Home/Makatagpo/Article

Sep 01, 2021 797 0 Shalom Tidings
Makatagpo

Himala! Sa Eukaristiya!

Sa mga nababasang kasulatan noong unang panahon, napag-alaman na ang pinakamaagang himala sa Eukaristiya ay naitala sa isa sa mga kasulatan sa kapanahonan ng mga kauna-unhang mga taong naninirahan sa Scetis, isang disyerto ng Egypto (Roman-governed Egypt) tulad ng mga Hermitanyo, mga Mongheng Kristiyano o mga Disyertong Ama.

Sa isang Monasteryo, may isang monghe, dahilan sa walang pormal na kaalaman sa paniniwala sa Diyos ay minsa’y nakakapagbitiw ng salita na ang tinapay o Hostiya
(host) na ginagamit ng mga kaparian o alagad ng Diyos sa konsagrasyong ng misa ay hindi totoong katawan ng Poong Hesukristo ayon sa mga natuturang pag-aangkin ng mga taos-pusong naniniwala sa mahal na Hesus, sa Simbahang Katoliko na ang tinatanggap nilang Konsagradong Hostiya sa Komunyon ay totoong Katawan Ng Poong Hesukristo at siya’y  matatag na hindi naniniwala nito.

Ang kanyang binitiwang mga salita ay kusang nakaabot sa mga nakakagulang na mga ama niya. Ang mga nakakatanda sa kanya ay may malawak na kaalaman, kaya nakakaunawa sa kanya sapagkat alam nila na ang mongheng ito ay mabait at maka-Diyos. Sinikap nilang mapagpayuhan ito sa mga binitiwang, walang karangalan at hindi magandang salita ayon sa paniniwala sa Diyos; ngunit may kagaspangan siyang sumagot na hangga’t walang katunayan na maipakita ang mga ito, ay patuloy ang kanyang pag-aatubili na ang sinasabing “Himala Ng Eukaristiya ” ay walang katuturan kundi isang simbulo lamang sa katawan ng Poong Hesukristo. Iminungkahi ng  mga nakakatanda sa kanya, na taos-puso nilang ipagdasal ang misteryong Ito at hihingin sa Diyos Spirito Santo na tulungan silang liwanagan ang isip at nang  makamit nila ang buong katotohanan.

Sa panahon ng misa noong sumunod na Linggo, sa Konsagrasyon, halos lahat ay taimtim na nanalangin maliban sa mapaghimalang monghe na hangga’t-hanggan ay patuloy ang pagaatubili niya sa ‘himala ng Eukaristiya’.

Habang patuloy ang misa, nang Ibayaw ng pari o alagad Ng Diyos ang naturing tinapay
(Hostiya) noong panahon ng Konsagrasyon may napuna ang monghe sa anyo ng Hostiya. Sa halip na Hostiya ang nakikita niya sa Konsagrasyon, maliit na bata ang sumagi sa Hostiyang ibinabayaw ng alagad Ng Diyos at nang hahatiin ang Eukaristiyang tinapay nakita ng mapaghimalang monghe ang angel na may tabak at itinagos sa katawan ng bata; at nakita din niyang may biglang dumaloy na dugo sa Eukaristiyang tinapay patungo sa Kalis ng alagad ng Diyos. Samantalang ang Ibang mga  monghe ay abala sa paghahanda ng sarili upang tumanggap ng komunyon, napuna nang mapaghimalang monghe na ang Eukaristiyang tinapay niya ay nagiging duguang laman. Namamangha siya sa nasaksihan ng kanyang mga mata; Malakas  siyang napasigaw, “Panginoon ko, naniniwala na ako na ang Eukaristiyang tinapay ay totoong katawan Mo at ang dugong nakita kong dumaloy sa Kalis ay totoong dugo Mo”! Saglitang bumalik ang dating anyo ng Eukaristiyang tinapay at ang mapag-himalang monghe ay taos-pusong tumanggap sa Eukaristiyang tinapay at kagalang-galang nagpapasalamat sa Mahal na Diyos.

Ang mga himalang Ito ay nailaladlad, sandaang-siglo ng Kristyanismo  ayon sa mga kasulatan ng mga Disyertong Ama na namumuhay silang sumusunod sa mga magaganda at maaliwalas na halimbawang ipinamamana ni San Antonio Abbot sa kanila at sila’y nagiging mga banal na taong natutularan as buong siglo. Para as kanila  ang bawat misa ay parang pasko; ang Poong Hesus ay nanaug mula sa langit patungo sa lupa, makikita sa ating mga altar, sa ating mga puso kasama natin Siya at kasalukuyang maninirahan sa ating buhay sa pamamagitan ng pagtatanggap natin sa mahal na Eukaristiyang katawan at dugo Ng Poong Hesukristo.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles