Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 24, 2022 504 0 Bishop Robert Barron, USA
Makatawag ng Pansin

MGA SALITA NG KARUNUNGAN : Bakit Ang Nakalaang Salungatan ng Agham at Pananampalataya ay isang Makapinsalang Kalokohan

Bakit Ang Nakalaang Salungatan ng Agham at Pananampalataya ay isang Makapinsalang Kalokohan

Noong nakaraang linggo lamang, ako’y nagkaroon ng kasiyahan na manalumpati sa Araw ng mga Kabataan sa Los Angeles Religious Education Congress.  Ang aking mga tagapakinig ay mahigit-kumulang na apat-na-daang estudyante ng mataas na paaralan na nagmula sa palibot ng bansa, at ang paksa, ayon sa hiling ng mga tagabuo ng kongreso, ay ang kaugnayan ng agham at pananampalataya.  Alam nila, sa mga taon ng pangangatwiran ko, na ang malaking dahilan kung bakit maraming mga kabataan ang humihiwalay sa ating mga simbahan ay ang pakunwaring salungatan ng agham at pananalig.  Sinabi ko sa aking mga batang tagapakinig na itong “digmaan” ay sa totoo’y isang kahibangan, guniguni, isang bunga ng makapinsalang di-pagkakaunawaan.  At sinubukan kong ipakita ito sa pagtingin sa apat na mga paksa, na aking bubuurin sa artikulong ito.

Una,  sa napakatotoong saysay, ang mga makabagong pisikang agham ay nagmula sa pananampalataya.  Ang mga dakilang nagtatag ng agham—sina Kepler, Copernicus, Galileo, Newton, Descartes, atbp.—ay hindi naliliban, nainsayo sa mga paaralan at mga pamantasang itinaguyod ng simbahan.  Sa pagtutustos ng simbahan, sila’y nakapagdulog sa kanilang pisika, kanilang astronomya, at kanilang matematika.  Higit na tiyak, natutunan nila sa yaong mga pagtatatag ang dalawang mahahalagang  teyolohikong katotohanan na kinakailangan sa paglitaw ng mga pagsubok na agham—ibig sabihin, ang daigdig ay hindi Diyos at ang daigdig, sa bawa’t sulok at puwang, ay nagatlaan ng pagkaunawa.  Kung ang kalikasan ay banal—na sa katunayan ay ipinapalagay sa maraming mga pananampalataya, mga pilosopya at mga mistisismo—sa gayon, ito ay ni-kailanma’y maaaring maging paksa para sa pagpupuna, pagsusuri at pagsusubok.  At kung ang kalikasan ay maligalig lamang, walang hugis, ito’y hindi makapagbibigay-daan sa pagkakasundo at tularang pagkakaunawa na handang hinahanap ng mga dalub-agham.  Kapag ang itong dalawang katotohanan, na kapwang pamamaraan ng doktrina ng paglikha, ay natatamo, ang mga agham ay maaaring maisagawa.

Ikalawa, kapag ang angham at teyolohiya ay nauunawaan nang maayos, ang mga ito ay hindi nagsasalungatan, ang mga ito’y hindi nagtatagisan para sa pinakatampok sa isang panlaruang lupain, tulad ng mga naglalabanang pangkat ng putbol.  Sa paggamit ng mga siyentipikong pamamaraan, ang  pisikong agham ay nakikipagtungo sa mga pangyayari, mga bagay, mga dinamiko at mga pagkakaugnayan sa loob ng nasuri at mapapatunayang ayos.  Ang teyolohiya, na gumagamit ng ibang sangkabuuhang paraan, ay nakikipagtungo sa Diyos at mga bagay ng Diyos—at ang Diyos ay hindi isang bagay sa loob ng mundo, na sumasalalay sa loob ng kalikasan.  Tulad ng isinaad ni Santo Tomas de Aquino, ang Diyos ay hindi  ens summum (pinakamataas na nilalang), kundi ipsum esse (ang yugto ng pagiging bilang Siya)—na ibig sabihin na ang Diyos ay hindi nabibilang sa mga nilalang, ngunit sa halip ay ang dahilan kung bakit may pinagmulan ang mga bagay na ating mapagdudulugan ng pagsisiyasat sa anumang paraan.  Sa pamamagitan nito, Siya ay tulad ng may-akda ng isang mayaman na sali-salimuot na nobela.  Si Charles Dickens ay kailanma’y hindi lumitaw bilang isang tauhan sa anumang magugulong salaysayin niya.  Ngunit siya ang dahilan kung bakit ang anumang mga tauhan na yaon ay umiiral sa anumang paraan.  Kaya ang agham, mismo, ni-kailanma’y makakahatol sa tanong ng pag-iiral ng Diyos o makapagsasalita ng Kanyang mga gawain at mga katangian.  Isa pang uri ng pagkamakatwiran—na walang pakikipagpaligsahan sa makaagham na pagkamakatwiran—ay kinakailangan sa pagpasya sa yaong mga bagay.

At ito’y idinidala ako sa aking ikatlong paksa: ang siyentismo ay hindi agham.  Malungkot man na ito’y lumalaganap ngayon, lalo na sa mga kabataan, ang siyentismo ay ang pagbabawas ng lahat ng mga kaalaman sa makaagham na anyo ng kaalaman.  Ang di-mapagkakailang tagumpay ng mga pisikang agham at ang katangi-tanging pakinabang ng mga teknolohiya na nagbigay ng daan dito ay nagdulot sa mga isip ng karamihan ang paniniwalang ito, ngunit ito’y nagpapakita ng makapinsalang paghihirap.  Ang isang kimiko ay maaaring maisasabi sa atin ang kemikal na kabuuan ng mga pintura na ginamit ni Michelangelo sa Kisame ng Sistino, ngunit hindi niya, bilang dalub-agham, maisasabi ang anuman tungkol sa anong nakapagpapaganda sa yaong likha ng sining.  Ang heyologo ay maaaring masabi sa atin ang pagkasapin-sapin ng lupain sa ilalim ng lunsod ng Chicago, ngunit ni-kailanma’y, minsan pa bilang dalub-agham, makapagsasabi sa atin na ang yaong lunsod ay makatarungan o di-makatarungang pinamamahalaan.  Ang dulang Romeo and Juliet ay walang bakas ng siyentipikong pamamaraan, ngunit sinong napakahangal na makapag-uulat na ang yaong dula ay walang maisasabing totoo tungkol sa kalikasan ng pag-ibig.  Sa katulad na paraan, ang mga dakilang sulat ng Bibliya at ang teyolohikong kaugalian ay hindi “makaagham,” ngunit gayunman ang mga ito’y nagsasaad ng pinakamalalim na mga katotohanan tungkol sa Diyos, likha, kasalanan, pagtubos, biyaya, atbp.  Kapwa ang sanhi at bunga ng siyentismo, nakalulungkot man, ay ang pagpapalambing ng mga liberal na sining sa ating mga kapisanan ng higit na mataas na pagtuturo.  Sa halip na pahalagahan ang panitikan, kasaysayan, pilosopya, at pananampalataya bilang mga padaluyan ng nilalayong  katotohanan, marami ngayong araw ay  isinasantabi ito sa tagpuan ng panariling pagdama o isinasakop ang mga ito sa mapanlibak na ideyolohikong pagpupuna.

Ang aking ikaapat at ganap na paksa ay ito:  ang tungkol kay Galileo ay isang talata sa isang kabanata ng isang napakahabang aklat.  Ang dakilang astronomo ay madalas na pinananawagan bilang patron ng mga magigiting na dalub-agham na naghihirap na palayain ang kanilang mga sarili sa oskurantismo at pagiging hindi makatwiran ng pananampalataya.  Ang pagsensura ng kanyang mga aklat, at ang totohanang pagkabilanggo nitong dakilang dalub-agham sa utos ng papa, ay kinikilalang isang madilim na uliran ng kaugnayan ng Simbahan at agham.  Malinaw na ang episodya ng Galileo ay hindi isa sa pinakatanyag na sandali ng Simbahan, at sa katunayan, si San Juan Pablo II, sa pagpapahayag ng tunay na pagsisisi, ay totohanang humingi ng tawad para dito.  Ngunit upang gamitin ito bilang isang lente para sa pagtanaw sa palabas ng pananalig at agham ay mapanganib na kulang.  Mula sa pinakamaagang mga araw ng mga makabagong agham, nagkaroon na ng libu-libong mga taos-pusong maka-Diyos na tao ang dumulog sa siyentipikong pananaliksik at panunuri.  Upang banggitin lamang ang sandakot: Copernicus, nagpabago ng lubos sa kosmolohiyo at isang Dominikano ng ikatlong antas; Nicholas Steno, ang ama ng heyolohiyo at isang obispo ng Simbahan; Louis Pasteur, isa sa mga nagtatag ng mikrobiyolohiya at isang tapat na Katoliko; Gregor Mendel, ang ama ng makabagong henetika at isang Agustinyong prayle; George Lemaître, ang nagbalangkas ng teyorya ng Big Bang na pinagmulan ng sansinukob at isang pari ng Katolika; Mary Kenneth Keller, ang unang babae sa Estados Unidos na tumanggap ng dalubhasang antas sa computer science at isang ihinirang na madre ng Katolika.  Ako’y naniniwala na makatarungang sabihin na lahat ng itong mga pangangatwan ay naintindihan ang mga pangunahing paksa na aking nailatag sa artikulong ito at sa gayo’y nakita nila na maaaring sila’y naging ganap na tapat sa kanilang agham at pananalig.

Bilang wakas, nawa’y mahimok ko lalo na ang mga Katolikong dalub-agham ngayong araw—mga mananaliksik, mga manggamot, mga pisiko, mga astronomo, mga kimiko, atbp.—na makipag- usap sa mga kabataan tungkol sa lathalang ito.  Sabihin sa kanila kung bakit ang nakalaang labanan ng pananampalataya at agham sa totoo’y isang maling akala at higit na mahalaga, ipakita sa kanila kung paano ninyo napagkasundo ang mga ito sa sarili ninyong buhay.  Hindi basta natin mahahayaan itong hangal na pagkamakatwiran at di-pagkaakibat na manindigan

 

 

 

Share:

Bishop Robert Barron

Bishop Robert Barron is the founder of Word on Fire Catholic Ministries and is the bishop of the Diocese of Winona–Rochester. Bishop Barron is a #1 Amazon bestselling author and has published numerous books, essays, and articles on theology and the spiritual life. ARTICLE originally published at wordonfire.org. Reprinted with permission.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles