasama ang ilang kaibigan. Isa sa mga kaibigan ko, na mas matanda, ay may dalang riple. Habang naglalakad kami sa loob ng sementeryo, itinuro niya ang isang ibon sa ibabaw ng bubong ng simbahan at tinanong kung sa tingin ko ay tatamaan ko ito. Hindi ako nagdalawang isip, kinuha ko ang baril, kinargahan, at tinutukan. Nang sandaling pinisil ko ang gatilyo, isang malamig na pakiramdam ng kamatayan ang dumagan sa akin. Bago pa man lumisan ang bulita sa baril, alam kong tatamaan ko ang buhay na nilalang na ito at ito'y mamamatay. Habang pinagmamasdan ko ang pagbagsak ng ibon sa lupa, narkadanas ako ang kalungkutan at pagsisisi, at nalipos ako ng pagkalito. Naitanong ko kung bakit nagawa ko iyon, ngunit wala akong maisagot. Wala akong sapantaha kung bakit ako sumang-ayon, ngunit nakadama ako ng kawalang-halaga at pagkamanhid. Katulad ng madaming bagay sa buhay, ibinaon ko ang pangyayari sa loob ko at sa madaling panahon ay nalimutan ko ito. Muling Nangyari Noong bandang huli ng aking twenties, nagdalantao ang babaeng karelasyon ko. Nang nalaman namin, hindi kami nagtapat kahit kanino. Hindi ako umasa ng anumang tulong o payo kung sabagay, at hindi ito naging malaking bagay. Pinapaniwala ko ang aking sarili na ginagawa ko ang 'kapitagang bagay'– pangakuhan siya na aalalayan ko ang anumang pasya na gagawin niya, kung panatilihin ang sanggol o ipalaglag. Sa madaming kadahilanan, nagpasya kaming wakasan ang pagdadalantao. Ang nakatulong sa akin na madating ang desisyon na yon ay ang legalidad ng pagpapalaglag sa bansang ito at ang malaking bilang ng mga taong nagpapalaglag. Paano ito naging masama? Sa kabalintunaan, ang magpalaki ng sarili kong mga anak ay ang pinakamalaking pangarap ko sa buhay. Nakipagtipán kami sa 'clinic ng aborsyon.' Ang pagtungo doon ay parang isang simpleng paglalakbay sa parmaseutiko para kumuha ng reseta, kung kaya't, sa katunayan, naghintay ako sa sasakysn sa may labas, di -alintana ang kalakhan at pagkakaroon ng epekto ng pasyang ito. Paglabas ng girlfriend ko sa gusali, agad kong nakita ang pagbabago niya. Ang kanyang maputlang mukha ay nagtudla ng ‘Kamatayan.’ Ang mga damdamin na naramdaman ko bilang siyam na taong gulang na batang lalaki na bumabaril ng ibon ang dumagsa sa akin. Tahimik kaming naglakbay pauwi, at halos hindi na nag-usap muli tungkol dito. Subalit pareho naming alam na may nabago sa amin noong araw na iyon, isang bagay na kalunos-lunos, isang bagay na madilim. Kalayaan Dalawang taon ang lumipas, and inakusahan ako ng isang krimen na hindi ko ginawa at inilagay sa pagtatanod sa HMP Manchester (Strange ways Prison) upang maghintay ng paglilitis. Sinimulan kong makipag-usap sa Diyos sa aking puso, at sa unang pagkakataon sa aking buhay nagsimula akong magdasal ng Rosaryo ng maayos. Pagkaraan ng ilang araw, sinimulan kong suriin ang aking buhay, eksena bawat eksena, at nakita ko ang madaming biyayang natanggap ko, pati na din ang aking madaming kasalanan. Nang madating ko ang kasalanan ng pagpapalaglag, sa unang pagkakataon sa aking buhay ay malinaw kong napagtanto na ito ay isang tunay na buhay na sanggol na lumaki sa sinapupunan, at na iyon ay aking anak. Ang pagkaunawa na pinili kong wakasan ang buhay ng sarili kong anak ay dumurog sa aking puso, at habang umiiyak na nakaluhod sa selda ng bilangguan na iyon ay sinabi ko sa aking sarili, 'Hindi ako mapapatawad.' Subalit nang mismong sandaling iyon na si Jesus ay lumapit sa akin at nagwika ng mga salita ng kapatawaran, nuon at doon ko nalaman na Siya ay namatay para sa aking mga kasalanan. Agad akong dinagsa ng Kanyang pagmamahal, awa, at biyaya. Sa unang pagkakataon ang buhay ko ay naging makabuluhan. Dapat akong bigyan ng kamatayan ngunit tumanggap ng buhay mula sa Isang nagsabi, ‘Ako ang Buhay’ (Juan 14:6). Gaano man kalaki ang ating mga kasalanan, napagtanto ko, ang pag-ibig ng Diyos ay higit na dakila (Juan 3:16-17)! Isang Pagtatagpo Kamakailan, nakaupo ako sa isang himpilan ng tren sa London naghihintay ng aking tren, tahimik kong hiniling kay Jesus na pasakayin ang isang tao sa tren na mapapasaksihan ko tungkol sa Kanya. Nang maupo ako, natagpuan ko ang aking sarili na kaharap ang dalawang babae. Ilang sandali ang lumipas, nagsimula kaming mag-usap at isa sa kanila ang nagtanong tungkol sa aking sampalataya at kung ako ay dati nang isang mananampalataya. Ibinahagi ko ang ilan sa aking nakaraan, kabilang ang pagpapalaglag, at ipinaliwanag na sa sandaling napagtanto kong kinitil ko ang buhay ng sarili kong anak ay nakaharap ko ang ipinakong Kristo, at pinatawad at pinalaya. Kaagad na nagbago ang kaaya-ayang kalagayan. Nakasagi ako ng damdamin at ang isa sa mga babae ay nagsimulang maghihiyaw sa akin. Pinaalala ko sa kanyang hiningi niya ang aking kuwento, kaya sinasagot ko lamang ang kanyang tanong. Sa kasamaang palad, walang maayos na pangangatwiran sa kanya. Humiyaw siya "Hindi ito isang sanggol sa sinapupunan!" sabay tango ng isang babae bilang pagsang-ayon. Matiyaga akong nakaupo at pagkatapos ay tinanong sila kung ano ang magiging dahilan kung bakit ang nasa sinapupunan ay "isang sanggol". Ang isa ay sumagot ng "DNA," at ang isa ay sumang-ayon. Sinabi ko sa kanila na ang DNA ay naroroon sa sandaling ang isang sanggol ay ipinaglihi, at ang kasarian at kulay ng mata ay napagpasyahan na. Muli, sinigawan nila ako hanggang sa ang isa sa kanila ay nanginig. Matapos ang isang nakakailáng na katahimikan, nagpaumanhin ako na labis kong napasama ang kanyang damdamin. Kinalabasan, ang babaeng ito ay nagpalaglag ng sanggol dati pa madaming taon na at malinaw na dinadala pa din niya ang mga sugat mula doon sa karanasan. Nang tumayo siya para bumaba, nagkamayan kami, at pinangako ko sa kanya ang aking mga panalangin. Pinalaya Sa Pagkakatali Ang kalunusan ng pagwawakas ng isang inosenteng buhay sa sinapupunan ay bihira nang pinag-uusapan ngayon, at kapag nangyari ito, madami tayong nadidinig na maling pabatid at mga kasinungalingan pa sa halip na katotohanan. Ang piliing ipalaglag ang isang anak ay hindi isang minsanang, tapos-na-ang-lahat na pagpasya, na walang pangmatagalang kalalabsan na masama. Iginigiit ng kilusang pro-choice na "katawan ito ng ina, kaya't sa kanya ang pagpili." Ngunit may higit pa sa katawan ng ina at pagpili na dapat isaalang-alang. Mayroong isang maliit, mahimalang buhay na tumutubo sa sinapupunan. Bilang ama ng isang ipinalaglag na sanggol, ang pamamaraan ng aking paghilom ay patuloy...ito ay patuloy at maaaring hindi na matatapos. Madaming salamat sa Diyos na ang mga naghahanap ng katotohanan ay matatagpuan ito, kung lamang ay bubuksan nila ang kanilang mga puso. At kapag napag-alaman nila ang ‘Katotohanan’, ang ‘katotohanan ang magpapalaya sa kanila’ (Juan 8:31-32).
By: Sean Booth
MoreAng Simbahan ba ay nagpapataw ng mga “mabibigat na moral na paghihigpit” sa mga taong magkaparehong-kasarian ang oryentasyon? Kunin ang katotohanan nang tuwid, galing dito. Sa nakalipas na mga taon, ako’y nagkaroon na ng mga napakainam na estudyante sa aking klase na may parehong-kasariang oryentasyon, at, mangyari pa, bilang isang Diyakono ng Simbahan, marami akong kilalang mga matatapat na Katoliko na may tularing-kasarian na oryentasyon. Mahalaga na mapansin kaagad na maraming taong may parehong-kasariang oryentasyon ay hindi namumuhay ng masiglang sekswalidad. Marami nang dumaan ng landas na yaon at natagpuan itong hindi sapat (nangangahulugang hindi lahat ng inaakalang bunga nito ay nagaganap). Marami ang naghahabilin sa bisa ng kalinisang-puri—isang bahagi ng birtud ng kahinahunan. Sa ibang salita, maraming magkaparehong-kasarian na Katoliko ay napagtanto na kung ano ang dapat na maunawaan ng mga karaniwang mag-asawa—na ang kasiyahan ay hindi nagmumula sa matalik na seksuwal na pagsasama. Sa halip, ang kasiyahan ay mula sa matinding kaugnayan sa Diyos, at isang moral na buhay na sang-ayon sa ganitong uri ng pagsasama. Hangga't ang tao ay wala pang tunay na pakikipagtagpo sa Panginoon, karamihan sa mga itinuturo ng Simbahan ay magmimistulang kaunting higit pa kaysa sa mabibigat na mga pagpataw, na nangangahulugang hindi- kinakailangang paghihigpit sa ating sariling kasiyahan. Kung maari lamang… Ang nakawiwili ay maraming Katoliko na may parehong-kasariang oryentasyon ay tahasang nagbigyang-diin sa di pagkagustong maging deretsahan, ibig sabihin, hindi pagkagustong magpakita at ituro ang mga batayang prinsipyo ng Katoliko sa seksuwal na aral, ay nakagawa ng labis na kapinsalaan sa kanila. Kung ang mga pari, mga katekista at mga guro ay naging mas matungkulin at nagpakita ng dakilang pagkamaalalahanin para sa mga matapatin sa pagturo ng pangkasariang etika at ang kalikasan ng pag-aasawa, sila (mga pari, mga katekista, at mga guro), ay maaaring nakapag-adya ng mga kinauukulan (mga Katolikong may parehong-kasariang oryentasyon) mula sa labis na panukala ng pasakit at nasayang na mga taon. Sa madaling sabi, ang larawang madalas na ipinipinta ng midya o tanyag na kultura ay ang lahat ng mga taong may parehong-kasariang oryentasyon ay nasa isang panig, at ang Simbahan na may “mapasaning moral na mga paghihigpit” ay nasa kabila. Ang naturingang larawan ay sadyang hindi sang-ayon sa mga katotohanan. Maraming Katoliko na may parehong-kasariang oryentasyon ay ganap na nakababatid ng pagkakaiba ng aliw sa ligaya, mahinhinang namumuhay ng tapat na ang kalagitnaang pinalilibutan ay ang Yukaristiya, inaakay ang kanilang Inspirasyon na nagmula sa mga pari, mga madre na matapat na isinabubuhay ang kanilang panunumpa ng kalinisan o mga panata ng pagiging walang asawa. Ang sekswal na moralidad ay hindi mauunawaan sa labas ng katalastasan ng kalikasan ng pag-iisang-dibdib. Ako ay nagtuturo ng Pangkasalang Paghahanda sa Arkdyosis, at masasabi ko ng may-kaukulang katiyakan na karamihan sa mga mag-asawang ikinakasal ngayong araw ay hindi nalilinawan ng buo kung ano ang kanilang ginagawa kapag pinili nilang magpakasal. Sa madaling sabi, hindi lahatang malinaw sa kanila kung ano talaga ang pag-iisang-dibdib at paano ito nakaugnay sa sekswal na pagpapahayag. Ito ay malinaw dahil tayo ay namumuhay sa kultura na talagang nawala na ang diwa ng totoong kalikasan ng pag-iisang-dibdib. Mayroong kailanan ng mga dahilan na maaaring maipaliwanag ito, sisimulan ng Rebolusyong Sekswal ng mga kaanimnapung-taon; ang paninimula ng walang-salang paghihiwalay noong kahulihang bahagi ng mga kaanimnapung-taon; ang paninimula ng Karaniwang Batas na “pag-iisang-dibdib” (ang mag-asawa ay nagsasama ng mahabang panahon at pagkatapos ay tinuturing ng estado na tila sila ay ikinasal); ang paghihiwalay ng pagtatalik sa palagay ng mga bata (paghihiwalay na nagawang posible sa pagyari at pamamahagi ng mga makabagong kontraseptibo, atbp.). Ngunit ang kasal ay lagi nang naunawaan bilang isang institusyon. Ito’y higit pa sa pakkiipagkaibigan—ang ating mga pagkakaibigan ay pribado, ang mga ito ay hindi institusyon. Ang buhay may asawa ay isang samahan na umiiral para sa panlahatang kapakanan (institusyon). Kung ang selula ay isang yunit ng buháy na organismo, ang kasal ay ang pangunahing yunit ng lipunan. Ang pag-iisang-dibdib ay isang kakaibang hiwaga. Kahit pagkaraan… Sa maikling salita, ito ay ang pagsasama ng dalawa bilang isang laman, isang katawan. Ito ay isang ganap (buo) at tugunang pag-aalay ng sarili sa isa pa, at dahil “ikaw ang iyong katawan,” upang i-alay ang sarili mo ay upang i-alay ang katawan mo. Sapagkat ito ay ganap at buong pag-aalay, ito ay hindi mababawi—hindi ko mababawi kung ano ang hindi ko na mapanatili ang bahagi na aking inaalay. Kung ito ay tugunan sa isa't isa, ang dalawa ay naghabilin na sa bawat-isa kaya ang katawan ng babae ay sumapi sa lalaki at ang katawan ng lalaki ay sumapi sa babae. Sila ay ganap na naging pagsasama ng isang laman. Ang likas na pagpapahayag ng pagsasama ay ang sekswal na pagtatalik (ang pangmag-asawang kilos). Sa kilos na ito, ang lalaki at babae ay nagiging “isang pampag-anakang organismo” (ang lalaki ay di-ganap na pampag-anakan, at gayundin ang babae. Ngunit sa kilos ng mag-asawa, ang dalawa ay nagiging isang pampag-anakang katawan). Sa pagtatalik, ang dalawa ay nagiging pagsasama ng isang laman, kung ano ang pag-iisang-dibdib. Kaya ang pagtatalik ay isang pagpapahayag at pagdiriwang ng pangmag-asawang pagmamahalan. Mayroong dalawang bahagi ng kabutihan sa pagtatalik; ito’y nagsisilbi ng dalawang layunin: 1) upang magpahayag at magdiwang ng pangmag-asawang pag-ibig, at 2) ang paglikha ng bagong buhay. Iyan ang dahilan kung bakit isa sa mga sagabal na magpapatunay na ang kasal ay walang bisa (hindi-umiiral) ay ang kawalan ng sigla o kakayahan, na nagpapahiwatig ng walang kakayahang makipagtalik (walang kakayahang matupad ang pag-iisang-dibdib). Ang kawalan ng pagyabong o kabaugan ay hindi isang sagabal sa pag-iisang-dibdib; hindi kinakailangang magkaroon ng totoong mga anak upang maging totoong kasal, ngunit ang pagiging bukas sa mga anak ay isang kinakailangang saligan para sa tunay na kasal, at kaya ang kusang layunin na hindi magkaroon ng mga anak ay patunay na ang pag-iisang-dibdib ay walang bisa (hindi umiiral). Ang iba pang mga sagabal na nakasasanhi ng walang bisang kasal ay dahas o pannpupuwersa, panlilinlang (siya’y hindi ang taong naudyok akong paniwalaang siya), kusang pag-iiwan ng puwang upang makaphiwalay (ang layunin ay dapat hanggang “ang kamatayan ay paghiwalayin tayo”), kakulangan ng hustong pag-iisip (ang moral at pangkaisipang mga kailanganin upang totoong maikasal ay sadyang wala sa kahit isa lamang sa dalawa—ito ay lubhang mabigat na suliranin sa maraming tao ngayong araw, pagkat ang kultura natin ngayon ay hindi kaaya-ayang makapagpalaki ng mga matitinong matatanda). Ang pag-iisang-dibdib ay naituring ng Hudeo-Kristiyanong kaugalian bilang isang nilalayong institusyon na may maliwanag na pinagmulan, ito’y hindi itinatag ng lipunan, na inaakala ng mga pangkasalukuyang makabago. At dahil ang pag-iisang-dibdib ay pagbubuklod ng dalawa sa isang katawan, isang laman, ito ay matutupad lamang ng isang lalaki at isang babae. Ito’y hindi mangyayari sa dalawang taong magkatulad ang kasarian upang maging isang katawan sa pag-ganap ng sekswal na pagsasama. Sa ibang salita, hindi maaaring matupad ang pag-iisang-dibdib kung ang dalawa'y magkapareho ang kasarian. Ang sekswal na etika—kahit para sa atin lamang—ay malimit na nagsisimula ng pagkaunawa na may kinalaman sa pag-aasawa. Ang pagtatalik bago maikasal ay panimulaing tagpo ng pakikipagsiping sa katawan ng iba—pagkat ang dalawa ay naghahayag at nagdiriwang ng kasal na hindi umiiral. Ngunit ang pagtatalik ng ikinasal na mag-asawa ay tunay na isang banal na kilos; isang nagbibigay-biyayang kilos. Sa labas ng ugnayang ito, ang pagtatalik ay karaniwan at halos-lahat ng kabuuhan nito ay isang uri ng paggawa ng paraan upang makamit ang sekswal na aliw. Ang pakikipagtalik sa ibang tao na hindi bilang isang buo at lahat na pag-aalay ng sarili sa kasal, ngunit bilang isang paraan lamang sa sekswal na aliw, ay upang gamitin lamang ang iba bilang paraan sa isang layunin; at ang paggamit ng iba bilang paraan sa layunin ay laging labag sa moral na alituntunin na pagtrato sa mga tao bilang mga layunin sa kanilang sarili, kailanma’y hindi bilang paraan sa layunin. Pagtuklas ng Ligaya Mayroon pang mas maraming matatalakay dito sa pilosopiko at teyolohikong pag-unawa ng pag-iisang-dibdib at ang kahulugan ng sekswal na kilos kaysa maaaring maipahayag ng sapat para sa artikulo na ganito ang sukat, ngunit para sa malaking bahagi ng populasyon, ang sekswal na relasyon ay hindi na talagang isang bagay na may lubhang mensahe ng kahalagahan. Kadalasan ay ito’y hindi mas makabuluhan kaysa makainom ng martini o makalabas patungong Dairy Queen para sa sorbetes, o ibang bagay na magagawa mo na kasama kung sino man. Ngunit ang hangad ng Simbahan na pangalagaan ang kalikasan at kabanalan ng pagtatalik at ang tunay na kahalagahan ng pag-iisang-dibdib ay napagtibayan ng kanyang paniniwala na ang pamilya ay ang pangunahing yunit ng lipunan, at anuman ang nakapipinsala ng yaong yunit ay nakapipinsala sa pangmamamayang nayon bilang isang kabuuhan. At kaya naman, ang Simbahan ay tinatawag ang mga taong may parehong-kasariang oryentasyon sa buhay na kalinisan. Ngayon ito’y maaaring mapakinggan ng may kalupitan para sa iba, ngunit ito’y maaari rin na mas maiging maging kalagayan ng kasalungat na paglapit na talagang malupit. Higit pa rito, ang pagpapari ay marahil na mas mahalaga ngayong araw kaysa noon. Ang isang makisig na pari o magandang madre na nakapagpahayag o nakapagpanata na ng kalinisan o buhay na walang asawa, at nakapamamanaag ng ligaya, nakapagbibigay ng mabisang katibayan na ang kasiyahan (o ligaya) ay hindi nagmumula sa matalik na sekswal na pagsasama; ngunit higit pa rito, ang kasiyahan ay natatagpuan kay Kristo. Patas na mahirap para sa mga ikinasal na mag-asawa na makita Ito. Sila’y malimit na naniniwala na ang kanilang kasiyahan ay matatagpuan sa isa’t-isa. Ngunit si San Agustin ay isinaad noon, sa unang pahina ng kanyang Pagtatapat: “O Panginoon, nilikha Mo kami para sa Sarili Mo, at ang aming mga puso ay walang pahinga hanggang sila’y makapahinga sa Iyo.” Sa ibang salita, nilikha ka ng Diyos para sa Kanyang Sarili, hindi para sa iba. Ang lubos na kasiyahan ay ni-kailanma'y matatagpuan sa ibang mga tao, ngunit sa Diyos lamang. Kung tinawag ng Diyos ang lalaki sa buhay na may asawa, siya’y tinatawag Niya upang mahalin ang kanyang kabiyak para sa kapakanan ng kanyang kabiyak, hindi para sa kanyang kapakanan o kanyang sariling kasiyahan. Tinatawag Niya itong lalaki upang mahalin ang Diyos sa pamamagitan ng pagmahal niya sa babae para sa kapakanan niya at ng Diyos. Sa kasawiangpalad, maraming tao ang “naglalahad ng kanilang kamay” sa mga salitang kanilang minumutawi, nagsasabi ng mga bagay tulad ng “pinupuno niya ang puwang na nasa akin”, o “hindi na ako makadama ng kaganapan, kaya iniwan ko siya”, na tila ang pag-iisang-dibdib ay tungkol lamang sa “aking katuparan”. Hindi masusukat Mayroong napakatinding yaman ng pamana dito sa paksa ng sekswal na etika at kalikasan ng pag-iisang-dibdib sa kasaysayan ng Simbahan na nakapagdanas ng matinding pag-unlad sa ikadalawampung siglo (ito ay, ang Teyolohiya ng Katawan), at tuwing itinuturo namin ito sa aming mga estudyante, sila’y may sumasang-ayon na reaksyon. Ito’y totoo rin sa mga estudyanteng may parehong-kasariang paghahalina. Marami sa kanila ang nakabatid ng katotohanan ng mga itinuturo at sila’y nagpapasalamat sa pagtanggap ng mga ito. Sa kasawiangpalad, maraming mga kleriko ay takot na ituro ito, at maraming mga tagapagruro ay hindi kilala ito. Ang katunayan ay, tayong lahat ay may mga sariling pakikibaka. Ano mang landas na tinatawag tayo ng Panginoon upang tahakin, mayroong mga pagpapakasakit na kinakailangan nating gawin, mga labanan sa ating mga sarili at ating mga kakaibang kalokohan na kailangan nating sagupain, ngunit ang ating kasiyahan ay tiyak na nasa katapusan ng ating landas. Higit na mahalaga, “ang landas patungong langit ay makalangit”, bilang pasalungat, “ang landas patungong impyerno ay mala-impyerno.” Kung ang mga tao'y mag-uumpisang talangguhitan ang kanilang sariling mga larangan ng labanan at ang tiyak na landas na tinatawag sila ng Panginoon na sundin, kasama ng lahat ng mga pagpapakasakit na kailangan nilang gawin, masisimulan nilang maranasan ang ligaya na hindi nila inakalang mangyayari. Karamihan sa mga tao’y napapailalim ng maling akala na ako’y magiging masaya lamang kapag magagawa ko ang gusto kong gawin; malimit na dumadaan sila landas na yaon upang matuklasan lamang na hindi totoong sila’y masaya, labis sa pagkasira ng loob nila. Ngunit kapag sa huli'y masimulan nilang gawin ang kung anong tinatawag sila ng Panginoon na gawin, matutuklasan nila ang isang bagay na wala silang palagay na matatagpuan nila, tulad ng, malalim na kahulugan ng katuparan.
By: Deacon Doug McManaman
MoreNagtataka kung paano tumugon sa mga puna tungkol sa iyong patotoo sa buhay? Narito ang tatlong pinakamahusay na pabalik na sagot para lamang sa iyo! Nitong nakaraang linggo lamang, ipinarada ko ang aming malaking van sa harap ng tindahan. Matapos na makakuha ng ilang mga bagay sa tindahan, bumalik ako at inabutang ang aking mga anak na nakikipag-usap sa mga pasahero ng katabing sasakyan — isang ama at kanyang anak na lalaki. Sa isang maliit na bayang tulad ng sa amin, palaging may di magandang pag-uugnay sa ibang mga tao. Sa kasong ito, ang bata sa kabilang sasakyan na nakasama ng aming ika-apat na anak sa preschool ay ibig mangumusta. Ang pintuan sa aming van ay bukas upang mapaunlakan ang naturang pagbati. Nakikita ko ang may halong sindak na pagmamasid ng ama habang binibilang nya ng mga bata sa aking sasakyan — anim — at pagkatapos ay napansin nya ang di mapag-aalinlanganang umbok na nagpapahayag ng inaasahang pampito. Ang kanyang puna ay ang nakakainis, at pangkaraniwang nakukuha ng may malaking pamilya, na: "Dapat kang kumuha ng TV" na may dagdag pang: "o anong bagay pa man" kasunod ang isang masalimuot na halakhak na patunay lamang na napagtanto niya ang kagaspangan ng kanyang puna. Ngunit huli na upang bawiin ito. Sapilitan ang ngiti, kami ay nagpaalamanan at umuwi. Hindi ito ang unang pagkakataon na nakatagpo ako ng ganoong mga puna, at hindi ito ang magiging huli. Ang katotohanan, ang laki ng aking pamilya, kahit papaano, ay angkop sa isang malaking proporsyon ng lipunan. "Hindi lang nila naiintindihan," sabi ng isang kaibigan, at ina ng anim, "kung anong kasiyahan ang nararanasan nating mga pinagpalaan ng malaking pamilya." Tama siya. Ang pagiging mapalad sa isang malaking pamilya ay isang bagay na kakaiba sa pagsunod sa 2.1 na mga bata bawat pamilya at, mula sa labas, ay lilitaw na napaka kontra sa kultura. Siyempre, di ayon sa kultura, ngunit hindi dapat. ganito. Hindi lahat sa atin ay tinawag na magkaroon ng isang 'malaking' pamilya ngunit tinawag tayong maging bukas sa buhay. Para sa ilan, nangangahulugan ito ng isang malaking pamilya, ngunit para sa iba, ito ay nangangahulugan na isang maliit na pamilya na nakaharap sa pagkawala ng sanggol o ng pagbubuntis, nagsusumikap na magkaanak, o pag-aampon. Anuman ang laki ng ating pamilya, lahat tayo ay makakasaksi sa masidhing pagpapala ng pagiging bukas sa buhay. 1. Magbigay Ng Kagalakan. Ang balita ng isang pagdadalantao ay dapat na isang malaking kagalakan. Mayroong ilang pagkakataon at ilang sitwasyon, kung kailan maaaring malamlam ang balitang ito. Anupaman, ang isang bagong buhay ay dapat palaging ipagdiwang. Kapag nakatagpo ka ng iba, bahagi man sila ng iyong pananaw na bukas-sa-buhay o hindi, hayaan mong makita nila ang kagalakan na dala ng pahayag na ito para sa iyo. Nakakahawa ang kagalakan - at isang bagay na madalas na kulang sa ating mundo ngayon. Marahil hindi pa rin nila maintindihan kung bakit nais mong magkaroon ng iyong ika-apat, ikaanim, ikapitong o labing isang anak, ngunit dapat pa rin nilang pabayaang nasisiyahan kang umaasa sa isa pang bungkos ng kagalakan. 2.Tumugon Ng May Katatawanan, Hindi Galit. May ilang katugunang maaaring ibigay ng mga pariralang: "Wala ka bang TV?" o, "Hindi ba puno ang iyong mga kamay?" at iba pa. Ngunit ang ilan ay marahil hindi mapagkawanggawa. Hindi natin mapagbabago ang mga puso sa pagalít na tugon o, sa totoo lang, ng ano pa mang tugon. Ngunit, maaari tayong magpunla ng isang binhi. Isang ina na kakilala ko ay mahilig magcuento ng tugon ng isang ina sa mga sumusunod na katanungan: "Bakit maraming mga anak mo? O, mayroon ka pang isa? "Ang di kanaisnais na sagot: "Patuloy kaming gagawa hanggang makuha namin ang gusto namin!" O kaya: "Titiyakin lang namin na marami ang mag-aalaga sa amin sa aming pagtanda." Marahil ang mga pasaring na ito ay hindi para sa lahat. Ngunit ang pagpapatawa ay maaaring mahusay na kasangkapan sa pagtugon sa mga litong katanungan ng mga di gaanong relihiyoso sa atin. Hinihikayat tayo ni San Juan Cantius na: "Labanan ang lahat ng pagkakamali sa paggamit ng mabuting katatawanan, tiyaga, kabutihang loob, at pagmamahal. Ang karahasan ay mapaminsala sa sariling kaluluwa at nakakasira sa pinakamahusay na layunin." Marahil ang pagdagdag ng isang dosis ng pagpapatawa ay ang mainam na kasagutan. 3.Saksihan Naang Walang Salita Bagamat nakatanggap ako ng mga di kaayaayang mga pagpuna tungkol sa laki ng aking pamilya, mayron din ilang mga magaganda. Isang natatanging nakatatandang ale ang nagsimula sa karaniwang parirala: "Hindi ba puno ang iyong mga kamay?" at idinagdag pa, "at hindi ka ba pinagpala?" Oo naman; tama siya. Di kapani-paniwalang kami ay pinagpala, at yung mga nakakakilala sa amin ay alam na ang aming pagiging bukas sa buhay ay umaabot pa hanggang sa labas ng aming sariling tahanan. May mga taong lumalapit sa amin para humingi tulong, gabay at taguyod sa harap ng mga hindi sinasadyang pagdadalantao, hirap matapos makapanganak, pamamahala sa pag-aalaga ng mga ulila o pag-aampon, at ang mga pangkalahatang tagumpay at kabiguan sa pagiging isang magulang. Kadalasan, ang mga kakilalang di-Katoliko ay naghahangad ng aming payo. Dahil sa laki ng aming pamilya, nailalathala namin ang aming taimtim na paniniwalang ang bawat buhay ay katangitangi. Hindi ito ang sinadyang kalalabasan ng pagkakaroon ng isang malaking pamilya, kundi, naging napakalawak na pagpapala sa amin upang makatulong sa kapwa. Sa hindi sinasadya, sinusunod namin ang payo ni San Francisco ng Assisi: "Ipangaral ang Salita sa lahat ng oras. Kung kinakailangan, gumamit ng mga salita.” Kung kaya, bagaman maaasahan mo ang walang katuturang mga puna, hindi nangangahulugang dapat mong pahinain ang iyong sigasig kapag nagbabalita ka ng isang pagdadalantao - maging ito'y sa iyo o sa iba. Tumugon nang may kagalakan at pagpapatawa, patuloy na nagpapatotoo sa kahalagahan at karangalan ng lahat ng buhay ng tao.
By: Emily Shaw
MoreSuper-napakayaman, alam-ito-lahat, mahusay na ginagalang, makapangyarihang impluensya...ang listahan ay walang hanggan, ngunit ang lahat ng mga ito ay hindi mahalaga kapag ito ay tungkol sa katanungan ng kung sino ka. Sa simula ng 1960s, ang folk-rock grupo The Byrds ay nagkaroon ng isang napakalaking -tagumpay na tinatawag na Turn! Turn! turn! na adaptado mula sa ikatlong kabanata ng Eklesiastes. Natagpuan ko ang kanta na nakakatakot. Ito hinihikayat sa akin upang basahin ang buong Libro , na kung saan ako natagpuan na talagang kakaiba. Ito ay kamangha-manghang dahil, hindi tulad ng mga letra sa kanta natagpuan ko ang natitira, lalo na ang unang kabanata, na maging isang ‘Debbie Downer’, isang walang pagsalang paggamot ng mga kondisyon ng tao. Ang may-akda, Qoheleth, ay isang matanda na inilarawan sa sarili na nakakita ng na ng lahat , ginawa na ang lahat, at karanasan ang lahat ng ito. Siya ay may kasiyahan ng lahat ng buhay na maiaalok; siya ay super napakayaman, may napakaraming kaalaman, ay mahusay na tinatawag sa pamamagitan ng kanyang mga kasamahan, may kapangyarihan na mag-paikot sa loob ng buhay, at sa katunayan ay nagkaroon ng pag-aari ng bawat nilalang na maaaring dumating sa kanyang paraan. Ngunit, ganun paman sa lahat ng mga ito, siya ay dumating sa konklusyon na ito ay hindi mahalaga. Bakit hindi? Sa aking palagay na natutunan niya sa loob na kung sino ka ay higit na mahalaga kaysa sa kung ano ang mayroon ka. Ang dahilan ay relatibong malinaw—ang mga kalakal ng sanglibutan ay palaging magpapatuloy at mangabubuwal dahil sila ay panandalian , transitoryo, at may hanggan. Bago ka Paalisin Kung sino tayo ay isang isyu ng ating moral at espirituwal na katangian, isang bagay ng kaluluwa. Sa unang kabanata ng Simulas, ay ipinahayag sa atin na tayo ay ginawa sa larawan at katulad ng Diyos, na kung saan binubuo tayo na magkakasama sa tunay na Kaharian ng Diyos at buhay na walang hanggan. Sa simpleng salita, tayo ay kung sino tayo ay sa relasyon sa Dios, hindi sa kung ano ang ating mayroon. Kami ay, sa pangunahing kalagayan, espirituwal at relihiyon. Sa talinghaga ng Ebanghelyo tungkol sa mayaman na mangmang, nagpapahiwatig si Hesus ng katulad na punto ngunit mas mahigit pa. Sa makabuluhang paraan ay pinapahiya ni Hesus ang tao na nagbibigay ng kanyang katapatan sa kanyang kayamanan at kaligtasan, sa maling pagpapalagay na ang mga ito ay magdadala sa kanya ng kagalakan. Ang tao ay hindi lamang mayaman, ngunit ang kanyang kayamanan ay magpapalawak kapansin pansin dahil siya ay nagkaroon ng isang magandang ani. Ano ang ginagawa niya? Siya ay nagpasya na ihiwalay ang kanyang lumang barnas at bumuo ng mas malaki upang maglagay ng kanyang karagdagang kayamanan. Ang tao ay binuo ng kanyang buhay sa ilang mga pag-iisip: (1) ang mga kalakal ng mundo ay mahalaga; (2) ang maraming taon, isang pamumuhuhay na kinakailangan upang maunawaan ang kanyang mga ambisyon; (3) ang kanyang kayamanan ay magpapalaganap ng isang kahulugan ng kapayapaan at hindi pinaghihigpitan kasiyahan. Ibinigay ang mga pag sa alang alang , walang anoman ay nawawala. Sa halip, hangal na mayamang binata! Ang Salita na tinutukoy sa kaniya ng Dios ay nagpapahiwatig ng kanyang mga plano: “Ikaw na mangmang, sa gabi na ito ang iyong buhay ay hinihiling sa iyo, at ang mga bagay na iyong inihanda, sino ang mga ito?” (Lukas 12:20) Ang sinasabi ni Hesus sa kaniya ay hindi kinakailangan ng Diyos ang kanyang mga pag-aari, kundi ang kanyang buhay mismo – sino siya! At ang mga pangangailangan ay ginawa hindi sa malayo sa hinaharap ngunit dito, ngayon. Sa gabi na ito, ang iyong kaluluwa, iyong puso, iyong buhay ay kinakailangan sa iyo. “Sa gayo’y,” sabi ni Hesus, “sa mga naglalagay ng mga kayamanan para sa kanilang sarili ngunit hindi mayaman sa Dios.” (Lukas 12:21) Sa halip na ang "kagagalak ng buhay," sa makatuwid baga'y ang pagtitipon ng mga kayamanan sa sanglibutan, ipinapahayag ni Hesus sa kaniya ang pagbibigay ng kanyang buhay. “Hanapin ninyo ang Kanyang Kaharian, at ang mga bagay na ito ay ibibigay sa inyo.” (Lukas 12:31) Sa Katapusan Katotohanan Ginigiliw na mambabasa, ito ay ang pinka importante -mula sa simula na alinman-o pagpili: Ang aking mga mata ay sa Dios o sa mga kayamanan ng sanglibutan? Kung ang unang, pagkatapos ay kami ay buhay out aming tunay na karangalan ng pagiging tao. Gusto naming ibigin ang Diyos ng ating buong puso at kaluluwa at ng ating kapuwa bilang ating sarili dahil kami ay nakasalalay sa tunay na bagay. Tayoay magkakaroon ng tamang relasyon sa Diyos, sa ating kapuwa, at sa buong nilikha. Ang pagiging nakatuon sa mga kayamanan ng sanglibutan ay hindi maaaring matugunan ang pagnanais ng puso dahil hindi sila makapag-ibig sa atin, na kung saan ay pangunahing pangangailangan ng kaluluwa. Sa halip, ang obsesyon at pag kahaling na ito ay nagiging sanhi ng mas mataas na gutom at nagbibigay ng pag-anak sa isang pinakadakilang pakiramdam ng paghihirap. Malinaw na sinasabi, kung tinanggihan namin ang banal at transendenteng sa aming mga buhay, mangyayari sa atin ang pananampalataya ng ating eksistensya, ang pakiramdam ng walang kabuluhan at paghiwalay mula sa ating kapwa tao, malalim na kaluluwa, at kasalanan. ni Hesus na tumanggap ng isang realistang paningin sa kung paanong ang mga kayamanan ay maaaring magpakasamba sa ating mga puso at magbigay-daan sa atin mula sa kahalili ng ating tunay na kayamanan, na ang Kaharian ng Diyos na natupad sa Langit. Sa pamamagitan ng linya na ito, inihayag sa atin ni Santo Pablo sa kanyang sulat sa mga Colosas na “pagtatayo ang inyong mga isip sa mga bagay na nasa itaas, huwag kayong magtatayo ng inyong mga bagay sa ibabaw ng lupa.” (3:1-2) Ito ay, samakatuwid, mahalaga para sa amin sa pagsusuri kung ano ang ating tunay na gusto. Ang pag-ibig na nabuhay ayon sa Ebanghelyo ay pinagmulan ng tunay na kagalingan, samantalang ang paghahanap ng mga materyal na kayamanan at kalakasan ay madalas na nagmumungkahi ng kasiyahan, paghihirap, pag-aabuso sa iba, pagsasama-sama, at paghahari. Ang mga pagbabasa mula sa Eklesiastes, ang Ebanghelyo ni Lucas, at ang sulat ni Pablo ay lahat ay nagpapahiwatig sa katanungan: ‘Sino ako?’ na mahalaga ng walang hanggan higit pa sa kung ano ang mayroon ka. Ang mahalaga ay ikaw ay anak na minamahal ng Diyos, na nilikha upang maluwalhati sa pagibig ng Diyos.
By: Deacon Jim MC Fadden
MoreMay isang kalungkut-lungkot na pakahulugan ang Krus na, sa kasamaang-palad, nakahawa sa isipan ng madaming Kristiyano. Ito ay ang pananaw na ang madugong sakripisyo ng Anak sa krus ay "kasiya-siya" sa Ama, isang pagpapayapa ng isang Diyos na walang hanggang galít sa makasalanang sangkatauhan. Sa pagbasang ito, ang ipinako sa krus na si Hesus ay tulad ng isang bata na inihagis sa nagniningas na bibig ng isang paganong kabanalan upang pawiin ang poot nito. Ngunit ang talagang nagpapatunay sa kamalian ng baluktot na teolohiyang ito ay ang bantiog na sipi mula sa Ebanghelyo ni Juan: "Gayon na lamang ang pag-ibig ng Diyos sa sanlibutan, na isinugo Niya ang Kanyang bugtong na Anak, upang ang lahat ng sumasampalataya sa kanya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan" (3:16). Inihayag ni Juan na hindi dahil sa galit o paghihiganti o sa pagnanasa sa kabayadan kaya isinugo ng Ama ang Anak, kundi dahil mismo sa pag-ibig. Ang Diyos Ama ay hindi kung anong kalunus-lunos na pagka-Diyos na ang nalamog na pansariling karangalan ay kailangang maipanumbalik; sa halip, ang Diyos ay isang magulang na nag-aalab ng may pagkahabag sa Kanyang mga anak na napagala sa panganib. Kinamumuhian ba ng Ama ang mga makasalanan? Hindi, subalit napopoot Siya sa pagkakasala. .Nagkikimkim ba ang Diyos ng ngitngit sa mga hindi makatarungan? Hindi, subalit namumuhi ang Diyos sa kawalan ng katarungan. Kaya naman, isinusugo ng Diyos ang kaniyang Anak, hindi sa kagalakan na makita Siyang nagdudusa, kundi may-habag na itumpak ang mga bagay-bagay. Si San Anselmo, ang dakilang medieval na theologian madalas na di-matwid na sinisisi dahil sa malupit na theology ng kasiyahan, ay malinaw na malinaw sa bagay na ito. Tayong mga makasalanan ay tulad ng mga brilyante na nalaglag sa putikan. Nilikha ayon sa larawan ng Diyos, nadungisan natin ang ating sarili sa dala ng karahasan at poot. Ang Diyos, pag-angkin ni Anselmo, ay bibigkas lamang ng isang salita ng pagpapatawad mula sa langit, ngunit hindi nito malulutas ang problema. Hindi nito maibabalik ang mga brilyante sa dati nilang ningning. Sa halip, sa kanyang pagsinta na muling itatag ang kagandahan ng nilikha, bumaba ang Diyos sa putikan ng pagkakasala at kamatayan, iniakyat ang mga brilyante, at pagkatapos ay pinakintab ang mga ito. Sa paggawa nito, mangyari pa, kailangang madungisan ang Diyos. Ang paglulubog na ito sa dungis—ang banal na pakikipag-isa sa mga naliligaw—ay ang “sakripisyo” na ginagawa ng Anak para sa walang hanggang kasiyahan ng Ama. Ito ay ang sakripisyong nagpapahayag, hindi ng poot o paghihiganti, kundi ng pakikiramay. Sinabi ni Hesus na sinumang disipulo Niya ay dapat handang magpasan ng kanyang krus at sumunod sa Guro. Kung ang Diyos ay pag-ibig na hindi makasarili kahit na hanggang sa kamatayan, dapat tayong maging ganoong pag-ibig. Kung handang buksan ng Diyos ang sarili niyang puso, dapat handa tayong buksan ang ating puso para sa iba. Ang krus, sa madaling salita, ay dapat na maging mismong kayarian ng buhay Kristiyano.
By: Bishop Robert Barron
MoreBilang isang batang babae, ginawa ko kung ano ang lahat ng mga tinedyer ay subukan upang gawin – May pakiramdam ako na ako ay naiiba sa aking mga kasamahan. Sa isan lugar sa isang daan, napagisipan ko na ang aking pananampalataya ang aking pagkakaiba. Minasama ko ang aking mga magulang sa pagbibigay sa akin ng bagay na tio na naging pagkakaiba ko. Ako ay naging rebelde at nagsimulang pumunta sa mga kasayahan, disko at panggabihan grupohan. Hindi ako nais na manalangin pa. Gusto ko lamang ang buong kagalakan ng paglalagay sa paganda sa mukha, pag dadamit ng magara, nana naginiginip sa araw tungkol sa kung sino ay magkakaroon sa mga kasayahan, sayawansa buong gabi, at higit sa lahat, lamang 'makiayon doon. ' Ngunit, sa paguwi ko ng isang gabi, habang nakaupo sa kama na nagiisa , nakaramdam ako ako ng pangungulila sa aking kalooban. Namumuhi ako sa naging ako; ito ay isan kabalintuanan na hindi ko nagustuhan kung sino ako , at ganon paman hindi ko alam kung paamo magbago at maging sarili ko. Sa isa sa mga gabing ganoon, habang umiiyak na nagiisa, naalala ko ang simpleng kaligayahan na mayroon ako ng ako ay bata ng alam ko na ang Diyos at ang aking pamilya ay mahal ako. Noon, yun ang mahalaga. Kaya, sa unang pagkakataon sa tagal ng panahon ako ay nagdasal Umiyak ako sa Kanya and hiningi ko sa Kanya na ibalik ako sa dating kaligayahan. Parang binigyan ko Siya ng ultimatum na kapag hindi Niya ipinakita and sarili Niya sa susunod na taon, hindi na ako babalik sa Kanya. Ito ay nakakatakot na dasal, ngunit ito rin ay isang mabisa. Ito ay aking dinasal at nakalimutan ko na ng husto. Ako ay ipinakilala sa Nanal na Misyon ng Pamilya, isang pamayanan na tiraha, kunng saan ppumupunta para matuto ng iyong pananampalataya at mak ilala ang Panginoon. Mayroon araw away na dasal, buhay Sakramento , madalas na kumpisal, araw araw na pagro rosaryo at pagmamasid ng Banal na Oras. Naalalako na naisisp” Ito ay sobrang pagdarsal sa isang araw!” Sa puntong iyon, hindi man lang akong makapagbigay ng limang minute sa aking araw sa Panginoon Kahit paano, ako ay nagtapos na aplayan para sa Misyon. Bawat isang araw, ako ay nauupo sa pagdarasal sa harap ng Eukaristiya Panginoon at tinatanong Siya kung sino ako at kung ano ang layunin ng aking buhay. Dahan dahan ngunit sigurado, ipinkato sa akin ng Paninoon ang Kanyang sarili sa pamamagitan ng Mga Banal na Kasulatan at sap ag gugol ng oras sa katahimikan sa Kanya .Unti unti akong nakatanggap ng pag hilom ng sugat sa aking kalooban at lumago sa pagdarasal at relasyon sa Panginoon. Simula sa pagiging rebelde babaeng tinedger na nawala sa masayahing anak ng Panginoon, ako ay nagtungo sa isang ganap na pagbabago. Oo, gusto ng Panginoon na makilala natin Siya. Ipinakikita Niya ang Kanyang sarili sa atin dahil sinasagot Niya ng tapat kada isang dasal na itaas sa Kanya.
By: Patricia Moitie
MoreAng Kuwaresma ay palapit na. Nakadadama ka ba na mag-atubiling talikdan ang iyong mga kinagigiliwang bagay? Habang lumalaki, ako’y isang magulong bata na may kalakasang bibig at masidhing hilig sa musika. Isa sa aking pinakamaagang mga ala-ala ay ang magbukas ng radyo ng sarili ko at maririnig ang musika na mahiwagang lalabas mula sa yaong munting kahon. Ito’y tulad ng isang buong bagong mundo na bumukas para sa akin! Ang buong pamilya ko'y nakagiliwan ang musika, at madalas kaming umaawit, tumutugtog ng piyano, kumukuskos ng kudyapi, nakikinig sa awit na klasiko, o gumagawa ng aming sariling himig. Aking naaalala nang iniisip ko na ang buhay ay magiging napakabuti kapag mayroong isang malamyos na ponograma na naririnig sa paligid. Ipinasa ko itong paghilig sa musika sa aking mga anak. Bilang isang batang mag-anak, kami ay may mga awit sa halos bawa’t okasyon, kabilang ang aming mga panahon ng pagdarasal. Ngayon, lahat kami’y namumuno ng musika sa ilang hugis o ayos, at kasalukuyan akong naglilingkod bilang ministro ng musika para sa dalawang parokya. Ang musika ay pinanggalingan ng ligaya at buhay. Bagama't isang araw, tinamaan ako nang tuwiran sa gitna ng aking mga mata na ako’y napakahilig sa musika. Yaong Kuwaresma, tinigilan kong makinig ng musika sa sasakyan. Yaon ay isang kasukdulan para sa akin, pagka't lagi akong nakikinig sa musika habang nagmamaneho. Itong ugali ay isang bagay na mahirap na talikdan. Ito’y gaya ng isang kagyat na wala-sa-isip na kilos. Tuwing pagpasok ko sa aking sasakyan, ang kamay ko’y hahablot ng CD na maisasalang. Ngunit ako’y nagsumikap at sa wakas ay nasanay ko ang aking kamay na hindi hawakan ang anumang mga pindutan ngunit sa halip ay gawin ang tanda ng krus. Pagkaraka, pinalitan ko ang pakikinig sa musika ng panalangin, ng sadyang pagdarasal ng rosaryo. Yaon ay pitong taon nang nakalipas, at ako’y hindi na lumingon nang pabalik. Ako’y yumabong upang kilalanin ng dakilang utang na loob itong paghinto na kasama ang Diyos. Ang paghinto na kasama ang Panginoon ay nag-aalay sa atin ng puwang na kinakailangan nating lahat upang mawaglit mula sa panlabas na mga bagay at madugtong panloobang buhay. Ito’y nakatutulong na muling makamit natin ang kapayapaan. Ito’y nakatutulong sa atin na sumandig at makinig nang higit sa Diyos. Gunitain kung paano si San Juan Ebanghelista ay sumandig sa dibdib ni Hesus sa Huling Hapunan. Ngayon, harayain ang sarili mo na nakasandig nang napakalapit na maririnig mo ang pintig ni Hesus. Nais ng Diyos na tayo ay sumandig. Upang tayo’y makagawa ng lawak sa ating arawing kabuhayan na sasandig ang ating mga ulo sa Kanyang Kabanal-banalang Puso at matuto mula sa Kanya o payakang ibsan ang ating napapagal na mga kaluluwa. Bilang nagmamahal ng himig, palaging may tonong dumaraan sa isipan ko noon, at madalas, ito ay tunay na nakahihira. Ngayon, kapag ako’y may tono sa isip ko, hihinto ako at tatanungin ang Diyos kung Siya’y may isang bagay na ipinahihiwatig sa akin sa pamamagitan nito. Itong umaga, bilang halimbawa, nagising ako sa isang tono na kailanma'y hindi ko narinig, “Ako ay aawit ng mga awa ng Panginoon magpakailanman; ako’y aawit, ako’y aawit.” Ang Himig ay ang wika ng puso. Naniniwala ako na ang Diyos ay nalulugod sa ating pag-awit ng mga papuri sa Kanya at na Siya’y madalas na umaawit sa atin. Kaya, umaawit pa rin ako! Bagaman, aking nadarama na ako’y sadyang napagpapalà kung ang pag-awit ay patungo sa purok ng katahimikan, o kung anong nais kong tawagin na 'makagulugang katahimikan,' isang purok ng sukdulang kalapitan sa Panginoon. Sadyang pinagkakautangan ko ng loob itong tahimik na kinalalagyan pagkatapos matanggap ang Banal na Komunyon. Sa ating maabalahing mga buhay, ang makagawa ng paghinto kasama ang Panginoon ay kadalasang isang digmaan. Ang pagdarasal ng Rosaryo ay lubos na nakatutulong sa akin sa paghahamok na ito, na may gawang kahulugan pagka’t ang ating Banal na Ina ay isang tampok sa pagdidilidili. “lningatan ni Maria ang lahat ng mga ito, pinagbulaybulayan ang ito sa kanyang puso,” (Lukas 2:19). Iwinangis ni Hesus ang Kanyang Sarili para sa atin sa pagpapahalaga ng pagpaparoon sa katahimikan, gaya ng Kanyang malimit na pagpaparoon sa tahimik na luklukan upang makap-isa sa Kanyang Amang nasa Langit. Isang araw nitong nakaraang tag-init, habang nasa masikip na tabing-dagat noong isang muling-pagtitipon ng mag-anak, naratnan ko ang aking sarili na kinukulang sa pagdarasal ng Rosaryo at nangangamba. Ako’y nagnanasa ng tahimik na saglit na kapiling ang Panginoon. Ang aking anak na babae ay napunang ako’y wala sa sarili at mapagpahinang binanggit ito. Ako’y nagpasyang magbakasakali sa tabi ng laot nang mag-isa sa loob ng isang oras at naliwanagan ko na kapag ako’y pumasailalim ng tubig, mararatnan ko ang aking purok. Nagdasal ako ng Rosaryo habang lumalangoy yaong hapon at nanumbalik ang aking pagkapayapa. “Kung lalo tayong nagdarasal, lalo tayong magnanais na magdasal. Tulad ng isda na sa una ay lumalangoy sa ibabaw ng tubig, at pagkaraa’y susulong nang pailalim, at laging patungong higit na malalim, ang kaluluwa ay sumusulong, sumisisid, at nawawala ang sarili nito sa katamisan ng pakikipag-usap sa Diyos.”—San Juan Biano. Espiritu Santo, tulungan Mo kaming mahanap ang tahimik na panahon na labis naming kinakailangan, na sa gayo'y higit naming maririnig ang Iyong tinig at makapagpapahinga nang payak sa Iyong yakap.
By: Denise Jasek
More