Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Jun 23, 2021 1889 0 Shalom Tidings
Magturo ng Ebanghelyo

Ika-anim na Sugat

“Tingnan mo. Tingnan mo ang mga sugat. Pumasok ka sa mga sugat.  Sa mga sugat na iyan, tayo ay gumaling.  Nakakaramdam ka ba ng kapaitan, kalungkutan, ng buhay na tila  hindi alinsunod sa tamang landas at ikaw din ay may sakit? Tingnan mo diyan. Sa katahimikan.”

Sa mga salitang ito ay sinasabi ni Santo Papa Francisco kung gaano kalalim mapagagaling ang tao sa pamamagitan ng limang Banal na Sugat ni Jesus — ang kanyang mga binutas na kamay, paa at tagiliran. Maraming mga Katoliko ang nakakaalam sa debosyon sa limang sugat na ito. Ngunit narinig mo ba ang ikaanim na sugat ni Jesus?

Noong ika-12 siglo, isang Priyor na Pranses at mistiko na si San Bernardo ng Clairvaux ay nagtanong kay Jesus kung alin ang Kanyang pinakahigit na di-naitalang pagdurusa at ang Panginoon ay sumagot: “Nasa Aking Balikat habang dinadala ko ang Aking Krus sa Daan ng mga Kalungkutan, isang malubhang Sugat na mas masakit kaysa sa iba, at na hindi naitala ng katauhan.”

Noong ika-20 siglo, isa pang santo ang nakapagpatunay sa ikaanim na sugat na ito: Santo Pio ng Pietrelcina. Sikat na kilala bilang isang buhay na Santo, sa mahigit sa 50 taon ay dinala niya ang mga sugat ni Kristo sa kanyang katawan. Si Padre Pio ay nagkaroon minsan ng isang kagiliw-giliw na pakikipag-usap kay Karol Wojtyla, ang hinaharap na Santo Papa Juan Pablo II, kung saan tinanong siya ni Padre Wojtyla kung alin ang sugat sa kanyang stigmata na siyang dahilan ng labis na sakit, na inaasahan na sabihin ni Padre Pio na ito ay ang sugat sa kanyang dibdib. Sa halip ay sumagot si Padre Pio, “Ito ang aking sugat sa balikat, na hindi alam ng kahit sino at hindi pa gumaling o ginamot kailanman.”

Matapos ang pagkamatay ni Padre Pio, si Brother Modestino na may tungkulin na kumuha ng imbentaryo ng lahat ng mga pag-aari ng santo, ay natuklasan na ang isa sa mga kamiseta ni Padre Pio ay may isang bilog na marka ng dugo sa lugar ng kanang balikat. Noong gabing iyon, hiniling ni Brother Modestino kay Padre Pio sa panalangin na paliwanagan sya tungkol sa kahulugan ng marka ng dugo. Humingi siya ng tanda na tunay na dinala ni Padre Pio ang sugat sa balikat ni Kristo. Nagising si Brother Modestino sa kalagitnaan ng gabing iyon na may sobrang sakit sa kanyang balikat, na parang hiniwa ng isang kutsilyo hanggang sa buto ng balikat. Pakiramdam niya ay mamamatay siya sa sakit kung magpapatuloy ito, ngunit tumagal lamang ito sa maikling sandali. Pagkatapos. ang silid ay napuno ng amoy ng isang makalangit na pabango – ang tanda ng espirituwal na presensya ni Padre Pio – at narinig niya ang isang tinig na nagsasabing, “Ito ang kinailangan kong pagdusahan!”

Isaalang-alang ito:  Pinayagan ni Jesus ang kanyang mga paa na mai-pako sa krus. Kusa niyang isinuko ang Kanyang mga kamay. At pinayagan niya ang kanyang tagiliran na mabuksan. Subalit ang kanyang balikat na nagdala ng nakadudurog na bigat ng krus, na nabugbog at madugong balikat Nya, ayon sa ebanghelyo ni San Juan, ay ang nagdala ng bigat ng ating mga kasalanan nang walang anumang tulong o ginhawa, ang balikat na iyon ay nanatiling nagsilbi sa buong paghihirap Niya.

At ngayon magagamit pa rin ito, sa atin, at sa lahat ng nangangailangan nito.

Tumingin at makinig sa tinig ni Jesus na nag-aanyaya sa iyo na sumandal sa Kanyang balikat at ipahinga ang iyong ulo doon at madama ang pag-ibig na nagbigay gaan sa Kanya upang matiis ang kahila-hilakbot na sakit na mula sa lahat ng mga kakilakilabot na sugat para sa kapakanan nating lahat.

Kaya “Tingnan mo duon. Sa katahimikan,” tulad ng iminumungkahi ni Santo Papa Francisco. Tumingin at makinig sa tinig ni Jesus na nag-aanyaya sa iyo na sumandal sa Kanyang balikat at ipahinga ang iyong ulo doon at madama ang pag-ibig na nagbigay-gaan sa Kanya upang matiis ang kahila-hilakbot na sakit na mula sa lahat ng mga nakahihilakbot na sugat para sa kapakanan nating lahat.

Upang mapagyaman ang debosyon sa sugat ng Balikat ni Kristo, sinulat ni San Bernardo ng Clairvaux ang panalangin na ito sa Balikat ni Kristo:

“Pinakamamahal kong Jesus, maamong Kordero ng Diyos, ako, isang nakakahabag na makasalanan, sumasaludo at sumasamba sa pinakabanal na sugat ng Iyong balikat kung saan ipinasan Mo ang Iyong mabigat na krus na syang nagpunit ng Iyong laman at inilatag sa Iyong mga buto upang ipabata sa Iyo ang isang paghihirap na mas malaki kaysa sa iba pang sugat ng Iyong Pinaka Pinagpalang katawan. Sinsamba Kita, O Hesus na higit na nagdadalamhati; pinupuri at niluluwalhati Kita, at pinasasalamatan Kita dahil sa sagrado at masakit na sugat na ito, na nagsusumamo sa Iyo sa pamamagitan ng labis na sakit, at sa makadurog-pasanin ng Iyong mabigat na krus na maging maawain sa akin, isang makasalanan, patawarin Mo ako sa lahat ng aking mortal at mga maliit na kasalanan, at upang akayin ako patungo sa langit sa daan ng iyong krus. Amen.”

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles