Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 19, 2023 579 0 Ellen Hogarty, USA
Makatawag ng Pansin

KAPAG ANG PANALANGIN AY WALANG SILBI

Patuloy kang maghalukay sa artikulong ito nang matuklasan mo ang bagong liwasan para sa iyong buhay pananalangin

Mga ilang taon matagal na, ang bahay ng aking kapatid na babae ay nagkaroon ng malaking suliranin sa tuberyas.  Nagkaroon ng di-matukoy na pagtagas ng tubig sa may gusali na naging dahilan upang tumaas nang $400 ang kanyang singil sa tubig mula $70 bawat buwan.  Madaming paghalukay at paghukay ang ginawa ng kanyang anak na lalaki upang subukang tuklasin ang pinagmulan ng pagtagas, ngunit walang saysay.

Matapos ang ilang araw ng di-nagbungang paghahanap, isang kaibigan ang nakaisip ng solusyon.  Ang kanyang balak: kalimutan ang tungkol sa pagtuklas ng pagtagas.  Sa halip, magsimula sa puno ng tubo ng tubig, magkabit ng panibagong tubo, at iliwas ang bahagi na alam nilang maalinlangan dahil sa paglawa ng tubig.  Ilagay ang bagong tubo sa panibagong landas at lubos nang pabayaan ang lumang tubuhan.

Kaya iyon ang ginawa nila.  Kasunod ng isang araw ng pagsusumikap at madaming paghuhukay, nagawa nila ang planong iyon at, ta-da!  Naayos ang problema, at bumalik sa dati ang singil ng tubig ng kapatid ko.

Habang pinagnilayan ko ito, ang aking isipan ay bumaling sa di-natugunang mga panalangin.  Minsan tayo ay nananalangin para sa mga tao o para sa mga pagkakataon at ang mga panalanging iyon ay tila walang nagawang anumang kaibhan.  Ang lagusan sa tainga ng Diyos ay tila “may tagas.”  Marahil tayo ay dasal nang dasal nang dasal para sa isang tao na magkaroon ng pagbabagong loob, na magbalik sa simbahan.  O nagdadasal tayo na makahanap ng pagkakakitaan ang sinoman na matagal nang walang trabaho.  O nagdadasal tayo para sa paggaling ng isang taong nakikipaglaban sa malubhang paksang pangkalusugan. Anuman ang katayuan, wala tayong nakikitang pag-unlad at ang ating mga panalangin ay parang nasasayang o walang silbi.

Naaalala ko ang pagdadasal para sa isang napakahirap na alitan ng mga tauhan sa organisasyong pangmisyonero na aking pinapasukan.  Ito ay isang kalagayan na nakakabahala at nakakasaid ng aking emosyonal at pisikal na lakas.  Wala sa mga sinubukan kong natural na antas ang nakalutas nito, at ang aking mga panalangin para sa katugunan ay tila walang bisa.  Sa aking panalangin isang araw, minsan pa akong tumangis sa Diyos sa kawalang pag-asa at nadinig ko ang isang mahinahon at payapang tinig sa aking puso, “Isuko mo ito sa Akin.  Ako na ang bahala.”

Napagtanto ko na kinailangan ko ng pagbabago sa aking pakikitungo, isang “liwasan ng pagtutubero”  ika nga.  Ang aking saloobin hanggang sa puntong ito ay sinusubukang lutasin ang sitwasyon sa pamamagitan ng aking mga pagsisikap: mamagitan, makipag-usap, subukan ang iba’t ibang mga pagkakasundo suyuin ang mga partidong kasangkot.  Ngunit dahil walang nangyari at mas lumalala pa ang mga bagay, alam kong kinailangan kong hayaan pumalit ang Diyos.  Kaya ibinigay ko sa Kanya ang aking pagsang-ayon.  “Panginoon, isinusuko ko ang lahat sa Iyo.  Gawin Mo ang anumang kailangan Mong gawin, at makikipagtulungan ako.”

Sa loob ng 48 na oras ng panalanging iyon, ganap na nalutas ang sitwasyon!  Sa bilis na nakapagpahanga sa akin, ang isa sa mga partido ay gumawa ng isang desisyon na lubos na nagbago ng lahat, at ang stress at di- pagkakasundo ay napalis ng ganoon na lamang.  Nabigla ako at hindi makapaniwala sa nangyari.

Ano ang natutunan ko?  Kung nananalangin ako sa isang natatanging paraan para sa isang bagay o isang tao at ako ay naipit at wala akong nakikitang tagumpay, marahil kailangan kong baguhin ang paraan ng pagdadasal ko.  Huminto at magtanong sa Banal na Espirito, “Mayroon bang ibang nararapat na paraan na dapat kong ipagdasal ang taong ito?  May iba pa ba akong dapat hilingin, isang partikular na biyaya na kailangan nila ngayon?”  Marahil kailangan nating subukan ang “plumbing bypass.”

Sa halip na subukang hanapin ang tagas o ang pinagmulan ng pagtutol, maaari tayong manalangin na maiwasan ito ng Diyos.  Napaka malikhain ng Diyos (ang pinagmulan ng pagkamalikhain, ang orihinal na Lumikha) at kung patuloy tayong makikipagtulungan sa Kanya, gagawa Siya ng iba pang mga paraan upang malutas ang mga isyu at maghatid ng biyaya na ni hindi natin naisip.  Hayaan ang Diyos na maging Diyos at bigyan Siya ng puwang upang makagalaw at kumilos.

Sa aking kaso, kinailangan kong lumayo sa pagkakaharang, tanggapin nang may pagpapakumbaba na ang aking ginagawa ay hindi tumatalab, at mas taimtim na sumuko sa Panginoon upang Siya ay makakilos. Ngunit ang bawat kalagayan ay naiiba, kaya tanungin ang Diyos kung ano ang nais Niyang gawin mo at makinig sa Kanyang mga tagubilin.  Sundin ang mga iyon sa abot ng iyong makakaya at ipaubaya ang mga kalalabasan sa Kanyang mga kamay.  At alalahanin ang sinabi ni Jesus: “Ang imposible sa tao ay posible sa Diyos.” Lucas 18:27

Share:

Ellen Hogarty

Ellen Hogarty ay isang spiritual director, manunulat at full-time na misyonero sa Komunidad ng Lord's Ranch. Alamin ang mas higit pang gawain nila tungkol sa ginagawa nila sa mga mahihirap sa: thelordsranchcommunity.com

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles