Home/Masiyahan/Article

Aug 20, 2024 98 0 Dina Mananquil Delfino, Australia
Masiyahan

Mag Tsaa tayo

May nagpatigil sa akin noong araw na iyon… at nagbago ang lahat.

Sisimulan ko na sana ang aking grupo ng pagrorosaryo sa pansariling pagamutan kung saan ako nagtatrabaho bilang isang propesyonal sa pangangalaga ng pastoral nang mapansin ko ang 93-anyos na si Norman na nakaupo sa kapilya nang mag-isa, na mukhang nalulungkot. Ang kanyang mga panginginig dahil sa kanyang Parkinsons ay mukhang kitang-kita.

Sinamahan ko siya at itinanong kung kamusta na siya. Sa talunang pagkibit-balikat, may ibinulong siya sa wikang Italyano at tila napaiyak. Alam kong hindi siya nasa mabuting kalagayan. Ang galaw ng kanyang katawan ay pamilyar sa akin. Nakita ko ito sa aking ama ilang buwan bago siya namatay—ang pagkabigo, kalungkutan, kalumbayan, pagkabalisa ng ‘bakit kailangan kong ipagpatuloy ang pamumuhay nang ganito,’ ang pananakit ng katawan na makikita mula sa nakakunot na ulo at malasalaming mga mata…

Naging emosyonal ako at hindi makapagsalita ng ilang saglit. Sa katahimikan, ipinatong ko ang aking kamay sa kanyang mga balikat, sinisiguro sa kanya na kasama niya ako.

Isang Panibagong Buong Mundo

Ang umagang Ito ay oras ng pag-inom ng tsaa. Alam ko na bago niya magawang makarating sa silid kainan na kaladkad ang mga paa, hindi niya aabutin ang pamimigay ng tsaa. Kaya, nag-alok ako na gawan siya ng kupa. Sa aking minimal na alam sa Italyano, naunawaan ko ang kanyang mga kagustuhan.

Sa malapit na kusina ng mga tauhan, ginawan ko siya ng isang tasa ng tsaa, na may gatas at asukal. Binalaan ko siya na medyo mainit pa ito. Ngumiti siya, indikasyon na nagustuhan niya iyon. Ilang beses kong hinalo ang inumin dahil ayaw kong mapaso siya, at nang maramdaman naming pareho na tama na ang temperatura, inialok ko ito sa kanya. Dahil sa kanyang Parkinson’s, hindi niya mahawakan nang matatag ang tasa. Tiniyak ko sa kanya na hahawakan ko rin ang tasa; ng kamay ko at ng nanginginig niyang kamay, humigop siya ng tsaa, nakangiting siyang-siya na para bang ito ang pinakamabuting inumin na nainom niya sa buong buhay niya. Inubos niya ang tsaa hanggang sa huling bawat patak! Hindi nagtagal ay tumigil ang kanyang panginginig, at umupo siya ng maayos, at naging mas alerto. Sa kanyang katangi-tanging ngiti, siya ay bumulalas ng: “salamat!” Sumama pa siya sa iba pang mga residente na hindi nagtagal ay nagtungo sa kapilya, at nanatili siya para sa Rosaryo.

Isa lamang itong tasa ng tsaa, ngunit ang kahulugan nito ay ang buong mundo para sa kanya—hindi lamang para mapawi ang pisikal na uhaw kundi pati na rin ang emosyonal na kagutuman!

Nagpapaalala

Habang tinutulungan ko siyang inumin ang kanyang cuppa, naalala ko ang aking ama. Ang mga pagkakataong malugod siya sa mga pagkain na magkasama kami nang hindi nagmamadali, nakaupo na magkasama sa paborito niyang lugar sa sopa habang pinaglalabanan niya ang sakit na dulot ng kanyang cancer, sinasamahan ko siya sa kanyang kama sa pakikinig sa paborito niyang musika, nanonood ng Misa sa pagpapagaling onlayn nang magkasama…

Ano ang nagtulak sa akin na makipagkita kay Norman ukol sa kanyang pangangailangan noong umagang iyon? Tiyak na hindi ito ang aking mahina at karnal na kalikasan. Ang plano ko ay mabilis na iayos ang kapilya dahil huli na ako. Mayroon akong isang gawain na dapat tapusin.

Ano ang nagpatigil sa akin? Si Hesus, ang nagluklok ng Kanyang biyaya at awa sa aking puso upang tumugon sa mga pangangailangan ng isang tao. Sa sandaling iyon, napagtanto ko ang lalim ng turo ni San Pablo: “At kung ako ma’y buhay hindi na ako ang nabubuhay kundi si Kristo ang nabubuhay sa akin. At habang ako’y nasa daigdig, namumuhay ako sa pananalig sa Anak ng Diyos na umibig sa akin at nag-alay ng kanyang buhay para sa akin.” ( Mga taga Galacia 2:20 )

Naiisip ko lang kung pagdating ko kaya sa idad ni Norman at ako ay makagustong uminom ng cappuccino, ‘na may gatas ng almonde, medyo matapang, at talagang mainit,’ may gagawa din kaya nito para sa akin ng may ganoong awa at grasya?

Share:

Dina Mananquil Delfino

Dina Mananquil Delfino nagtatrabaho sa isang Aged Care Residence sa Berwick.Isa rin siyang tagapayo, mapagaan bago ang kasal, boluntaryo sa simbahan, at regular na kolumnista para sa Philippine Times newspaper magazine. Nakatira siya kasama ang kanyang asawa sa Pakenham, Victoria.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles