- Latest articles
Isang tanghali, si Padre Pio ay nag iisang nakaupo sa balkon, sa labas ng kanyang kompartimento. Naramdaman ng kanyang kanang -kamay , si Padre Alessio, na ito ay magandang pagkakataon na repasuhin ang mga sulat na humihingi ng payo mula kay Padre Pio. Ngunit, siya ay namangha sa kanyang sagot “ako ay abalang abala sa kasalukuyan”, sagot ni Padre Pio. “Hindi ko masasagot ang mga tanong sa oras na ito “
Nalito si Padre Alessio, dahil nakikita niya na hindi naman abala si Padre Pio. Siya ay nag iisang nakaupo na may Rosaryo sa kanyang kamay, ngunit parati naming hawak niya ang Rosaryo. Ipinaliwanag sa akin malaunan ni Padre Pio na “Maraming mga tanod na Anghel na naririto ngayon na nagdadala ng mga mensahe mula sa aking mga anak na espirituwal” Sa paglipas ng mga taon, si Padre Alessio ay nakakaranas ng mga milagrosong katok sa kanyang pintuan, mga bulong sa kanyang tainga mula sa mga Anghel ni Padre Pio, na tinatawag siya kapag hindi kaya ni Padre Pio na lumakad na walang katulong.
Bawat isa sa atin ay may inatasan na isang tanod na Anghel, na parating nakikita ang mukha ng Panginoon Diyos. Ang kanilang gawain ay gabayan tayo patungo sa Kanyang pinaroroonan, sa mga lugar na inihanda ng Panginoon Diyos para sa atin sa langit. Kailan man kayo ay may panganga ilangan, tawagan ninyo ang inyong tanod na Anghel na tulungan kayo. Ipadala ninyo ang inyong tanod na Angel sa kaibigan na nababalisa. Tandaan natin na parating may isang saksi sa ating mga gawa.
Anghel ng Diyos, tanod kong mahal, pag-ibig niya ang sa iyo’y naglagay
sa aking piling sa lahat ng araw, upang ako’y tanglawan at tanuran, akayin at pamahalaan. Amen.
Plastik? Balot ng Alikabok? Hindi ang Taong Ito
Ang Kakaibang Pahiwatig
Minsan kong inakala na ang mga Santo ay plastik at nababalot ng alikabok, tulad ng napakaraming mga lumang estatuwa na nakita ko. Ano ang maaaring alam nila o pagpapahalaga sa akin at sa aking mundo? Ngunit sa paglipas ng panahon, naramdaman ko na may malalim na ipinapahiwatig si San Jose at tinatawag ang aking pansin. Wala akong ideya kung bakit. Ngunit ang pahiwatig na ito ay hindi nawala. Kung minsan ako ay lumuluhod sa harap ng kanyang rebulto sa simbahan at nakikipag-usap sandali, katulad ng “Hello Jose, hindi ko po kayo kilala. Nais mo ba talaga ang aking pansin?” Wala akong narinig na mga sagot. Ngunit hindi pa rin maalis ang pakiramdam ko na nais niyang makipag-ugnayan.
Ako ay walang asawa at walang kakayahan sa pagkukumpuni ng mga may depektong-gawa sa makina o makabagong mga gamit-na madalas sa pakiramdam ko ako’y bigo sa mga ganitong pagkakataon. Bilang pagsubok, sinimulan kong humingi ng tulong kay San Jose sa mga sitwasyong ganito at napansin kong tila tumutugon siya sa iba’t-ibang pamamaraan. Ako ay napahanga. Makalipas ang ilang taon, napatunayan ko na talagang siya ay nasa panig ko. Nakangiti kong sinabi sa aking mga kaibigan, “Siya ang pangunahing tao ko!”Si San Jose ay nagpatuloy sa pangangalaga sa akin malaki man o maliit na mga bagay. Ngunit kamakailan ako ay prinuteksyonan niya bago ko pa man ito hingin at hindi ko alam na kinakailangan ko ito.
Ang aking kaibigan na si Kathy ay nag-iwan ng isang mensahe na nakikiusap upang gampanan ko ang oras ng kanyang pagsamba sa susunod na araw. Dahil sa kawalan ng oras sa pagsagot sa kanya, ako ay tumuloy na lang sa pagsamba para sa kanya kinabukasan. Hindi inaasahan, ako ay pumarada sa paradahan ng mga sasakyan kung saan ako ay hindi karaniwang pumaparada-sa dulo ng hilaga imbes na sa timog ng napakalaking paradahan. Sa simbahan, habang ako ay papaluhod na sa luhuran, nakita ko ang kaibigan kong si Andy na padaan. Lumapit siya at ibinulong na ang gulong sa gilid ng aking sasakyan sa banda ng nagmamaneho-ay walang hangin at patag na ang gulong. Nagulat ako, ngunit nagpasalamat ako kay Andy, mabilis na nanalangin kay San Jose na siya na ang bahala, at alisin sa isip niya ang tungkol sa gulong ng sasakyan. Habang tinatapos ko ang oras ng pagsamba, si Andy ay biglang nagpakitang muli at sa tono ng kanyang boses ay binalaan ako na hindi dapat patakbuhin ang sasakyan habang ang gulong ay walang hangin. Sinabi ni Andy na may gamit siya para makargahan ng hangin ang gulong at magmamadaling kunin ito. Babalik ako sa loob ng 10 minuto.”
Sa paghihintay ko kay Andy sa kanyang pagbalik, napadaan ang isang kaibigan. Naisip naming dalawa na hindi naman mukhang masyadong naubos ang hangin ng gulong at siguro wala namang masamang mangyayari kung imamaneho ko ang sasakyan sa pagawaan ng gulong na may layong 2 milya. Ngunit wala naman akong paraan kung paano ko makakausap si Andy at hindi rin ako makaalis dahil sinadya pa niyang kunin ang kanyang gamit para matulungan ako. Isa pa, naisip ko na magaling si Andy sa mga sasakyan. Mas may alam siya sa sasakyan kaysa sa akin. Tama talagang hindi ko minaneho ang sasakyan, dahil ng ikabit ni Andy ang kanyang gamit sa gulong para malaman ang presyon ng hangin, nagrehistro sa 6 na libra lamang na ang dapat at tamang presyon ay 30-35 libras. Maaaring sumabog ang gulong ko kung minaneho ko ito. Naku Po! Habang kinakargahan ni Andy ng hangin ang gulong, nabanggit ko na nandoon ako sa simbahan dahil sa pakiusap ni Kathy. Nagulat ako, dahil nandoon din siya dahil sa pakiusap ni Kathy! Sa palagay ko ng hindi ako nakasagot kay Kathy pinakiusapan din niya si Andy para humalili sa kanya sa oras ng pagsamba. Sinong mag-aakala na pareho kaming darating?
Isang Makalangit na Plano?
Sa pagawaan ng gulong isang pako ang naalis at naayos ito ng walang bayad. Habang ako ay nagmamaneho pauwi nagpasalamat ako sa Diyos sa pangangalaga niya sa akin, sumagi sa isip ko si San Jose. Nag umpisang sumagi sa isipan ko ang mga katanungan: Bahagi kaya si San Jose sa makalangit na plano para ako ay maproteksyunan sa araw na iyon… o para maprotektahan ako mula sa maaaring pagsabog nuong isang linggo habang nagmamaneho ako sa highway?
Pareho kaming dumating ni Andy sa pagsamba at ako ay pumarada sa hilagang bahagi ng paradahan ng araw na iyon, samantalang kadalasan ay sa bandang timog ako pumaparada. Sa laki ng paradahang ito si Andy, na may magaling na paningin tulad ng mekaniko, nangyaring huminto at pumarada sa tabi ng aking sasakyan na kung saan na madali niyang nakita ang walang hangin kong gulong.
Ang lahat ba ng ito ay pagkakataon lamang? Hindi ko alam ang bahaging ito ng langit. Ngunit ang alam kong sigurado ang mga Santo ay hindi malalayo at kung minsan sila ay nasasangkot sa ating mga nakatutuwa o nakaiinis na mga pangyayari sa ating buhay, maliit at malaki mang bagay. At kung minsan-kahit hindi tayo humingi-ng tulong ang kanilang mga makalangit na bakas hindi man nakikita ay lumilitaw sa pinaka kailangan mong pagkakataon. Alam ko si San Jose ay hindi plastik, at hindi karaniwan. Ang makapangyarihang nilalang na ito na may makalangit na impluwensiya ay paulit-ulit na pinatunayan sa akin na siya ang nasa aking likuran. Hindi lang niya ako tinutulungan sa mga daang nakaliligaw, ginagabayan pa niya ako sa tamang daan tuwing ako ay humihingi ng tulong anumang oras, ngunit kung minsan pinalalawak pa niya ang kanyang maagap na pangangalaga kahit hindi ko alam na kailangan ko pala ito.
O San Jose na may napakadakilang proteksiyon, napakalakas, nakatalaga sa harap ng Trono ng Diyos, inilalagay ko sa iyo ang lahat ng aking mga interes, at kagustuhan. Tulungan mo ako sa malakas mong pamamagitan na alamin kong lagi ang banal na kalooban ng Diyos. Lagi kang maging aking tagapagtanggol at aking gabay sa daan patungo sa kaligtasan.
Amen!
'Habang lumalaki kami bilang isang malaking mag-anak na may sampung magkakapatid at sampung magkakaibang personalidad, ang tahanan mamin ay malimit na maingay at magulo, nguni’t puno din ng malalim na pananampalataya at pagmamahalan. Ako ay may malilinaw na gunita ng sarili ko at mga kapatid ng pangungunsumi sa aming ina ng sumbungan at di-pagkakaunawaan.
Malimit na ang aking ina ay payak lamang na tumutugon sa aming alitan ng pagbibigkas ng “Ang Pinagpala” sa kanyang tahimik at malumanay na tinig: “Pingpala ang mga tagapamayapa, pagka’t Sila ay tatawaging mga anak ng Diyos.” Sa tuwing madidinig namin ang mga salitang ito, bubuwelta at pagtitibayan naming magbago upang magkasundo at magpaumanhin. Sa paglipas ng mga taon, napakaraming mga makabuluhan salita ng aking ina ay naging aking panloobang tinig. Tinig na kasalukuyang lalong lumalakas ngayon sa loob ng maligalig na mundo na ating tinitirhan.
Kakatwa mang ihambing, ang mundo ngayon ay hindi ganap na kakaiba sa tahanan ng aking pinaglakihan. Itong mundo ay maingay at magulo din, nguni’t puno din ng pananalig at pag-ibig. Bagama’t may mga nagbabanggaang kakanyahan, nagkakaibang mithiin, at nagsasalungatang kuro-kuro, gayunpaman ay naniniwala akong mayroon pa ring pangkalahatang pagnanais para sa katiwasayan, at pinagsasaligang pagmamahalan para sa isa’t-isa.
Ang dasal na kinagigiliwan ng aking ama ay isang payak nguni’t magandang dasalin ni San Francisco de Asis na naging makabuluhan sa akin habang ako ay tumatanda. Ito ay lubos na angkop sa mga panahon ng ating buhay. Hindi lamang dasalin para katahimikan, Ito ay dasalin na ang hanap ay ang landas na maging pinagmumulan ng pagpapalaganap ng katahimikan.
Ito ay nag-aanyayang kalimutan natin ang ating sarili upang kalingain ang iba at bigyang lunas itong mundo na sukdulang nasugatan at nananangis sa sakit. Habang pinagmumunihan ko ang mga taos-pusong salita nitong makapukaw-damdamin na dasal, hindi ko mapigilang maramdaman ang paghahalubilo ng awa at pakikiramay sa mga nasaktan, at ang tapat na pagnanais na makatulong sa paghilom, mag-alay ng ginhawa, at magdala ng katahimikan saan man ako.
Isang kakaibang mundo Ito kapag tayong lahat ay nakayakap sa mga banayad na salita ng banayad na santo ng Asis at nasangkatuparan ang mga ito sa ating buhay:
Panginoon, gawin Mo akong kasangkapan ng Iyong kapayapaan.
Kung saan may poot, makapagbigay-daan ako sa pagpunla ng pag-ibig;
Kung saan may pinsala, pagpapaumanhin;
Kung saan may pag-aalinlangan, pananalig;
Kung saan may hapis, pag-asa;
Kung saan may karimlan, liwanag;
Kung saan may dalamhati, ligaya;
Banal na May-Kapal, Ipagkaloob na di ko labis na hangarin
Ang mamanatag, kundi magpanatag;
Ang maintindihan, kundi umintindi
Ang mahalin, kundi magmahal;
Pagka’t nasa pagbibigay upang tayo ay makatanggap;
Nasa pagpapaumanhin upang tayo ay mapatawad;
At nasa pagpanaw upang tayo ay maisilang sa walang-hanggang buhay. Amen.
'Nais mong baguhin ang mundo? Narito ang ilang mga simpleng paalala.
Ang lektoraryo sa Kasaysayan ng Simbahan sa aming lokal na seminaryo ay nagtanong sa kanyang mga taong unang seminarista na pangalanan ang pinakamagandang taon sa kasaysayan ng Simbahan. Ang mga sariwang nakaharap na mga kabataang lalaki, na nagsisimula lamang sa kanilang mga paglalakbay sa bokasyonal, kumalabog sa kanilang mga upuan.
Tulad ng bawat mungkahi ay hinuhusgahan na hindi tama, ang mga seminarista ay nagsimulang magtaka kung ito ay isang paglalalang na tanong. Maya-maya ay umamin ang lektor na ito ay naging isang bagay ng kahanga-hangang gawa dahil ang Simbahan ay hindi kailanman nakaranas ng isang perpektong panahon.
Ang bawat edad ay nagdala ng sarili nitong mga sariwang hamon sa mga Kristiyano na tapat – lahat mula sa marahas na pag-uusig, iskandalo, at pagtatalo sa loob ng hierarchy, hanggang sa mapanganib na mga ideolohiya at erehe na mga aral, upang ipakita ang sekularismo ngayon.
Ang Simbahan at ang kanyang mga matapat ay tinamaan ang mga bagyo na ito, sugatan ngunit hindi nangabagsak. Ang mga santo at martir at banal na kalalakihan at kababaihan ay tumayo sa gitna ng mga bagyo at nagpatuloy nang buong tapang. At habang maaari nating maramdaman na parang malabo ang ating kasalukuyang edad, na ang Iglesya na ating minamahal ay patuloy na inaatake, inuusig, at ipinagkanulo sa maraming paraan, maaari nating aliwin ang kaalamang kinatiis ng Simbahang Katoliko ng magmula pa. At mananatiling gagawin muli .
Ngunit sa pagsisikap nating magtiwala at magtiis, maaari din tayong maghanap ng mga paraan upang mabago ang mundo sa paligid natin at maglakad sa isang landas na hahantong sa kabanalan. Maaaring hindi tayo makilala bilang mga santos na santo, ngunit maaari tayong maging mga banal gayunman at makakapalagi sa Diyos. Narito ang ilang mga simpleng panimulang punto para sa isang paglalakbay patungo sa kabanalan:
1. Ugaliin ang Ordinaryo
Maaari nating maramdaman ang pagganyak na gumawa ng isang bagay na kabayanihan ngunit pakiramdam natin ay walang kakayahang gumawa ng anumang bagay upang palakasin ang pananampalataya ng mundo. Ngunit ang mga kabayanihan para kay Kristo ay hindi kung ano ang tinatawag sa karamihan sa atin. Para sa marami sa atin, ang aming mga bokasyon at apostolado ay mas malapit sa bahay at nasa mas maliit na sukat. Si Saint Thomas More, isang mahusay na tagapagtanggol ng Simbahan at ang kanyang mga aral, na naintindihan nang mabuti ang katotohanang ito. “Ang mga ordinaryong kilos na ginagawa natin araw-araw sa bahay,” aniya, “ay mas mahalaga sa kaluluwa kaysa sa ipahiwatig ng kanilang pagiging simple.”
Maaaring ito ay ating simple, pang-araw-araw na pagpapatotoo sa ating pananampalataya na nakakaimpluwensya sa iba, nagtatanim ng mga binhi sa kanila na maaaring hindi natin makita na mamunga. Ang aming mga tahanan, parokya, at mga pamayanan ay kung saan maaari nating linangin ang ating pananampalataya, ang pananampalataya ng iba, at ang pangkalahatang kalusugan ng katawan ni Kristo ang simbahan.
2. Kumonekta sa Mahusay
Ang buhay ng pananampalataya ay lilitaw na radikal sa ating sekular na lipunan. Marami ang hindi nakakaintindi sa supernatural at nagtatalaga ng relihiyon sa larangan ng hindi tunay at kwentong engkatada. Ngunit ang pamumuhay ng isang tunay na buhay Katoliko ayon sa naaangkop sa ating mga indibidwal na pangyayari ay tumatagal ng hindi pangkaraniwang pananampalataya at pagtitiwala sa Diyos at, higit sa lahat, isang pag-ibig na pinipilit ang higit na pagtitiwala sa Kanya. Inilahad ito ni Inang Angelica nang napakaliit nito nang sabihin niya: “Sinasabi sa atin ng pananampalataya na naroroon ang Diyos kapag nagdarasal tayo, at sinabi sa atin ng pag-asa na nakikinig Siya, ngunit ang pag-ibig lamang ang nagpapatuloy sa atin na manalangin kapag ang kadiliman, inip at kahit naiinis ay pumuno sa ating mga kaluluwa.”
Kaya, manalangin, magtiwala, magmahal, at manalangin muli. Kung ano ang maaaring maging tulad ng nakagawiang mga gawaing espiritwal, sa katunayan, ay nag-uugnay sa atin sa hindi pangkaraniwang — ang dakila, supernatural na pagkakaroon ng ating Ama sa Langit; Kanyang nag-iisang Anak, ating Tagapagligtas at Manunubos; at ang Banal na Espiritu na nagbibigay sa atin ng mga regalong pagkamangha at pag-unawa.
3. Magsanay sa Banal na katigasan ng ulo
Wala sa atin ang perpekto at lahat tayo ay may posibilidad na magkasala, kaya’t hindi na sinasabi na magkakamali tayo. Sa katunayan, malamang na gumawa tayo ng maraming pagkakamali at madalas na magkapareho ng mga pagkakamali, na paulit-ulit. Ngunit mahalagang hindi tayo sumuko sa panghinaan ng loob.
Sinimulan tayo ni Saint Josèmaria Escriva sa: “Huwag kalimutan na ang santo ay hindi ang taong hindi nahuhulog, ngunit ang isang hindi na nabigo na muling bumangon, mapagpakumbaba at may banal na katigasan ng ulo.” Pumili ng iyong sarili up, alabok ang iyong sarili off, at hakbang pasulong na may isang banal na katigasan ng ulo na perceives na ang path sa pagpapakabanal ay nagkakahalaga ng pagpapatuloy.
4. Pakabanalin ang Lipunan
“Pakabanalin mo ang iyong sarili at pakabanalin mo ang lipunan,” sabi ni Saint Francis ng Assisi. Sa akin, ito ay palaging tila mas madaling sabihin kaysa tapos na, naibigay sa aking makasalanang likas na tao at ang laki ng gawain. Ngunit dahil lamang sa tila ito ay hindi makatotohanang layunin, hindi nangangahulugang hindi natin ito makakamit. Malinaw na sinabi sa atin ni Jesus na kung ano ang imposible para sa atin ay hindi imposible para sa Diyos (cf. Mateo 19:26).
Siguraduhin na maitaguyod at manatiling tapat sa iyong pang-araw-araw na buhay sa pagdarasal. Ugaliin ang mga birtud, at magsagawa ng isang gabi-gabi na pagsusulit upang higit na maunawaan ang iyong sarili at ang iyong pang-espiritong pag-unlad.
5. Kumapit sa Pag-asa
Palagian na hinimok ni Saint Padre Pio ang mga tao na “manalangin, umasa, at huwag magalala.” Ang ating mundo ay hindi perpekto. Ito ay madalas na magulo at puno ng pag-igting. Ngunit hindi ito dapat makagambala sa ating espiritu. Ang mga komento ni Padre Pio tungkol sa mga bagyo ng buhay ay lubos na nakakaaliw: “Hindi kailanman papayag ang Diyos na may mangyari sa atin na hindi para sa ating higit na kabutihan. Ang mga bagyo na nagngangalit sa paligid mo ay magiging para sa kaluwalhatian ng Diyos, iyong sariling katangian, at kabutihan ng maraming kaluluwa. ”
Kaya, huwag mawalan ng pag-asa sa gitna ng mga bagyo sa iyong buhay at sa mundo. Ito ang mga oras kung saan inilagay tayo ng Diyos, at samakatuwid sumusunod na ito ang mga oras na maaaring gawing banal tayo. Kailangan lamang nating magpatuloy nang buong tapang hanggang sa magpahinga sa kaharian ng Diyos sa Langit.
'Sino ang nais matuto sa isang kaaway? Papaanong ang paghihirap ay siyang maging isang guro — simula sa paglaho ng pangkaraniwang kalayaan, gaya ng makalabas ng bahay, hanggang sa nakakapanlumong pagpanaw ng buhay?
Maaari bang matawag na ‘Makamundong Hiwaga’ ang Banal na Misa? Ang Katolikong oxymoron na ito ay maaaring magsalarawan ng magandang sakramento ng Yukaristiya. Kunsabagay, maaari nating matanggap ang Ating Nabuhay na magmuling Panginoon araw-araw sa sakramento. Ang mga Katoliko na nasa pinagpalang kalagayan ay maaaring makatanggap nitong di-pangkaraniwang handog sa pamamagitan ng pagtanggap ng Komunyon, matapos ang isang oras na pag-aayuno. Hind tiket o anumang katibayan ang kinakailangan kundi ang ating malinis na budhi na nagsasaad na tayo ay malaya sa mabigat na kasalanan. Sa gayon, ang himala ng pagbibigay-handog ng Kanyang Sarili ay matanggap ng sangkalupaan. Pagkatapos, pumasok ang Covid-19 sa ating mundo.
Sa iyong guni-guni, naisip mo bang mag-atas ang pamahalaan na magsara ang mga simbahan? Na walang misang magaganap sa araw ng Linggo kasama na ang pang-araw-araw na misa? Ngunit salamat sa Diyos, dahil sa teknolohiya ay nagawan ng paraan ng mga magiting na mga pari na maidaos ang mga misa sa pamamagitan ng internet. Naging banal na puwang ang aking hapag kainan kung saan nadidinig ko ang Salita ng Diyos mula sa aking telepono. Ang mga pari ay nakapaghatid ng kanilang homiliya, at nakapag-alay ng tinapay at alak upang maging Katawan at Dugo ni Jesus, at napahintulutan tayong espiritwal na matanggap ang lahat nito sa ating sariling mga tahanan.
Ngunit ang mga araw ay naging buwan, at sumibol ang isang pagkagutom. Iyon ay ang di-mapawing pananabik na makatanggap ng sakramento ng Yukaristiya na hindi matugunan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking buhay, at siguradong sa iyo din, nabatid natin ang ibinunga ng kawalan ng Eukaristiya. Ang pangkaraniwang himala ay naging himalang ipinagkait.
Sarado man ang mga restoran, pinayagan ang pag-order ng take-out, at sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng estado, unti-unting pinayagan ang magkainan sa loob ng restoran. At mas nakakahanga pa, ang pang-araw-araw at pang-Linggong Misa ay ibinalik, sa kondisyong ang mga nagsisimba ay nakamaskara at may sapat na pagitan sa bawat isa habang nasa loob ng simbahan. Ang kawalan ng pagtanggap sa sakramento ng Yukaristiya sa loob ng walumpu’t-walong araw ay nagdulot sa akin ng matinding pagkagutom sa ating Nabuhay na Panginoon. Kasama ng madami pang iba, tinanggap ko ang Eukaristiya na may luha sa mata at isang pananabik na sa wakas ay natugunan din. Malaki ang pasasalamat ko na muli kong nakasama ang aking mahal na Kaibigan na nagbuwis ng Kanyang buhay para sa akin. Ang mahabang panahon ng aming pagkakalayo ay napawi ng ilang maikling sandali ng pagmumuni-muni sa pag-alay ng Kanyang Sarili sa akin sa Eukaristiya.
At napagtanto ko ang pinakadakilang aral mula sa Covid-19: ang Yukaristiya ang pinakadakilang take-out na pagkain. Lubos na tinanggap at kinain, napunan ng Yukaristiya ang isang pusong gutom. Itong take-out na pagkaing ito ay inilaan para ihatid. Dalangin ko sa Diyos na ibibigay ko Siya sa iba ayon sa pag-udyok Nya sa akin. Ang paraang ito ay maaaring gawin paulit-ulit: taanggapin, kunin, at ihatid sa ating gutom at maralitang mundo.
Matapos mabigay ng pari ang katapusang pagbasbas, tayo ay maari nang humayo. May pagwawasto. Tayo ay handa na sa ngalan ng Diyos – handa at kayang makapaghatid ng pinakamahusay na take-out na pagkain. Kaya’t maging handa kang makapaghatid ng ngiti, ng magiliw na salita, ng pagkain, ng kaginhawahan, at taos-pusong pagtulong. Igagabay Nya tayo sa dapat patunguhan ng ‘special delivery’. Nakakaaliw isipin na may natututunan tayo sa mga di-pangkaraniwang pangyayari sa ating buhay. Dili naman kaya, sa karimlan ng buhay, pilit nating hinahanap ang liwanag at tinatanglawan Nya tayo ng Kanyang pang-unawa.
'Isang Libro na Maaaring Magpabago ng Iyong Buhay
Si St. Augustine ng Hippo ay kilala bilang isa sa pinakadakilang santo sa lahat ng panahon. Gayunpaman, siya ay namuhay nang napaka makasalanan sa kanyang kabataan at sumang-ayon sa mga pilosopiya ng pagano tulad ng Neoplatonism at Manichaeism. Sa kabila ng taimtim na pagsusumamo ng kanyang ina para sa pagsisisi, nagpatuloy siyang mamuhay kasama ang isang babae ng walang kasal, kalaunan ay nagkaanak sila.
Kaya, paanong ang isa sa pinakadakilang santo sa lahat ng panahon, isang Ama ng Simbahan, na napagbago patungo sa Isang Tunay na Pananampalataya mula sa isang buhay na puno ng kasalanan?
Ang sagot: Ang Salita ng Diyos.
Sa mga Pangungumpisal, ipinaliwanag ni San Augustine na ang kanyang pagsampalataya sa Katolisismo ay hindi naging madali. Bagaman may matinding pagnanasa siyang maging isang Katoliko, pinagsumikapan niyang sundin ang ilan sa mga turo ng Simbahan – lalo na ang kalinisang-puri. Isinulat niya na hiniling niya sa Diyos upang siya ay maging malinis, ngunit hindi pa.
Isang araw, umabot sa sukdulan ang pagkabigo ni Augustine. Nakiusap siya sa Diyos na tulungan siyang ganap na magbalik-loob ang puso niya. Nais niyang maging isang Katoliko at ganap na yakapin ang mga aral ng Simbahan, ngunit naramdaman niyang imposibleng maialis ang sarili sa mga kasalanan ng laman. Napunta si Augustine sa isang hardin para sa malalim na pagmumuni-muni ng kanyang kaluluwa. Isinulat niya sa mga Kumpisal na nakarinig siya ng boses ng bata na nakikiusap sa kanya na “kunin at basahin” ang kopya ng Sagradong Banal na Kasulatan na mayroon siya na dinala niya papunta sa hardin. Kaagad, binuksan ni Augustine ang libro sa Ang Sulat ni St.Paul sa Mga Taga Roma, 13: 13-14, na sinasabi:
“Mamuhay tayo nang marangal at huwag gugulin ang panahon sa paglalasing at magulong pagsasaya, sa pagpapakasawa sa pita ng laman at kahalayan, sa alitan at inggitan. Ang Panginoong Jesus Kristo ang paghariin ninyo sa inyong buhay at huwag paglaanan ang laman upang bigyang-kasiyahan ang mga nasa nito. ”
Matapos basahin ang mga salitang iyon, alam ni Augustine na oras na upang baguhin ang kanyang buhay.
Tayong lahat ay tinawag sa pagbabagong loob, ngunit para sa karamihan sa atin hindi ito madali. Gayunpaman, maaari tayong matuto mula sa kwento ni San Augustine na ang Salita ng Diyos ay direktang nagsasalita sa ating hindi mapakaling mga puso at nag-aalok sa atin ng isang daan upang bumalik sa Kanya.
'Naghahanap ka ba ng kagandahang hindi kumukupas? Kung ganon ito ay para sa iyo!
Mark Twain, ang bantog na manunulat at mapagpatawa ay minsang sinabi” Na ang edad ay nasa isip lamang at tungkol sa mga bagay, kung hindi mo ito iisipin hindi ito mahalaga” Sa kabilang banda, alam nating lahat na hindi madaling harapin ang pagtanda maging sino man tayo. Para sa mayayaman at sikat, isang malaking hamon na makita at maramdaman ang paglipas ng kagandahan at kabataan.
Ang Paglipad ng Mataas
Sa taon ng 1960’s kabataan ni Mary Ann, siya ay maganda, kaakit-akit at puno ng sigla. Nang mapanood niya ang pelikula ni Dolores Hart na pinamagatang “ Samahan mo ako sa Paglipad” noong 1963, siya ay nabighani sa katayuan at tanging karapatan ng mga serbidora sa eroplano na naglalakbay sa buong mundo na mga pangunahing tauhan sa pelikula. Pinarangalan ang pelikula ng Nakaka-akit at Katanyagan ng pakikipagsapalaran ng pagiging serbidora sa eroplano. Pinangarap niyang matulad kay Dolores Hart sa pelikula bilang isang serbidora sa eroplano na naglalakbay sa buong mundo, at naghahanap ng pag-ibig at kasayahan.
Ang maging serbidora sa eroplano ng mga panahong iyon ay mahirap. Ngunit dahil sa matalino at maganda si Mary Ann, sa maikling panahon ay nakamit nya ang pinangarap na trabaho bilang serbidora sa eroplano. TWA sa mga panahong iyon ay isa sa pinakatanyag na kumpanya ng eroplanong pandaigdig. Si Mary Ann ay agad na naitampok sa pahayagan na pang himpapawid ng kumpanya at nakatawag ng maraming pansin. Kalaunan sya ay nagpapalit palit ng mga tungkulin, mula sa Paglilimbag sya ay lumipat sa pamamahayag at muli siya ay naging matagumpay. Nasiyahan sya sa natatanggap na pansin at pinanatili ang masiglang pamumuhay. Sa edad na limampu, napansin nya ang mga kulubot nya sa mukha at kinilabutan siya. Paano sya mananatili katulad ng dati kung wala na ang kanyang kagandahan at mga ngiti nuong kabataan?
Pakikipagkita sa Pinuno ng mga Madre
Isang matalik na kaibigan ang nakapansin sa pagbabago ng kalooban ni Mary Ann. Nang mag-usap sila, inamin ni Mary Ann ang kanyang pagkabahala sa kanyang pagtanda. Ipinayo ng kanyang kaibigan na makipagkita sa isang natatanging tao, na malapit sa Benedictine Abbey ng Regina Laudis, isang namumukod na kumbento na matatagpuan sa Bethlehem, Connecticut. Sa araw ng pagkikita, ipinakilala ng kanyang kaibigan si Mary Ann sa pinuno ng mga Madre, na si Mother Dolores Hart. Mabilis na napansin ni Mary Ann ang pagkakahawig ni Mother Dolores sa aktres na kanyang sinamba sa pelikula nito noong 1960’s. Tiniyak sa kanya ni Mother Dolores na siya rin ang Dolores na napanood niya. Hindi makapaniwala si Mary Ann na ang paborito nyang aktres nung siya ay tinedyer pa ay pinuno na ngayon ng mga madre sa isang namumukod na kumbento. Sa kanilang pag-uusap na dalawa ng sarilinan, sinabi ni Mary Ann kay Mother Dolores ang sakit na dulot ng pagtanda at ng pag-iisip niya sa pagkawala ng kanyang alindog at kagandahan.
Narito si Mary Ann na nakikipag-usap sa isang babae na bago pumasok sa kumbento ay isang sikat at kilalang artista sa buong dekada ng 1950 at 1960. Bukod sa natanggap nyang parangal sa mundo ng teatro, nahirang din sya sa parangal ng Tony, at siya rin ang unang aktres na humalik ka Elvis Presley sa puting tabing. Lumaki siya malapit sa Sunset Boulevard sa Hollywood at nangarap na maging isang bituin sa pelikula at ito’y natupad, ngunit ang diyos ay may ibang mga plano.
Bago ang Pagsikat
Sa Umpisa ng taong 1960 si Dolores ay nagtanghal sa mga sinehan sa Broadway sa New York City. Samantalang siya ay nasa mahabang pahinga, wala siyang sariling bahay na matutuluyan hindi katulad ng ibang mga artista na doon mismo sa lugar iyon nakatira. Isang kaibigan ang nagsabi sa kanya tungkol sa isang kumbento sa Connecticut na tumatanggap ng panauhin sa ilalim ng kanilang panuntunan. Nagpasya si Dolores na tumuloy sa kumbentong ito na namumukod tangi. Humanga siya sa kasipagan at kabaitan ng mga madre. Ang kanyang pananatili sa kumbento ang bumihag sa kanya at alam niyang siya ay muling babalik sa lalong madaling panahon. Nang maglaon napagtanto ni Dolores na siya ay tinatawag sa banal na pamumuhay. Iniwan niya ang matagumpay na buhay pati ang ugnayan sa kanyang kasintahan upang yakapin ang pamumuhay sa kumbento.
Isang Aral sa Buhay
Habang nakikinig si Mary Ann sa kuwentong ito, siya ay lubos na naging interesado. Sinabi ni Mother Dolores na sa rurok ng kanyang tagumpay, siya ay tumingin sa salamin isang araw at napagtanto na ang kanyang katanyagan ay nangyari dahil sa kanyang kagandahan at kabataan, ngunit ang kagandahang ito ay hindi nagtatagal at naunawaan niya na ang tanging kagandahan na nagtatagal ay ang kagandahang panloob.
Iniwan ni Mary Ann ang pag-uusap na iyon na may bagong pananaw sa buhay. Ang panloob na kagandahan ni Mother Dolores ay nanaig kaysa panlabas na kagandahan ni Mother Dolores. Ang katawan ay isang templo para sa kaluluwa at kapag inalagaan natin ang panloob na kagandahan nito, ay siya ring sumasalamin sa mukha at sa lahat ng ginagawa natin. Natutunan ni Dolores ang aral na iyon, at ngayon ni Mary Ann.
'Kapag mainit at mabasa basa ang panahon at mahangin o dili kaya ay sa panahon ng epidemya, ang mga tao kadalasan ay nakakapagbigkas ng , “ Walang Kapantay ang Init “, “Nakakatusok ang Lamig “ “Anong trahedya ito? “
Ang mga binibigkas na ito ba ay paraan para harapin ang mga sitwasyon na wala o lampas sa ating control ang pangyayari?
Sa aklat ni Santo Alphonso Liguori na may pamagat na “Pagkakapareho sa Loobin Ng Panginoon Diyos” ay nagsalaysay ng isang pangyayari sa buhay ni Santo Francis Borgia .
Isang gabi na may bagyo ng niyebe, ay dumating na hindi inaasahan si Fr, Francis Borgia sa isang bahay ng mga Heswita. Kumatok siya ng maraming beses ngunit walang nagbukas ng pintuan. Lahat ay nakatulog na. Sa kinaumagahan, lahat ay nabalisa at napahiya na nalaman na si Fr. Borgia ay sa labas nagpalipas ng gabi. Inaliw sila ni Fr. Borgia sa pagsasabing , ang pinaka dakilang konsuwelo sa mahabang oras niya nung gabi ay ang isipin na ang Panginoon Diyos ang nag aambon sa kayna ng niyebe na nagmumula sa langit.
Ang mga Santo ay puno ng mga imahinasyon.
Gaano tayo magdalamhati sa ating kahinaanng katawan at pagiisip? Kung ako sana ay matalino at may malakas na katawan, marami akong magagawang kababalaghan.
Kung ako naman ay bigyan ng magandang katawan, mahusay na kalusugan at mas matalino, baka nawala na rin ako sa aking puso.
May mga taong puno ng talino at kaalaman ang natatangay ng kanilang pagtingin na mahalaga sa kanyang sarili at pagmamalaki. Napakabilis ang mga taong may biyaya ang bumabagsak sa kasalanan at namimingit na sirain ang kanilang kaligtasan,
Sa kabaligtaran naman, ilan sa nga taong mahihirap at maysakit ay ngayon ay naging Santo.
Maging kuntento tayo sa ibinigay ng Panginoon Diyos. Isang bagay lang ang mahalaga; hindi ang kagandahan, kalusugan o talino. Iyon ay ang kaligtasan ng walang kamatayang kaluluwa.
'Kapag pinagtuunan ko ang aking kinabukasan, ako ay nangangamba
Ngunit bakit ko pangungunahan ang aking kinabukasan?
Ang kasalukuyang sandali ang mahalaga sa akin.
Ang kinabukasan ay maaaring hindi na maganap.
Ang kinabukasan ay wala sa ating kapangyarihan,
Walang matalinong tao o propeta man ang makapag papahayag ng ating kinabukasan.
Anuman ang nakaraan ay ating tanggapin at ipaubaya sa Panginoon!
O! kasalukuyang sandali, ikaw ay aking akin at ninanamnam ko
Hinahangad kong magbunga pa ito ng mas natatanging sandali sa aking buhay
Mahina man at maliit, ako ay binigyan mo ng biyaya ng Kapangyarihan
Inaalay ko sa Iyo ang aking puso, kasama ng nag aapoy na pagmamahal para
sa iyong Kaluwalhatian.
'