Home/Masiyahan/Article

Sep 09, 2021 708 0 Margaret Ann Stimatz
Masiyahan

ANG AKING PANGUNAHING TAO

Plastik? Balot ng Alikabok? Hindi ang Taong Ito

Ang Kakaibang Pahiwatig

Minsan kong inakala na ang mga Santo ay plastik at nababalot ng alikabok, tulad ng napakaraming mga lumang estatuwa na nakita ko. Ano ang maaaring alam nila o pagpapahalaga sa akin at sa aking mundo? Ngunit sa paglipas ng panahon, naramdaman ko na may malalim na ipinapahiwatig si San Jose at tinatawag ang aking pansin. Wala akong ideya kung bakit. Ngunit ang pahiwatig na ito ay hindi nawala. Kung minsan ako ay lumuluhod sa harap ng kanyang rebulto sa simbahan at nakikipag-usap sandali, katulad ng “Hello Jose, hindi ko po kayo kilala. Nais mo ba talaga ang aking pansin?” Wala akong narinig na mga sagot. Ngunit hindi pa rin maalis ang pakiramdam ko na nais niyang makipag-ugnayan.

Ako ay walang asawa at walang kakayahan sa pagkukumpuni ng mga may depektong-gawa sa makina o makabagong mga gamit-na madalas sa pakiramdam ko ako’y bigo sa mga ganitong pagkakataon. Bilang pagsubok, sinimulan kong humingi ng tulong kay San Jose sa mga sitwasyong ganito at napansin kong tila tumutugon siya sa iba’t-ibang pamamaraan. Ako ay napahanga. Makalipas ang ilang taon, napatunayan ko na talagang siya ay nasa panig ko. Nakangiti kong sinabi sa aking mga kaibigan, “Siya ang pangunahing tao ko!”Si San Jose ay nagpatuloy sa pangangalaga sa akin malaki man o maliit na mga bagay. Ngunit kamakailan ako ay prinuteksyonan niya bago ko pa man ito hingin at hindi ko alam na kinakailangan ko ito.

Ang aking kaibigan na si Kathy ay nag-iwan ng isang mensahe na nakikiusap upang gampanan ko ang oras ng kanyang pagsamba sa susunod na araw. Dahil sa kawalan ng oras sa pagsagot sa kanya, ako ay tumuloy na lang sa pagsamba para sa kanya kinabukasan. Hindi inaasahan, ako ay pumarada sa paradahan ng mga sasakyan kung saan ako ay hindi karaniwang pumaparada-sa dulo ng hilaga imbes na sa timog ng napakalaking paradahan. Sa simbahan, habang ako ay papaluhod na sa luhuran, nakita ko ang kaibigan kong si Andy na padaan. Lumapit siya at ibinulong na ang gulong sa gilid ng aking sasakyan sa banda ng nagmamaneho-ay walang hangin at patag na ang gulong. Nagulat ako, ngunit nagpasalamat ako kay Andy, mabilis na nanalangin kay San Jose na siya na ang bahala, at alisin sa isip niya ang tungkol sa gulong ng sasakyan. Habang tinatapos ko ang oras ng pagsamba, si Andy ay biglang nagpakitang muli at sa tono ng kanyang boses ay binalaan ako na hindi dapat patakbuhin ang sasakyan habang ang gulong ay walang hangin. Sinabi ni Andy na may gamit siya para makargahan ng hangin ang gulong at magmamadaling kunin ito. Babalik ako sa loob ng 10 minuto.”

Sa paghihintay ko kay Andy sa kanyang pagbalik, napadaan ang isang kaibigan. Naisip naming dalawa na hindi naman mukhang masyadong naubos ang hangin ng gulong at siguro wala namang masamang mangyayari kung imamaneho ko ang sasakyan sa pagawaan ng gulong na may layong 2 milya. Ngunit wala naman akong paraan kung paano ko makakausap si Andy at hindi rin ako makaalis dahil sinadya pa niyang kunin ang kanyang gamit para matulungan ako. Isa pa, naisip ko na magaling si Andy sa mga sasakyan. Mas may alam siya sa sasakyan kaysa sa akin. Tama talagang hindi ko minaneho ang sasakyan, dahil ng ikabit ni Andy ang kanyang gamit sa gulong para malaman ang presyon ng hangin, nagrehistro sa 6 na libra lamang na ang dapat at tamang presyon ay 30-35 libras. Maaaring sumabog ang gulong ko kung minaneho ko ito. Naku Po! Habang kinakargahan ni Andy ng hangin ang gulong, nabanggit ko na nandoon ako sa simbahan dahil sa pakiusap ni Kathy. Nagulat ako, dahil nandoon din siya dahil sa pakiusap ni Kathy! Sa palagay ko ng hindi ako nakasagot kay Kathy pinakiusapan din niya si Andy para humalili sa kanya sa oras ng pagsamba. Sinong mag-aakala na pareho kaming darating?

Isang Makalangit na Plano?

Sa pagawaan ng gulong isang pako ang naalis at naayos ito ng walang bayad. Habang ako ay nagmamaneho pauwi nagpasalamat ako sa Diyos sa pangangalaga niya sa akin, sumagi sa isip ko si San Jose. Nag umpisang sumagi sa isipan ko ang mga katanungan: Bahagi kaya si San Jose sa makalangit na plano para ako ay maproteksyunan sa araw na iyon… o para maprotektahan ako mula sa maaaring pagsabog nuong isang linggo habang nagmamaneho ako sa highway?

Pareho kaming dumating ni Andy sa pagsamba at ako ay pumarada sa hilagang bahagi ng paradahan ng araw na iyon, samantalang kadalasan ay sa bandang timog ako pumaparada. Sa laki ng paradahang ito si Andy, na may magaling na paningin tulad ng mekaniko, nangyaring huminto at pumarada sa tabi ng aking sasakyan na kung saan na madali niyang nakita ang walang hangin kong gulong.

Ang lahat ba ng ito ay pagkakataon lamang? Hindi ko alam ang bahaging ito ng langit. Ngunit ang alam kong sigurado ang mga Santo ay hindi malalayo at kung minsan sila ay nasasangkot sa ating mga nakatutuwa o nakaiinis na mga pangyayari sa ating buhay, maliit at malaki mang bagay. At kung minsan-kahit hindi tayo humingi-ng tulong ang kanilang mga makalangit na bakas hindi man nakikita ay lumilitaw sa pinaka kailangan mong pagkakataon. Alam ko si San Jose ay hindi plastik, at hindi karaniwan. Ang makapangyarihang nilalang na ito na may makalangit na impluwensiya ay paulit-ulit na pinatunayan sa akin na siya ang nasa aking likuran. Hindi lang niya ako tinutulungan sa mga daang nakaliligaw, ginagabayan pa niya ako sa tamang daan tuwing ako ay humihingi ng tulong anumang oras, ngunit kung minsan pinalalawak pa niya ang kanyang maagap na pangangalaga kahit hindi ko alam na kailangan ko pala ito.

O San Jose na may napakadakilang proteksiyon, napakalakas, nakatalaga sa harap ng Trono ng Diyos, inilalagay ko sa iyo ang lahat ng aking mga interes, at kagustuhan. Tulungan mo ako sa malakas mong pamamagitan na alamin kong lagi ang banal na kalooban ng Diyos. Lagi kang maging aking tagapagtanggol at aking gabay sa daan patungo sa kaligtasan.

Amen!

Share:

Margaret Ann Stimatz

Margaret Ann Stimatz is a retired therapist currently working to publish her first book “Honey from the Rock: A Forty Day Retreat for Troubled Eaters”. She lives in Helena, Montana.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles