Home/Masiyahan/Article

Sep 01, 2021 833 0 Joan Harniman
Masiyahan

ANG PINAKADAKILANG ARAL

Sino ang nais matuto sa isang kaaway? Papaanong ang paghihirap ay siyang maging isang guro — simula sa paglaho ng pangkaraniwang kalayaan, gaya ng makalabas ng bahay, hanggang sa nakakapanlumong pagpanaw ng buhay?

Maaari bang matawag na ‘Makamundong Hiwaga’ ang Banal na Misa?  Ang Katolikong oxymoron na ito ay maaaring magsalarawan ng magandang sakramento ng Yukaristiya. Kunsabagay, maaari nating matanggap ang Ating  Nabuhay na magmuling Panginoon araw-araw sa sakramento. Ang mga Katoliko na nasa pinagpalang kalagayan ay maaaring makatanggap nitong di-pangkaraniwang handog sa pamamagitan ng pagtanggap ng Komunyon, matapos ang isang oras na pag-aayuno.  Hind tiket  o anumang katibayan ang  kinakailangan kundi ang ating malinis na budhi na nagsasaad na tayo ay malaya sa mabigat na kasalanan. Sa gayon, ang himala ng pagbibigay-handog ng Kanyang Sarili ay matanggap ng sangkalupaan. Pagkatapos, pumasok ang Covid-19 sa ating mundo.

Sa iyong guni-guni, naisip mo bang mag-atas ang pamahalaan na magsara ang mga simbahan? Na walang misang magaganap sa araw ng Linggo kasama na ang pang-araw-araw na misa? Ngunit salamat sa Diyos, dahil sa teknolohiya ay nagawan ng paraan ng mga magiting na mga pari na maidaos ang mga misa sa pamamagitan ng internet. Naging banal na puwang ang aking hapag kainan kung saan nadidinig ko ang Salita ng Diyos mula sa aking telepono. Ang mga pari ay nakapaghatid ng kanilang homiliya, at nakapag-alay ng tinapay at alak upang maging Katawan at Dugo ni Jesus, at napahintulutan tayong espiritwal na matanggap ang lahat nito  sa ating sariling mga tahanan.

Ngunit ang mga araw ay naging buwan, at sumibol ang isang pagkagutom. Iyon ay ang di-mapawing pananabik na makatanggap ng sakramento ng Yukaristiya na hindi matugunan. Sa kauna-unahang pagkakataon sa aking buhay, at siguradong sa iyo din, nabatid natin ang ibinunga ng kawalan ng Eukaristiya. Ang pangkaraniwang himala ay naging himalang ipinagkait.

Sarado man ang mga restoran, pinayagan ang pag-order ng take-out, at sa ilalim ng mahigpit na mga alituntunin ng estado, unti-unting pinayagan ang magkainan sa loob ng restoran. At mas nakakahanga pa, ang pang-araw-araw at pang-Linggong Misa ay ibinalik, sa kondisyong ang mga nagsisimba ay nakamaskara at may sapat na pagitan sa bawat isa habang nasa loob ng simbahan. Ang kawalan ng pagtanggap sa sakramento ng Yukaristiya sa loob ng walumpu’t-walong araw ay nagdulot sa akin ng matinding pagkagutom sa ating Nabuhay na Panginoon. Kasama ng madami pang iba, tinanggap ko ang Eukaristiya na may luha sa mata at isang pananabik na sa wakas ay natugunan din. Malaki ang pasasalamat ko na muli kong nakasama ang aking mahal na Kaibigan na nagbuwis ng Kanyang buhay para sa akin. Ang mahabang panahon ng aming pagkakalayo ay napawi ng ilang maikling sandali ng pagmumuni-muni sa pag-alay ng Kanyang Sarili sa akin sa Eukaristiya.

At napagtanto ko ang pinakadakilang aral mula sa Covid-19: ang Yukaristiya ang pinakadakilang take-out na pagkain. Lubos na tinanggap at kinain, napunan ng Yukaristiya ang isang pusong gutom. Itong take-out na pagkaing ito ay inilaan para ihatid. Dalangin ko sa Diyos na ibibigay ko Siya sa iba ayon sa pag-udyok Nya sa akin. Ang paraang ito ay maaaring gawin paulit-ulit: taanggapin, kunin, at ihatid sa ating gutom at  maralitang mundo.

Matapos mabigay ng pari ang katapusang pagbasbas, tayo ay maari nang humayo.  May pagwawasto. Tayo ay handa na sa ngalan ng Diyos – handa at kayang makapaghatid ng pinakamahusay na take-out na pagkain. Kaya’t maging handa kang makapaghatid ng ngiti, ng magiliw na salita, ng pagkain, ng kaginhawahan, at taos-pusong pagtulong. Igagabay Nya tayo sa dapat patunguhan ng ‘special delivery’. Nakakaaliw isipin na may natututunan tayo sa mga di-pangkaraniwang pangyayari sa ating buhay.  Dili naman kaya, sa karimlan ng buhay, pilit nating hinahanap ang liwanag at tinatanglawan Nya tayo ng Kanyang pang-unawa.

Share:

Joan Harniman

Joan Harniman is a retired teacher. She has co-authored two books of Biblical plays, skits, and songs, and has published articles in Catechist and teacher magazines, as well as Celebrate Life magazine. She lives in New York with her husband, children, and five grandchildren.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles