- Latest articles
Nag-aalangang magtiwala sa isang bagay na hindi madaling paniwalaan? Kung gayon ito ay para sa iyo
Limang taon na ang nakakalipas habang talagang magkalayo, handa na kami ng aking noo’y-nobyo- na ngayo’y-asawa-na na magpakasal. Ako ay nasa Nashville, TN at siya naman ay sa Williston, ND—1,503 milya ang pagitan. Ang agwat ay hindi praktikal para sa dalawang tao na nasa kanilang kalagitnaan ng 30 taong gulang na ang nasa isip ay pag-ibig at ang magpakasal. Ngunit mayroon kaming matatag na pamumuhay sa magkaibang pook. Habang nagtitipan, magkahiwalay at magkasama kaming nanalangin tungkol sa aming kinabukasan, lalo na tungkol sa pagiging magkalayo. Pagkatapos naming magdasal ng Novena Ng Pagsuko, bigla siyang inalok ng opisina niya ng paglipat pabalik sa kanyang home state ng Washington, at hindi nagtagal ay nagpasya akong lumipat din sa Washington kung saan makakapagtipan kami sa wakas habang nasa iisang lungsod.
Isang Bagong Pakikipagsapalaran
Isang hapon habang nakikipag-usap sa isang kaibigan, ibinahagi ko ang aking pasya na lumipat sa Washington. Natigilan ako sa sinabi niyang, “Ang tapang mo!” Maaari akong gumamit ng isang daang salita upang ilarawan ang aking pasya, ngunit ang ‘matapang’ ay hindi isa sa mga ito. Hindi ko ramdam na ito ay katapangan; ramdam ko’y angkop lang ito batay sa pagmumuni-muni at pag-unawa. Masigasig at matagal na akong nananalangin tungkol sa aming hinaharap na magkasama, at habang nagdadasal, natanto ko na hindi lang binabago ng Diyos ang puso ko, kundi inihahanda din ako para sa bagong pakikipagsapalaran na ito.
Sa paglipas ng panahon, ang mga bagay na minsang nagpanatili sa akin na nakagapos sa lungsod na tinitirhan ko at minahal nang halos sampung taon ay nangawala. Isa-isa, ang aking mga pananagutan ay nagsimulang magsisaayos o ganap na mangibang-pook. Habang dinanas ko ang mga pagbabagong iyon, nagawa kong lisanin ang dati kong abalang buhay at patuloy na ipagdasal ang aking hinaharap. Nakadanas ako ng bagong kalayaan na nagbigay-daan sa akin na maging isang masunuring lagalag na kayang tumupad sa mga pahiwatig ng Banal na Espirito.
Gawin ang Tama
Gaya nga ng nasabi ko, ang pagiging ‘matapang’ ay hindi sumagi sa aking isipan. Nadama ko lang na ginagawa ko ang tama para sa aking buhay, hindi alintana ang di-batid at kahit pa may bahid ng kabiglaanan sa mukha ng mga tao kapag sinabi ko sa kanila ang aking mga balak. At nangyaring ginagawa ko ang tama para sa aking buhay. Isa ito sa mga pinaka tamang bagay na nagawa ko.
Kami ng aking sinta ay nakasal din (tatlong taong at nagbibilang pa). Pagkalipas ng dalawang taon, ipinaglihi namin ang aming unang sanggol na pumanaw bago maisilang, at matapos ay ipinanganak naman ang aming magandang sanggol na babae nang sumunod na taon.
Nitong nakaraan, madalas kong maisip ang tungkol sa pagtawag sa akin ng aking kaibigan na matapang. Ang kanyang pahayag ay naaayon sa isang talata ng Kasulatan na paulit-ulit na lumilitaw sa aking isipan: “…sapagkat hindi tayo binigyan ng Diyos ng Espirito ng takot, kundi ng kapangyarihan at ng pag-ibig at ng katinuan.” 2 Timoteo 1:7
Kung napili ko ang takot sa halip na ang lakas ng loob na ibinigay sa akin ng Banal na Espirito, maaring napalis ko ang kinabukasan na inihanda ng Diyos para sa akin. Malamang na hindi ako naikasal sa lalaking nasa isip ng Diyos para sa akin. Malamang wala ang akong sanggol na babae o ang sanggol namin sa langit. Hindi ako magkakaroon ng buhay na tinatamasa ko ngayon.
Ang takot ay bulok. Ang takot ay panggambala. Ang takot ay sinungaling. Ang takot ay isang magnanakaw. Hindi tayo binigyan ng Diyos ng espirito ng takot.
Hinihikayat kita na matapang, at mapagmahal na piliin ang landas ng katapangan para sa iyong buhay, nang may matinong pag-iisip at patnubay ng Banal na Espirito. Pakinggan ang mga pahiwatig ng Espirito at alisin ang takot. Ang takot ay hindi sa Panginoon. Huwag tahakin ang buhay na may diwa ng pagiging mahiyain, hinahayaang lampasan lamang ng iyong buhay habang ikaw ay nakamasid. Sa halip, sa diwa ng kapangyarihan at pag-ibig at pagpipigil sa sarili, maging masiglang kalahok sa Banal na Espiritu. Maging malakas ang loob. MAGING MATAPANG. Isabuhay ang buhay na inilaan ng Diyos para sa iyo at sa iyo lamang.
'
Ano ang paraan sa labas ng takot, pagkabalisa at depresyon?
Naniniwala ang mga Kristiyano na ang Diyos ay tatlo sa Isa. Nagpapahayag tayo ng pananampalataya sa Diyos Ama, Diyos Anak, at Diyos Espiritu Santo. Sa pag-uugali, gayunpaman, binibigyang-diin natin ang unang dalawang Persona ng Santisima Trinidad –nanalangin tayo sa Ama Namin at naniniwalang ipinadala Niya ang Kanyang Anak, si Hesus, para sa ating kaligtasan. At, habang kinikilala natin na ang Banal na Espiritu ay ang banal na “Panginoon at nagbibigay ng Buhay,” malamang na kalimutan natin ang Espiritu at hindi Siya binibigyan ng pagkakataong bigyan tayo ng Buhay! Balikan natin ang kwento ng Pentecostes at tuklasin muli kung paano ang Banal na Espiritu ay maaaring maging “Panginoon at nagbibigay ng buhay” para sa atin, dahil kung wala ang Espiritu, ang ating pananampalataya ay nagiging baog, walang kagalakan na moralismo.
Ang ikalawang kabanata ng Mga Gawa (vs. 1-11) ay naglalarawan ng pakikipagtagpo ng mga Apostol sa Banal na Espiritu at kung paano sila kumilos pagkatapos. Kasunod ng limampung araw ng kawalan ng katiyakan, isang malaking bagay ang malapit nang mangyari. Ipinagkatiwala ni Hesus ang kanyang Misyon sa mga apostol noong nakaraang linggo, ngunit handa na ba silang ipahayag ang Muling Nabuhay na Panginoon? Maaari ba nilang isantabi ang kanilang mga pagdududa at pangamba?
Ang pagdating ng Espiritu Santo ay nagbabago ng lahat. Hindi na natatakot ang mga alagad. Bago sila natakot para sa kanilang mga buhay; ngayon, handa na silang ipangaral ang Mabuting Balita sa lahat ng mga bansa na may kasigasigan na hindi mapipigilan. Ang Banal na Espiritu ay hindi inaalis ang lahat ng kanilang mga paghihirap o ang pagsalungat ng relihiyosong pagtatatag. Ngunit pinagkalooban sila ng Espiritu ng isang dinamismo na nagpapahintulot sa kanila na ipahayag ang mabuting balita hanggang sa mga dulo ng lupa.
Paano ito nangyari? Ang buhay ng mga Apostol ay kailangang radikal na baguhin at ang kaloob ng Espiritu ay kung paano nangyari ang pagbabagong iyon. Sa Espiritu, nakatagpo nila ang ikatlong persona ng Trinity—isang tunay na tao, hindi lamang isang puwersa, kundi isang tao na maaari nating makasama. Habang kilala natin ang Ama bilang manlilikha, at ang Anak bilang manunubos, nakikilala natin ang Espiritu bilang Tagapagbanal, ang nagpapabanal sa atin. Ang Banal na Espiritu ang nagpapabuhay kay Hesus sa loob natin.
Habang si Hesus ay wala na sa ating katawan, siya ay nananatili sa atin sa pamamagitan ng Banal na Espiritu. At ang Espiritung iyon ay nagdudulot ng kapayapaan—isang kapayapaan na hindi nagpapalaya sa atin mula sa mga problema at kahirapan, ngunit nagbibigay-daan sa ating mga problema na makahanap ng kapayapaan, magtiyaga, at umasa dahil alam nating hindi tayo nag-iisa! Ang pananampalataya ay hindi isang negosyo sa paglutas ng problema: kapag ang isang problema ay nawala, isa pa ang pumapalit. Ngunit ang pananampalataya ay tumitiyak sa atin na ang Diyos ay kasama natin sa ating mga pakikibaka at ang pag-ibig ng Diyos at ang kapayapaang ipinangako ni Jesus ay atin para sa paghingi.
Sa magulong mundo ngayon, sobrang nakakargahan ng sosyal midya at ng ating mga teklado na gamit , nahahanap natin ang ating sarili sa isang libong direksyon, at kung minsan ay napapaso tayo. Pagkatapos ay naghahanap kami ng mabilisang pag-aayos, kung minsan ay gumagamit ng pansariling gamutan sa pamamagitan ng alkohol o paglunok ng mga gamot o sunud-sunod na nakakasirang mga kilig. Sa panahon ng gayong pagkabalisa, si Hesus ay pumasok sa ating buhay sa pamamagitan ng Banal na Espiritu at sinabi, “Sumainyo ang kapayapaan!” Inihagis sa atin ni Hesus ang isang angkla ng pag-asa. Gaya ng sinabi ni San Pablo sa kanyang liham sa mga taga-Roma, pinipigilan tayo ng Espiritu na mahulog muli sa takot, dahil ipinapaunawa niya sa atin na tayo ay mga minamahal na anak ng ating Ama sa langit (Rom 8:15).
Ang Banal na Espiritu ay ang Tagapag-aliw, na nagdadala ng magiliw na pag-ibig ng Diyos sa ating mga puso. Kung wala ang Espiritu, ang ating buhay Katoliko ay masisira. Kung wala ang Espiritu, si Hesus ay higit pa sa isang kawili-wiling pigura sa kasaysayan; ngunit kasama ng Banal na Espiritu siya ang muling nabuhay na Kristo, isang makapangyarihan, buhay na presensya sa ating buhay dito at ngayon. Kung wala ang Espiritu, ang Kasulatan ay isang patay na dokumento. Ngunit, sa pamamagitan ng Espiritu, ang Bibliya ay nagiging buhay na Salita ng Diyos, isang salita ng buhay. Ang buhay na Diyos ay nagsasalita sa atin at nagpapanibago sa atin sa pamamagitan ng kanyang Salita. Ang Kristiyanismo na walang Espiritu ay walang kagalakan na moralismo; kasama ng Espiritu, ang ating pananampalataya ay buhay mismo—isang buhay na maaari nating isabuhay at ibahagi sa iba.
Paano natin maaanyayahan ang Banal na Espiritu sa ating puso at kaluluwa? Ang isang paraan ay sa pamamagitan ng pagbigkas ng simpleng panalangin: “Veni Sancte Spiritus,” (“Halika, Espiritu Santo”). Ang isa pang paraan upang palalimin ang iyong kaugnayan sa Banal na Espiritu ay ang pag-isipan ang pitong Kaloob ng Espiritu Santo, na natatanggap natin sa Kumpirmasyon. Humanap ng komentaryo sa karunungan, pang-unawa, payo, katatagan ng loob, kaalaman, kabanalan, at takot sa Panginoon at sikaping isama ang mga kaloob na ito sa iyong pang-araw-araw na buhay. Ang isang mabuting paraan upang malaman kung ipinamumuhay mo ang mga kaloob ng Espiritu ay tanungin ang iyong sarili kung ang iyong buhay ay nagpapakita ng mga bunga ng Banal na Espiritu (matatagpuan sa liham ni Pablo sa mga taga-Galacia [5:22-23]). Kung ang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili ay naroroon sa iyong buhay, kung gayon alam mo na ang Banal na Espiritu ay kumikilos!
Panalangin: Halika Banal na Espiritu, punuin mo ang mga puso ng iyong tapat at pag-alab sa amin ang apoy ng iyong banal na pag-ibig! Pagkalooban kami ng iyong mga kaloob at gawing matabang lupa ang aming buhay na nagbubunga ng saganang pag-ibig, kagalakan, kapayapaan, pagtitiyaga, kabaitan, kabutihan, katapatan, kahinahunan, at pagpipigil sa sarili. AMEN.
'
Noong ikalabindalawang siglo, ang maling pananampalataya ng Cathar na tumanggi sa tunay na presensya ni Kristo sa Eukaristiya, ay naging malawak na tinatanggap. Ang isang makikinang na kapatid na Pransiskano na nagngangalang Anthony ay nakipagtalo laban dito at sa iba pang mga maling pananampalataya noong araw. Dahil si Anthony ay isang mahusay na tagapagsalita na pinagkalooban ng mahusay na mga kasanayan sa pakikipagtalo, madalas niyang harapin ang mga tumatanggi sa mga katotohanan ng pananampalataya.
Isang araw, sa isang pampublikong pakikipagtalo, iginiit ng isang ereheng Cathar na nagngangalang Bononillo na ang mahimalang patunay lamang ang makapagkukumbinsi sa kanya sa presensya ni Kristo sa Eukaristiya . Iminungkahi niya na kung mapapayuko ni Anthony ang mula ni Bononillo sa harap ng Eukaristiya, maniniwala siya.
Dahil walang ibang mga paraan ng panghihikayat na gumagana sa taong ito, sumang-ayon si Anthony na tatlong araw mula ngayon ay magkikita sila upang makita kung ang mula ay maaaring gawin upang sambahin ang Katawan ni Kristo.
Ngunit si Bononillo ay hindi isang tapat na tao. Nagpasya siyang salansan ang kubyerta sa pamamagitan ng pagpapagutom sa kanyang mula sa loob ng tatlong araw, kumbinsido na ang gutom na mule ay matutuwa na makakita ng isang balde ng dayami na hindi na niya pinansin ang Eukaristiya.
Sa ikatlong araw, isang malaking pulutong ang nagtipon upang obserbahan ang kinalabasan. Dinala ni Bononillo ang kanyang mula sa liwasan ng bayan kung saan nagdaos ng misa si Anthony. Naglagay siya ng isang balde ng malambot na dayami sa ilalim ng ilong ng mola na umaasang magsisimula siyang kumain. Ngunit hinawakan ni Anthony ang isang banal na hostya at sumigaw sa malakas na boses, “Mula! Halika rito at magbigay-galang sa iyong Lumikha!”
Agad na tumalikod ang mula at naglakad patungo kay Anthony. Ngunit ang sumunod na nangyari ay talagang nakakagulat: habang papalapit ang mule sa Eukaristiya, ang hayop ay yumuko sa harap na mga paa at lumuhod bilang pagsamba!
Nang makita ni Bononillo ang mahimalang pag-uugaling ito, lumuhod siya sa tabi ng banal na mula at ipinahayag ang kanyang paniniwala sa Tunay na Presensya. Bilang resulta, marami pang iba na nalinlang ng Cathar na maling pananampalataya ay naniwala din sa tunay na presensya ni Kristo sa Banal na Sakramento.
Si Brother Anthony ay isa na ngayon sa ating pinakasikat na mga santo kung saan humihingi ng tulong ang mga tao sa paghahanap ng mga nawawalang artikulo. Ang mahal na Santong ito mula sa Padua ay hindi lamang ang patron ng mga nawawalang artikulo, ngunit dahil sa kanyang mahusay na pagkatuto at karunungan, at ang kanyang pagmamahal sa mga ebanghelyo, siya ay idineklara na isang Doktor ng Simbahan. Ipinagdiriwang natin ang kanyang kapistahan sa Hunyo 13.
'Tumingala ako at niyakap siya, idiniin ang mukha ko sa apron niya na amoy apple pie; mabilis akong tumakbo para ipakita sa kapatid ko ang kayamanan na hinanap ni Nonna para sa akin
Matanda na ang bahay at pag-aari ng mga lolo’t lola ko. Ito ay isang maliit na solidong bahay kung saan sila nagpalaki ng maraming anak. Ito ay mga mahinang parte at amoy amag na kadalasang tinatago sa harapan ng bagong pinturang panghaliling kahoy. Ito ay isang tahanan na may kasaysayan ng mga alaala ng pamilya, mga kuwento at mga pamana. Kapag ang mga bisita ay dumating upang tumawag, ang makulay abong pira pirasong kahoy na pintuan sa likuran ay maglalabas ng mga makalangit na amoy mula sa mga bagong lutong apple pie na lumalamig sa mesa sa kusina. Ito ay isang tahanan na nagpaparamdam sa akin ng pagmamahal sa aking lola. Nakakatuwa kung paanong ang paggunita sa isang simpleng alaala ay maaaring humantong sa isa pang alaala at pagkatapos ay isa pa hanggang sa isang buong kuwento ang bumaha sa aking isipan. Kaagad, ibinalik ako sa ibang lugar at oras na naging bahagi ng pundasyon ng aking buhay.
Lumaki ako sa isang makasaysayang lugar ng Kentucky, sa isang mas simpleng lugar at oras. Ito ay isang panahon kung saan ang mga makamundong gawain ng araw ay pinahahalagahan na parang mga tradisyon ng pamilya. Ang Linggo ay araw ng simbahan, pahinga at pamilya. Nagmamay-ari kami ng mga gamit na gamit at nagsuot ng simpleng damit na inayos o inayos kapag nasira na ang mga ito. Ang pamilya at mga kaibigan ay umaasa noong hindi namin kayang buhayin ang aming sarili, ngunit hindi tinanggap ang kawanggawa maliban kung ito ay mababayaran sa unang posibleng pagkakataon. Ang pag-aalaga sa mga anak ng iba ay hindi kawanggawa, ito ay isang pangangailangan sa buhay at ang pinakamalapit na kamag-anak ay tinanong bago ang mga kaibigan o kapitbahay.
Itinuring nina Nanay at Tatay ang kanilang mga responsibilidad bilang magulang bilang kanilang mga pangunahing tungkulin. Nagsakripisyo sila para matustusan kami at bihirang magkaroon ng panahon para sa kanilang sarili. Gayunpaman, madalas, nagpaplano sila ng isang espesyal na gabi sa labas at inaabangan nila ang oras na magkasama. Ang aking lola, na tinawag naming Nonna, ay nakatira ngayon sa lumang bahay na iyon, ang gumawa ng mga makalangit na pie at masayang inalagaan ang aming magkakapatid habang ang aking mga magulang ay magkasama sa labas.
Ang mga takong ni Nanay ay naglagutok sa kahabaan ng kabatuhang daanan na patungo sa pinto sa likuran ni Nonna, si Tatay ay amoy bagong almirol na kamiseta at ang pahinga sa aming gawain pampamilya y napuno ng pakiramdam ng kasabikan noong gabi nang lumabas sina Nanay at Tatay nang magkasama. Nang bumukas ang lumang kulay abong kahoy na pinto at sinalubong kami ng aking lola sa kanyang kupas na suot na apron, naramdaman kong umatras ako sa ibang pagkakataon. Ang isang maikling paghahabol na pag-uusap kay Nonna ay sinundan ng isang mahigpit na babala na kumilos at isang halik na nag-iwan ng isang maanod ng kanyang kolon sa aming mga damit at kolorete sa aming mga pisngi. Nang magsara ang pinto sa likuran nila, naiwan kaming naglalaro sa katabing silid na may dalang balutan ng mga laruan mula sa bahay. Habang inaayos ni Nonna ang kusina at inaalagaan ang isang matandang kapatid na babae na kasama niya, kuntento kaming nagkulay ng mga bagong librong pang kulay na binili para ngayong gabi.
Hindi nagtagal bago nawala ang pakiramdam ng pananabik at ang mga laruan ay hindi na masyadong interesado. Walang telebisyon na nagbibigay-aliw sa amin at ang lumang pang sala na radyo ay nagpatugtog lamang ng lumang statik na musikang pang probinsya . Ang mga lumang kasangkapan, gamit , tunog at amoy ng bahay ay sumakop sa aking pansin nang kaunti. Pagkatapos, na parang pahiwatig , narinig ko ang mga tsinelas ng bahay ni Nonna na kumakalaskad sa kahabaan ng mga lumalangitngit na sahig na gawa sa kahoy. Huminto siya sa may pintuan para tingnan kung okay lang kami o may kailangan. Ang lumalaking kawalang ginagawa ng gabi ay nagpatawag sa akin ng, “Nonna, hanapin mo ako ng isang bagay”.
Anong ibig mong sabihin? Tanong niya.
“Sabi ni Nanay noong bata pa siya, hihilingin niya sa kapatid mo na hanapin siya ng “ isang bagay ” kapag naiinip siya. Kung gayon ang iyong kapatid na babae ay makakahanap sa kanya ng isang kayamanan”, sagot ko ng katotohanan. Umiwas ng tingin si Nonna para pag-isipan ang mga sinabi ko. Walang gaanong kuskus balungos tumalikod siya at sumenyas, “Sundan mo ako”. Tumakbo ako sa likuran niya papunta sa isang madilim, malamig, maawang na kwarto na naglalaman ng ilang lumang kasangkapan, kabilang ang isang maganda, antigo, at kahoy na aparador.
Pinihit niya ang isang ilaw at kumikinang ang mga hawakan ng salamin sa pintuan nito. Hindi pa ako nakapunta sa bahaging ito ng kanyang bahay, ni hindi ko pa nakasama si Nonna nang mag-isa. Wala akong ideya kung ano ang aasahan. Pinilit kong pigilan ang aking pananabik, iniisip kung anong mga kayamanan ang naghihintay sa likod ng mga pintuan na iyon, na tila nag-uudyok sa amin na buksan ang mga ito. Ang hindi planadong sandali na ito, na puno ng mga una, ay halos sobra para sa isang pitong taong gulang na batang babae, at ayaw kong sirain ang espesyal na alaala na ito kasama ang aking lola.
Inabot ni Nonna ang isang tatangnan ng pinto na salamin , lumangitngit ang pinto nang bumukas at tumambad ang isang salansan ng maliliit na kahonr na gawa sa kahoy. Inabot niya ang isang kahon, inilabas ang isang magiliw na gamit na kayumangging balat na pitaka ng barya, iniabot ito sa akin at sinabing buksan ko ito. Ang aking maliliit na kamay, na kinakabahan sa pananabik, ay nanginginig nang ibinuka ko ito. Nakasuksok sa sulok ng balat ang isang maliit na puting perlas na butil ng rosaryo na may pilak na krusipiho. Tiningnan ko lang ito. Pagkatapos ay tinanong niya kung ito ay isang magandang kayamanan. Nakita ko ang rosaryo ng aking Nanay, ngunit wala akong sarili o alam kung paano ito gamitin. Gayunpaman, sa ilang kadahilanan, naisip ko na ito ang pinakamahusay na kayamanan kailanman! Tumingala ako, niyakap ang mga binti niya, idiniin ko ang mukha ko sa apron na amoy Nonna at apple pie, pagkatapos ay masayang nagpasalamat sa kanya bago ako tumakbo para ipakita sa kapatid ko ang yaman na natagpuan ni Nonna para sa akin.
Nang sumunod na taon ay nag-enroll ako sa isang Katolikong elementarya kung saan natutunan ko ang higit pa tungkol kay Hesus at sa Kanyang Inang si Maria. Natanggap ko ang aking Unang Banal na Komunyon at natutong magdasal ng Rosaryo. Nag-ugat ang mga binhi ng pagmamahal kay Hesus at Maria habang patuloy akong nagdarasal ng Rosaryo. Sa paglipas ng panahon ang maliit na puting perlas na rosaryo ay naging napakaliit para sa aking mga kamay at nakakuha ako ng isang simpleng rosaryo na gawa sa kahoy. Lagi kong bitbit ang kahoy sa aking bulsa at ito rin ay naging isang kayamanan sa akin. Sa paglipas ng mga taon, ang paggugol ng oras sa pananalangin ay bumuo ng pagmamahal para sa Mahal na Ina at sa kanyang rosaryo. Sa mga araw na ito, bago ko simulan ang aking pagdarasal ng rosaryo, tahimik kong hinihiling sa Mahal na Ina na “hanapin ako ng isang bagay”. Bawat kuwento ay nagpapakita ng isang kabutihang dapat makuha. Kaya naman, madalas kong hilingin sa kanya na ipaliwanag ang mga detalye at kwentong nakapaloob sa mga pang-araw-araw na misteryo upang mapaunlad ang mga birtud na iyon sa aking buhay. Siya ay hindi nagkukulang na buksan ang mga pintuan sa kanyang Anak, si Hesus, upang ako ay mas mapalapit sa Kanya. Pagkatapos magnilay-nilay sa kung ano ang magiliw niyang ibinunyag, natuklasan ko na kung saan matatagpuan ang “mga kayamanan”.
Matuling Pagsulong. Ngayon, nasa edad na ako ni Nonna nang ibigay niya sa akin ang maliit na puting perlas na rosaryo. Kapag naaalala ko ang araw na “nahanap niya ako ng isang bagay”, nagtataka ako, habang huminto siya upang pag-isipan ang aking kahilingan, alam ba niya ang mga epekto ng kayamanan na ibinigay niya sa akin o kung alam niyang nagbubukas siya ng higit sa isang lumang pintuan ng aparador para sa akin? Sa balat na lalagyan ng barya, binuksan niya ang isang buong mundo ng espirituwal na kayamanan. Iniisip ko kung natuklasan na niya ang kayamanan ng rosaryo para sa kanyang sarili at gusto niyang ipasa ito sa akin. Nagtataka ako kung alam niya na ang kanyang mga salita ay makahulang nang sabihin niya sa akin na buksan ang kahon sa aking sarili at tuklasin ang kayamanan sa loob. Matagal nang pumanaw si Nonna upang makasama si Hesus. Nasa akin pa rin ang kayumangging balat na lalagyan ng parya na may maliit na rosaryo ng perlas sa loob. Paminsan-minsan ay inilalabas ko ito at iniisip siya. Naririnig ko pa rin ang pagtatanong niya sa akin, “Ito bai sang mabuting kayamanan?” Masayang sagot ko pa rin sa kanya, “Oo Nonna, ito ang pinakamabuting kayamanan kailanman!”
'Nandito ang isang panukat upang masuri ang iyong lakas ng loob …
Bago ako pumasok sa monasteryo na nakakubli sa bulubunduking parang sa California, ako ay nanirahan sa sangandaan ng kalyeng 5th at Main sa kabayanan ng Los Angeles, ang hangganan ng Skid Row. Ang laganap na kawalan ng tirahan ay isa sa mga di gaanong magiliw na katangian ng LA. Ang mga mga taong sinawimpalad ay galing sa iba’t-ibang malalayong pook, kadalasan ay sa pamamagitan ng isang libreng walang-balikang tiket ng bus na Greyhound, upang magpagala-gala kung saan ang taglamig ay di-gaanong masungit, at namamalimos upang makaangat sa kanilang katayuan. Hindi mangyayaring bagtasin ang ilang bloke ng kabayanan nang hindi mapaalalahanan ng kawalan ng pag-asa na siyang palatandaan ng pang-araw-araw na buhay ng mga nilalang na ito. Ang lawak ng kawalan ng tirahan sa L.A. ay kadalasang nagbibigay dahilan sa mga mapapalad na isiping ano man ang kanilang gawin ay hindi makakalutas sa suliranin, kaya’t napipilitan silang umiwas na makipagtitigan sa tuloy di-makitang mamamayan na may bilang na 41,290, at patuloy pang dumadami.
Ang Taong Nasa Misyon
Isang araw habang nanananghalian kasama ang isang kaibigan sa Grand Central Market, walang ano-anong iniabot niya sa akin ang susi para sa isang silid sa marangyang Bonaventure Hotel at nagwikang ito at para sa aking kapakinabangan sa loob ng susunod na dalawang linggo! Ang Bonaventure, kasama ng umiinog nitong kainan sa himpapawid, ay ang pinakamalaking hotel sa LA, at sampung minutong lakad lang mula sa tinitirhan ko. Hindi ko kailangan ang magarbong silid ng isang hotel, ngunit may 41,290 mga tao na alam kong nangangailangan nito. Ang tanong ay paano ko pipiliin ang taong makakatanggap ng kanlungan? Pakiramdam ko’y isa akong tagapaglingkod ng ebanghelyo na sinugo ng kanyang Panginoon na “Pumaroon kang madali sa mga lansangan at sa mga makikipot na daan ng bayan, at dalhin mo dito ang mga dukha, at ang mga pilay, at ang mga bulag, at ang mga lumpo.” (Lucas 14:21).
Hatinggabi nang makaalis ako sa trabaho. Paglabas mula sa himpilan ng tren ay sinimulan ko ang aking “pangangaso,” humihiling sa Diyos na piliin ang taong nais Niyang pagpalain. Pasilip-silip sa mga eskinita, dumausdos ako sa lungsod sakay ng aking skateboard, sinisikap na hindi magmukhang isang taong nasa misyon. Nagtungo ako sa L.A. Cafe, tiwalang matatagpuan ko doon ang taong nangangailangan. At gayun nga, may nakita akong lalaking nakaupo sa tabing-daan sa harap ng isang tindahan. Matanda siya, payat, at kita ang buto-butong mga balikat na naaaninag sa mantsahang puting t-shirt. Umupo ako ilang dipa mula sa kanya. “Hello,” bati ko sa kanya. “Hi,” balik niya. “Ginoo, naghahanap po ba kayo ng matutulugan ngayong gabi?” tanong ko. “Ano?” sagot niya. “Naghahanap po ba kayo ng matutulugan?” ulit ko. Bigla siyang nainis. “Pinagtatawanan mo ba ako?” tugon niya, “Okay lang ako. Iwan mo akong mag-isa!”
Gulát at nagsisisi na nasaktan ko ang kanyang damdamin, humingi ako ng paumanhin at sira ang loob na lumisan. Magiging mas mahirap kaysa sa inaasahan ko ang misyon na ito. Kunsabagay, hatinggabi na, at ako’y hindi niya kakilala na nag-aalok ng tila hindi kapanipaniwalang bagay. Ngunit naisip kong nakakalamang ako. Maaaring tanggihan ang aking alok, tulad ng isang tagapaglingkod sa talinghaga ng isang malaking piging, ngunit sa malao’t madali, may tatanggap din sa alok ko. Ang tanong lang ay gaano katagal? Gabi na, at napagod ako matapos ang mahabang oras sa trabaho. Malamang, kailangan kong sumubok ulit bukas, naisip ko.
Lingid na mga Kaharian
Sakay ng skateboard at nagdadasal, patuloy kong binagtas ang lunsod-gubat, minamatyagan ang sari-saring kandidato. Habang nakaupo sa di-kalayuang sulok, namataan ko ang silweta ng nag-iisang mamang sa upuang de gulong. Tila nasa kalagitnaan siya ng pagtulog at paggising, tulad ng mga taong nakasanayan nang matulog sa lansangan. Bantulot na siyaay magambala, maingat akong lumapit hanggang sa tumingin siya sa akin sa nahahapo niyang mga mata. “Mawalang galang po, Ginoo,” sabi ko, “May pahintulot po akong magamit ang isang silid na may kama, at alam kong hindi mo ako kilala, pero kung may tiwala ka sa akin ay madadala kita doon.” Nagkibit- balikat siya at tumango. “Ok. Ano ang iyong pangalan?” tanong ko. “James,” sagot niya.
Nakisuyo ako kay James na hawakan niya ang aking skateboard habang tinutulak ko ang kanyang wheelchair at magkasama naming tinungo ang Bonaventure hotel. Naging maliksi ang kanyang diwa habang pagara nang pagara ang aming kapaligiran. Habang tinutulak ang wheelchair sa kadiliman, hindi ko maiwasang mapansin ang tila buhangin na nakapanakip sa kanyang likod. At napagtanto kong gumagalaw ang mga buhangin. Hindi pala ito buhangin kundi libu-libong maliliit na kulisap.
Pagpasok sa lobby ng 5-star na hotel, kami ni James ay sinalubong ng pagpapahayag ng pagkagitla mula sa bawat nakamasid. Umiiwas na makipagtitigan, dumaan kami sa magarang fountain, sumakay sa elevator na yari sa salamin, at nakadating sa silid. Humuling si James kung maari siyang maligo. Tinulungan ko siya sa loob ng paliguan. Nang mapreskohan na, maginhawang pumasaloob si James sa pagitan ng mga puting kumot at agad na nakatulog. Noong gabing iyon, itinuro sa akin ni James ang isang mahalagang aral: Ang mga paanyaya ng Diyos ay kadalasang dumadating nang hindi inaasahan, humihingi ng patunay sa pananampalataya, na kadalasan ay nakakapagpabalisa sa atin. Paminsanminsan kinakailangang malagay tayo sa katayuang wala namang mawawala sa atin bago tayo handang tumanggap ng Kanyang paanyaya sa atin. At kadalasan, ang pagpapala sa kapwa ang siyang pagpapatunay na tayo ay talagang pinagpala.
'Bilang isang batang lalaki na lumaki sa Northern Spain, pinangarap ni Francis Xavier na makagawa ng magagandang bagay. Sa edad na 19 at puno ng ambisyon, nag-aral siya sa Paris kung saan nakilala niya si Ignatius ng Loyola. Isang teksto sa Kasulatan na mahilig sumipi si Ignatius ay may malalim na epekto kay Francis: “Ano ang mapapakinabang ng isang tao na makamtan ang buong mundo, at mawala ang kanyang sariling kaluluwa?” Isinasapuso ni Francis ang Kasulatang iyon at naunawaan ang kahungkagan ng makalupang kadakilaan habang makapangyarihang naaakit sa pag-ibig sa mga bagay sa langit. Ang kababaang-loob ng Krus ay nagpakita sa kanya na higit na kanais-nais kaysa sa lahat ng kaluwalhatian ng mundong ito. Nang maglaon, nanumpa siya bilang isa sa unang pitong miyembro ng Society of Jesus, o Jesuits, na itinatag ni Ignatius ng Loyola. Nang magkasakit ang isa sa dalawang Heswita na piniling maglakbay sa Asia bilang misyonero, masayang nag-alok si Padre Francis na humalili.
Ipinagpatuloy ni Francis ang kanyang gawaing misyonero nang may malaking sigasig. Sa isa sa kanyang mga paglalakbay, isang kakila-kilabot na unos ang labis na natakot sa mga mandaragat kung kaya’t ibinigay nila ang kanilang mga sarili para sa pagkawala. Ngunit agad na naglabas si Francis ng isang krusipiho mula sa kanyang dibdib at sumandal sa gilid ng sisidlan upang hawakan ang mga alon gamit ito. Ngunit ang krusipiho ay dumulas mula sa kanyang kamay patungo sa nagngangalit na dagat. Kaagad, huminto ang bagyo, ngunit labis na nalungkot si Francis na nawala sa kanya ang nag-iisang krusipiho na mayroon siya.
Kinabukasan pagkalapag sa baybayin ng Malacca, naglalakad si Padre Francis sa dalampasigan nang makita niya ang isang alimango na lumabas sa dagat na hawak ang krusipiho sa pagitan ng mga kuko nito. Dumiretso ang alimango kay Padre Francis at huminto sa kanyang paanan. Hinalikan ni Francis ang krus at ikinapit ito sa kanyang dibdib. Pagkatapos ay yumuko siya upang basbasan ang alimango at, sa kanyang pagkamangha, napansin niya ang isang krus sa likod ng balat ng alimango. Ang kwentong ito ng himala ay ipinakita sa isang bandera na nakasabit sa St. Peter’s Basilica noong seremonya ng kanonisasyon ni Francis Xavier. Kahit ngayon, ang bawat alimango ng Malacca ay may marka ng krus sa balat nito, isang tanda, marahil, ng pag-ibig ng Diyos sa ama para kay Saint Francis Xavier, ang pinakadakilang misyonero mula pa noong panahon ng mga Apostol.
'Nangilabot ako at nanigas sa takot, hindi makagalaw o makagawa ng ingay
Yon ay malamig at nakakapangilabot na gabi. Matiwasay akong natutulog sa higaan nang biglang sumampa papasok ang isang napakalaki, kulay abong lobo sa bintana ng silid. Mabilis itong lumundag sa sahig at nagtago sa ilalim ng aking higaan, tinutulak ang nguso nito sa aking kutson. Ramdam na ramdam ko ang nguso ng lobo na dumidiin sa bandang ibaba ng aking likod. Nangilabot ako at nanigas sa takot, hindi makagalaw o makagawa ng ingay.
Lumipas ang mga sandali na walang nangyari, at nasabi ko sa aking sarili, “Kailangang may gawin akong!” Bilang isang bata alam ko na ang pinakamaimam na magagawa ko ay ang tawagin si Mom. Kaya sinubukan kong tawagin siya ngunit ang lumabas lang mula sa aking bibig ay isang maliit at mahinang tinig. Hindi ako madinig ni Mom, ngunit hindi din gumalaw ang lobo. Ramdam kong lumakas nang bahagya ang loob ko at mas matapang na ako, kaya’t sinubukan ko ulet, “Mom!” Hindi pa din ito ganun kalakas para madinig ng nanay ko, at hindi pa din gumalaw ang lobo. Kaya huminga ako ng malalim at sumigaw nang pinaka- malakas hanggang kaya ko, “MOM!”
Misyon ng Pagsagip
Di-nagtagal, nadinig ko ang aking ina na nagmamadaling paakyat ng hagdan, kasunod ang mabibigat na kalabog ng aking ama. Sumambulat sila sa silid na sumisigaw, “David, David ano ang nangyayari?” Nanginginig pa din ang tinig ko habang mahina akong bumulong, “May lobo sa ilalim ng higaan ko”. Nagulat ang aking ama at sinikap niyang payapain ako na walang lobo sa bansang ito, subalit mabilis kong isinalaysay kung paano umakyat ang isang malaking kulay abong lobo sa bintana at kumaripas ng takbo sa ilalim ng higaan ko. Tinapos ko ito sa pag-ungot, “Nararamdaman ko ang nguso ng lobo na dumidiin pa din sa bandang baba ng likod ko”. Pinamahalaan ng aking ama ang pangyayari habang ang aking ina ay nakatayong nagugulumihanan. Inihayag niya, “Magbibilang ako hanggang tatlo. Sa ika-3, gumulong ka pababa ng higaan at susunggaban ko ang lobo.” Suminghap ang aking ina, subalit pumayag ako.
Sa ikatlong bilang, gumulong ako pababa ng higaan. Ang aking ama ay hindi gumalaw ni ang lobo. Pagapang naming sinilip ang ilalim ng higaan. Walang lobo. Siniyasat namin ang ilalim ng pintuan, at bawat panulukan ngunit walang lobo kahit saan. Naguguluhang lumingon ako sa kama at agad kong napansin ang isang maliit na butones na nakatagilid, mismo kung saan ako nakahiga kanina. Isang matinding kamalayan ang dumating sa akin … Nakahiga ako sa aking kama, naninigas sa takot, hindi makagalaw o makagawa ng ingay … takot na takot sa isang butones!
Ang alaala ng pangyayaring ito ng aking kabataan ay malalim na nakaukit sa aking isipan. Nang ako’y tumanda at naging mas maalam, napagtanto ko na ang kadamihan ng mga bagay na tumakot sa akin nang lubha ay, sa katotoohanan, mga butones lamang, tulad ng napakalaking lobo na naghihintay na sagpangin ako. At tiyakang hindi ako takot sa mga butones.
Tumingin Ka
Saan mang bahagi ng Bibliya, may isang tagubiling paulit-ulit na binibigyang diin. “Huwag kang matakot.” Tiyak na nag-uudyuk ito ng isang katanungan. Bakit hindi tayo dapat matakot? Sa buong paligid natin, namumuo ang mga nakakasindak na tagpo, at tila tama na Ang na matakot. Ngunit sinasabi ng Panginoon, “Huwag kang matakot.” Nangangahulugan ba iyon na may ginagawa kang mali kapag natatakot ka? Hindi. Hinihikayat ka lang nito na huwag hayaan ang takot na pagbawalan o pigilan ka sa pagiging isang tao sa nilayung ikaw ay likhain.
Ang takot ay isang likas na tugon ng tao. Itinutuon ang ating katawan at isipan sa mga kalagayang nangangailangan ng ating agadang pansin. Kaya, ang takot na lumulupig sa aking isipan kapag wari ko’y may isang lobo sa ilalim ng aking higaan ay mabuti at malusog pa nga. Ngunit kapag ang takot na iyan ay batay sa di- katotohanan, iyan ay magbubunga ng tiyak na hindi mabuti. Maaari tayong maipit sa ganong pangyayari, hindi makagalaw o makalaban. Kaya’t kapag natakot tayo, dapat tayong tumigil at tumingin na muli. Dapat tayong manalangin hinggil dito, pakinggan, pagnilayan at mag-isip, “Ito ba ay dapat kong katakutan?” Baka maari ko itong maisantabi na lamang. Marahil ito ay tulad ng aking lobo, at kung gayon kailangan kong humingi ng tulong upang mabago ang aking maling pagkakaunawa ng isang nakakatakot na lobo sa isang hindi nakakapinsalang butones.
Kaya bakit hindi natin kailangang matakot? Ang malinaw na sagot ay: tayo ay mga anak ng Diyos. Gaano man kalala ang kalagayan mo, hawak ka ng Panginoon sa Kanyang matatag na bisig. Kinakausap ka Niya ngayon. Makinig ka sa Kanya na nagsasabing, “Huwag kang matakot” at hangarin ang Kanyang kapangyarihan.
Panalangin:
Mapagmahal na Ama, salamat sa labis mong pagmamahal sa amin. Alam mo ang lahat tungkol sa amin — lahat ng aming lakas, lahat ng aming kahinaan, at lahat ng mga bagay na kinakatakutan namin. Panginoon, tulungan Mo kaming maranasan ang Iyong Mapayapang Presensya na nakapalibot sa amin, na nagbibigay sa amin ng lakas upang harapin ang aming mga kinakatakutan. Kapag naramdaman naming na-bitag ng pagkabalisa, bigyan Mo kami ng biyaya na madaig ang aming balisa at makaligtas sa pagkaalipin ng takot. Hinihiling namin ito sa Iyong Banal na Pangalan, Amen.
Ang artikulong ito ay batay sa pahayag na ibinigay ni David Beresford para sa palatuntunan ng Shalom World “9PM Series”. Upang mapanood ang mga yugto bisitahin ang: shalomworld.org/shows/9-pm-talks
'Madalas na tayo ay makakita ng mga tao na maaring maging masama, magaspang, nakapopoot o maligalig. Kahit na tayo ay tinawag upang magmahal ng bawa’t-isa, ito ay di-kailang mahirap gawin. Huwag nang mag-alala! Si Santa Teresa ng Lisieux ay narito na may tatlong magagandang payo upang mahalin ang mga mahirap pakitunguhan kung ito ay gagawin ni Jesus.
“May isang madre sa Komunidad na may ugaling mangsuya sa akin sa lahat ng bagay, sa kanyang mga paraan, kanyang mga pananalita, kanyang asal, tila lahat ay di-kanais-nais sa akin. At gayunpaman, siya ay isang hinirang na deboto na dapat na kaaya-aya sa Diyos.” *
Papaano kaya hinarap ni Santa Teresa itong Madre?
1. Sa pamamagitan ng kawanggawa hindi sa damdamin, kundi sa kilos.
“Habang walang balak na magapi ng likas na pagka-inis na aking dinadanas, ihinanda ko ang sarili sa aking gagawin para sa Madreng ito kung ano ang gagawin ko sa taong pinakamamahal ko.” *
2. Sa pamamagitan ng dasal
“Ipinagdasal ko siya sa Diyos, iniaalay sa Kanya ang kanyang mga kabutihan at mga katangian. Nadama ko na ito ay kaaya-aya kay Jesus; pagka’t walang pintor na hindi tumatanggap ng papuri sa kanyang mga gawa!”*
3. Sa pamamagitan ng di-pagtatalo, ngunit sa pag-ngiti at pag-iba ng paksa.
“Ako ay hindi na-ibsan nang payak sa pagdarasal lamang ng lubos para sa Madreng ito na nagbigay sa akin ng labis na pakikibaka, ngunit pinanghawakan ko [din] ang pag-alay sa kanya nang lahat ng posibleng paglilingkod, at kung ako ay natutuksong sumagot nang hindi sang-ayon na paraan, ako ay panatag sa pagbigay ng pinakamagiliw na ngiti, at pag-iba ng paksa ng pag-uusap.
Isang araw sa oras ng libangan, tinanong ako ng Madre sa halos ganitong mga salita: “Maaari mo bang isabi sa akin, Sor Teresa ng Sanggol na si Jesus, kung ano ang nakapaghalina ng lubos sa iyo mula sa akin; tuwing tinitingnan mo ako, nakikita kitang nakangiti?” *
Ang bagay na nakahalina kay Santa Teresa ay si Jesus na nakalingid sa kaibuturan ng kaluluwa ng Madre—si Jesus na nakapagpapatamis ng anumang pinakamapait. Ating pag-aralan ang sining ng pagsagot sa kalamigan, kagaspangan, tsismis, at paghamak sa pamamagitan ng mapagmahal na kabaitan at awa.
'Natuklasan ko ang nakakapagpabagong lakas ng “Panalangin ng Pagpapaubaya” ni Pinagpalang Charles de Foucauld sa tulong ng isa kong guro sa mas mataas na edukasyon , nang kaming mag-asawa ay maging kinatawang magulang ng tatlong magkakapatid. Taranta sa pagbabagong-katayuan na maging ina, iminungkahi sa akin ng aking guro na ang sumusunod na dasal ay makakatulong sa akin na magkaroon ng kapayapaan na kinailangan ko.
“Kung nais mong baguhin ang iyong buhay,” paliwanag ng mahabaging pari, “dasalin ang panalanging ito araw-araw … at kung nais mong mapagbago ang takbo ng inyong pagsasama, dasalin ninyo ito ng iyong asawa nang magkasabay!” Sabik kong kinuha ang maliit na estampita, idinikit sa salamin sa may paliguan, at binasa nang malakas bawat umaga:
Ama, inihahabilin ko ang aking sarili sa Iyong mga kamay;
Gawin Mo sa akin ano man ang kalooban Mo.
Anuman ang ang Iyong gawin, nagpapasalamat ako sa Iyo:
Handa ako para sa lahat, tanggap ko ang lahat.
Hayaang ang Iyong kalooban lamang ang maganap sa akin, at sa lahat ng Iyong mga nilalang.
Wala akong hinihiling pa, O Panginoon.
Sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking kaluluwa:
Iniaalay ko ito sa Iyo nang may buong pagmamahal sa aking puso,
Sapagkat mahal Kita, Panginoon, at nais kong ibigay ang aking sarili,
Isuko ang aking sarili sa Iyong mga kamay nang walang pag-imbot, at walang hangganang pagtitiwala,
Sapagkat Ikaw ang aking Ama.
Sa loob ng halos 20 taon, ang taos-pusong panalangin na ito ng simpleng pagtitiwala, batay sa Panalangin ng Panginoon (ang Ama Namin), ay naging isang palagiang pinagkukunan ko ng liwanag, lalo na habang kami ng aking asawa ay patuloy na pumapangatawan bilang magulang sa mga batang ito, na ang dalawa sa kanila ay inampon namin noong 2005. Sa galak at lungkot ng pagsasama naming mag-anak, ang panalanging ito ay tamang-tama at dinadasal ko sa naiibang pamamaraan ngayong kasama na namin ang aking ina. Kapag siya ay nililigalig ng pagka-ulianin habang kami ay naglalakad, natutulungan ako ng panalanging ito na mawala ang takot at magkaroon ng walang hangganang pagtitiwala sa Isang nagmamahal sa aming dalawa.
'Tunay, na sa anumang maibigay na sandali sa sinuman sa atin ay makakahanap tayo ng kahit isang libong napakagaling na mga dahilan upang maging malungkot. Ang ating buhay ay hindi kailanman naging eksakto sa paraang inaasahan natin. Ngunit kung mananatili tayo sa mga katotohanan – lumalaban sa tukso ng pagnanasa sa mga pantasya, kung saan tinitingnan natin ng may pananabik ang ilang mundo, ilang trabaho, ilang buhay maliban sa talagang pamumuhay natin – makikita natin na ang kaligayahan ay isang gawa ng kalooban. Ito ay isang pagpili. Sa monasteryo, ang mga matatandang monghe ay may isang kasabihan: “Ang mongheng iyon ay matagal ng tumitingin lampas sa pader.” Ang isang hindi masayang monghe ay palaging nagbibigay sulyap sa labas ng monasteryo at sa buhay ng iba pang mga kalalakihan, at ginugunihin na sila ay nabubuhay sa glorya at walang katapusang kaligayahan.
Ngunit nakatago sa Ebanghelyo ni Juan ang gamot sa tuksong iyon. Ang ika-siyam na kabanata ay nakatuon sa isa sa mga mas malamang na hindi bayani ng bibliya: isang lalaking ipinanganak na bulag. Siya ay isang malamang na hindi bayani hindi dahil sa siya ay bulag ngunit dahil sa takbo ng kwento, ipinakita niya ang kanyang sarili na isang tamad, matigas ang ulo, masuwayin, walang galang, at walang pitagan. Kinuwestiyon siya ng mga awtoridad hinggil sa kanyang malahimalang paggaling, sumagot siya ng, “Hindi ka nakikinig sa akin, o nais ninyong maging mga alagad niya?” Siya ay isang tunay na tuso , at ako ay kumbinsido na siya ay isang tinedyer. (Pagkatapos ng dalawampung taon sa silid-aralan, ipinagpalagay ko ang aking sarili na isang awtoridad sa katamaran, katigasan ng ulo, pagsuway, kawalang galang, at paggalang. Dagdag pa … bakit pa sila pupunta sa kanyang mga magulang? At bakit pa kailangang ipahiwatig ng kanyang mga magulang na siya ay matanda na at may sapat na gulang upang magsalita para sa kanyang sarili.
Gayunpaman, lumilitaw na si Jesus lamang ang tao sa kwento na hindi naiinis sa kanya. Ngunit ang batang ito ay may isang maituturing na pantubos na katangian – pantubos sa teolohikal na kahulugan ng salita. Maaaring siya ay walang galang at matigas ang ulo, ngunit naninindigan siya sa mga katotohanan.
“Paano mo napabalik ang iyong paningin?” tanong nila sa kanya.
“Hindi ko alam. Dinikitan niya ng putik ang aking mga mata at ngayon nakakakita na ako.”
“Ngunit ang taong iyon ay isang makasalanan.”
“Siguro nga. Hindi ko alam. Dati akong bulag at ngayon nakakakita na ako. ”
“Ngunit wala kaming ideya kung saan nanggaling ang taong ito.”
“Wala akong pakialam? Dati akong bulag at ngayon nakakakita na ako! Ilang beses ko bang sasabihin sa iyo? ”
Pansinin na hindi siya nagpapahayag ng pananampalataya. At pagkatapos lamang ng walang tigil na pagtatanong sa wakas ay kinilala niya na ang taong ito ay si Jesus (kahit sino siya) at tiyak na nagmula sa Diyos. Ni hindi niya pinasalamatan si Jesus pagkatapos. Kailangang hanapin siya ni Jesus.
“Naniniwala ka ba sa Anak ng Tao?” sabi ni Jesus.
“Sino un?”
Sabi ni Jesus, “Kausap mo siya.”
Ngayon nai-imagine ko na ang isang alternatiba sa pagtatapos ng kuwentong ito kung saan sinabi ng binatilyo, “Ay! Tama Maraming salamat sa lahat. Ngunit alam mo, marahil ay hindi ikaw ang talagang nagpagaling sa akin. Siguro nagkataon lang yun. Marahil ang aking pagkabulag ay pangkaisipan lamang mula pa sa simula. Marahil ay may isang bagay sa putik na iyon. Siguro mas mabuti kung pag-isipan ko muna ang tungkol sa bagay na ito sandali bago ako gumawa ng anumang mabilis na desisyon. ”
Ngunit tandaan: ang batang ito ay isang makatwiran. Para sa mas mabuti o mas masama, naninindigan siya sa mga katotohanan.
Sinasabi sa atin ni Saint John na ang sinabi lamang niya ay, “Naniniwala ako, Panginoon,” at sinamba Siya.
Minsan tinanong ko ang aking baguhang maestro kung paano ko dapat malaman kung tinawag talaga ako ng Diyos para maging isang monghe ni Saint Louis Abbey.
“Buweno,” ang sabi niya pagkatapos ng ilang pag-iisip, “Wala ka sa ibang lugar.”
Narito ka at wala ka sa ibang lugar. Ito ay sapat na dahilan para sa kagalakan.
'Mga payo upang matulungan kang manatiling nakatuon!
Kakadating lang namin sa kapilya na kadugtong ng aming lokal na seminario. Habang pinapayuhan kong magpakita ng naaangkop na pag-kilos ang nakasimangot kong apat na taong gulang na anak, ang aking dalawang taong gulang na anak na babae ay tahimik na kumawala sa aming bangko at gumala patungo sa dambana.
Halos malapit na siya sa paanan ng dambana bago siya lumingon upang tumingin sa akin, na nakaturo sa tabernakulo sumisigaw: “Tingnan mo, Nay. Si Jesus. Si Jesus ay naroroon.”
Talagang tama siya. Nandoon si Jesus. Sa pagmamadali kong mapaupo at maisaayos ang mga bata, nalimutan ko ang Tunay na Presensya ni Jesus sa kapilyang iyon. Sa halip, basta na lang akong pumasok sa kapilya, inasikaso ang mga bata, at binigyan ng ilang aklat upang mapanatili silang abala.
Ang mga makatotohanang parte ng pagiging isang ina ay tunay na mahalaga. Tutal, nandoon ako para mapakinabangan ang Sakramento ng Kumpisal at magsagawa ng kahatulang pang espiritwal pagkatapos. Subalit nagambala ako sa pag-asikaso ng mga karaniwang gawain para sa kinaumagahan.
Unawain ang Walang Hangganan
Nang ipinatuon ng aking anak na babae ang aking pansin sa Tabernakulo, damdam kong kinailangan akong sawayin. Sa totoo lang, nainggit ako sa kanyang simpleng pananampalataya. Makagandang panoorin ang aking mga anak na nakikipag-ugnayan kay Jesus at sa aming pananampalataya sa kanya-kanyang pamamaraan. Ang isa ay may pansariling kaugnayan kay Saint Michael at sa kanyang paggapi kay satanas. Ang isa ay may malaking paggalang at pagmamahal para sa Ating Ina. Higit sa lahat, tila nauunawaan nila ang walang hangganan, habang ako naman ay madalas na abala sa may hangganan.
At hindi ko maiwasang gunitain ang Kabanata 18 ng Ebanghelyo ni Mateo:
Nang oras na yaon nagsilapit ang mga alagad kay Jesus at nangagsasabi, “Sino nga ba ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” At pinalapit Niya sa Kanya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila at nagwika, “Makatotohanang sinasabi Ko sa inyo, hanggat kayo’y hindi magsipanumbalik, at maging tulad ng maliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Sinoman ang magpapakumbaba gaya ng maliit na batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. At sinomang tumatanggap sa gayung bata sa ngalan Ko ay tinatanggap Ako.” (Mat 18: 1-5)
Maliban kung magpanumbalik ka at maging katulad ng mga bata … Marahil, mas madaling sabihin kaysa gawin, ngunit narito ang ilang mga payo para sa ating lahat:
1. Maging Mapagkumbaba
Tanggap ng mga bata na hindi nila alam ang lahat. Nagtitiwala sila na ang mga nakatatanda ay may sagot sa kanilang mga katanungan, may karunungan na gabayan sila sa mga mapaglinlang na katayuan, at may isang pag-ibig na walang pasubali at walang katapusan. Ang tanggaping hindi natin alam ang lahat ng sagot at ang magtiwala sa karunungan at awa ng Diyos ay mahalaga.
2. Panatilihing Simple
Madami tayong mababasang mga espiritwal na aklat, blogpost at artikulo, ngunit kung ang pagbabasang iyon ay hindi sinusundan ng pagmumuni-muni at panalangin na mabatid ang paggamit nito sa sarili, kaunti lang ang iuunlad ng ating buhay pang-espiritwal. Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan para matiyak ang pag-unlad sa kabanalan, upang mapagyaman ang ating musmos na pananampalataya, ay ang manalangin ng taimtim at isaisip ang Panginoon. At mas nakakahigit kung gagamitin ang oras ng pagdarasal na ito sa Kanyang tunay na Presensya.
3. Isiping Kasama Mo Siya
Ito ay magagawa natin sa mga oras ng nakatakdang pagdadasal, gayun din sa nakakainip na mga pang araw-araw na gawain. Nakakasawang magsampay ng nilabhan? Ang bawat pagsipit ay samahan ng “Lahat para sa Iyo, Jesus, lahat para sa Iyo.” Pasalamatan Siya kapag tayo ay masaya, manalig sa Kanya kapag tayo ay may binabata. Maiksi, malinaw at tapat, at galing sa puso.
4. Manghingi ng Tulong
Kung ikaw ay dumadanas ng paghihirap sa buhay, lumapit sa isang mabait at maka-diyos na pari upang makahingi ng tulong at payong pang-espiritwal. O di kaya, ang mga pinagkakatiwalaang kaibigan at kamag-anak, na may pananampalatayang tulad ng sa iyo, ay maaaring makapag mungkahi ng tulong at patnubay para sa anumang binabata mo. Sa katunayan, malaman aaminin pa nilang nakadanas sila ng katulad sa dinadanas mo. Ang mapakinggan ang mga salaysay nilang magtagumpay sa kanilang pakikibaka sa gitna ng kagipitan (at makatamasa ng kapayapaan) ay maaaring makabigay sa iyo ng pag-asa na ang kasalukuyang hirap na dinadanas mo ay maiibsan din.
5. Higit sa lahat, magtiwala sa Kanya
Kung katulad mo ako, ang talikuran ang pag control ay hindi madaling gawin. Ngunit kapag tinanggap natin ang kalooban ng Diyos sa ating buhay, tiyak nating magagawa ang pinaka espiritwal na pag-usad. Ang matutunang ipagsaalang-alang ang kalooban ng Diyos o ang
pagtanggap nito kahit na ito ay ang buong kabaligtaran ng kagustuhan natin ay maaaring napakasakit. Alam ng Diyos ang pinakamahusay para sa atin, at kung papayagan natin Siya na pangunahan tayo, ano kaya ang maiisakatuparan natin para sa Kanya?
Nawa’y dagdagan ng Panginoon ang ating pananampalataya, pagtitiwala, at pag-asa nang sa gayon ay masabi nating tunay tayong mga anak na Diyos at maranasan ang langit, kung saan tayo nabibilang.
“Kaya ang mga maliliit na bata ay dinadala sa Kanya upang ang mga ito ay mabasbasan. Ang mga nagdala sa mga bata ay mabalasik na pinagsalitaan ng mga alagad; ngunit nagwika si Jesus, “Hayaan nyo ang mga maliliit na bata na lumapit sa Akin, at huwag nyo silang pigilan; sapagka’t ang Kaharian ng langit ay para sa mga tulad nila.” (Mateo 19: 13-14)
'