Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 12, 2022 891 0 Michelle Flanagan, Ireland
Makatawag ng Pansin

HAYAAN ANG IYONG SARILI NA MAHALIN

Mamangha kung ano ang nagagawa ng pagmamahal para sa iyo!

Palagi akong nakakatagpo ng magandang pamukaw-sigla mula sa pagbabasa ng buhay ng mga Santo, ang ating mga kaibigan sa Langit. Kamakailan, nabasa ko ang tungkol sa buhay at mga turo ni Santa Elizabeth ng Santisima Trinidad, isang Carmelite na madre sa ika-20 siglo mula sa Dijon sa France. Sa kanyang beatipikasyon noong 1984, sinabi ni San Juan Pablo II na si Santa Elizabeth ay “isang nagniningning na saksi sa kagalakan ng pagiging nakaugat at matatag sa pag-ibig”, (Efeso 3:17) at na siya ay “laging nakatitiyak sa pagiging minamahal at kayang magmahal. Naniniwala siya na ang kanyang misyon sa Langit ay tulungan ang mga tao na maghanap ng mas taimtim, mapagmahal na pakukiisa sa Banal na Trinidad at magbigay-sigla sa atin na maniwala sa pagmamahal ng Diyos para sa bawat isa sa atin.

Ang Nasirang Kalahati

Ang pagsasara dahil sa corona virus pandemic ay nagbigay sa akin ng mas higit panahon upang magbasa tungkol sa buhay ni Santa Elizabeth, na nagbigay daan naman sa akin na pagnilayan ang aking paglalakbay sa pananampalataya, ang aking pakikipag-ugnayan sa Diyos, at ang aking buhay pananalangin. Ang pagdalo sa isang online na retreat ng Shalom World ay nagbigay ng sigla sa akin na bumangon ng maaga at mag-ukol ng oras sa Diyos, nakikinig sa Kanya na nangungusap sa akin sa pamamagitan ng Banal na Kasulatan. Matapos ang isang matapat na pagmatyag sa aking sarili at sa aking paglalakbay sa pananampalataya, naging maliwanag sa akin na ako ay may binibinbin sa Diyos; ang itinatago ko ay kung ano ang nasira at nangailangan ng kalunasan. Natagpuan ko ang init at sigla sa mga salita ni Santa Elizabeth na “Hayaan ang iyong sarili na mahalin.” Kinailangan kong magsimulang maniwala sa pag-ibig ng Diyos sa akin at pumasok sa isang mas taimtim, at mas makabuluhang pakikipag-isa sa Banal na Trinidad.

Natatandaan ko ang pagdalo sa aking unang Novena sa Clonard Monastery—ang nobena sa Ating Ina g Walang Tigil na Saklolo noong ako dalagita. Hindi ako isang mahusay na mag-aaral at ang aking mga marka ay nagpakita nito, ngunit nang taong dumalo akosa nobena hiniling ko sa Ating Ina na manalangin na ang aking mga marka ay humusay. Makalipas ang ilang linggo, nag-uwi ako ng isang nagniningning na report card na puno ng A at B at binigyan ako ng gatimpala para sa tagumpay sa pag-aaral. Ang karanasang ito ay humimok sa akin na dinirinig ng Diyos Ama at sinasagot ang mga panalangin at na ang ating Banal na Ina at ang mga Santo ay mga dakilang tagapamagitan.

Habang lumalaki, dumadalo ako sa Misa tuwing Linggo at paminsan-minsang nagdadasal, ngunit naakit ako sa makamundong buhay at mas mausisa ako sa kung ano ang maiaalok ng mundo kaysa sa manatiling tapat sa Diyos. Ngunit ang aking mga pagpili ay hindi nagdulot sa akin ng kaligayahan; naligaw ako at nakadanas ng kahungkagan na naaalala ko pa hanggang sa araw na ito. Hindi ko napagtanto hanggang sa aking thirties na kinailangan ko ang tulong ng Diyos. Hinanaphanap ko ang kaligayahan sa lahat ng maling dako. Wala akong iba pang mapagbalingan kundi ang aking matapat na Diyos. Naiiba ang pagkakataong ito, at humingi ako ng tulong: namalayan kong sinasabi sa akin ng Diyos na tutulungan Niya ako, ngunit kinailangan kong baguhin ang aking mga gawi, tumalikod sa kasalanan at sundin Siya.

Mga Yaman Ng Aking Pananampalataya

Bagama’t inakala kong ganap na akong sumuko sa Diyos sa panahong ito, nagpupumigil pa din ako. Ang Diyos ay matiyaga at binigyan ako ng lakas na talikuran ang dati kong gawi ng pamumuhay. Sinimulan kong mag-ukol ng higit na oras sa Pagsamba sa Eukaristiya . Naramdaman ko ang presensya ng ating Panginoon at ang Kanyang pagmamahal sa akin. Ipinahayag sa akin ng Diyos ang mga kasalanan ko sa isang mapagmahal at banayad na paraan. Pakiramdam ko’y nalunasan na ako sa aking pagkabulag at sa wakas ay nakita ko kung paano ko nasaktan ang Diyos at talagang pinagsisihan ko ang lahat ng aking mga kasalanan. Ngunit napag-alaman ko na matatagalán upang ganap kong ipaubaya ang aking sarili sa Kanyang mapagmahal na kalooban.

Nagpadala ang Diyos ng mga natatanging tao sa aking buhay upang samahan at tulungan ako sa aking paglalakbay. Ang aking mga kura paroko ay nagdala ng kamangha-manghang pagpapala sa aking buhay sa pagpapadala sa akin ng isang pag-aaral sa bahay na kurso sa catechesis sa Maryvale Institute Birmingham. Nakapagtatag ako ng mga pang-adultong kurso sa paghubog ng mga Katoliko sa aking parokya at natuklasan ko ang pagkakataong ito na maipasa ang mga kayamanan ng ating pananampalatayang Katoliko bilang isa pang malaking pagpapala. Sa panahon ng pagbabagong ito, walang pagkukulang sa mga pagsubok, pakikibaka at panghihina ng loob, ngunit alam kong kasama ko ang Diyos at lagi akong makakaasa sa Kanya at sa Ating Mahal na Ina para sa tulong at pampalubag-loob.

Nakikita ko kung paano ako inalagaan, ginabayan at minahal ni Jesus at binigyan ng saganang mga pagpapala sa aking buhay, higit sa karapatdapat para sa akin. Habang patuloy ako sa aking espirituwal na paglalakbay, batid kong dapat na unahin ang aking kaugnayan sa Diyos bago pa sa lahat ng bagay at maglaan ng panahon sa Kanya sa pananalangin tuwing umaga. Kapag ginagawa ko ito nang mas madalas, mas nalalasap ko ang pag-ibig ng Diyos. Nagtitiwala ako sa Diyos at nagpapasalamat sa Kanya sa mga espirituwal na pananaw ni Santa Elizabeth—isang mensaheng para sa akin, para sa iyo at sa bawat isa sa atin: “Hayaan ang iyong sarili na mahalin.”

Share:

Michelle Flanagan

Michelle Flanagan is a Volunteer Facilitator for Catholic adult faith formation programs in Parishes. She lives in Belfast in Northern Ireland.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles