Home/Masiyahan/Article

Oct 29, 2021 1115 0 Heidi Hess Saxton, USA
Masiyahan

BAGUHIN ANG IYONG BUHAY NGAYON!

Natuklasan ko ang nakakapagpabagong lakas ng “Panalangin ng Pagpapaubaya” ni Pinagpalang Charles de Foucauld sa tulong ng isa kong guro sa mas mataas na edukasyon , nang kaming mag-asawa ay maging kinatawang magulang ng tatlong magkakapatid. Taranta sa pagbabagong-katayuan na maging ina, iminungkahi sa akin ng aking guro na ang sumusunod na dasal ay makakatulong sa akin na magkaroon ng kapayapaan na kinailangan ko.

“Kung nais mong baguhin ang iyong buhay,” paliwanag ng mahabaging pari, “dasalin ang panalanging ito araw-araw … at kung nais mong mapagbago ang takbo ng inyong pagsasama, dasalin ninyo ito ng iyong asawa nang magkasabay!” Sabik kong kinuha ang maliit na estampita, idinikit sa salamin sa may paliguan, at binasa nang malakas bawat umaga:

Ama, inihahabilin ko ang aking sarili sa Iyong mga kamay;
Gawin Mo sa akin ano man ang kalooban Mo.
Anuman ang ang Iyong gawin, nagpapasalamat ako sa Iyo:
Handa ako para sa lahat, tanggap ko ang lahat.
Hayaang ang Iyong kalooban lamang ang maganap sa akin, at sa lahat ng Iyong mga nilalang.
Wala akong hinihiling pa, O Panginoon.
Sa iyong mga kamay inihahabilin ko ang aking kaluluwa:
Iniaalay ko ito sa Iyo nang may buong pagmamahal sa aking puso,
Sapagkat mahal Kita, Panginoon, at nais kong ibigay ang aking sarili,
Isuko ang aking sarili sa Iyong mga kamay nang walang pag-imbot, at walang hangganang pagtitiwala,
Sapagkat Ikaw ang aking Ama.

          Sa loob ng halos 20 taon, ang taos-pusong panalangin na ito ng simpleng pagtitiwala, batay sa Panalangin ng Panginoon (ang Ama Namin), ay naging isang palagiang pinagkukunan ko ng liwanag, lalo na habang kami ng aking asawa ay patuloy na pumapangatawan bilang magulang sa mga batang ito, na ang dalawa sa kanila ay inampon namin noong 2005.  Sa galak at lungkot ng pagsasama naming mag-anak, ang panalanging ito ay tamang-tama at dinadasal ko sa naiibang pamamaraan ngayong kasama na namin ang aking ina.  Kapag siya ay nililigalig ng pagka-ulianin habang kami ay naglalakad, natutulungan ako ng panalanging ito na mawala ang takot at magkaroon ng walang hangganang pagtitiwala sa Isang nagmamahal sa aming dalawa.

Share:

Heidi Hess Saxton

Heidi Hess Saxton is author of several books including "The Ave Prayer Book for Catholic Mothers" (available October 2021 through Ave Maria Press). A free downloadable called “A 40 Day Marriage Adventure,” a prayer exercise based on the Prayer of Abandonment, is available on her website “A Life on the Road Less Traveled” (heidisaxton.com).

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles