Home/Makatagpo/Article

Sep 09, 2022 711 0 Carissa Douglas, Canada
Makatagpo

TOTOONG MGA ANGHEL NA KUMIKILOS

May mga anghel ba talaga? Heto ang isang salaysay na makakabighani sa iyo

Nang ako ay nasa mataas na paaralan, nabighani ako sa mga salaysay ng pakikipagsalamuha sa mga anghel. Naglakas-loob pa akong ibahagi ang mga salaysay na nabasa naming mga magkakaibigan at kapwa mag-aaral, na hindi mapigilang maaliw at magtaka. Isang di inaasahang batang lalaki ang nagpakita ng natatanging pagkawili dito. Habang ang bus na sinakyan namin ay puno ng mga batang mag-aaral, siya ay naging mapagmatigas, walang pakundangan sa kanyang pagkilos at pananalita, na may halo pang pagmumura. Ngunit nang nagsilisan na ang ibang mga mag-aaral at kaming dalawa na lang ang naiwan, lumingon siya sa akin at nagsabing, “Maaari ka bang magkwento sa akin ng tungkol sa anghel?” Itinuring ko ito bilang banayad na paraan ko ng pagbibigay sa kanya ng pag-asa at kaunting udyok patungo sa langit, marahil sa panahong kinailangan niya ito.

Nang panahong ito, nagkaroon ako ng isang mahusay na guro na nagbahagi sa akin ng isang hindi malilimutang kwento. Isang kaibigan niya ay kinakabahang naglalakad sa isang madilim na eskinita habang nagdadasal para sa pagkalinga ng Diyos. Bigla niyang napansin ang isang lalaki na matamang nakatitig sa kanya mula sa kadiliman. Habang mas taimtim siyang nagdadasal, humakbang ito palapit sa kanya, ngunit saglit itong tumigil at biglang umatras, ibinaling ang mukha sa pader.

Nabalitaan niya kinalaunan na isang babae ang sinalakay sa nasabing eskinita makalipas lamang ang isang oras nang siya ay nandoon. Nagtungo siya sa pulis at sinabi sa kanila na may nakita siyang tao sa eskinita ilang sandali bago ang pagsalakay sa sumunod na babae. Ipinaalam sa kanya ng pulisya na mayroon silang nahuli at inalam nila kung maari nyang kilalanin ang hanay ng mga pinaghihinala an. Agad siyang pumayag at walang salang kasama nga sa mga pinaghihinalaan ang lalaking nakita niya sa eskinita.

Hiniling niyang makausap ito at siya ay sinamahan sa silid kung saan ito nakakulong. Nang siya ay papasok, tumayo ang lalaki at namukhaan sya nito.

“Natatandaan mo ba ako?” tanong niya. Tumango ito. “Oo. Nakita kita doon, sa eskinita.

Nagpatuloy siya. “Bakit hindi ako ang inatake mo sa halip na ang babaeng yon?” Tarantang napatingin ito sa kanya. “Niloloko mo ba ako?” sabi nito, “habang naglalakad kang napapagitnaan ng dalawang malalaking lalaki?!”

Marahil ang kuwentong iyon ay hindi mapaniwalaan, ngunit naibigan ko ito. Ipinaalala nito sa akin na ang mga anghel na tagapag-alaga ay hindi lamang isang nakakaaliw na kaisipan o kaaya-ayang kathang-isip mula sa ating pagkabata. Sila ay totoo. Sila ay makapangyarihan at tapat. At sila ay itinalaga upang tayo ay bantayan at ipagtanggol sa presensya ng Diyos. Subalit babalewalain lang ba natin ang di-lantad nating mga kaibigan? At nagtitiwala ba tayo sa kanila na sila ay dadating sa oras ng ating tunay na pangangailangan?

Mula sa isa sa mga itinatangi kong mga santo, si St. Padre Pio, natutunan kong pag-isipan nang mas madalas ang aking anghel na tagapag-bantay at makipag-usap sa kanya nang hayagan. Wala akong alinlangan na ang aking anghel ay nagsusumikap at nakikipaglaban sa espirituwal na mga paghahamok sa ngalan ko, ngunit isang araw ay naramdaman ko ang kanyang makapangyarihang presensya.

Labing pitong taong gulang ako noon, naiwan ng bus, at sa kabila ng napakalamig na panahon, nagpasiya akong imaneho ang aking malaki, sensitibo-sa-lamig na kotse patungong paaralan. Habang paakyat sa isang matarik na burol ng parang, nagsimulang bumagal ang sasakyan. Inapakan ko ang pedal ng gas ngunit gumapang lang ito. Walang tanaw na bahay at wala akong cellphone. Kung ang makina ay namatay, ito ay magiging isang mahabang paglalakad sa nagyeyelong panahon bago ako makahanap ng tulong. Naalala ko na may isang pampamiyang kainan isang milya o higit pa sa kabila ng burol, at kung aakyat ako sa burol, umaasa akong magkaroon ng sapat na bwelo pababa upang marating ang kainan.

Ngunit ang sasakyan ay bumagal at alam kong malabong makaakyat ako sa burol. “Okay, angel!” malakas kong sabi. “Kailangan kita para itulak ang sasakyang ito. Mangyaring pakitulak mo ako paakyat sa burol.” Bumilis ang sasakyan. Nakaramdam ako ng kakaiba sa paggalaw nito, kaya pinalakas ko ang loob ng aking anghel, “Malapit na! Halika na! Mangyaring ipagpatuloy mo ang pagtulak.” Gumapang ang sasakyan paakyat at gumewang sa tuktok. Sinimulan ko ang paglusong sa kabilang panig na sa simula ay mabilis ngunit dangling nawalan ng bwelo. Natanaw ko ang kainan sa di kalayuan at nagmakaawa ako sa aking anghel na patuloy na itulak ang sasakyan, bagaman hindi ko inisip na magtatagumpay ako.

Ngunit nakahanap ng panibagong bwelo ang sasakyan, sapat lang para makadating ito sa paradahan ng kainan at banda doon sa isang lugar na nakaharap sa isang bintanang salamin. At matapos, sa tamang pagkakataon, namatay ang sasakyan. “Iyon ba ay isang kabulastugan,” pagtataka ko. “Nagpapasalamat ako na naging maayos ito,” naisip ko, “ngunit ito ba talaga ang pagpapamagitan ng aking anghel?” Pagkatapos ay tumingala ako at sa bintana ng restaurant ay nakita ko ang isang malaking pinta ng isang angel na tagabantay sa dingding sa likod. Ito ang pinta na minahal ko mula pagkabata na naglalarawan ng dalawang batang tumatawid sa isang mapanganib na tulay sa ilalim ng maingat na pangangalaga ng kanilang anghel na tagapagbantay. Ako ay napuspos. Nalaman ko kinalaunan na ang linya ng gasolina ko ay ganap na naging yelo, katakatakang ako ay nakarating sa isang ligtas na lugar.

Ang aking kuwento ay maaaring hindi madula tulad ng di-kapani-paniwalang kuwento ng aking guro, ngunit pinatunayan nito ang aking paniniwala na ang ating mga anghel na tagapagbantay ay nagmamatyag sa atin at na hindi tayo dapat mag-atubiling humingi ng tulong—kahit na ito ay isang marahang tulak kapag kailangan natin ito.

Naniniwala ako na ang pagbabahagi ng mga kuwentong tulad nito, tulad ng pagbabahagi ng mga kuwento ng mga santo, ay isang mabisang paraan upang makapag-ebanghelyo. Nagbibigay ang mga ito ng katiyakan na hindi tayo nag-iisa, na mayroon tayong Ama na nagmamahal sa atin sapat na upang magtalaga ng mabubuting mga kapanalig na mag-aalaga sa atin sa mga oras ng ating pangangailangan.

Share:

Carissa Douglas

Carissa Douglas is the author and illustrator of the Catholic children’s book series “Little Douglings,” which promotes the sacraments and the culture of life. She is the mother of 14 children. Be sure to check out her site at littledouglings.com where she blogs about her adventurous life with her big Catholic family and shares the humor and joy in her comic series: Holy HappyMess.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles