Home/Masiyahan/Article

Dec 24, 2022 475 0 Jackie Perry
Masiyahan

HUWAG MATAKOT

Nag-aalangang magtiwala sa isang bagay na hindi madaling paniwalaan? Kung gayon ito ay para sa iyo

Limang taon na ang nakakalipas habang talagang magkalayo, handa na kami ng aking noo’y-nobyo- na ngayo’y-asawa-na na magpakasal.  Ako ay nasa Nashville, TN at siya naman ay sa Williston, ND—1,503 milya ang pagitan.  Ang agwat ay hindi praktikal para sa dalawang tao na nasa kanilang kalagitnaan ng 30 taong gulang na ang nasa isip ay pag-ibig at ang magpakasal. Ngunit mayroon kaming matatag na pamumuhay sa magkaibang pook. Habang nagtitipan, magkahiwalay at magkasama kaming nanalangin tungkol sa aming kinabukasan, lalo na tungkol sa pagiging magkalayo. Pagkatapos naming magdasal ng Novena Ng Pagsuko, bigla siyang inalok ng opisina niya ng paglipat pabalik sa kanyang home state ng Washington, at hindi nagtagal ay nagpasya akong lumipat din sa Washington kung saan makakapagtipan kami sa wakas habang nasa iisang lungsod.

Isang Bagong Pakikipagsapalaran

Isang hapon habang nakikipag-usap sa isang kaibigan, ibinahagi ko ang aking pasya na lumipat sa Washington.  Natigilan ako sa sinabi niyang, “Ang tapang mo!”  Maaari akong gumamit ng isang daang salita upang ilarawan ang aking pasya, ngunit ang ‘matapang’ ay hindi isa sa mga ito.  Hindi ko ramdam na ito ay katapangan; ramdam ko’y angkop lang ito batay sa pagmumuni-muni at pag-unawa.  Masigasig at matagal na akong nananalangin tungkol sa aming hinaharap na magkasama, at habang nagdadasal, natanto ko na hindi lang binabago ng Diyos ang puso ko, kundi inihahanda din ako para sa bagong pakikipagsapalaran na ito.

Sa paglipas ng panahon, ang mga bagay na minsang nagpanatili sa akin na nakagapos sa lungsod na tinitirhan ko at minahal nang halos sampung taon ay nangawala.  Isa-isa, ang aking mga pananagutan ay nagsimulang magsisaayos o ganap na mangibang-pook.  Habang dinanas ko ang mga pagbabagong iyon, nagawa kong lisanin ang dati kong abalang buhay at patuloy na ipagdasal ang aking hinaharap.  Nakadanas ako ng bagong kalayaan na nagbigay-daan sa akin na maging isang masunuring lagalag na kayang tumupad sa mga pahiwatig ng Banal na Espirito.

Gawin ang Tama

Gaya nga ng nasabi ko, ang pagiging ‘matapang’ ay hindi sumagi sa aking isipan.  Nadama ko lang na ginagawa ko ang tama para sa aking buhay, hindi alintana ang di-batid at kahit pa may bahid ng kabiglaanan sa mukha ng mga tao kapag sinabi ko sa kanila ang aking mga balak.  At nangyaring ginagawa ko ang tama para sa aking buhay. Isa ito sa mga pinaka tamang bagay na nagawa ko.

Kami ng aking sinta ay nakasal din (tatlong taong at nagbibilang pa). Pagkalipas ng dalawang taon, ipinaglihi namin ang aming unang sanggol na pumanaw bago maisilang, at matapos ay ipinanganak naman ang aming magandang sanggol na babae nang sumunod na taon.

Nitong nakaraan, madalas kong maisip ang tungkol sa pagtawag sa akin ng aking kaibigan na matapang.  Ang kanyang pahayag ay naaayon sa isang talata ng Kasulatan na paulit-ulit na lumilitaw sa aking isipan: “…sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng Espirito ng takot, kundi ng kapangyarihan at ng pag-ibig at ng katinuan.” 2 Timoteo 1:7

Kung napili ko ang takot sa halip na ang lakas ng loob na ibinigay sa akin ng Banal na Espirito, maaring napalis ko ang kinabukasan na inihanda ng Diyos para sa akin.  Malamang na hindi ako naikasal sa lalaking nasa isip ng Diyos para sa akin.  Malamang wala ang akong sanggol na babae o ang sanggol namin sa langit.  Hindi ako magkakaroon ng buhay na tinatamasa ko ngayon.

Ang takot ay bulok.  Ang takot ay panggambala.  Ang takot ay sinungaling.  Ang takot ay isang magnanakaw.  Hindi tayo binigyan ng Diyos ng espirito ng takot.

Hinihikayat kita na matapang, at mapagmahal na piliin ang landas ng katapangan para sa iyong buhay, nang may matinong pag-iisip at patnubay ng Banal na Espirito.  Pakinggan ang mga pahiwatig ng Espirito at alisin ang takot.  Ang takot ay hindi sa Panginoon.  Huwag tahakin ang buhay na may diwa ng pagiging mahiyain, hinahayaang lampasan lamang ng iyong buhay habang ikaw ay nakamasid.  Sa halip, sa diwa ng kapangyarihan at pag-ibig at pagpipigil sa sarili, maging masiglang kalahok sa Banal na Espiritu.  Maging malakas ang loob. MAGING MATAPANG. Isabuhay ang buhay na inilaan ng Diyos para sa iyo at sa iyo lamang.

 

 

 

Share:

Jackie Perry

Jackie Perry is a wife, mother, and inspiring writer. Her Catholic faith ignites her desire to share her journey of life on her blog jackieperrywrites.com *The article, ‘Do You Trust?’ appeared in the September/October 2020 issue of Shalom Tidings magazine. Scan now to read. (shalomtidings.org/do-you-trust)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles