Home/Makatawag ng Pansin/Article

Apr 21, 2022 959 0 Father John Harris OP
Makatawag ng Pansin

ANO ANG NAGBIBIGAY BUHAY SA ATIN NG LUBOS

Oras na para gumising, magpakita at magliwanag!

Pinayuhan tayong lahat ni San Pope John Paul II na buksan ang pinto ng ating puso kay Kristo. Inaanyayahan niya tayo na maranasan ang mabungang pamumuhay sa piling ng Diyos. Ngunit sa mundo ngayon, ang ideya ng pagkakaroon ng Diyos sa iyong buhay ay parang isang parusa. Para sa mundo ang biblikal na imahe ng Diyos bilang isang tagapagpalaya, kung sinong nagpapalaya sa atin, ay binabaluktot ito sa isang imahe ng isang taong laban sa ating kalayaan, sa ating kasiyahan at pag-asa. Ngunit iyon ay ganap na kabaluktutan.

Para maging ganap na tao at maging ganap na buhay ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng Diyos sa ating buhay. Kapag ang Diyos ay nasa ating buhay, nararanasan natin ang mga bunga ng Kanyang presensiya—ang mga bunga ng kapayapaan, pag-ibig, kagalakan, kahinahunan, at kabaitan—ang lahat ng ito ay ginagawa tayong maging ganap na tao at buhay.

Ang Daan para Mabuhay

Sinabi ni Hesus, “Ako ay naparito upang kayo ay magkaroon ng buhay at magkaroon nito nang lubos.” Kadalasan sa aking paglalakbay kasama ang mga nakababata, nakikita ko ang hirap na nararanasan nila sa kanilang buhay. Nagsusumikap silang makapasok sa kolehiyo o unibersidad, o makahanap ng karera. Mayroon silang kaunting oras upang mamuhay. Ang buhay ay nagiging proseso sa pagkuha ng mga bagay at pagkakaroon ng mga bagay. Ang buhay ay nagiging tungkol sa pagiging nasa ibang lugar. Iyan ay hindi paraan ng pamumuhay ng iyong buhay.

Ang paraan para ipamuhay ang iyong buhay ay ang anyayahan ang Diyos sa gitna ng iyong buhay at hayaan Siya na tulungan kang maging totoong tunay na ikaw. Ginawa tayo ng Diyos upang maging lubos na tao at nalulugod Siya sa ating sangkatauhan. Hindi inaasahan ng Diyos na tayo ay maging mga espiritu o mga anghel. Si Hesus ay dumating sa ating mundo na wasak, puno ng mga makasalanan, mga taong may karamdaman; isang mundo na nangangailangan ng Diyos, nangangailangan ng pag-ibig, kapayapaan, at kagalakan. At ang katotohanan ay hindi natin makakamtan ang mga bagay na iyon kung wala ang Diyos sa ating buhay. Imposibleng isipin ko ang buhay ko nang walang Diyos.

Hindi inaasahang Tawag

Minsan ay kinontak ako ng isang babae na nagtatanong kung puwedeng pumunta ako at samahan ang kanyang asawa na nasa ospital. Tawagin natin siyang Peter. Nag-aalala siya tungkol sa kung ano ang magiging reaksyon nito sa balita na ang mga resulta ng kanyang pagsusuri ay nagpapahiwatig na mayroon na lamang siyang ilang buwan upang mabuhay.

Pumunta ako kay Peter. Habang nakaupo kami at nagdadasal, pumasok ang doktor. Ibinahagi niya ang katakut-takot na balita at nagkaroon ng katahimikan. Nanalangin ako nang taimtim para makasama natin ang Diyos sa sandaling ito. Tumingin sa akin si Pedro at nagtanong, “Father, hindi ba kasama dito ang Diyos?”

“Siyempre kasama siya dito,” sabi ko.

“Kung ganon…” sabi niya, “Kung ang Diyos ay kasama dito, kaya kong harapin ito.” Nang si Jesus ay nagkatawang tao at pumasok sa realidad ng ating mundo, naranasan Niya ang mga kagalakan at pagsubok ng pagiging tao. Napunta siya sa maraming mahihirap na lugar na pinupuntahan nating lahat sa buhay. Kaya kahit saan tayo pumunta, nandiyan si Jesus nasa unahan natin. Naunawaan ito ni Peter. Alam niyang naroon si Jesus at sinasamahan siya. Anuman ang kanyang pagdadaanan, maging ang kamatayan, si Hesus ay kasama niya. Mauunawaan ni Jesus ang kanyang pagsubok dahil pinagdaanan Niya ang pinaka-malubha sa hardin ng Getsemani.

Ang Dakilang Transisyon

Sinabi sa akin ni Pedro na mabubuhay siya sa kanyang mga huling buwan, sa kanyang mga huling linggo kasama si Jesus, ang kanyang asawa, at ang kanyang mga anak. Tila nang harapin niya ang kamatayan, hinarap niya ang buhay. Kumbinsido na si Jesus ay nasa tabi niya, sinabi niya, “Maaari na akong mabuhay sa buhay na ito, maaari na akong mabuhay nang may karamdaman, maaari na akong mabuhay nang may pagbabala, maaari na akong mamuhay kasama ang aking pamilya.”

Pumasok kami ng asawa niya sa kwarto ni Peter nang araw na iyon na nag-aalala kung paano namin siya tutulungan. Ngunit sa huli, siya pa ang tumulong sa amin sa pamamagitan ng pagpapakita sa amin kung paano mamuhay, pahalagahan ang buhay, at para malaman na kung nasaan man si Jesus, naroon ang kalubusan ng buhay. Walang anuman sa ating buhay na hindi mahihipo ni Hesus. Walang lugar na maaari nating puntahan, maging ang ating mga tukso at ating mga kahinaan, kung saan hindi lalakad si Jesus sa tabi natin, dahil pinagdaanan din Niya ito. Kapag tahimik kang nakaupo at nagtataka, “May nakakarinig ba sa aking iniisip? May nakakakita ba sa luha ko? Mayroon bang nakakaunawa sa akin at kung ano ang sinusubukan kong makamit sa buhay?” nakatitiyak na: ang sagot ay oo. May taong nakakaintindi at nagmamalasakit sayo.

Ginawa upang Tamasahin

Ang iyong mga luha ay hindi nabalewala; ang iyong kalungkutan ay hindi nakalimutan. Mayroong isang mahusay na parirala sa Aklat ng Genesis. Pagkatapos likhain si Adan, sinabi ng Diyos, “Hindi mabuti na ang tao ay mag-isa” (Genesis 1:18). Ang tinutukoy ng Diyos ay ang pangangailangang humanap ng makakasama ni Adan. Ngunit sa palagay ko, mas malalim din ang sinasabi Niya. ang sinasabi Niya—ay ang pangangailangan natin ng presensya ng Diyos sa ating sariling buhay. Nais ng Diyos na kasama sa iyong buhay, at hindi mabuti na mag-isa ang lalaki o babae o bata. Ginawa tayo para sa komunyon. Ginawa tayo para sa pagkakaibigan. Ginawa tayo para tamasahin ang buhay na magkakasama.

Si Santa Teresa ng Avila ay nagkaroon ng isang pangitain ng impiyerno kung saan nakita niya ang mga lalaking nakaupong mag-isa sa kanilang sariling mga pribadong selda sa bilangguan, sila ay mga nakatalikod sa pintuan, ang kanilang mga ulo nasa kanilang mga kamay, iniisip ang kanilang sarili at labis na malungkot. Hindi tayo nilikha ng Diyos para mag-isa at maging malungkot. Ginawa Niya tayo para sa pakikipag-isa sa isa’t isa at sa panimula para sa Kanyang sarili. Maaari lamang tayong maging ganap na tao kung alam nating mahal tayo. Hindi natin mahahanap ang Diyos sa pamamagitan ng paglalakbay sa pinakamataas na bundok o pinakamababang dagat. Dapat natin Siyang matagpuan sa ating sariling mga kaluluwa, sa ating sariling mga puso. At kapag nakita natin Siya doon, matutuklasan natin na Siya ay dumating na dala dala ang kagalakan at kapayapaan. Dumating si Jesus upang tumayong kasama natin sa gitna mismo ng ating buhay. Siya ay dumarating sa panahon ng pagdadalamhati, pangangailangan at kahirapan ng ating buhay. Ang kailangan lang nating gawin ay sabihin,

Panginoon nasaan man ako at kung ano man ang nangyayari sa buhay ko, nais kong makasama Ka. Hinihiling ko na ang Iyong presensya at ang kapangyarihan ng Espiritu sa akin ay gawing maging mabunga ang aking buhay. Gusto kong mabuhay nang lubusan. Dahil kabuuan ng buhay ang gusto Mo para sa akin. Amen.”

Share:

Father John Harris OP

Father John Harris OP is the Prior Provincial of the Irish Province of the Dominicans.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles