Home/Magturo ng Ebanghelyo/Article

Apr 21, 2022 699 0 Karen Eberts, USA
Magturo ng Ebanghelyo

ANG LAHAT AY KINALULUGDAN

Ang mga maliliit na bagay ay mahalaga…

Ang aming inaasam-asam na pagdalaw sa Denali National Park sa bansang Australia ay halos nang napasasaamin.  Kami ay bumili ng mga tiket para sa pambukas na walong-oras na sakay sa bus sa pag-asa naming makita ang kariktan ng likha at ang kasaganaan ng mga hayop sa kalikasan.  Nang masuri namin ang nahulaang tumpak na panahon para sa aming pakikipagsapalaran, kami ay higit na nadismaya na  malamang ang pagbuhos ng ulan ay sandaang porsyento sa buong araw!  Maari man na kami ay sukdulang nabigo, ako at ang aking asawa ay nagpasya na mainam na ibahin nang lubusan ang aming mga plano, sa pagkaalam na kakaunti lamang ang pag-asa na makakita ng anuman maliban sa nasa loob ng bus sa maulan na araw.  Kaya, maaaring masabi na sa sumunod na umaga kami ay humantong bilang pawang katuwaan sa Kublihan ng Creamer’s Field Migratory Waterfowl (Refuge) sa Fairbanks.

Kasakdalan Sa Aking Kamay

Ang matalinong boluntaryo na guro na nagpapatnubay ng aming maliit na umpok ng namamasyal ay nagsimula sa paghayag ng mga katunayan tungkol sa  kreyn na nagmumula sa mabuhanging buról, isa sa mga uri ng mga ibon na umaasa  sa Refuge upang makakain at makapagpahinga tuwing bawat panahon ng paglagas bilang paghanda sa lakbay patungo sa taglamigang pahingahan sa timog.  Namangha kami ng malaman namin na ang mga lalagukan ng mga kreyn ay may haba na pitong talampakan, na nakabalot ng masalimuot na ayos, halos tulad ng mga pulupot na alambre ng tambuling Pranses.  Itong disenyo ay nagbunga ng isang kakaibang tawag, natatangi sa anak ng inahing ibon, na nahahayaan ang dalawa na manatiling magkasama sa gitna ng kimpal ng mga kreyn na lumilipad ng may likas na kaayusan bawat kapanahunan.  Pagkatapos ay may sumusugod na mga ibong ito na may makintabing kulay-abo na nagsilitaw mula kalayuan habang tahimik kaming nanonood.

Habang tumatapak sa hinamog na lupa, kami ay pumunta patungong tolda kung saan ang mga boluntaryo at ang isang ornitolohista o isang paham sa larangan ng mga ibon ay puspusang inaasikaso ang pagtimbang, pagsukat at paglagay ng mga etiketa sa sari-saring uri ng mga ibon upang masubaybayan ang mga bilang sa pagdaan ng mga taon.  Pagkatapos makilala ang bawat ibon at ang kanilang mga kabatiran ay natalâ, panahon na upang palayain sila pabalik sa parang.  Nang ang kasaping manggagawa ay ipinahawak ang isang palaawiting ibon, ang paglipat mula sa palad at sa isa pa ay nagawa, hanggang sa nakaalpas nang palipad ang nabihag na ibon.  Noong dumaan ang pagkakataon ko, nang umabot sa aking palad, isang dilaw na pipit ang ihiniga nang patihaya habang ang mga daliri ko ay idinuyan Ito.  Di tulad ng nakaraan na dalawang mga ibon, ito ay tila nanatili nang kusa, hinahayaan akong damhin ang mga balahibo nito hanggang nagtagpo ang aming mga mata.

Pagkaraka ay mayroong isang nadadamang Pag-iiral, habang ang lambing ng Manlilikha na nasa loob ng mahigit-kumulang na tatlong pulgadang kasakdalan sa aking kamay ay malinaw.  Ang mga luha ay nagsimulang dumaloy habang ang koro ng isang awit ay nagsimulang maglaro sa aking isip na tilang sumasabay, “Ang lahat ay kinalulugdan sa pook na ito, dito sa kahanga-hangang biyaya ng Diyos, lahat ay kinalulugdan, lahat ay kinalulugdan.”  Panahon ay tumigil, bagama’t ito’y sa loob lamang ng ilang mga sandali, bago ako’y pinakiusapang alalayan ang ibon na gumulong sa gilid nito.  Yaon lamang ang kinakailangang pagganyak, nang ang ibon ay humanda sa kanyang landas patungong langit.  Habang lumalakad pabalik sa sasakyan, katahimikan ang aking kasama.  Isang banal na walang pag-imik ay tilang nababagay lamang na tugon sa ganitong saglit ng biyaya.

Mga Bisig Na Bukas

Ang pangalawang pinaghintuan na nasa aming hindi-masyadong-napag-usapang araw ay sa pinagsama-sama na mga gusali na nailipat na sa Fairbanks upang ibalik-gunita ang pangunahing makasaysayang nayon.  Sa paghahalaghag sa mga dampa at mga tindahan, dumating ako sa isang payak na simbahan.  Sa pagbukas ko ng pinto, lumakad akong palagpas sa mga tablang bangko na may kagaspangan ang pagkakagawa, patungo sa nililok na paglalarawan ni Jesus na nakasabit sa kisame.  Na ang mga bisig nito ay lubusang nakadipa, na tilang inaanyayahan ang mga pumasok na tumuloy sa loob, ang mga titik ng awit ay muling kumumpas sa loob ng isip ko.  “Ang lahat ay kinalulugdan sa pook na ito.”  Paulit-ulit sa araw na ito na biglaang natagpuan ko ang katunayan ng labis na pag-ibig ng May-likha ng buhay.  Ang pag-aruga ng buhanging-burol na kreyn na may namumukod na tawag ng paghuni upang manatili ang ugnayan ng ina at anak; ang dilaw na pipit, na nakalilipad at nakahuhuni bagama’t tumitimbang ng kulang sa isang onsa; ang bukas na mga palad ng mga kalahok na kapwa tumanggap at nagbigay ng pag-aruga, at bumitiw upang ipagkatiwala. Sa wakas, ang paalala nang ako’y tumingala, ng pag-anyaya, na ipinamamahagi sa pamamagitan ng mga kamay na nag-alay sa lahat na pumiling sumapi sa kahanga-hangang biyaya ng Diyos.

Palagi, ang lahat ay kinalulugdan…

Share:

Karen Eberts

Karen Eberts is a retired Physical Therapist. She is the mother to two young adults and lives with her husband Dan in Largo, Florida

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles