Home/Masiyahan/Article

Oct 17, 2023 386 0 Denise Jasek
Masiyahan

ANO ANG ARAL PARA SA ARAW NA ITO? 

Magkaron ng aktwal na karanasan kung paano magagamit ng Diyos ang mga bagay sa lupa upang ipaalam ang mga bagay sa langi

Nang ako’y lumabas ng aking pintuan para ipasok ang mga basurahan isang araw, napatigil ako sa takot.  May isang sariwang balat ng ahas na nakataklop sa takip ng paagusan sa tabi ng bahay.  Agad akong tumawag sa aking asawa, dahil mayroon akong hindi ayos sa mga ahas.

Nang naging malinaw na kahit na ito ay patay na balat ng ahas, walang mga buhay na ahas sa malapit, nagpahinga ako at nagtanong sa Diyos kung anong aral ang sinusubukan Niyang ituro sa akin noong araw na iyon.

Ano Ang Buong Punto?

Ako ang tinatawag ng mga guro na manhid na mag aaral. Mabilis akong natututo sa pamamagitan ng paggalaw o pakikipag-ugnayan sa mga bagay.  Kamakailan lang, napansin ko na madalas magpakita sa akin ang Diyos sa pamamagitan ng mga materyal na bagay.  Ang banal na sining ng pagtuturong ito ay binanggit pa sa Katesismo ng Simbahang Katoliko.

“Ang Diyos, na lumilikha at nag-aalaga ng lahat ng bagay sa pamamagitan ng Kanyang Salita, ay nagbibigay sa mga tao ng patuloy na katunayan ng Kanyang Sarili sa mga nilikhang katotohanan.” (CCC, 54)

Halimbawa, nagpadala ang Diyos ng umuusok na kalderong apoy at nagniningas na sulo kay Abraham, isang anghel na nakikipagbuno kay Jacob, at isang nagniningas na palumpong kay Moises.  Nagpadala ang Diyos ng kalapati na may dalang sanga ng olibo at pagkatapos ay isang bahaghari kay Noe, ilang hamog kay Gideon, at isang uwak na may dalang tinapay at karne kay Elias.

Ang Diyos ni Abraham, ang Diyos ni Jacob, at ang Diyos ni Moises ay ating Diyos din.  Bakit hindi gagamitin ng Diyos ang lahat ng nilikha ang nakikita, nasasalat na bagay sa lupa upang ipaalam ang mga hindi nakikita at hindi nasasalat na mga katotohanan ng Langit?

Isinulat ni Padre Jacques Philippe, “Bilang mga nilalang sa laman at dugo, kailangan natin ang taguyod ng mga materyal na bagay upang makamit ang mga espirituwal na katotohanan.  Alam ito ng Diyos, at ito ang nagpapaliwanag sa buong misteryo ng Pagkakatawang-tao” (Time for God, p. 58).

Ang Diyos ay maaaring magpadala sa atin ng mga pasabi sa pamamagitan ng isang plaka o isang istiker ng bamperr.  Noong nakaraang linggo ang mga salita sa likod ng isang trak na, “patuloy na gumalaw,”ay naging kawili-wili sa akin.  Ipinaalala nila sa akin ang kabatiran ng homiliya na narinig ko noong umagang iyon — na tinawag tayong patuloy na magbahagi ng Ebanghelyo.

Maaaring gamitin din ng Diyos ang kalikasan upang turuan tayo.  Habang namimitas ng mga cherry kamakailan, nagunita ko kung gaano kasagana ang ani, at kakaunti ang mga manggagawa.  Ang mabagyong araw ay maaring makapagpaalala na “tayo ay napapaligidan ng malaking ulap ng mga saksi.” (Hebreo 12:1). Ang isang magandang ibon o napakagandang paglubog ng araw ay maaaring ang paraan ng Diyos upang iangat ang ating lumulundong espirito

Sa tuwing ako ay bukod-tangìng nagugulat sa isang bagay, sinisikap kong tanungin ang Diyos kung anong aral ang itinuturo Niya sa akin.  Isang gabi kamakalawa, halimbawa, habang pinagninilayan ko ang tungkol sa pagbangon para tingnan ang aking anak, isang  kard ng panalangin na nagpaparangal kay Sta.  Si Monica, ang patrona ng mga ina, ay biglang nahulog mula sa aking aparador.  Agad akong bumangon at tiningnan siya.  O ang oras na nagising ako sa dis-oras ng gabi at naramdaman kong tinawag ako na magdasal ng rosaryo sa ngalan ng isang namatay na miyembro ng pamilya at natuwa akong makita ang pinaka-maluwalhatinlg bulalakaw.

Kung minsan nagpapadala ang Diyos ng Kanyang pahatid sa pamamagitan ng ibang tao. Ilang ulit ka nang nakatanggap ng kard, tawag sa telepono, o teks mula sa isang tao na siya mismong kinailangan mo na pampalakas-loob.

Isang tag-araw, habang nagbibisikleta nag-iisip ng posibilidad na ihinto ko ang aking pag-aaral sa Bibliya, nakatagpo ako ng isang kaibigan.  Walang kaabog-abog, binanggit niya ang tunay niyang balak na ipagpatuloy ang kanyang pag-aaral ng Bibliya dahil sa sandaling hintuan ang isang bagay, napakahirap na ipagpatuloy itong muli.

Maaaring gumamit din ang Diyos ng mga konkretong bagay para disiplinahin tayo o tulungan tayong lumago sa ating pagkadisipulo.

Isang umaga nakatuklas ako ng tatlong malalaking pako.  Ang mga ito ay magkakapareho, ngunit natagpuan ko sa tatlong magkakaibang lugar: sa gasolinahan, sa aking daanan at sa kalye.  Sa ikatlong pako, huminto ako at tinanong ang Diyos kung ano ang ibig Niyang sabihin sa akin at natanto kong kailangan ko ng pagsisisi tungkol sa isang bagay sa aking buhay.

Hindi ko malilimutan ang pagkakataon na ako ay lumabas, at agad na dumapo ang isang langaw sa aking mata. Hahayaan kitang gamitin ang iyong imahinasyon para sa aral natutunang aral na iyon.

Pamamaraan Ng Pagkakatuto

Tinuturuan tayo ng Diyos sa lahat ng oras, at tinatanggap Niya ang lahat ng uri ng mga mag-aaral.  Ang mabisa para sa isang tao ay maaaring hindi mabisa para sa iba. May ilan na mas malinaw nilang madidinig ang Diyos sa Misa, ang iba sa Eukaristikong Pagsamba, sa pagbabasa ng Bibliya, o sa kanilang pansariling oras ng panalangin.  Gayunpaman, ang Diyos ay palaging kumikilos at patuloy na nagtuturo sa atin sa pamamagitan ng ating mga iniisip, damdamin, mga imahen, mga sipi ng Banal na Kasulatan, mga tao, guniguni, mga salita ng kaalaman, tugtugin, at bawat kaganapan sa ating panahon.

Personal kong pinahahalagahan kapag ang Diyos ay nakikipag-usap sa pamamagitan ng pisikal na mga bagay, dahil mas naaalala ko ang aralin sa ganoong paraan.  Nagtataka marahil kayo kung ano ang natutunan ko sa balat ng ahas.  Ipinaalaala nito ang sumusunod na kasulatan: “Ang mga tao ay hindi nagsisilid ng bagong alak sa mga balat na luma.  Sa ibang paraan ay nangagpuputok ang mga balat, at nangabububo ang alak, at nangasisira ang mga balat.  Sa halip, isinisilid ang bagong alak sa mga bagong sisidlang balat, at kapwa ay nagsisitagal.” (Mateo 9:17)

Banal na Espirito, tulungan Mo kaming maging mas mulat sa anumang mga aral na itinuturo Mo sa amin ngayon.

Share:

Denise Jasek

Denise Jasek ay isang minamahal na anak ng Diyos na lubos na nagpapasalamat sa kanyang pananalig, kanyang limang mga anak na puno ng pananampalataya, kanyang kabiyak na si Chris, at pagkakataong makapaglingkod sa ministeryo ng musika at kampus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles