Home/Makatagpo/Article

Dec 04, 2021 1274 0 Rosanne Pappas, USA
Makatagpo

ANG PAGLALAKBAY SA BAHAY NG BIYAYA

Nang aking napagtanto na katulad ang ginawa ko sa aking anak na lalaki na ginawa ng ina ko sa akin…

“Ikaw ay tulad ng babaeng taga Samarya,” ang wika ng aking ispiritwal na patnugot habang dinarasalan niya ako.

Pinanginigan ako ng kanyang mga salita.

“Ako’y tulad ng babaeng taga Samarya?”

Siya’y tumango.

Ang mga salita niya’y nakatuturok ngunit ang kanyang maalam na mga kayumangging mata ay puno ng habag.  Siya’y hindi karaniwang pari.  May bilang na mga taong nakikipagkita ako sa kanya at nagkaroon na ako ng pambihirang mga karanasan ng Diyos sa pamamagitan niya.  Bawat panahon na ako’y nakipagkita sa kanya, ang silid-hintayan sa labas ng opisina niya ay malimit na puno ng mga tao mula sa iba’t-ibang lupalop ng mundo, na nakadinig tungkol sa kanya, na naghihintay na makita siya upang mabigyan ng panlunas o lakas ng loob.  Itong tahimik at banal na lalaki ay naging pamamaraan na ng Diyos sa maraming taon, at nakapagdala na ako ng di-mabilang sa daming mga tao upang makita siya.

Sa daang pauwi, ako’y nakipaghamok sa kanyang paghahambing.  Ang babaeng taga Samarya?  Hindi ako nagkaroon ng limang asawa, at ang lalaking kasama ko ay sarili kong asawa.  At dumaan sa isip ko na maaaring tulad ako ng babaeng taga Samarya dahil matapos ng pagtatagpo niya kay Kristo, siya’y humangos patungong bayan upang sabihin sa bawat-isa na nakita na niya ang Mesiyas.  Maaaring yaon ang kanyang ibig sabihin.

Babahagya lamang na nalaman ko na ang kanyang paghahambing ay magiging makahula.

Pagghihiganti

Sa mga nakaraang taon, ang mga di-pagkakasundo at mga suliranin sa tahanan ay dumami at humantong ako sa terapyutika.  Para sa lahat ng kaalaman ko sa pananampalatayang Katolika, ako ay may napakaliit na pagbabatid sa sarili.  Ako’y naniniwalang banal dahil ako’y isang tapat na  Katoliko na isinasagawa ang buhay-sakramento at mapagbigay ng aking panahon at pag-asikaso.  Ngunit sa sunud-sunod na mga Kumpisal, patuloy akong umaamin na pinagtatapat nang paulit-ulit ang parehong mga sala.  Karamihan sa panahon ng Kumpisal ko ay nakatuon sa mga kasalanan ng mga pinakamalapit sa akin at kung paano sila dapat magbago.  Kahit habang ako’y nakikinig ng mga sermon sa Misa, iniisip ko ang mga taong wala sa kasalukuyan, ngunit kinakailangan kong dinggin ang nadidinig ko.  Ako’y tiyak na ako’y makatwiran, at ang Diyos ay nasa panig ko…

Ang terapyutika ay simula ng paglakbay ng personal na paglalahad.  Ako’y nakatira sa isang Bahay ng Kahihiyan sa halip na sa isang Bahay ng Biyaya at nasaktan ko na ang mga taong pinakamalapit sa akin at nasira ko na ang aming mga relasyon.  Bawat araw ay nagdala ng mga pagkakataon para sa pagbabago, ngunit ito’y hindi madali.

“Maaari mo bang bantayan ang iyong babaeng kapatid para sa akin sa loob ng isa o dalawang oras?  Ako’y may kinakailangang sadyain,” tinanong ko ang aking lalaking anak na kauuwi lamang mula sa mataas na paaralan at patungong paakyat ng hagdan.  Sa masagwang tinig ay sumagot siya, “Hindi.”

Hindi Ito ang aking inaasahan, at ako’y galit.  Nais kong ilagay siya sa tamang lugar at patagin ang mga paratang tulad ng, “Ang tapang ng loob mong magsalita sa ‘kin ng ganyan!  Ikaw ay isang walang galang at walang utang na loob na bata.  Buong katapusan ng linggong wala ka rito at kasama ang mga kaibigan mo, at hindi ka man lamang makaupo kasama ng iyong babaeng kapatid sa loob ng isang oras o dalawa?  Ang damot mo naman!”

Ang labanan kasama ng aking kaakuhan ay puspusan na.  Tulungan mo ako Jesus, ang aking dinalangin.  Nagunita ko ang isa sa mga unang pagpupulong ng aking terapyutika.  “Huwag pansinin ang iyong mga unang inklinasyon.”

Ako’y sandaling huminga at inilipat ko ang tampulan ko palayo sa akin at patungo sa anak kong lalaki.  Nakikita ko na ang kanyang sagot ay hindi pantay sa aking pakiusap.  Siya’y galit.  Mayroong higit pa sa likod ng kanyang napopoot na pagtanggi, at nais kong malaman kung ano ito.

“Ikaw ay talagang galit.  Hindi ka kadalasan na ganito.  Anong nangyayari,” tinanong ko nang matapat.

“Palaging ako.  Ni- kailanma’y tinanong mo ang mga kapatid kong lalaki,” tumugon siya nang bigla.

Ang tinig sa aking ulo ay gumanti, ‘Siya’y mali!  Ang kanyang mga kapatid ay binabantayan ang bunsong kapatid nila tuwing wala siya.  Pinararatangan ka niya na hindi makatarungan, ito’y hindi totoo.’

Jesus, tulungan Mo akong ipadyak ang aking pagiging mapagmataas at ang aking kaakuhan.

Namula ang aking mga pisngi.  Nadama kong ako’y nalantad at napahiya.

Nais ko bang maging tama, o nais kong maunawaan siya at makipag-ugnay sa kanya?  Tinanong ko ang aking sarili. Sa kailalimlaliman nito alam kong tama siya. Siya ang laging sinabihan ko dahil naniwala akong siya ang pinakaresponsable.

“Tama ka, ikaw ang laging sinasabihan ko,” inamin ko.

Ang kanyang mukha ay lumamlam.

“Para sa akin, ito’y hindi makatwiran.”  Ang tinig niya’y gumaralgal at ang damdamin niya’y tumindi.

“Iniwan Mo ako upang mag-aruga sa kanya noong siya’y malinggit na sanggol, ako’y tarantang-taranta sa buong panahong wala ka dahil hindi ko nadamang kaya kong gawin iyon.”

Ang isipan ko’y bumalik sa isang gunita.  Ako’y napakabata at mag-isa kasama ang aking dalawang lalaking kapatid na sanggol. Nagunita ko ang takot na aking nadama.  Tumayo ako doon na patingalang nakatingin sa kanya habang gulát sa pagkatanto na nagawa ko sa kanya ang parehong bagay na nagawa ng ina ko sa akin.

“Sabihin mo sa akin ang tungkol dito,” bumulong ako ng malumanay.

Isinalaysay niya nang may karubduban ang kanyang nagunita.

Umipud-ipod ako ng mas malapit sa kanya.

“Yaan ay kakila-kilabot.  Hindi kita dapat inilagay sa ganyang katayuan.  Ang aking ina ay ginawa ang parehong bagay sa akin.  Inakala niyang ako ay mas may-kaya kaysa sa aking mga kapatid, at mabigat na kumiling siya sa akin, umaasa sa akin para sa mga bagay na hindi ko dapat pinanagutan.  Ito’y totoong idinaramdam ko,” inamin kong may pangiginig.

Dahil sa puno ng dalamhati at kalungkutan mula sa sugat na nasanhi ko sa kanya, nagpasya akong gumawa ng pagbabago.

Tunay  Na Mga Tagasamba

Ang paggugunita ko ng aking nadama bilang isang bata, at pagkikilala ng aking sariling poot at tampo sa aking ina at mga kapatid ay natulungan akong makita ang mga mapaglalang na paraan na kumiling sa kanya nang hindi makatwiran, at iniwasang mabigyan ng pagkakataon ang kanyang mga kapatid na lumaki sa katungkulan.  Higit na masama, sinimulan kong makita at matanggap na ang iba sa mga tungkulin na siya ang naatasan ko ay mga pasanin na nilayon para sa akin o sa aking asawa upang buhatin.

Gumawa ako ng sama-samang  pagsikap na ipagbahagi ang mga tungkulin na mas patas.

Ang aming ugnayan ay napabuti, at nang ang kagipitan sa mga tungkulin ay naibsan, makadama siya ng hindi lubhang tampo tungo sa kanyang mga kapatid.

Bagama’t ang mga salungatan ay nagpakita ng mga pagkakataon para sa pansariling kamalayan, ang mga napabuting ugnayan ay nadagdagan ang aking nais na malapirat ang aking kaakuhan, mapatay ang lumalagablab na tinig ng mga paratang sa aking ulo, at tanggapin at yumabong mula sa mga di-kasakdalan at mga pagkukulang ko.

Isang umaga nang matapos ang Misa ay nilapitan ako ng aking hipag.

“Nakahanap ako ng isang sipi mula pari, iniisip ko na ito ang buod ng ibig mong sabihin na ikaw ay natututong umalis sa Bahay ng Kahihiyan at lumipat sa Bahay ng Biyaya,” sinabi niya  habang may hinahanap  siya sa  telepono.

“Heto, nahanap ko,” ang sabi niya.

“Kapag ang kabuuhan ng kabanalan mo ay katumbas ng kabuuhan ng katotonan na matitiis ng sarili mo na hindi mo tinatakasan, Ito ay isang tanda ng taimtim na kabanalan.  Yaan ang kung paano nangyayari ang pagbabagong-anyo ng puso.  Ang Katotohanan lamang ang makapagbibigay-laya sa atin.  At pagkaraa’y tayo ay magiging tunay na tagasamba ng Panginoon.  Sasambahin natin ang Panginoon sa ispirito at katotohanan,” ang sabi niya.

“Oo! Yaan iyon!”  Aking ipinahayag.  “Sa maraming taon, inakala kong ang kinailangan ko lamang ay ang katotohanan ng Simbahan. Ngunit mayroong isa pang katotohanan na aking kailangan. Ito ay katotohanan na hindi ko madaling makita at maamin sa aking sarili.  Ito’y ang labanan sa looban ng aking puso at kaluluwa na manahan sa Bahay ng Biyaya sa halip na sa Bahay ng Kahihiyan.  At hindi ko ito magagawa na wala si Jesus.”

Pauwi sa tahanan, sinunggaban ko ang Bibliya at natagpuan ko ang mga tumpak na  salita sa katapusan ng salaysay tungkol sa babaeng taga Samarya.  Pangangatal ang dumanak sa aking gulugod.  Nang inilahad ni Jesus ang kanyang panariling katotohanan sa kanya, ito’y kanyang inamin sa halip na ipagkaila, binubuksan ang bunbon ng biyaya.  “Halikayo at tignan ang isang lalaki na nagsabi ng lahat ng mga bagay na ginawa ko.  Maaari kayang Ito ang Mesiyas?” (Juan 4:29)

Ang aking ispiritwal na patnugot ay tama.  Ako’y tulad ng babaeng taga Samarya.

Share:

Rosanne Pappas

Rosanne Pappas is an artist, author, and speaker. Pappas inspires others as she shares personal stories of God’s grace in her life. Married for over 35 years, she and her husband live in Florida, and they have four children.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles