• Latest articles
Jul 07, 2024
Masiyahan Jul 07, 2024

Ako ay tatlong-taóng gulang nang ang buhay ko ay uminog nang patiwarik.  Walang bagay ang bumalik sa dati, hanggang sa natagpuan ko Siya! 

Sa ikatlong taong gulang, ako’y nagdanas ng mabigat na lagnat na sinundan ng biglaang epilepsya, na pagkaraan ay nagsimula akong magpakita ng tandang walang pagdarama sa mukha.  Nang nakaabot ako ng limang taon, ang aking mukha’y kapuna-punang nawala sa pantay na ayos.  Ang buhay ay tumigil nang makinis sa pag-inog.

Habang ang aking mga magulang ay abalang-abala sa paghanap ng bagong mga pagamutan, ang kirot at pang-isipang pinsala na aking dinaranas ay sadyang nakagagapi sa akin upang tiisin—ang paulit-ulit na mga tanong, ang kakaibang kaanyuhan, ang mga sanhi at kasunod na mga sanhi ng bagong mga paggamot nang paminsan-minsan…

Gumagapang paloob ng Bahay-uod 

Ako’y panatag kapag nag-iisa, dahil ang mga pangkat ay balintunang nagagawa akong malungkot.  Ikinatatakot kong lubha na ang mga bata sa kabiláng bahay ay magsisi-iyak nang malakas kapag ngingitian ko sila.  Tanda ko pa noong nag-uuwi ng matatamis na kakanin ang aking ama tuwing gabi upang matulungan akong mainom ang nakayayamot na gamot, na saksakan ng pait.  Ang lingguhang paglalakad sa mga pasilyo ng pagamutan kasama ang aking ina para mga terapi ng katawan ay kailanma’y hindi masayang katapusan ng linggo—sa bawa’t pagkatal-katalan mula sa aparatong dadampi sa aking mukha, ang mga luha ay magsisimulang dadaloy.

Mayroong  ilang magagandang mga kaluluwa ang nagpagaan sa aking mga takot at sakit, gaya ng aking mga magulang na kailanma’y hindi nawalan ng pag-asa sa akin.  Sila ay dinala ako sa bawa’t pagamutang makakaya nilang mapuntahan, at sinubukan namin ang sari-saring mga panlunas.  Pagkaraan, makikita ko silang nawawasakan ng loob noong ipinayo ang neurosurgery.

Para sa kauna-unahang pagkakataon, nadama kong ako’y napahiwalay ng pagtahan sa ibang pook.  Kinailangan kong gumawa ng ibang bagay.  Kaya sa unang semestro ng kolehiyo, dahil hindi ko na makayanan, ipinasya kong hintuan ang paggagamot.

Natatagpuan ang Ganda 

Matapos kong tigilan ang paggagamot, ako’y nakadama ng sumasambulat na sigla upang lumikha ng bagay nang sarili ko.  Inaanyayahan ko ang bagong buhay, ngunit ako’y ganap na walang kabakasan kung papaano isasabuhay ito.  Sinimulan kong magsulat nang lalo, mangarap nang lalo, magpinta nang lalo, at maghanap ng mga kulay sa maabong mga bahagi ng buhay.  Yaon ang mga araw na sinimulan kong maging masigla sa Jesus Youth Movement (isang pandaigdig na kilusan na Katolikang kinikilala ng Holy See o Banal na Kinasasakupan); sinimulan kong matututunan nang marahan na buksan ang aking sarili sa pag-ibig ng Diyos at madama kong mamahal nang muli.

Ang pagkatanto ng kahalagahan ng katolikang pamumuhay ay natulungan akong malinawan ang layon ko.   Sinimulan kong manalig nang muli na ako’y labis na higit pa sa lahat ng mga nangyari sa akin.  Ngayon, kung lumilingon akong pabalik sa mga tagpong napalatandaan ng mga pintuang nakapinid, nakikita ko nang malinaw na sa bawa’t pagtanggi, ang mahabaging piling ni Hesus ay sinamahan ako, ibinabalot ako ng Kanyang walang-hanggang pag-ibig at pagkaunawa.  Nakilala ko kung sino ako at mula sa mga sugat na ako’y nalunasan.

Dahilan upang Kumapit 

Isinasaad ng Panginoon: “Sapagka’t ikaw ay mahalaga at kinikilala sa aking pananaw, at dahil mahal kita, bibigyan kita ng mga tao para sa iyo, at mga bansa para sa buhay mo.  Huwag kang matakot, pagka’t ako’y sumasaiyo” (Isiyas 43:4-5).

Ang paghanap sa Kanya sa mga kawalan ko ng kapanatagan ay kailanma’y hindi naging madaling tungkulin.  Habang may napakaraming dahilan na magpatuloy pa, itong tungkol sa pagtagpo ng isang dahilan ang may kinalaman lamang upang manatili.  At ito’y binigyan ako ng lakas at tiwala habang ako’y nabubuhay  sa kabila ng aking mga kahinaan.  Ang lakbay ng paghahanap ng aking halaga, dangal, at ligaya kay Kristo ay pawang kahanga-hanga.  Tayo’y madalas magmaktol kapag hindi natin makamit ang biyaya kahit pagkaraan ng ating paghihirap na tinatahak.  Sa tingin ko, ito’y tungkol sa pag-uunawa ng mga pasakit.  Ang pagpapahayag ng katapatan sa pinakamaliit na pakikipagbagay sa buhay na walang anumang uri ng galit ay nagdudulot ng liwanag sa iyong buhay.

Ito’y sadyang isang paglalakbay.  At habang patuloy Niyang isinusulat ang aking salaysay, ako’y  natututo bawa’t araw na tanggapin ito nang higit, maghangad nang walang paghihigpit, magbigay ng patlang para sa munting mga ligaya sa buhay.  Ang aking mga dasal ay hindi na naglalaman ng palagiang pangangailangan ng mga bagay na ninanais ko.  Sa halip, hinihingi ko sa Kanya ang lakas na magsabing ‘Amen’ sa mga pagbabagong patuloy na nagaganap habang nasa landas.

Idinadalangin ko na Siya’y pagagalingin at babaguhin ako mula sa mga salungating bagay na nakagawian sa aking loob at paligid.

Hinihiling ko sa Kanya na pasisiglahin Niya ang mga bahagi sa akin na nawala ko.

Pinasasalamatan ko Siya para sa bawa’t bagay na aking naraanan, lahat ng mga biyaya na aking natatanggap bawa’t minuto ng araw, at para sa katauhan na ako’y naging ganap.

At sinisikap ko nang pinakamabuti na mahalin Siya nang buong puso at kaluluwa.

'

By: Emilin Mathew

More
Jul 07, 2024
Masiyahan Jul 07, 2024

‘Magtakda ng orasan sa loob ng limang minuto at salamat sa Diyos para sa taong ito.’ Tumataya ako na kayo ay nagiisip kung ako sa lupa ang aking sinasabi.

Minsan, nakakalimutan nating makipag-usap sa Diyos tungkol sa mga hindi maayos na sitwasyon tungkol sa mga taong inilagay ng Diyos sa ating buhay. Maraming beses, nakakalimutan ko ito. Isang araw, sa awa ng Diyos, pinili kong gumawa ng isang bagay tungkol sa kawalan ng kapayapaan sa aking puso.

Ilang taon na ang nakalipas, nahihirapan akong may kasama sa buhay ko. Laktawan ko ang mga detalye. Ang problema ko ay talagang iniistorbo ako nito. Nakarating na ba kayo sa ganitong sitwasyon? Nagpasiya akong makipag-usap sa isang pari tungkol dito at pumunta sa Kumpisalan. Pagkatapos niyang marinig ang aking pagtatapat, binigyan ako ng pari ng absolusyon at ang aking penitensiya.

Hulaan mo kung ano ang aking penitensiya? Kung sinabi mong ‘magtakda ng orasan,’ talagang tama ka! Sinabi niya: “Gusto kong gumugol ka ng limang minuto sa pasasalamat sa Diyos para sa taong ito.”

Limang Minuto

Limang minuto? Ay! Determinado, sabi ko sa sarili ko, kaya ko to. Lumabas ako ng simbahan at pumunta sa kotse ko. Inayos ko ang aking relo sa limang minuto, at kaagad, natigilan ako. Wow, ito ay talagang mahirap! Dahan-dahan, nakahanap ako ng kaunting paraan para magpasalamat sa Diyos para sa taong ito. Tinignan ko ang relo ko…hay, isang minuto lang ang lumipas. Nagpatuloy akong nanalangin nang buong puso. Gusto kong gawin ito! Muli, nagsimula akong magpasalamat sa Diyos. Habang dahan-dahang lumipas ang mga minuto, naging mas madali at mas madali. Hindi pa rin tapos ang limang minuto ko. Sa pagpapatuloy ng panibagong pakiramdam ng determinasyon, natagpuan ko ang aking sarili na nagpapasalamat sa Diyos kahit sa maliliit na paghihirap. Sa loob-loob ko, tumatalon ang puso ko! Ang pagdarasal para sa taong ito ay talagang gumagana upang baguhin ang aking puso. Bakit ako natutunaw sa mga paghihirap na ito? Mabuting tao talaga ito.

Pag alala

Madalas kong naaalala ang araw na iyon. Kapag nahaharap ako sa mga paghihirap sa isang tao, sinusubukan kong ilapat ang natutunan ko mula sa partikular na penitensiya. Naaalala mo ba ang pangakong binigkas natin ng Akto ng Pagsisisi? Yung mga huling salita bago tayo mapatawad sa ating mga kasalanan? “… matatag akong nagpapasiya, sa tulong ng Iyong biyaya, na ipagtapat ang aking mga kasalanan, magpepenitensya, at baguhin ang aking buhay. Amen.”

Ngayon, kapag nakita ko ang aking sarili na nag-iisip tungkol sa ilang kahirapan na nararanasan ko sa isang tao, huminto ako, nagaayos ng orasan, at gumugugol ng limang minuto upang magpasalamat sa Diyos para sa kanila. Palagi akong nagtataka kung paano maibabalik ng Diyos ang aking puso sa napakaikling panahon. Tumingin si Hesus sa kanila at sinabi: “Para sa mga tao, ito ay imposible, ngunit para sa Diyos, lahat ng bagay ay posible.” (Mateo 19:26)

Salamat, Hesus, para sa pari na kung minsan ay nagbibigay sa amin ng mahirap ngunit kailangang-kailangan na penitensiya.
Salamat, Hesus, para sa iyong nakapagpapagaling na paghipo.
Salamat, Hesus, sa bawat taong inilagay Mo sa aming mga landas.
Salamat, Hesus, sa sobrang pagmamahal mo sa amin!

Ang limang minuto ay at napakaliit na oras para makatanggap ng napakalaking gantimpala: kapayapaan ng puso.

“Sinabi muli ni Jesus sa kanila, ‘Sumainyo ang kapayapaan!’” (Juan 20:21)

'

By: Carol Osburn

More
Jul 05, 2024
Masiyahan Jul 05, 2024

Ang paghahatol sa iba ay madali, ngunit kadalasan, tayo’y nagkakamali sa ating hatol. 

Naaalala ko ang isang matandang sumisimba sa panggabing Misa ng Sabado.  Siya’y sukdulang nangangailangan ng paligo at malinis na mga damit.  Sa katotohanan, siya’y nangangamoy.  Hindi mo masisisi yaong mga ayaw masangkot sa ganitong kakila-kilabot na amoy.  Siya’y naglalakad ng dalawa o tatlong mga milya bawa’t araw sa palibot ng aming munting nayon upang mamulot ng mga kalat, at nananahan sa isang lumang pinabayaang panuluyan nang kanyang sarili.  Walang nais umpo sa kanyang tabi sa Misa.

Madali para sa atin na maghusga ng mga anyo.  Hindi ba?  Sa tingin ko ito’y likas na bahagi ng katauhan.  Hindi ko alam kung ilang ulit na ang mga paghatol ko sa kapwa na pawang hindi tama. Ang totoo, may pagkamahirap, kung hindi maaari, na tumanaw nang pasaibayo sa mga anyo na walang tulong sa Diyos.

Itong tao, bilang halimbawa, sa kabila ng kanyang naiibang pagkatao, ay napakatapat na makipagbahagi sa Misa bawa’t linggo.  Isang araw, ako’y nagpasyang umupo sa tabi niya nang panayan sa Misa. Oo, nangangamoy siya, ngunit nangangailangan din siya ng pagmamahal sa iba.  Sa biyaya ng Diyos, ang masamang amoy ay hindi ako ginambala nang masyado.  Kapag sa bahagi ng paghahayag ng kapayapaan, tinitingnan ko siya sa mata, nginingitian, at binabati ko siya nang buong galang: “Sumaiyo ang kapayapaan ni Kristo.”

Ito’y Huwag Kaligtaan 

Kapag pahihintulutan ko ang mga paghahatol sa isang tao, nakaliligtaan ko ang pagkakataóng nais na ibigay ng Diyos—ang pagkakataóng makita nang tagusan ang pangkatawang anyo at tanawin ang puso ng tao.  Yaon ang ginawa ni Hesus sa bawa’t taong Kanyang natagpuan sa paglalakbay, at Kanyang itinuloy na lagpasan ng tanaw ang karumihan at sumaloob sa ating mga puso.

Nagugunita ko ang panahon, na napalayo ako nang maraming taon sa Katolikang pananalig, ako’y nakaupo sa paradahan ng Simbahan, sinisikap kong tipunin ang lahat ng tapang upang pumasok sa mga pintuan para dumalo sa Misa.  Sukdulang ikinatakot ko na ang iba ay mamatahin ako at hindi ako muling tatanggapin nang malugod.  Hiniling ko kay Hesus na sumabay paroon sa akin.  Sa pagpasok ng Simbahan, ako’y binati ng Diyakono, na binigyan ako ng isang malaking ngiti at yakap, at nagsabi: “Maligayang pagdating.”  Yaong ngiti at yakap ay ang aking kinailangan upang madama ko na ako’y nabibilang at nakauwing muli.

Ang pagpasyang umupo sa tabi ng matandang tao na nangangamoy ay ang paraan ko ng “patuloy na kabayaran.”  Nalaman kong gaano ko lubhang kinailangang madama na ako’y isang kinalulugdan, sinasapi at napahalagahan.

Huwag nating ipagpaliban ang pagtanggap sa isa’t-isa, lalo na ang mga mahirap na mapakisamahan.

'

By: Connie Beckman

More
Feb 21, 2024
Masiyahan Feb 21, 2024

Ang buhay ay puno ng di-inaasahang mga liko.  Halos anim na taong pagkaraan ng kanyang ina, si Bernadette ay kinailangang magdusa sa pagkawala rin ng kanyang ama.  Nagmula ng pag-alis sa Lourdes upang sumapi sa samahang pambanalan, siya ay hindi na nagkaroon ng pagkakataong makita ang kanyang ama.

Kapag natutuligsa ng ganitong biglaang pagpanaw, ganito kung paano nakatagpo si Bernadette ng lakas—Isang madre ang nakakita sa kanya na lumuluha sa harap ng estatwa ng Birheng Maria, at nang sinikap ng madre na damayan siya, sinabi niya:  “Aking kapatid, magkaroon ka palagi ng dakilang katapatan sa matinding paghihirap ng ating Tagapagligtas.  Noong nakaraang Sabado ng hapon, nagdasal ako kay Hesus sa Kanyang paghihirap para sa lahat ng yaong mga mamamatay sa yaong sandali, at sa yaong ganap na sandali na nakarating ng kabilang-buhay ang aking ama.  Isang kaginhawaan para sa akin na natulungan siya.”

Para kay Bernadette, ang Santa na, bilang isang musmos na babae, ay nakasaksi sa pangitain ni Maria sa Lourdes, ang buhay ay hindi walang mga kagipitan.  Kinakailangan niyang dumaan ng maraming mga pagsubok; malalaki at maliliit na mga pagpapahiya ay pinasan niya.  Malimit niyang sinabi: “Kapag ang mga dinarama ko ay napakalakas, ginugunita ko ang mga diwa ng Ating Panginoon:  ‘Narito Ako, huwag kang matakot.’  Kaagad kong kinaluluguran at pinasasalamatan ang Ating Panginoon para sa biyayang ito ng pagtanggi at pagkapahiya mula sa yaong mga may-kapangyarihan.  Ang pag-ibig nitong Mabuting Panginoon na makapag-aalis ng mga ugat mula rito sa puno ng pagmamataas.  Kapag lalo akong magiging musmos, lalo akong lumalaki sa loob ng Puso ni Hesus.”

'

By: Shalom Tidings

More
Feb 21, 2024
Masiyahan Feb 21, 2024

Hulyo 1936 nuon, ang kasagsagan ng digmaang Espanyol.  Naglalakad si El Pelé sa lansangan ng Barbastro, España, nang isang malaking kaguluhan ang nakakuha ng kanyang pansin.  Habang sumusugod siya sa pinagmumulan, nakita niya ang mga sundalong kinaladkad ang isang pari sa lansangan.  Hindi siya maaaring tumayo na lamang sa mga gilid at manood; sumugod siya para ipagtanggol ang pari.  Ang mga sundalo ay hindi natakot at sinigawan siya na isuko ang kanyang sandata. Itinaas niya ang kanyang rosaryo at sinabi sa kanila: “Ito lang ang mayroon ako.”

Si Ceferino Giménez Malla, magiliw na kilala sa El Pelé, ay isang Romani—isang komunidad na kadalasang tinutukoy bilang mga Gypsies at minamaliit ng nangingibabaw na lipunan.  Subalit si Pelé ay pinahahalagahan hindi lamang ng kanyang sariling komunidad, kahit na ang mga ilustrado tao ay iginagalang ang mangmang na lalaking ito dahi sa kanyang katapatan at karunungan.

Nang siya ay hinuli at ikinulong noong 1936, ang kanyang asawa ay namatay na, at siya ay isa nang lolo.

Kahit sa bilangguan, patuloy pa din siyang naniwaka sa kanyang rosaryo.  Ang lahat, maging ang kanyang anak na babae, ay nakiusap sa kanya na isuko ito.  Pinayuhan siya ng kanyang mga kaibigan na kung tumigil siya sa pagdarasal, maaaring mailigtas ang kanyang buhay.  Ngunit para kay El Pelé, ang pagsuko ng kanyang rosaryo o pagtigil sa pagdadasal ay simbolo ng pagtakwil sa kanyang pananampalataya.

Kaya, sa gulang na 74, binaril siya at itinapon sa isang mass grave.  Ang matapang na kawal ni Kristo ay namatay na sumisigaw: “Mabuhay si Kristong Hari!” may hawak pa ding Rosaryo sa kanyang mga kamay.

Animnapung taon ang lumipas, ang Banal na si Ceferino Giménez Malla ay naging una sa pamayanang Romani kailanman na ma-beatify, nagpapatunay muli na ang Tagapagligtas ay palaging nandiyan para sa lahat ng tumatawag sa Kanya, anuman ang kulay o paniniwala.

'

By: Shalom Tidings

More
Feb 21, 2024
Masiyahan Feb 21, 2024

Tuklasin ang kagandahan ng pagsagawa ng pinakamahusay na Bagong Taong Panukala sa taong ito

Sa ganang tayo’y nakatayo sa bingit ng bagong taon, ang hangin ay puno ng pag-asa, pag-asa, at pangako ng isang bagong simula.  Para sa madami, ang pagbabagong ito ay sumasagisag ng isang pagkakataon na iwanan ang mga pasanin ng nakaraan at simulan ang isang paglalakbay ng paglago at paghilom.  Pati ako ay tumahak ng landas na ito—nilalakbay ang mga sali-salimuot ng buhay, paghahanap ng ginhawa, lakas, at kagalakan sa pamamagitan ng mapagbagong biyaya ng panalangin.

Pagsapit Ng Hatinggabi

Ilang taon na ang nakakalipas, natagpuan ko ang aking sarili na nakikipagbuno sa mga labi ng mga nakaraang kirot na tila mabigat sa aking puso.  Ang mga peklat ng mga pagkabigo at kawala ay umukit ng kanilang mga tatak, na nag-iiwan sa akin ng pananabik para sa isang panibagong pasimula.  Sa sandaling ito ng pagmumuni ako gumawa ng isang panukala—isang panukala na magdadala sa akin sa landas patungo sa biyaya at paghilom.

Nang sumapit ang hatinggabi, nagpasiya akong ialay ang aking sarili sa nakakapagpanibagong kapangyarihan ng dasal.  Ang panukalang ito ay hindi bunga nang isang panandaliang pagnanais para sa pagbabago kundi mula sa isang malalim na pangangailangan na ayusin ang mga sirang piraso ng aking kaluluwa at hanapin ang kagalakan na nawala sa akin sa napakatagal na panahon.

Sa mga naunang araw ng bagong taon, ang pamilyar na kirot ng aking nakalipas na mga pasakit ay naging balakid sa pagpapanatili ng aking panukala.  Sinikap ng mga kaguluhan ng isip at pag-aalinlangan na madiskaril ang aking pangako, ngunit kumapit ako sa aking pananampalataya at determinasyon.  Sa pamamagitan ng patuloy na pagdadasal, nagsimula akong makadanas ng banayad na pagbabago sa loob ko—mga bulong ng biyaya na sumasalat sa aking sugatang espirito.

Habang lumilipas ang mga buwan, bumuhos ang mga biyaya sa aking buhay na tulad ng banayad na ulan, na nagpapaginhawa sa tigang na lupa ng aking puso.  Nagkaroon ako ng lakas ng loob na patawadin ang mga nagkasala sa akin at naunawain na ang pagpapatawad ay isang handog na ibinigay ko sa aking sarili.  Ito ay nakapagpapalaya, isang dakilang biyaya na nagpalaya sa akin mula sa mga kadena ng kapaitan, pinapahintulutan ako na yakapin ang pag-ibig at kagalakan.

Panindigan Ang Iyong Resolusyon

Ang landas ay hindi salat sa tinik, ngunit ang biyaya ng panalangin ang nagbigay sa akin ng lakas at katatagan upang magtiyaga.  Napagtanto ko na ang paglalakbay na ito ay hindi lamang tungkol sa paninindigan sa isang resolusyon—ito ay tungkol sa pagyakap sa isang buhay na tinatanglawan ng nagniningning na liwanag ng pananampalataya.

Ang pagkamaalinsunod sa pagdadasal ay may mahalagang papel sa aking paglalakbay sa paghilom at pagpapanibago.  Madalas ay nahihirapan akong panatilihin ang bagong ugaling ito sa gitna ng mga pakikibaka at pang-abala sa buhay.  Heto ang ilang mga payo na nakatulong sa akin na makapaglimi at mapanatiling buhay ang aking resolusyon:

1. Magtakda ng Kagalang-galang na Oras: Magtalaga ng tiyakang oras ng araw na pinakamainam para sa iyo na manalangin nang palagian.  Maaaring sa umaga bago magsimula ang kaguluhan ng maghapon, sa tahimik na pamamahinga sa tanghalian, o sa gabi upang pag-isipan ang nagdaang araw.  Ang nakatalagang oras na ito ay makakatulong sa pagbuo ng isang gawi.

2. Lumikha ng Kagalang-galang na Lugar:  Magtalaga ng isang natatanging lugar para sa panalangin, maging ito man ay isang maaliwalas na sulok sa iyong tahanan, simbahan, o isang natural na lugar sa may labas.  Ang pagkakaroon ng nakalaang espasyo ay nakakatulong upang makalikha ng isang ugnayan sa kabanalan at kapayapaan.

3. Pakinabangan ang mga Panulong sa Pananalangin: Isama ang mga pantulong sa panalangin tulad ng pahayagan, rosaryo, o mga espirituwal na aklat.  Ang mga gamit na ito ay maaaring mapahusay ang iyong karanasan sa pagdadasal at panatilihin kang nakatutok, lalo na kapag ang mga abala ay nagbabanta na hilahin ka papalayo.

4. Maghangad ng Pananagutan: Ibahagi ang iyong resolusyon sa isang pinagkakatiwalaang kaibigan o miyembro ng pamilya na makakagabay sa iyo sa iyong paglalakbay at magpapaalala sa iyo sa pananagutan mo.  Ang pagkakaroon ng taong makakasama mo sa iyong pag-unlad at pakikibaka ay ng mapagkukunan mo ng pampasigla.

Pagharap Sa Unos

Ngayon, habang iniisip ko ang napakahalagang taon na iyon at ang mga sumunod pang iba, napupuno ako ng matinding kagalakan.  Ang sakit na minsang bumihag sa akin ay naging bukal ng lakas, habag, at mas malalim na pakikipag-ugnayan sa Diyos.  Ang mga peklat ay nananatili, ngunit ngayon ang mga ito ay patunay ng biyaya na gumabay sa akin sa pagharap sa unos.

Habang tayo ay nakatayo sa bukana ng bagong taon, hinihikayat ko kayong yakapin ang kapangyarihan ng dasal sa inyong buhay.  Ito ay isang gabay ng pag-asa, isang mapagkukunan ng kaginhawaan, at isang kaligtasan sa pinakamadilim na panahon.  Anuman ang iyong maging pasiya, nawa’y ang mga ito ay puno ng pananalangin at sagana sa pananampalataya, batid na ang biyaya ng Diyos ay gagabay sa iyo sa bawat hakbang ng daan.

'

By: Sharon Justine

More
Jan 24, 2024
Masiyahan Jan 24, 2024

Sa pinakamadilim na gabi, ating nakikita ang pinakamaningning na mga bituin.  Tulutan mong suminag ang iyong ilaw.

Ipalagay ang paggunam-gunam ng isang tahimik at madilim na gabi sa kaloob-looban ng magaspang na binungkal na kuweba.  Na may sapat na kalapitan sa bayan upang marinig ang satsatan ng Belen sa mga pagdurugtong nito ngunit may sapat na kalayuan upang madama nito ang pagiging bukod.  Ang kuweba, isang sabsaban na nilukob ng dayami at matapang na amoy ng mga hayop, at kinumutan ng kadiliman.

Makinig.  Dinggin ang banayad na mga dalangin at mga lagaslas, ang malugod na pagdedede ng isang Sanggol na sumususo sa dibdib.  Isang Bata, malusog at mahalaga, idinuruyan ng Kanyang ina at ama.  Sa ibabaw, isang matingkad na makalangit na ilaw na sumisinag nang pababa sa kuweba, isang nalalabing palatandaan na ito’y  anuman ngunit hindi isang walang saysay na pangyayari.

Ang Sanggol, na kaluluwal lamang, na ibinalot sa pananggalang na mga damit na ginawa at binurda ng Kanyang ina… malugod sa Kanyang pakain, Siya’y nanahan nang matiwasay.  Sa labas, sa loob ng satsating bayan ng Belen, walang may kaalaman sa laki ng pangyayaring ito.

Isang Malalim, Madilim na Kuweba

Sa Kinaugaliang alamat, ang sagisag ng Pagsilang ay inilalarawan sa loob ng isang kuweba.  Ito’y may dalawang bahagi.  Sa una, ang mga sabsaban ay kadalasang binubungkal nang may kagaspangan mula sa bato sa panahon ng pagsilang ng ating Panginoon.  Ang ikalawang dahilan ay makahulugan.

Itong madilim na kuwebang may katiyakan ay nagdudulot ng pagsasa-ayos ng ilaw ni Kristo—na tumatagos sa panahon at pagitan at bato— Diyos na bumababa sa lupa.  Ito rin ang kuweba, na may anyong tulad ng puntod, na nagpapahiwatig ng Kanyang Paghihirap at Kamatayan.

Dito sa isang sagisag ay naisulat ang nakayayanig na pangyayari na ibinago ang buhay ng tao nang walang hanggan.  Itong isang Bata, na nakatagpo ng ginhawa sa Kanyang inang napupuno ng biyaya “ay nakalaan para sa paglagpak at pagtaas ng karamihan sa Israel, isang pahiwatig upang mapagsalungatan” (Lukas 2:34).

Isang Malalim, Madilim na puso

Bawa’t isa sa atin ay nakapagmana na ng isang nalugmok na katauhan.  Ang ating mapanirang pagnanasa—o karupukan na magkasala—ang siyang nakapagsasanhi sa ating sariling mga puso na magdilim.  Kaya naman, hindi nakabibigla na matatagpuan natin sa Ebanghelyo ni Mateo, ang masidhing payo, “Pinagpala ang may mga malinis na puso, pagkat makikita nila ang Diyos” (Mateo 5:8).

Maaari tayong magnais na mag-isip na kung tayo ang nabubuhay sa panahon ni Hesus, hindi tayo maaaring makapagmintis na makilala Siya sa gitna ng ating pag-iral.  Ngunit ang ganitong pag-iisip, ikinatatakot ko, ay pawang kayabangan.  Tila mahigit pa na hangga’t ang ating pananalig ay naitayo sa matatag na saligan at tayo’y bukas sa pagdating ng Mesias, magkakaroon tayo ng gulo sa pagtagpo sa Kanya kahit na Siya’y kusang nakaharap sa atin.

At minsan, tayo’y nagmimintis na makita Siya ngayon kapag Siya’y nasa harapan natin.  Totoo bang namumukhaan natin Siya sa  Yukaristiya?  O sa mapasakit na balatkayo ng ng mga dukha?  O kahit sa mga taong nasa paligid natin—lalo na sa mga yaong nangyayamot sa atin?

Hindi lagi.  At marahil hindi pirmihan.  Ngunit mayroong mga panlutas para sa yaon.

Paaninagin ang Ilaw

Si San Josemaria Escriva ay nagbala sa atin,  “Ngunit huwag limutin na hindi tayo ang pinagmulan nitong ilaw: pinaaninag lamang natin ito.’  Kapag iniisip natin ang ating puso na isang salamin, mapagtatanto natin na kahit ang maliit na gatla sa labas ay babaguhin ang panganganinag.  Kapag higit na magiging madungis ang salamin, lalong kulang ang ating pag-aninag ng liwanag ni Kristo sa iba.  Ngunit kung karaniwang pananatilihin nating malinaw ang salamin, ang pag-aaninag nito ay hindi magpapalabo nang kahit papaano.

Kung gayon, paano natin mapananatiling malinis ang mga puso natin?  Subukan itong limang mga hakbang sa Paskong ito para gawing malinis ang mga puso natin upang umaninag ang ilaw ng Sanggol na ito, ang Prinsipe ng Kapayapaan.  Nawa’y mabatid natin Siya sa kuweba, sa mundo, sa mga taong nakapaligid sa atin.

  1. 1. Manalangin para sa malinis na puso

Hilingin sa Diyos na malabanan ang mga tukso ng kasalanan at pagtibayin ang mga kinaugaliang arawing pagdarasal.  Tanggapin Siya nang karapat-dapat sa Yukaristiya upang mapagyaman ka Niya.  “Likhain Mo sa akin ang malinis na puso, O Diyos, at igawad ang tamang diwa sa akin” (Salmo 51:10).

  1. 2. Magsanay ng pagpapakumbaba

Ikaw ay matitisod nang higit pa sa iilang ulit sa iyong banal na lakbayin.  Gawin nang tuwina ang Pangungumpisal at maghanap ng banal na pari para sa banal na pamamatnugot.

  1. 3. Basahin ang mga Ebanghelyo

Ang pagbasa at pagmumuni-muni ng mga Ebanghelyo ay kahanga-hangang mga paraan para sa higit na malalim na pag-unawa at higit na matalik na kaugnayan sa Ating Panginoon.  “Magsilapít kayo sa Diyos, at Siya’y lalapit sa inyo” (Jaime 4:8).

  1. 4. Tanggapin ang liwanag

Tanggapin nang maluwag sa loob at buong pagmamahal ang mga pangaral ni Kristo at ng Kanyang Simbahan, kahit na ito’y mabigat.  Dumalangin para sa liwanag at pag-unawa kapag ikaw ay hindi tiyak sa kinakailangan mula sa iyo.

  1. 5. Layuan ang dilim

Si Santa Madre Teresa ng Calcutta ay minsang isinaad, “Ang mga salitang hindi nagdudulot ng liwanag ni Kristo ay nagdaragdag ng dilim.”  Sa madaling sabi, kung anumang mga pag-uusap o ang medya na tinatangkilik natin na hindi nakapagdadala ng ilaw ni Kristo sa atin, nangangahulugan na ang mga ito’y ginagawa ang salungat.  Sa pagiging makatwiran sa libangan o mga gawi na ikinalulugod natin, tayo’y tunay na umiiwas sa yaong mga hindi nakapagdadala ng ilaw ni Kristo.

'

By: Emily Shaw

More
Oct 17, 2023
Masiyahan Oct 17, 2023

Magkaron ng aktwal na karanasan kung paano magagamit ng Diyos ang mga bagay sa lupa upang ipaalam ang mga bagay sa langi

Nang ako’y lumabas ng aking pintuan para ipasok ang mga basurahan isang araw, napatigil ako sa takot.  May isang sariwang balat ng ahas na nakataklop sa takip ng paagusan sa tabi ng bahay.  Agad akong tumawag sa aking asawa, dahil mayroon akong hindi ayos sa mga ahas.

Nang naging malinaw na kahit na ito ay patay na balat ng ahas, walang mga buhay na ahas sa malapit, nagpahinga ako at nagtanong sa Diyos kung anong aral ang sinusubukan Niyang ituro sa akin noong araw na iyon.

Ano Ang Buong Punto?

Ako ang tinatawag ng mga guro na manhid na mag aaral. Mabilis akong natututo sa pamamagitan ng paggalaw o pakikipag-ugnayan sa mga bagay.  Kamakailan lang, napansin ko na madalas magpakita sa akin ang Diyos sa pamamagitan ng mga materyal na bagay.  Ang banal na sining ng pagtuturong ito ay binanggit pa sa Katesismo ng Simbahang Katoliko.

“Ang Diyos, na lumilikha at nag-aalaga ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ay nagbibigay sa mga tao ng patuloy na katunayan ng Kanyang Sarili sa mga nilikhang katotohanan.” (CCC, 54)

Halimbawa, nagpadala ang Diyos ng umuusok na kalderong apoy at nagniningas na sulo kay Abraham, isang anghel na nakikipagbuno kay Jacob, at isang nagniningas na palumpong kay Moises.  Nagpadala ang Diyos ng kalapati na may dalang sanga ng olibo at pagkatapos ay isang bahaghari kay Noe, ilang hamog kay Gideon, at isang uwak na may dalang tinapay at karne kay Elias.

Ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Jacob, at ang Diyos ni Moises ay ating Diyos din.  Bakit hindi gagamitin ng Diyos ang lahat ng nilikha ang nakikita, nasasalat na bagay sa lupa upang ipaalam ang mga hindi nakikita at hindi nasasalat na mga katotohanan ng Langit?

Isinulat ni Padre Jacques Philippe, “Bilang mga nilalang sa laman at dugo, kailangan natin ang taguyod ng mga materyal na bagay upang makamit ang mga espirituwal na katotohanan.  Alam ito ng Diyos, at ito ang nagpapaliwanag sa buong misteryo ng Pagkakatawang-tao” (Time for God, p. 58).

Ang Diyos ay maaaring magpadala sa atin ng mga pasabi sa pamamagitan ng isang plaka o isang istiker ng bamperr.  Noong nakaraang linggo ang mga salita sa likod ng isang trak na, “patuloy na gumalaw,”ay naging kawili-wili sa akin.  Ipinaalala nila sa akin ang kabatiran ng homiliya na narinig ko noong umagang iyon — na tinawag tayong patuloy na magbahagi ng Ebanghelyo.

Maaaring gamitin din ng Diyos ang kalikasan upang turuan tayo.  Habang namimitas ng mga cherry kamakailan, nagunita ko kung gaano kasagana ang ani, at kakaunti ang mga manggagawa.  Ang mabagyong araw ay maaring makapagpaalala na “tayo ay napapaligidan ng malaking ulap ng mga saksi.” (Hebreo 12:1). Ang isang magandang ibon o napakagandang paglubog ng araw ay maaaring ang paraan ng Diyos upang iangat ang ating lumulundong espirito

Sa tuwing ako ay bukod-tangìng nagugulat sa isang bagay, sinisikap kong tanungin ang Diyos kung anong aral ang itinuturo Niya sa akin.  Isang gabi kamakalawa, halimbawa, habang pinagninilayan ko ang tungkol sa pagbangon para tingnan ang aking anak, isang  kard ng panalangin na nagpaparangal kay Sta.  Si Monica, ang patrona ng mga ina, ay biglang nahulog mula sa aking aparador.  Agad akong bumangon at tiningnan siya.  O ang oras na nagising ako sa dis-oras ng gabi at naramdaman kong tinawag ako na magdasal ng rosaryo sa ngalan ng isang namatay na miyembro ng pamilya at natuwa akong makita ang pinaka-maluwalhatinlg bulalakaw.

Kung minsan nagpapadala ang Diyos ng Kanyang pahatid sa pamamagitan ng ibang tao. Ilang ulit ka nang nakatanggap ng kard, tawag sa telepono, o teks mula sa isang tao na siya mismong kinailangan mo na pampalakas-loob.

Isang tag-araw, habang nagbibisikleta nag-iisip ng posibilidad na ihinto ko ang aking pag-aaral sa Bibliya, nakatagpo ako ng isang kaibigan.  Walang kaabog-abog, binanggit niya ang tunay niyang balak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng Bibliya dahil sa sandaling hintuan ang isang bagay, napakahirap na ipagpatuloy itong muli.

Maaaring gumamit din ang Diyos ng mga konkretong bagay para disiplinahin tayo o tulungan tayong lumago sa ating pagkadisipulo.

Isang umaga nakatuklas ako ng tatlong malalaking pako.  Ang mga ito ay magkakapareho, ngunit natagpuan ko sa tatlong magkakaibang lugar: sa gasolinahan, sa aking daanan at sa kalye.  Sa ikatlong pako, huminto ako at tinanong ang Diyos kung ano ang ibig Niyang sabihin sa akin at natanto kong kailangan ko ng pagsisisi tungkol sa isang bagay sa aking buhay.

Hindi ko malilimutan ang pagkakataon na ako ay lumabas, at agad na dumapo ang isang langaw sa aking mata. Hahayaan kitang gamitin ang iyong imahinasyon para sa aral natutunang aral na iyon.

Pamamaraan Ng Pagkakatuto

Tinuturuan tayo ng Diyos sa lahat ng oras, at tinatanggap Niya ang lahat ng uri ng mga mag-aaral.  Ang mabisa para sa isang tao ay maaaring hindi mabisa para sa iba. May ilan na mas malinaw nilang madidinig ang Diyos sa Misa, ang iba sa Eukaristikong Pagsamba, sa pagbabasa ng Bibliya, o sa kanilang pansariling oras ng panalangin.  Gayunpaman, ang Diyos ay palaging kumikilos at patuloy na nagtuturo sa atin sa pamamagitan ng ating mga iniisip, damdamin, mga imahen, mga sipi ng Banal na Kasulatan, mga tao, guniguni, mga salita ng kaalaman, tugtugin, at bawat kaganapan sa ating panahon.

Personal kong pinahahalagahan kapag ang Diyos ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng pisikal na mga bagay, dahil mas naaalala ko ang aralin sa ganoong paraan.  Nagtataka marahil kayo kung ano ang natutunan ko sa balat ng ahas.  Ipinaalaala nito ang sumusunod na kasulatan: “Ang mga tao ay hindi nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma.  Sa ibang paraan ay nangagpuputok ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat.  Sa halip, isinisilid ang bagong alak sa mga bagong sisidlang balat, at kapwa ay nagsisitagal.” (Mateo 9:17)

Banal na Espirito, tulungan Mo kaming maging mas mulat sa anumang mga aral na itinuturo Mo sa amin ngayon.

'

By: Denise Jasek

More
Oct 17, 2023
Masiyahan Oct 17, 2023

Ang mga tao ay madalas na nagugulat kapag pinaa-alam ko sa kanila na ang pinakamalapit kong kaibigan sa monasteryo ay si Padre Philip, na nangyaring naging 94.  Siya na bilang pinakamatandang monghe ng komunidad, at ako na bilang pinakabata, ay sadyang magkatugma; isa pang kapanalig na monghe ay magiliw na tinutukoy kami bilang “alpa at omega.”  Bilang karagdagan sa aming pagkakalayo ng gulang, mayroong napakaraming kaibhang pumapagitan sa amin.  Si Padre Philip ay naglingkod sa Tanod Baybayin bago pumasok ng monasteryo, nag-aral ng Botanika at wikang Ingles, tumira na sa Roma at Ruwanda, at siya’y matatas sa iba-ibang mga wika.  Sa madaling sabi, siya’y may mga karanasan sa buhay na higit pa sa akin. Sa kabila nito, may ilang mga bagay na pinagbabahaginan namin nang karaniwan: kapwa kami’y katutubo ng California at mga nagsalin-anib mula sa Protestantismo (siya na dating Presbiteryano at ako na dating Baptist).  Ikinalilibang namin nang lubos ang opera, at higit na mahalaga, pinananatili namin ang buhay ng pananalig nang magkasabay.

Likas lamang na mamili ng mga kaibigang nakapamamahagi ng ating karaniwang mga kinawiwilihan.  Ngunit sa ating pagtanda at ang mga kalagayan ng ating mga buhay ay nagbabago, makikita natin ang ating mga sarili na nawawalan ng mga kaibigan habang nakakapagkamit ng mga bago.  Winika ni Aristoteles na lahat ng mga pagkakaibigan ay dapat magbahagi ng isang karaniwang bagay. Ang mga tumatagal na pagkakaibigan ay yaong mga nagbabahaginan ng mga pangmatagalang bagay.  Halimbawa, ang pagkakaibigan ng dalawang mga tabladong manlalangoy ay namamalagi habang mayroong mga alon na masasakyan.  Gayunman, kung walang gumugulong na alon o kapag ang manlalaro sa alon ay napinsala at hindi na makasagwan nang paalis, ang pagkakaibigan ay mangungupas maliban lamang kung makakita sila ng bagong bagay na mapagbabahaginan nila.  Kaya, kung ang mithi natin ay magkaroon ng habang buhay na mga kaibigan, ang susi ay ang makakita ng bagay na maaring maipagbahagi sa panghabangbuhay, o kaya, kawalang-hangganan.

Ang punong pariseyo, si Kaypas, ay pinaratanganan si Hesus ng kalapastanganan nang inulat Niyang Siya ang Anak ng Diyos.  Higit na lapastanganan sa paghayag na ito ay nang sinabi ni Hesus sa Kanyang mga alagad, “Kayo ay aking mga kaibigan.”  Sapagka’t ano ang maaaring magkaroon ang Anak ng Diyos na karaniwan sa mga mangingisda, isang mambubuwis, at isang panatiko?  Ano ang maaaring magkaroon ang Diyos na may pagkatulad sa atin?  Siya’y labis na matanda kaysa sa atin.  Siya’y may higit na karanasan sa buhay.  Siya ay kapwa Alpa at Omega.  Anuman ang ating karaniwang ipinamamahagi ay dapat na nabigay Niya sa atin sa unang lagay.  Kabilang sa dami ng mga biyayang ibinabahagi Niya sa atin, ang Kasulatan ay malinaw tungkol sa bagay na tumatagal nang pinakamahaba: “Ang Kanyang matimtimang pag-ibig ay nagtatagal nang magpasawalang-hanggan.”  “Ang pag-ibig… ay napagtitiisan ang lahat ng mga bagay.”  “Ang pag-ibig ay walang katapusan.”  Lumalabas na, ang pakikipagkaibigan sa Diyos ay napakadali.  Ang dapat lamang natin na gawin ay “umibig dahil inibig Niya muna tayo.”

'

By: Brother John Baptist Santa Ana, O.S.B.

More
Jul 27, 2023
Masiyahan Jul 27, 2023

“Tayong lahat na gaya ng mga tupa ay naligaw; tayong lahat ay lumiko sa ating sariling daan…” (Isaias 53:6).

Ang aking kasalukuyang sasakyan ay may sistema ng senyales ng babala kapag nawawala sa tamang linya. Sa tuwing nawawala ako sa aking itinalagang daan habang nagmamaneho, ang sasakyan ay nagbibigay sa akin ng senyales ng babala.

Ito ay nakakainis noong una, ngunit ngayon ay pinahahalagahan ko ito. Ang aking lumang kotse ay walang ganoong makabagong teknolohiya. Hindi ko napagtanto kung gaano ako kadalas na naanod sa labas ng hangganan habang nagmamaneho.

Sa nakalipas na ilang buwan, nagsimula akong lumahok sa sakramento ng pagkakasundo (Kumpisal). Sa loob ng mga dekada, hindi ko pinansin ang gawaing ito.

Pakiramdam ko ay isang pag-aaksaya lamang ng oras ito. Naisip ko sa aking sarili: Bakit kailangang ipagtapat ng isang tao ang kanyang mga kasalanan sa isang pari kung maaari silang makipag-usap nang direkta sa Diyos? Ang regular na pagsusuri sa iyong budhi ay hindi komportable. Ang pag-amin ng iyong mga kasalanan, nang malakas, ay nakakahiya. Ngunit ang alternatibo ay mas masahol pa. Ito ay tulad ng pagtanggi na tumingin sa salamin sa loob ng maraming taon. Maaaring mayroon kang lahat ng uri ng mga bagay na nakadikit sa iyong mukha, ngunit nagpapatuloy ka sa ilalim ng maling impresyon na mukhang maayos ka.

Sa mga araw na ito, sinusubukan kong pumunta sa Kumpisalan linggu-linggo. Naglalaan ako ng oras para sa pagmumuni-muni sa sarili at sa pagsusuri ng aking budhi. May napansin akong pagbabago sa loob ko. Ngayon, habang nagdadaan ang bawat araw ko, muling naging aktibo ang aking panloob na sistema ng babala. Sa tuwing naliligaw ako sa landas ng kabutihan sa pamamagitan ng walang patutunguhan na pagsusumikap at walang katapusang mga hangarin, ang aking konsensya ay nagbibigay sa akin ng hudyat. Ito ay nagpapahintulot sa akin na bumalik sa kurso bago ako tuluyang malihis nang napakalayo papunta sa mapanganib na sona.

“Sapagka’t kayo’y naliligaw na parang mga tupa, ngunit ngayon ay nagsibalik na kayo sa pastol at tagapag-alaga ng inyong mga kaluluwa.” (1 Pedro 2:25)

Ang sakramento ng pakikipagkasundo ay isang regalo na matagal ko nang binalewala. Para akong isang tupang naligaw. Ngunit ngayon ay bumaling ako sa aking Pastol, ang Tagapangalaga ng aking kaluluwa. Sinusuri Niya ang aking espiritu kapag naliligaw ako. Idinidirekta Niya akong muli sa landas ng kabutihan at kaligtasan.

'

By: Nisha Peters

More
Jul 27, 2023
Masiyahan Jul 27, 2023

Kapag ang iyong kaluluwa ay napapagal at hindi mo alam upang mapanatag ang isip mo…

Maaaring ikaw ay may kaalaman na sa kung paano itinanong nang minsan ni San Francisco de Asis: “Sino Ikaw, Panginoong aking Diyos, at sino ako?” Itinaas niya ang kanyang mga kamay sa pag- aalay at mula sa mga ito’y umalsa ang isang ginintuang bola nang isinaad niya, “Panginoong Diyos ako’y walang saysay, ngunit ang lahat ng ito’y sa Iyo.”

Itong salaysay ay unang narinig ko noong kami ay naatasang pagmuni-munihan ang katulad na tanong: Sino Ikaw, Panginoong aking Diyos, at sino ako? Sa kapilya, sa harap ng Banal na Sakramento, ako’y lumuhod at idinalangin yaong dasal.

Ipinakita sa akin ng Diyos kung sino ako, sa pamamagitan ng nakabalot nang sapin-sapin na lumang bendang pumapaikot sa sugat na pinatuyuan at pinatigas ng dugo. Sa mga nagdaang taon, napaligiran ko ang aking puso ng mga panghadlang upang pangalagaan ito. Sa loob ng kapilya, napagtanto ko na hindi ko mapapagaling ang aking sarili; kinailangan ko ang Diyos na saklolohan ako. Ako’y humiyaw sa Kanya: “Ako ay walang ginintuang bola, may sugatang puso lamang ako!” Nadama ko ang Diyos na tumugon: “Minamahal Kong anak, yaon AY ang ginintuang bola, ito’y Aking tatanggapin.

Habang luhaan, ipinahiwatig kong hinihila ang puso ko palabas ng aking dibdib, at Itinaas ang mga kamay ko sa pag-aalay na nagsasabing, “Panginoong Diyos, ako’y walang kabuluhan, at ang lahat ng ito ay sa Iyo.” Ako’y nagapi ng Kanyang pag-iral, at nalaman kong ako’y nalunasan nang lubos sa pagkaalipin na sumupil sa akin sa tanang buhay ko. Sa dingding na malapit sa akin, napansin ko ang isang tularan ng Pagbabalik ng Isang Mapagwaldas na Anak ni Rembrandt at kaagad kong nadama na ang aking Ama ay natanggap ako sa pag-uwi. Ako ang mapagwaldas na anak na bumalik sa pagdaralita at pangangamba, na walang karapatan at nagsisisi, na masuyong tinanggap Niya bilang Kanyang anak.

Madalas, ang ating makamundong pag-unawa ng pag-ibig ay nagbibigay-takda sa ating pag- unawa ng ano ang magagawa ng Diyos para sa atin. Ang pag-ibig ng tao, bagama’t may mabuting layon, ay napasusubali. Ang pag-ibig ng Diyos ay walang maliw at maparangya! Ang kabutihang-loob ng Diyos ay hindi mahihigitan kailanman. Hindi Niya mapagkakait ang Kanyang pagmamahal.

Ang pagmamataas o takot ay nauudyok tayong ihandog sa Diyos ang pinakamainam ng ating sarili, na hinahadlangan Siya upang maipagbago Niya ang mga bahagi na ating pinawawalan ng halaga. Upang makamit ang Kanyang paghilom, dapat nating isuko ang lahat sa Kanya, at tulutan Siyang magpasya kung paano Niya tayo maisasahugis nang muli. Ang paghilom ng Diyos ay hindi akalain. Kinakailangan nito ang lubusang pagtitiwala. Kaya, tayo ay dapat na makinig sa Diyos na nagnanais na magdulot ng pinakamabuti para sa atin. Ang pakikinig sa Diyos ay nagsisimula kapag ihinahabilin natin ang lahat sa Kanya. Sa paglalagay natin sa Diyos bilang una sa ating mga buhay, tayo’y nagsisimula na makipagtulungan sa Kanya. Nais ng Diyos ang kabuuhan ng ating mga sarili—ang mabuti, ang masama, at ang hindi kanais-nais pagka’t nais Niyang maipagbago itong mga madidilim na dako sa pamamagitan ng Kanyang nakapaghihilom na liwanag. Ang Diyos ay matiyagang naghihintay para sa atin upang makita Niya sa atin ang kamuntian o kabiguan.

Tayo’y magsitakbuhan sa Diyos at yakapin Siya tulad ng nawawalang mga bata na nagsi-uwi sa kanilang Ama, naniniwalang tayo’y tatanggapin Niya nang may bukas na mga bisig. Tayo’y makapagdarasal tulad ni San Francisco: “Panginoong Diyos, ako’y walang saysay, at ang lahat ng ito’y sa Iyo” nananalig na tayo’y lulubusin Niya ng apoy na nakapagbabagong-anyo at tutugon: “Ito’y Aking tatanggaping lahat, at gagawin kitang lubusang bago.”

'

By: Fiona McKenna

More