Home/Makatagpo/Article

Sep 02, 2021 1333 0 Mario Forte
Makatagpo

AKO AY BULAG NGUNIT NAKAKAKITA PA RIN

“Ako ay lumalakad sa pamamagitan ng pananampalataya, at hindi sa pamamagitan ng paningin” ang marahang tawa ni Mario Forte sa pagbahagi niya ng nakamamamanghang saksi sa buhay.

Ako ay ipinanganak na may glawkoma, kaya sa simula ng buhay ko, mayroon lamang akong bahagyang paningin sa kaliwang mata ko at lubusang wala sa aking kanang mata.  Sa lahat ng nakalipas na mga taon, nagkaroon ako ng mahigit na tatlumpung operasyon—ang una ay noong tatlong-buwang gulang pa lamang ako…  Sa ika-pitong taong gulang, tinanggal ng mga manggamot ang kanang mata ko, sa pag-asang mapamalagaan ang aking kaliwang mata.  Noong ako’y Labindalawang taong gulang, ako ay tinamaan ng sasakyan habang tumatawid ng daan pauwi sa bahay mula sa eskuwela.  Matapos akong tumalbog ng paitaas sa hangin—saglit na inakala kong ako’y “superman”—lumapag ako na may makapangyarihang lagpak at natapos na may nalagot na retina, kabílang sa mga ibang bagay may tatlong buwan akong natigil sa eskuwela na nagpapagaling at nagdadanas ng marami pang operasyon, kaya kinakailangan kong ulitin ang Ika-pitong Baytang.

Lahat ay Maaaring Mangyari

Bilang isang bata, ang pagkabulag ay normal para sa akin sapagkat hindi ko ito maihambing sa ano pang bagay.  Ngunit ang Diyos ay binigyan ako ng pananaw.  Mula sa pinakamaagang gulang, bago pa ako makatanggap ng anumang pampamahalaang tagublin, makikipag-usap ako sa Diyos, tulad sa sinuman dahil ako’y sadyang sanay sa pakikipag-usap sa mga taong hindi ko makita.

Maaari ko lamang masabi ang kaibhan ng liwanag sa dilim, isang araw, sa isang kisap-mata, ang lahat ay naging itim—tulad ng isang ilaw na pinatay.  Bagama’t ako’y nasa kabuuang kadiliman na sa mahigit na tatlumpung-taon, ang biyaya ng Diyos ay binigyan ako ng tapang upang makaraos.  Ngayon, hindi na ang karaniwang liwanag ang aking nakikita, ngunit ang liwanag ng Diyos na sumasaloob.  Kung wala Siya, ako ay mas masahol pa sa isang pirasong kahoy.  Ang Banal na Espiritu ang gumagawa upang mangyari ang lahat.

Minsan ang mga tao’y nalilimutan na ako’y bulag dahil nakakikilos ako saan man sa loob ng bahay, patakbuhin ang kompiyuter at pangalagaan ang aking sarili.  Ito’y pasasalamat sa aking mga magulang na laging hinihimok ako na gawin ang mga bagay ng mag-isa.  Ang aking ama ay isang elektrisista na sinasama ako sa lugar ng trabaho upang tulungan akong maintindihan ang kanyang kalakalan, tinuruan pa akong magkabit ng mga saksakan at mga pindutan ng ilaw.  Tinuruan niya akong mag-isip ng may-saysay upang ako ay maka-angkop at makagawa agad sa mga panahon na ang mga bagay ay nagkakanda- mali- mali.  Ang aking ina, na may mapag-alaga at mapagmahal na kalikasan, ang nagtanim ng mga binhi para sa aking pananalig.  Tiniyak niya na dinadasal namin  ang Rosaryo at ang Mabathalang Awa na dasalin nang  sama- sama bawat-araw, kaya ang mga dasal na iyon ay nakabaon sa aking ala-ala.

Ang mga ito ay natulungan akong matagumpay na makatapos ng may antas sa Kaalamang Teknolohiya (IT).  Sa kanilang pag-aalalay, ako ay  nakapag-uugnay sa mga indibiduwal na nagbibigay ng lektura na makakuha ng balangkas sa kurso bago magsimula ang takdang panahon.  Pagkatapos ay pupunta kami sa aklatan upang kopyahin ang mga kaugnay na materyal at upang ang Royal Blind Society ay maisalin ang mga ito para sa akin.

Ang Mas-mataas na Tawag

Sa aking kabinataan, ako ay nagkaroon ng isang  kapuna-punang karanasan ng pagtawag sa akin ng Diyos.  Sa yugtong yaon, may nalalabi pa akong paningin sa aking kaliwang mata.  Isang araw habang ako’y nagdadasal sa loob ng simbahan, ang pangunahing altar ay biglang namusilak ng isang matinding liwanag at isang panloobang tinig na magiliw na nagsasabing, “Halika, halika sa akin.”  Ito ay naganap ng tatlong ulit. Simula noon, nadadama ko ang Kanyang kamay na kumakalinga sa akin na may pag-ibig at awa na hindi ko nararapat na makamtan.

Ang tawag na ito ay ihinantong ako na pag-isipan kung maaari ba akong maging pari o diyakono.  Ito ay nagpatunay na hindi- makatotohanan ngunit ang aking pang-aralang Teyolohiya ay napalalim ang pananalig ko.  Ako ay nagsimulang magpasimuno ng pananalangin sa  Mabathalang Awa sa isang grupo ng karismatiko na may pang-aalalay ng isang pari.  Sa kabila ng mga sakuna na aking natamo, ako ay nagpapasalamat pagkat ako’y nakapaglilingkod sa Panginoon at sa mga tao na aking nakilala sa pamamagitan ng mga pagtitipon na isina-ayos ko—ang pananalangin sa Mabathalang Awa, ang magdamagang pagsamba at ang Apat-napung Araw sa Buhay—ay nakatulong sa akin matapos na pumanaw ang aking mga magulang, ang aking babaeng kapatid at ang aking babaeng pamagkin.  Sila ay naging pamilya ko at lingguhang tinulungan nila ako sa mga pantahanang tungkulin at mga pasadyang paghahatid na pangailangan.

Sa Kaibuturan ng Aking Puso

Ang pinakamalungkot na mga pangyayari sa buhay ko ay hindi ang kakulangan ng aking paningin kundi ang mawalan ng mga pinakamatalik na kaugnayan, kaya ako’y sadyang nagpapasalamat na itong mga kaibigan na sinasamahan ako sa sementeryo upang makipagsalo ng pagkain sa tabi ng puntod ng aking mga minamahal at upang makipagdasal ng  Mabathalang Awa para sa kanilang mga kaluluwa.  Sinusubukan kong tanpulán ang mga bagay na positibo—ang mayroon ako, sa halip na kulang ako.  Sinisikap kong gawin ng abot ng aking makakaya na isabuhay ang mga utos ng Diyos na magmahal.  Bawat-araw, ako ay walang-alinlangang isinasauna ang loob ng Diyos at isinasangkatuparan ang Ebanghelyo.

Sinabi ni San Pablo, “Nagsisilakad kami sa pamamagitan ng pananampalataya, hindi sa pamamagitan ng paningin.” (2 Mga Taga Corinto 5:7)  Madalas na pabiro ko itong ginagawa ng literal.  Yaong munting talata ay nagsasaad ng sangkatutak.  Hindi natin makikita ang mga bunga ng ating mga gawa sa buhay na ito.  Isang kaligayahan ang maglingkod sa ubasan ng Diyos.  Si Jesus ay nagpakahirap at namatay para sa akin.  Bawa’t-isang tao ay makapagsasabi nito.  Sinuman ang nais na malaman Siya ay makararating upang tanggapin ang Panginoon.  Ako ay nagbibigay ng pasasalamat at papuri sa Panginoon pagkat inihandog Niya sa atin ang pagkakataon na tanggapin ang Kanyang maluwalhating piling sa ating katauhan.  Ang Kanyang buhay na Diwa ay magpapasigla sa atin na may pag-asa ng Muling Pagkabuhay, upang tayo”y mamuhay bawat-araw sa piling Niya at maisagawa ang Kanyang utos na magmahal.  Sa aking puso, ako’y umaawit ng Aleluya!

Walang hanggang Diyos na ang awa ay walang katapusan at ang kabangyaman ng habag na di maubos-ubos, masuyong tingnan po kami at palagoin Mo po ang awa sa amin, nang sa mahihirap na sandali ay maaaring di kami panghinaan o kaya’y malupaypay, kundi ng may malaking pananalig isuko ang aming sarili sa Iyong kalooban, na siyang pag-ibig at awa din.  Amen.

Share:

Mario Forte

Mario Forte Article is based on the interview given by Mario Forte for the Shalom World TV program “Triumph”. To watch the episode visit: shalomworld.org/episode/mario-forte

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles