Home/Makatawag ng Pansin/Article

Oct 29, 2021 979 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

TANONG AT SAGOT

Tanong:  Ako’y napakalapit sa aking babaeng kapatid, ngunit kamakailan lamang, sinabi niya sa akin na huminto na siyang isabuhay ang pananampalataya. Isang taon na siyang hindi dumalo ng misa, at sinabi niya sa akin na hindi na niya matiyak kung ang Katolisismo ay totoo.  Paano ko siya matutulungang ibalik ang  sarili niya sa Simbahan?

Sagot:  Ito ay isang karaniwang kalagayan na matatagpuan sa maraming pamilya.  Kapag ang mga magkakapatid, mga anak, o mga kaibigan ay lumisan ng Simbahan, nasasaktan ang mga puso ng mga nagmamahal sa kanila.  Ako’y may dalawang kapatid na hindi na isinasangkatungkulan ang pananampalataya, at ito’y nakapamimighati sa akin ng lubos.  Ano ang gagawin tungkol dito?

Ang una at ang pinakamagaan (ngunit hindi nangangahulugang pinakamadali) na sagot ay ang dasal at pag-aayuno.  Bagama’t magaan, ito ay masidhing mabisa. Sa huli, ang biyaya ng Diyos ang nakapagsasanhi sa kaluluwa na magbalik-loob sa Kanya.  Kaya bago tayo magsalita, kumilos, o gumawa ng ano pa man para sa isang naliligaw na tupa, dapat tayong magsumamo sa Diyos na palamlamin ang kanyang puso, liwanagin ang kanyang isip, at punuin ang kanyang kaluluwa ng dampi ng Kanyang pagmamahal.  Magpatulong sa iba na makipagdasal at makipag-ayuno sa iyo para sa pagbabago nitong kaluluwa.

Kapag tayo’y nakapagdasal na, dapat tayong magpakita ng saya at kabaitan.  Si San Francisco de Sales, na madalas na tawaging “Ang Maginoong Santo” dahil sa kanyang dakilang kagandahang-loob, ay nagsabi, “Maging mahinahon hangga’t maaari, at alalahanin na makahuhuli ka ng mas maraming langaw sa isang kutsarang pulòt kaysa sa isang daang bariles na sukà.”  Napakaraming tao ang gumagawi patungo sa paninisi at pagpaparatang kapag sinusubukang ibalik muli ang nawawalang kaluluwa.  Ngunit dapat nating hangarin na maging tagasunod ni Kristo bilang isang kasiyahan, at hindi  bilang katungkulan lamang!  Kung totoong Siya ang ating buhay, ating galak, ang Kanyang saya ay dapat magningning sa ating buhay.  Ito ay makapagkakayag ng mga kaluluwa kahit di man banggitin ang ngalan ni Jesus, pagkat ang saya at kabaitan ay sukdulang kaakit-akit. Sa katapusan, tulad ng winika ng isang Pranses na Heswita na si Pierre Teilhard de Chardin, “Ang ligaya ay tanda ng walang pagkakamaling pag-iral ng Diyos!”

Isang may malapit na kaugnayan dito ay ang tanong:  Isinasabuhay ba natin ang ating pananalig na sumasalungat sa makabagong kalinangan? Kung ang buhay natin ay walang kaibhan sa makamundong kultura, ngayon ay dapat nating tanungin kung tayo’y tunay na mabibisang saksi sa nakapagbabagong kapangyarihan ni Kristo. Kapag tayo’y walang humpay na pinag-uusapan ang ating mga ari-arian, o hindi nararapat na kalakip sa papuri o sa ating hanapbuhay, o kung malaya tayong makipagtsismis o manood ng mga walang kabuluhang palatuntunan, hindi tayo maaaring makapagpukaw ng kahit sino upang tumalima kay Kristo.  Ang mga sinaunang Kristiyano ay labis na matagumpay sa pagbabahagi ng Ebanghelyo sapagkat ang buhay nila ay sukdulang puno ng kaibhan sa mapagpalayaw na kultura na kanilang tinitirhan.   Tayo ay nakatira pa rin sa mapagpalayaw na pangkasaluyang-Kristiyanong kultura, at ang ating buhay ay patas na makakatindig ng mahusay kapag isinasabuhay natin ang ating pananampalataya ng buong katapatan.

Mahalaga din na ikaw ay makipag-usap sa iyong babaeng kapatid.  Maaaring siya ay nagpagalagala dahil nagkaroon siya ng di-kanaisnais na karanasan sa pakikitungo sa pari, o maaaring siya ay nagkaroon ng maling pagkaunawa hinggil sa isang bagay na itinuturo ng Simbahan.  Maaari din na siya’y nakikipaghamok sa isang sala sa sarili niyang buhay, at ang kanyang pagliban sa simbahan ay nagsimula sa isang budhi na hindi mailagay sa katahimikan.  Huwag kang maging mapagsanggalang, ngunit makinig ng matiyaga at sumang-ayon sa anumang tamang paliwanag na kanyang gawin.  Kung siya ay nakahandang magtanong, maging handa ka sa mga kasagutan!  Tiyakin na alam mo ang itinuturo ng Simbahan, at kung hindi mo alam ang sagot sa isa sa mga tanong, mag-alay ka ng karagdagang pagsisiyasat.

Anyayahan mo siya na sumama sa iyo sa retreat o sa usapang pandiwa, kung siya ay handa para dito.  Maaaring bigyan mo siya ng regalong aklat  tungkol sa pananampalataya, o isang CD ng mabuting usapan na minsan mo nang narinig.  Mag-alay ka na magsaayos para sa kanya upang makipagkita sa isang pari, kung siya ay papayag.  Ito ay maaaring mapaglinlang, dahil ayaw mong maging mapilit, kaya gawin mo ang paanyaya na walang apurahan o kapanagutan.

Sa wakas, magtiwala ka sa Diyos.  Mahal Niya ang iyong kapatid higit pa sa maaaring magawa mo, at gagawin Niya ang lahat ng maaari upang siya’y magbalik-loob sa Kanya.  Magmasigasig ka, habang nalalaman mo na ang bawat-isa ay kasalukuyang nasa lakbayang pandiwa.  Ang iyong kapatid na babae ay maaaring maging katulad ni San Agustin, na naglagalag ng malayo ngunit naging isang Dalubhasa ng Simbahan.  Mahalin mong tuwina ang iyong kapatid, at magtiwala sa Diyos na nagnanais na walang masasawi bagkus lahat ay makakamtan ang buhay na walang-hanggan.

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles