Home/Makatagpo/Article

Mar 16, 2022 794 0 Tara K. E. Brelinsky
Makatagpo

NANG ANG PAG-IBIG AY DUMATING UPANG TUMAWAG

Katok, katok.

“Sino iyan?” Tinanong ko.

“Ako ay Pag-ibig,” dumating ang sagot.

“Tuloy.  Pumasok Ka,” ako’y nakiusap ng totoo.  Pagkat may mahaba nang panahon simula noong huling may isang dumating upang tumawag at ako’y nabighani na may taong nagpapahalaga na dumating sa akin.

Kalansing, kalansing     ang tunog ng hawakan ng pinto habang ito’y pumaikot-ikot.

“Napinid mo ang iyong pintuan,” dumating ang Tinig mula sa labas.

“Bubuksan ko kaagad,” tumugon ako.

Ngunit hindi ko magawa.  Natuklasan ko na ang daan sa aking pasukan ay nakabarikada.  Ang katunayan, ang aking silid ay puno ng mga bagay na ni hindi ko masimulang maitabi upang makarating sa bukana.

“Nakiki-usap akong bumalik Ka bukas,” ipinayo ko.

Kaya ang Pag-ibig ay lumisan.

At ako’y naghanda sa tungkulin na pawalan ng sagabal ang daan para sa Kanyang pagbalik.  Itinapon ko ang mga hindi mapag-aalinlangang yagit at isinalansan ko ang waring may pakinabang na mga bagay.  Gumawa ako ng lagusan upang makaraan patungo at, pagkarating sa pintuan, matanggal ko ang kadena.

Tuktok, tuktok.

“Sino iyan?”  Tinanong ko nang may kasabikan habang ang maliliwanag na mga sinag ng araw ay bumubuhos sa mga awang ng aking pinto.

“Ako ay Pag-ibig,” Siya’y tumugon.

“Tuloy.  Pumasok Ka,” Sinabi ko, habang kinakalas ang tarangka at hinihila ko nang pabukas ang mabigat na pinto.  “Upo.  Umupo Ka.”  Nakiusap ako, habang tinuturo ang dalawang magkatabing mga upuan.  Pag-ibig ay pumasok at sumandig.

Ako ay umupo sa Kanyang tabi nang isang minuto, ngunit matapos ay tumindig ako upang simulan ang tungkuling pag-iistima.

“Tignan Mo Ito,” Sinabi ko, habang sumesenyas sa  maririlag na mga palamuti sa aking dingding.  “Tignan Mo ang mga ito,” ako ay nagsabi, tinatanghal ang lahat ng mga makamundo kong kayamanan.  Patuloy akong nagngangawa nang may kahabaan.  Sinabi ko sa Pag-ibig ang lahat ng aking mga nagawa at mga pangarap ko.  Ibinunyag ko sa Kanya ang aking mga plano.  Siya ay umupo nang mahabang oras sa katahimikan habang ako’y pumaikot-ikot sa silid.  Hindi ko namalayan na lumipas na ang araw at ang Pag-ibig ay tumayo upang umalis.

“Bumalik Ka bukas,” nag-anyaya ako.  “Bukas ay may mas higit akong mai-aalay.”

Ang Pag-ibig ay lumabas ng pinto patungo sa luwasan.

“Ako ay dapat matulog,” sinabi ko sa aking sarili, ngunit sabik na sabik ako upang ihimlay ang ulo ko sa unan.  Sa halip, pinagod ko ang aking sarili sa pagpapalamuti nang muli.  Hinila ko ang bilog na mesa patungo sa gitna ng silid at ipinaligid dito ang aming mga upuan.  Ako ay naglatag ng inalmerol na puting tapete sa mesa at iniladlad ang sinaunang plorera sa ibabaw nito.   Pagkatapos ay hinalughog ko ang kailalimlalimam ng aking aparador at nakitang muli ang pinakamainam na bestido.  Ako ay nagtrabaho hanggang gabi upang ihanda ang aking selda at sarili.  Matapos kong maihayag ang aking mga kuwento, mga plano at mga nagawa noong huling pagdalaw ng Pag-ibig, ako’y naghanap ng mga nababagong pagbubuhatan ng  pag-iistima.  Ako’y nangisda ng isang lumang tugtuging plaka mula sa maalikabok na lalagyan nito at inihanda sa rekord pleyer na matagal nang hindi nagamit.  Nang naging malugod ako sa lahat ng bago kong pagsasaayos, nainip akong hintayin ang bukas.

Tuktok, tuktok.

“Sino ang nariyan?”  Ako ay nagtawag habang humahangos patawid ng silid at inaayos ang mga huling detalya  nang magsimula ang umaga.

“Ako ay Pag-ibig,” dumating ang sagot.

“Tuloy.  Pumasok Ka.”  Ako’y nagpumilit na itulak  ang pinto nang malawak na pagbukas.  “Tumuloy Ka at umupo sa hapag ko.”

Ang Pag-ibig ay tumuloy at kumuha ng Kanyang luklukan.

“Pakinggan Mo ito,” ako’y kumaway habang inilalapag ang karayom sa plaka.  Ang silid ay napuno ng ingay nang pumaikot-ikot ang plaka at ang bagong sigla ay uminog.  Sa sumunod na mga oras ako’y gumiwang at umalimpuyo suot ang  aking makamodang bestido.  Ako’y sumayaw sa harap ng Pag-ibig na tila  walang hanggang sigasig.  Inawit ko ang mga bahagi ng mga kanta na alam ko at hinuni ang tono kung ang mga titik ay tumalilis ng gunita ko.  Ang aking puso ay nabigyang-sigla sa tungkulin kong tagapag-aliw at kinalimutan ko ang aking pagkamahiyain sa pagnanasang maging kahangahangang mayhanda.  At ang nagugol na araw ay muling lumipas ng mabilis, na sa pagtayo ng Pag-ibig upang umalis, napagtanto ko na Siya ay hindi nagkaroon ng Sariling pagkakataon.  Pinuno ko ang dalawang araw ng aking tinig: nagsasalita at umaawit.  At nakaligtaan kong makinig sa kasagutan ng Pag-ibig.

“Nakikiusap ako, na Ikaw ay bumalik muli bukas,” ako ay sumamo.  “Ikaw ay pumunta bukas at sabihin sa akin ang tungkol sa Iyong sarili: ang mga kaluguran Mo, mga kuwento Mo, mga plano Mo.  Bukas ako’y maghahandang makinig.”

Nang may katahimikan, ang Pag-ibig ay lumabas.

Tuktok, tuktok.

“Sino ang nariyan?”  Ako’y nagtanong habang ang mainit na kumikinang na liwanag ng bukang liwayway ay sumisirit sa mga siwang ng bukana.

“Ako ay Pag-ibig,” dumating ang ngayo’y kilalang tugon sa dapit-umaga.

“Tuloy.  Pumasok Ka,” sinabi ko, “itong araw hangad kong marinig ang Iyong tinig.”  Sa katotohanan, matapos kong nahapo ang sarili sa mga nakaraang araw, labis na ikinagagalak ko lamang na umupo at hayaan ang Pag-ibig na gumawa.

Ang Pag-ibig ay tumuloy at humilig sa Kanyang upuan sa hapag ko, ngunit walang tunog na namutawi sa Kanyang mga labi.  Siya’y nanatiling tahimik.  Ako’y umupo rin sa katahimikan, bagama’t hindi ako lubusang maginhawa sa paraang ito.  Itinuring kong ilabas ang mga nalalabing kong laan ng lakas, sinusubukang suyuin Siya ng mga bagong kahusayan at kagamitan.  Ngunit naalala ko ang aking panata, at tinuloy kong maghintay sa Kanyang tinig.  Ang mga sandali ay naging mga minuto.  Ang mga minuto ay naging mga oras.  Ang orasan ay tila tumigil na o kahit papaano’y nag-alinlangang maya’t-maya, na akin ding inusisa nang madalas.  At sa pagsaliksik upang madinig ang tinig ng Pag-ibig ang aking mga tainga ay nakibagay sa lahat ng ibang ugali ng tunog: tumatalaok… humuhuni…tumitiktak… lumalangitngit…lumilipat…humihinga.  Ang katahimikan ay madalas na nakakabingi.  Pagòd sa aking ginagawa at nahilo sa aking balisang pakikinig, ako’y naanod sa kaalimpungatan sa tabing upuan ng aking Panauhin.  Pagkatapos, ang Pag-ibig ay tumayo upang umalis.

Gayunman, nang matapos itong mahabang araw, hindi ko lubusang tiyak ang aasamin bukas.  Ang pananahimik ng Pag-ibig ay nilito ang aking pagkaunawa ng mga tungkulin ng pagkakaibigan.  Nawawala ko ang tiwala sa aking kakayahan bilang isang mabuting mayhanda.  “Maaring kinakailangan Niyang makatagpo ng mas naangkop na kasama,” itinuring ko sa aking isip.  Sa kapanglawan ng aking puso, tilang mainam na tulutan ang Pag-ibig na umalis nitong araw.

Kaya sa halip na magpaalam na bumalik Siya sa akin, sinabi ko lamang na, “Paalam.”

Ang Pag-ibig ay umalis.

Ipininid ko ang pinto sa Kanyang likod.

Sa kabuuhan ng paggugol, isinikad ko ang aking mga sapatos sa ilalim ng hapag, ihinulog ko ang aking baro sa kimpal na nasa sahig at ihinanda ang tulugan.  Gumapang ako sa ilalim ng tagpi-tagping kubrekama sa aking higaan at ihininga ang pagnumukmok.  Maaaring nakapaglaan ako ng maikling panahon sa pag-unawa sa lahat ng mga namagitan sa Pag-ibig at sa akin, ngunit hindi ako nagkaroon ng paghangad sa saglit na yaon.  Ang antok ay humudyat at ako ay naghandang sumunod.

Nang ika-3:33 ng umaga, isang marahang tinig ang nagmula sa kabila ng aking nakapinid na pinto.  Bagama’t ito’y mas higit sa bulong, tinawag ako nito sa kailaliman ng aking tulog.   Dllat ang mga mata, ako’y nakahiga na walang galaw, habang ako’y nag-iisip na pumukaw; hinahanap ang saysay ng oras at ng kalagayan.

“Sino ang nariyan?”  Ako’y sumigaw, bahagyang natatakot sa tugon.

“Ako ay Pag-ibig,” ang naging sagot.

“Pag-ibig?”  Tinanong ko.  Dahil kahit na ang Pag-ibig ang kaisa-isang Panauhin na darating upang tumawag sa akin, ako’y nabigla pagkat di ko akalaing darating sa ganitong oras.   “Ako’y hindi handang harapin ka sa ngayon,” sumagot ako.  “Bumalik Ka bukas na may panahon akong makapagplano sa iyong pagdating.”

Ang Pag-ibig ay walang salitang sinagot, sa halip ay nanatiling nakatayong naghihintay.

Sa loob ng kalahating minuto ako’y nakalibing sa ilalim ng tagpi-tagping kubrekama, pinagtatagisan ang pagkahapo at pagkausyoso.  Ang ikalawa ang nagwagi, kaya ako’y bumangon mula sa higaan at dumausdos sa kadiliman hanggang maabot ko ang trangka.  Habang nakatayo ako sa loob, sa dilim, ako’y saglit na huminto.  Pagkat sumagit sa akin na sa oras na ito ang pagtuloy ng Pag-ibig ay kakaiba.  Hindi ko maunawaan kung paano ko nalaman Ito, ngunit malinaw sa aking isip na ako’y hindi na magiging katulad ng dati kapag inanyayahan kong tumuloy ang Pag-ibig ayon sa Kanyang kagustuhan.  Kaya ako’y huminga ng malalim, inalis ang kadena at hinila ang pinto ng may dakilang pag-iingat.

Ang Pag-ibig ay Tumuloy.

Nang ang Kanyang mga paa ay tumawid ng bukana, ang aking selda ay nalunod sa malambot na liwanag, kahit Siya’y walang bitbit na lampara.  Ang liwanag ay iniladlad pati ang pinakasulok ng aking silid, na walang iniwan na hindi makita.  Sa kahihiyan, ako’y nag-alay ng paumanhin sa gulanit na anyo at masamang ayos ng silid, ngunit ipinatong Niya nang marahan ang Kanyang  bisig sa aking balikat at bibasbasan ako sa aking pagkabalisa.  Tahimik Niya akong dinala sa aking upuan at ako’y umupo.

Ang Pag-ibig ay hindi gumawa ng talumpati, ngunit ang Kanyang mga salita ay pinuno ang aking mga tainga at inutusan ang aking isipan.  Hindi tulad ng nakaraang araw, ang panlabas na katahimikan ngayon ay ipinalaya ako sa lahat ng mga ligalig, pinapayagan akong mamahinga ng buo sa Kanyang Piling.  Hindi nakatali sa anumang mga plano at walang kalakasan, natuklasan ko ang katiwasayan at katahimikan ng pagiging mahina sa Pag-ibig.  Hindi Siya gumawa ng dahilan o tumanggap ng anuman.  Ang Pag-ibig ay payak na ibinalot ako sa Kanyang yakap at lahat ng mga nakaraang nangyari ay nawalit.

Ang mga kamay ng Pag-ibig ay lumitaw na walang laman nang Siya’y pumasok, ngunit sa hindi nakikitang pinagmulan Siya’y nakapagdulot ng Tinapay at Alak sa hapag.  Ito’y Kanyang bibasbasan at sinabi, “Tanggapin at kanin.”

Nang walang kasanayan na kumain sa ganitong oras, ako’y kataka-takang naakit sa nakahandang pagkain.  Sa kaibuturan, ako’y nakaranas ng gutom na di tulad ng nakaraan.  Itong pagnanais ay tumagos sa kalaliman.  Kaya ako’y kumain at ako’y uminom.  Nang sabay, ang matamis na Tinapay at masutlang Alak ay napawi ang aking gutom, at gayunpaman ang mga ito’y nag-iwan sa akin ng bagong pagkauhaw, ang kauhawang walang makamundong lunas ang makapapawi.

Hindi ko nais na lumisan ang Pag-ibig nang muli, kaya ako’y nagpasya na iiwan ang aking pinto na bukas, at ang daanan na malaya.

Tulad ni Solomon ako’y nagsumamo, “Ilagay mo ako bilang tatak sa Iyong puso.”

Ang Pag-ibig ay ngumiti, pagkat nagawa na Niya.

Share:

Tara K. E. Brelinsky

Tara K. E. Brelinsky ay malayang manggagawa na manunulat at tagahayag. Siya’y nakatira kasama ang asawa at walong mga anak sa North Carolina. Ang kanyang mga kuru-kuro at mga inspirasyon ay mababasa sa Blessings In Brelinskyville blessingsinbrelinskyville.com/ o mapakikinggan sa kanyang podcast na pinamagatang The Homeschool Educator.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles