Home/Makatagpo/Article

Jan 24, 2024 526 0 Suja Vithayathil, India
Makatagpo

Ang Oras mo ay Nalalapit na

Natatakot ka ba sa kamatayan? Ako man dati, hanggang sa madinig ko ang PhD na ito

Nang bata pa, madalas kong mapansin na tila nakakaasiwang dumalo sa mga libing.  Nagiging balisa ako na mag-isip sa matinding kalungkutan na bumabalot sa nagdadalamhating mga miyembro ng pamilya.  Ngunit sa pandemya, ang balita ng mga kapitbahay, kamag-anak, parokyano, at mga kaibigan na nangamatay ay nagtulak sa akin na gumawa ng 180-degree na pagbabago sa aking pananaw sa kamatayan.  Ang kamatayan ay mukhang di gaanong nakakatakot  sa mga panahong ito.  Ngayon, para itong masayang pagbalik sa bahay ng Ama matapos magawa ang Kanyang kagustuhan sa lupa.

Ang tuluy-tuloy na pagtaas ng mga libing sa You Tube buhay na p g daloy kahit paano ay naging nakapagpapatibay na karanasan para sa akin.  Ito ay nakatulong  sa akin na maunawaan kung paanong napakawalang katiyakan ang buhay.  “Walang mas tiyak kaysa sa kamatayan, ngunit walang mas hindi tiyak kaysa sa oras ng kamatayan.” Samakatuwid, dapat tayong maging handa dahil ang kamatayan ay dadating tulad ng isang magnanakaw sa gabi. Si San Gregorio ay naglalahad na para sa ating kabutihan, itinatago sa atin ng Diyos ang oras ng ating kamatayan, nang sa gayon, tayo ay maging handa sa kamatayan.

Kamakailan, habang pinaglilinayan ang pitong huling salita ni Hesus, nakinig ako sa isang mananalita na nangusap tungkol sa kahalagahan ng pagtamo ng isang “PhD,” na walang iba kundi ang “Paghahanda para sa Isang Maligayang Kamatayan”.  Sa mas malalim na pananaliksik nito, natagpuan ko ang isang aklat na sinulat ni San Alphonsus Ligouri na pinamagatang Paghahanda sa Kamatayan.  Ito ay isang dapat-mabasa ng sinumang nagsusumikap na mamuhay ng isang buhay Kristiyano. Napagtanto ko dito ang karupukan ng buhay sa lupa at kung paano tayo dapat magsikap na mabuhay para sa langit. Nais kong magbahagi ng ilang mahahalagang kabatiran na nagpabago sa aking pangkalahatang pananaw tungkol sa buhay at kamatayan.

Lahat Ng Makamundong Kaluwalhatian Sa Ating Buhay Ay Maglalaho

Sa oras ng kamatayan, ang lahat ng palakpakan, libangan, at karangyaan ay nawawalang parang ambon.  Ang mga makamundong pagbubunyi ay nawawalan ng lahat ng kanilang ningning kapag sila ay binalikang-aral mula sa higaan ng kamatayan ng isang tao.  Wala tayong makita kundi usok, alikabok, kapalaluan, at dalita.  Kung kaya, iwasan natin ang paghahabol sa mga makamundong titulo, nang makamit natin ang walang hanggang korona.  Ang oras na taglay natin ay napakaikli upang sayangin sa mga makamundong kapalaluan.

Laging Pinagdidilihan Ng Mga Santo Ang Kamatayan

Pinag-ingatan ni San Charles Borromeo ang isang bungo sa ibanaw ng kanyang mesa upang mapagnilay -nilayan niya ang kamatayan.  Ang Banal na Juvenal Ancina ay may kasabihan na nakasulat sa isang bungo na “Kung ano ka ngayon, gayon ako nuon, kung ano ako ngayon, ikaw ay magkakagayon”.  Ang kagalang-galang na Caesar Baronius ay may mga salitang, “Alalahanin ang kamatayan!” sa kanyang singsing.

Ang Tunay Na Kahulugan Ng ‘ Pag-aaruga-Sa-Sarili’

Ang pag-aaruga-sa-sarili ay hindi tungkol sa pagpapalayaw sa ating sarili ng iba’t ibang kakanin, pananamit, libangan, at senswal na kasiyahan ng mundo!  Ang tunay na pagmamahal sa katawan ay binubuo ng pagpapahalaga nito nang may paghihigpit, sa pagbabawal dito ng lahat ng kaaliwan na maaaring humantong sa walang hanggang kalungkutan at dalita.

Dalawin Natin Nang Madalas Ang Libingan

Dapat tayong magtungo doon hindi lamang upang ipagdasal ang mga yumao, kundi gaya ng sabi ni San Krisostomo: “Dapat tayong magtungo sa libingan upang pagnilayan ang alikabok, abo, uod…at magbuntong- hininga.”

Ang bangkay ay nagiging dilaw muna, at pagkatapos itim.  Pagkatapos ang katawan ay natatakpan ng isang puti, nakakarimarim na amag.  Saka nito, bumubuo ito ng madikit na putik, na umaakit sa mga uod na kumakain sa laman.  Matapos ubusin ang lahat ng laman, ang mga uod ay maglalamunán sa isa’t isa.  Sa bandang huli, walang natitira kundi isang maamoy na kalansay, na sa paglipas ng panahon ay nagkakapira- piraso.  Masdan mo kung ano ang tao: siya ay isang maliit na alabok sa giikan, na tinatangay ng hangin.

Ang Bukas Na Iyon Para Magkumpisal Ay Baka Hindi Na Dumating

Paano kung ngayon na ang huling araw ko sa mundo?  Kung nakagawa ako ng kasalanan ngayon at magpasiya na makipagkasundo sa Diyos bukas, ano ang mangyayari sa akin sa kawalang-hanggan?  Gaano kadaming mga aba, yumaong kaluluwa ang maaaring dumaan sa gayong mga nakapanghihinayang na yugto?b Minsan ay sinabi ni San Camillus de Lellis, “Kung ang lahat nitong mga patay na katawan ay mangagsibuhay na muli, ano ang hindi nila gagawin upang magkaroon ng buhay na walang hanggan?”  Ikaw at ako ay may pagkakataong makagawa ng mga pagbabago.  Ano ang ginagawa natin para sa ating mga kaluluwa?

Ang ating kasalukuyang buhay ay isang patuloy na pakikidigma sa impiyerno kung saan tayo ay palaging nasa panganib na mawala ang ating mga kaluluwa.  Paano kung nasa punto na tayo ng kamatayan ngayon?  Hindi ba natin hihilingin sa Diyos na bigyan tayo ng isa pang buwan o isang linggo upang maging malinaw ang ating budhi sa Kanyang paningin?  Ngunit dahil sa Kanyang dakilang awa, binibigyan tayo ng Diyos ng panahong iyon NGAYON. Magpasalamat tayo sa Kanya, sikaping matubos ang mga kasalanang nagawa, at magamit ang lahat ng paraan upang matagpuang nasa estado ng biyaya.  Kapag dumating si Ate Kamatayan, wala nang panahon para tubusin ang mga nakaraang kasalanan, dahil dadating siyang umaawit– “Magmadali, halos oras na ngayong lisanin ang mundo; magmadali, kung ano ang nagawa, nagawa na.”

Share:

Suja Vithayathil

Suja Vithayathil works as a high school teacher in India, where she lives with her parents.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles