Home/Makatagpo/Article

May 12, 2022 853 0 Carol Osburn, USA
Makatagpo

AKO ITO, SI HESUS!

Iyon ay isang malamig at maniyebeng hapon ilang taon na ang nakalipas, nang ninais kong magpunta sa Pagsamba.  Ang sarili kong parokya ay wala pang Palagiang Pagsamba, kaya nagmaneho ako patungo sa isang parokya na mayroon.  Mayroon itong isang maliit, napaka-pribadong kapilya kung saan inibig kong maggugol ng panahon kasama si Hesus, ibinubuhos ang aking puso sa Kanya.

Halos tapos na ang oras ko, nang makadinig ako ng dalawang tao na nag-uusap sa likod ng kapilya.  Ako ay nabalisa at nagambala sa kanilang kawalan ng damdamin patungkol sa isang walang-matirhang mama sa may bukana, kaya nagpasya akong umalis.  Sabagay naman, halos tapos na ang oras ko.

Habang ako’y papaalis, dumaan ako sa may bukana kung saan mahimbing na natutulog ang mama kayat hindi man lang siya kumilos nang tumigil ako para ipagdasal siya.  Naginhawahan ako na ang mga pinto ay binuksan para sa Pagsamba at nang sa gayon ay magkaron siya ng masisilungan. Siya ay mukhang walang-matirhan, ngunit hindi ako sigurado.

Ang nalalaman ko ay na napaiyak ako sa king pag-aalala sa mamang ito.  Halos hindi ko napigilan ang aking sarili habang ako ay gumagala sa labas kung saan ang isang rebulto ng Pusong Sagrado ay nagpapaalala sa akin ng mapagmahal na pagmamalasakit ni Kristo sa bawat tao at sa Kanyang masaganang awa.  Nagmakaawa ako sa Panginoon na sabihin sa akin kung ano ang gagawin.  Sa puso ko, damdam kong sinabihan ako ng Panginoon na magpunta sa malapit na tindahan at kumuha ng ilang mga pangangailangan ng mamang ito.  Nagpasalamat ako sa Kanya at namili ng ilang gamit na sa tingin ko ay magagamit ng mama.

Habang-daan pabalik sa kapilya, inasahan ko na ang mama ay nandoon pa din.  Nais ko talagang ibigay sa kanya ang mga pinamili ko.  Nang dumating ako, natutulog pa din siya.  Tahimik kong ibinaba ang mga bag nang malapit sa kanya, nanalangin, at nagsimulang maglakad palayo.  Halos umabot na ako sa bukana nang nadinig kong may tumawag, “Binibini, binibini.”  Lumingon ako at sumagot, “Oo.”  Ang mama ay gising na sa ngayon at lumapit sa akin, tinatanong kung iniwan ko ang mga bag para sa kanya.  Sumagot ako, “Oo, ginawa ko nga.”  Pinasalamatan niya ako na nagsasabi kung gaano iyon puno ng pagmamalasakit. Walang sinoman ang dati pang nakagawa nuon.  Ngumiti ako at nagwika, “Walang anuman.”  Ang mama ay papalapit at nadama kong ako ay nasa harapan ni Hesus.  Nadama ko ang labis na pagmamahal sa aking puso.  Pagkatapos ay sinabi niya, “Binibini, makikita kita sa Langit.”  Akala ko ay sasambulat ako ng iyak.  Ang kanyang tinig ay mahabangin at mapagmahal.  Napahinuhod akong Siya ay bigyan ng isang halik sa pisngi.  Nagpaalam kami sa isa’t isa at naghiwalay ng landas.

Sa labas, hindi ko na napigilang umiyak.  Umiyak ako habang-daan pauwi.  Kahit ngayon, napapaluha ako kapag naaalala ko ang hapong iyon.  Sa malamig at ma niyebe na hapong iyon, napagtanto ko na nakatagpo ko nga si Hesus sa kaibig-ibig na mamang iyon.  Ngayon, kapag ako ay nagbabalik-tanaw, naiisip ko si Hesus na nagsasabi sa akin, “Ako Ito, si Hesus!” na may malaking ngiti sa Kanyang mukha.

Salamat, Hesus, sa pagpapaalala Mo sa akin na maaari Kitang makatagpo sa bawat taong makasalubong ko.

Share:

Carol Osburn

Carol Osburn ay isang espirituwal na tagapangasiwa at manunulat. Kasal ng mahigit 44 na taon, siya at ang kanyang asawa ay naninirahan sa Illinois. Mayroon silang 3 anak at 9 na apo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles