Home/Makatawag ng Pansin/Article
Sindak sa kanyang sinabi, tinitigan ko siya …
Iyon ay isang napakagandang araw sa dalampasigan, walang ulap sa kalangitan. Muli akong humimlay sa aking upuan na pantabin-dagat at ibinaon ang aking mga paa sa buhangin, kinawag-kawag ko ang aking mga daliri sa paa, inaasam na makaramdam ng bahagyang lamig ng buhangin sa pagitan ng mga ito. Yaon ay isang napakainit na araw ng Hulyo sa kanlurang baybayin ng Florida.
Masaya naming ipinagdiwang na magkaibigan ang araw na yon, pinanonood ang aking tatlong taong gulang na anak na lalaki habang siya ay nakasakay sa likod ng kanyang labindalawang taong gulang na pinsan samantalang gumagapang siya sa mababaw na berdeng tubig. Mababa ang alon sa tabi ng daanan ng mga sasakyan kung saan ang isang makipot na pasukan ng tubig ay nagbigay sa mga bata ng malawak na puwang para makapaglaro sa malamig na tubig ng dalampasigan. Ang pinakamainam na lugar!
Huminga ako nang malalim, binuksan ang palamigan, kinuha ang aking malamig na bote ng tubig at lumagok. Kailangan kong uminom lagi ng tubig para manatiling malamig at hindi manuyo /mauhaw dahil halos siyam na buwan ko nang dinadala ang aking pangatlong anak. At matapos ay nagbalik-tuon ako sa aking anak na nasa tabin-dagat. Naghiwalay na sila ng pinsan niya at nakatawang tumakbo at nagtampisaw sa tubig. Pagkatapos, siya ay parang naupo, ngunit tila napakababa ng pagkaka-upo niya sa tubig. Hindi ito makatuturan.
“Ano ang ginagawa niya? Bakit hindi siya tumatayo?” napasigaw ako habang tinutulak ang aking sarili palabas ng upuan. “Hindi ko maintindihan …”
“Kataka-taka yon,” sabi ng kaibigan ko.
Nakadama ako ng takot sa buo kong katawan, “Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya, Ang Panginoong Dios ay sumasaiyo,” nagdadasal habang kumarimot ako ng takbo sa tubig, ang mga mata ay nakatuon sa kanyang maliit na ulo, “Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang nasa iyong sinapupunan. Santa Maria, Ina ng Diyos … Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Dios ay sumasaiyo…” “Nakayapak sa tubig, nagtaka ako, ‘Bakit hindi siya tumatayo, mangyaring huwag Mong hayaang lumubog ang kanyang ulo sa ilalim ng tubig, pakiusap, Jesus.”
Kapos sa paghinga at puno ng takot, uinabot ko ang lugar at natuklasan kong napunta siya sa isang butas sa mabuhanging ilalim na hindi kita mula sa tabin-dagat. Takot na takot siyang sumisikad sa tubig, sinisikap na manatiling nakalutang ang kanyang ulo. Para akong tinamaan ng kidlat sa malaking takot. Sinunggaban ko siya at hinila palapit sa akin habang papalabas ako sa butas. “Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Panginoong Dios ay sumasaiyo…” Ko Pakiusap, Maria, Mangyaring Iligtas Mo Siya, Pakiusap, Maria, makikinig sa iyo si Jesus. Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat …”
Hirap na hirap ang kanyang paghinga.
“Tawagan nyo ang 911,” isang lalaki ang nagsabi.
Lumingon ako at tinitigan siya ng may pagkabigla.
“Ano? Hindi napunta sa ilalim ng tubig ang kanyang ulo, ”sabi ko, nagtataka kung saan siya nagmula.
“Tawagan nyo ang 911. Kung lumanghap siya ng tubig, maaari siyang malunod sa may paradahan! Tawagan nyo ang 911,” madiin niyang pahayag.
Lumingon ako at humiyaw sa kaibigan ko na tumawag sa 911. Kasabay nito, bagabag akong nagtaka kung ano ang pinagsasabi niya.
Nagsuka ang anak ko sa aking balikat.
Humiyaw ulit ako, “Tawagan mo ang asawa ko.”
“Aba ginoong Maria napupuno ka ng Grasya, …”
Lumapit pa nang kaunte ang mamà.
“Nasa kabilang bahagi ako ng daanan at nagsalita ang Diyos sa aking puso. Sinabi niya sa akin na manalangin nang taimtim at agad na tumakbo sa kabilang bahagi ng daanan. Nakita kitang nasisindak at nalaman kong dito ako dapat magpunta at siya ang dapat kong ipanalangin.”
Napatingin ako sa kanya, gulát sa kanyang mga pinagsasabi at sa bigat ng pangyayari.
Niyakap ko nang mahigpit ang aking anak, “Okay ka lang katoto.” Tahimik akong nagpatuloy, “Aba ginoong Maria, napupuno ka ng Grasya, ang Panginoong Dios ay sumasaiyo …”
Dumating ang aking asawa, kinuha ang aming anak at ipinatong sa kanyang balikat.
Sumuka na naman siya.
Pinunasan ko ang kanyang bibig, humilig sa kanyang mukha at sinabi,
“Magiging ayos ka katoto. Magiging maayos ang lahat, ”pilit na tinatakpan ang aking nag-aalsang takot at dalamhati.
“Aba ginoong Maria …” patuloy ako habang sinisikap ko siyang aliwin.
Dumating ang ambulansya. Pumalit ang mga paramedics.
“Tinatawagan namin ang sasakyang panghimpapawidr para ilipad siya sa All Children’s Hospital,” sabi nila.
“Ano? Bakit? Ang kanyang ulo ay hindi napunta sa ilalim, “sabi ko.
“Hindi mahalaga yon, kailangan nating matiyak na ayos siya,” sabi nila.
Napatitig ako sa kanila sa pagkabigla. Hindi ito maaaring mangyari, naisip ko.
“Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat …”
Nagkatinginan kami ng asawa ko.
Ang mamang katabi ko ang bumasag sa katahimikan.
“Hindi ako titigil sa pagdadasal.”
Lumapag ang sasakyang panghimpapawid.
Ang paramediko ay lumabas sa sasakyang panghimpapawid at lumapit sa amin, nakalahad ang kanyang mga braso upang kunin ang aming anak.
“Sasama ako sa kanya,” sabi ko.
“Paumanhin po pero hindi ka maaaring sumama sa amin sa helikopter. Hindi namin kayo sabay na maalagaan. Maaari kang mag-damdam gawa sa bigat ng pag-aalala. Aalagaan namin siya nang maayos.”
“Ako ang sasama,” ang pahayag ng aking asawa.
“Hindi, hindi din namin kayo madadala, ginoo, siya lamang. Dapat namin siyang pagtuunan ng pansin,” giit nila.
Lugmok kaming nakamasid na mag-asawa habang dinadala nila ang aming anak sa helikopter.
“Aba ginoong Maria, napupuno ka ng Grasya, Pakiusap, Jesus, Maria, Pakiusap…”
Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat.
“Tayo na,” sabi ng asawa ko.
Sumakay na kami at humarurot sa daanan papunta sa All Children’s Hospital.
“Hindi ka maaaring mag damdam,” aniya.
“Ayos ako,” ang sabi ko, “Basta padatingin mo tayo doon nang mabilis,” habang tahimik akong nagpatuloy, “Bukod kang ipinagpala sa babaeng lahat, at pinagpala naman ang bunga sa iyong sinapupunan.”
Tumigil kami sa lote ng Emergency Room at tumakbo patungo sa ospital. Itinuro nila kami sa lagusan patungo sa kalingaan ng mga bata.
Tumakbo ang aking asawa at sumunod ako, humihingal, walang sapatos at nakabihis ng basang suot-panlangoy.
“Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya…”
Pinapasok kami sa kanyang silid. Umakyat ako sa kama niya at hinawakan siya.
Pumasok ang doktor.
“Siya ay matatag na at nasa mabuting kalagayan, ngunit papanatilihin namin siya dito nang magdamag bilang pag-iingat,” aniya.
Napabuntong hininga ako ng kaginhawahan, at tahimik na nagpatuloy sa pagdadasal samantalang ang aking mga saloobin ay nagkahalu-halo sa katarantahan habang nagtataka kung paano nangyari ito.
Nakatulog ang anak ko sa aking mga bisig at nakadama ako ng pasasalamat, pero may-sala. Ako ay isang masamang ina na halos hayaang malunod ang kanyang anak. Balót ng kahihiyan, hinayaan kong dumaloy ang luha sa madilim, tahimik na silid ng ospital.
Humahagulgol dala nang pagkabalisa, tinawagan ko ang aking espiritwal na ama, isang banal na pari. 9:30 ng gabi, kaya’t maliit ang pag-asa ko na sasagutin niya. Ang kaniyang boses ang bumasag sa aking ligalig na isip.
Sumagot siya!
Ibinuhos ko ang buong nakapanghihilakbot na pangyayari sa araw na iyon.
“Ipagdasal mo po siya Padre, pakiusap po,” pagsusumamo ko.
Sumabay siya sa akin sa pagdadasal, ngunit masama pa din ang loob ko.
“Muntik nang malunod ang aking anak nang dahil sa akin,” pagtatapat ko.
“Hindi! Iniligtas mo ang buhay ng anak mo,” mapagbigay-tiwala niyang sinabi.
Ang mga hikbi ng kaginhawahan ay nakihalo sa luha ng takot at pag-aalala.
“Sumaiyo ang Panginoon. Magiging maayos ang lahat,” aniya.
“Salamat Padre,” sagot ko. Bumabà ang tingin ko sa aking munting anak na payapang itinulog ang pinsala ng araw na yon. Yumapos ako sa kanya habang patuloy na humihiling sa ating Ina na mamagitan, hanggang sa ako ay nakatulog na din. “Abaginoong Maria, napupuno ka ng grasya. Ang Pnginoong Diyos ay sumasa iyo …”
Kinaumagahan, buong pasasalamat naming nilisan ang ospital kasama ang aming masaya at malusog na anak. Hindi pa kami natatagalang nakauwi, nang humarap ang aking asawa sa kanyan at nagsabing, “Panahon na para maglanguyan, katoto.”
Nangangambang napatitig ako sa aking asawa. “Hayaan mo akong gawin ito,” bulong niya,
Nasasabik ngunit kinakabahan, pinanood ko ang aking asawa na hikayatin siya sa tubig, at masaya silang nagsilangoy.
Sa kanyang susunod na pag-aaral sa paglangoy, matapat na sinabi ng kanyang guro na nang nakaraang linggo lamang niya itinuro sa kanya kung paano lumutang ng tubig.
Napaiyak ako.
Salamat Jesus, salamat Maria.
Rosanne Pappas is an artist, author, and speaker. Pappas inspires others as she shares personal stories of God’s grace in her life. Married for over 35 years, she and her husband live in Florida, and they have four children.
Nasangkot sa ikid ng mga droga at mahalay na kabuhayan, nawawala ako sa aking sarili, hanggang ito ay nangyari. Ito’y kinagabihan, sa isang bahay-aliwan na panlalaki, ako’y handang nakabihis para sa “hanap-buhay.” Mayroong isang malumanay na katok sa pinto, hindi malakas na nagbubuhat sa mga pulis, ngunit isang mahinahong tapik. Ang babaeng may-ari ng bahay-aliwan—ang Ginang—ay binuksan ang pinto, at ang aking ina ay tumuloy. Ako’y napahiya. Ako’y nakabihis para sa “hanap-buhay” na ginagawa ko sa mga maraming buwan na ngayon. At naroon sa silid ay ang aking ina. Siya’y umupo lamang doon at sinabihan ako, “Mahal, kung maari sanang umuwi ka.” Siya’y nagpakita sa akin ng pag-ibig. Hindi niya ako hinusgahan. Siya’y nakiusap lamang na ako’y bumalik. Ako’y nagapi ng biyaya sa tagpong yaon. Dapat na ako’y umuwi noon, ngunit ang mga droga ay ayaw akong tantanan. Buong loob akong nakadama ng kahihiyan. Isinulat niya ang numero ng kanyang telepono sa isang piraso ng papel, ipinadulas nang pahalang, at sinabi sa akin: “Mahal kita. Tawagan mo ako kung kailanman, at ako’y darating.” Sa sumunod na umaga, nagsabi ako sa aking kaibigan na nais kong tumigil sa paggamit ng herowin. Ako’y natatakot. Sa gulang na 24, ako’y nasawa na sa buhay. Tila bang ako’y nakapamuhay na nang hustong haba upang matapos sa buhay. Ang kaibigan ko ay may kilalang manggagamot na nakapagpalunas ng mga nagumon sa narkotiko, at nakakuha ako ng takdang pagpatingin sa loob ng tatlong araw. Tumawag ako sa aking ina at sinabi ko na ako’y pupunta sa manggagamot, at ninais kong tigilan nang magherowin. Siya’y lumuluha sa telepono. Siya ay lumukso sa loob ng sasakyan at dumating sa akin nang dagsaan. Matagal na siyang nakapaghintay… Paano Nagsimula ang Lahat Ang aming pamilya ay lumipat sa Brisbane nang makakuha ng mapapasukan ang aking ama sa Expo 88. Ako’y labindalawang gulang. Ako’y naipatala sa isang pilî na pantanging pambabaeng paaralan, ngunit ako’y hindi makapag-angkop dito. Nangarap akong pumunta sa Hollywood at gagawa ng mga pelikula, kaya kinailangan kong pumasok sa paaralang itinatangi ang pelikula at telebisyon. Nakatagpo ako ng paaralang bantog sa pelikula at telebisyon, at dagling pumayag ang mga magulang ko na ako’y magpalit ng paaralan. Ang hindi ko ipinaalam sa kanila ay ang yaong paaralan ay nasa mga balita dahil sila’y kalait-lait tungkol sa mga gang at mga bawal na gamot. Ang paaralan ay dinulutan ako ng napakaraming mga kaibigang malikhain, at ako’y nakapagpabuti sa paaralan. Nagawa kong maging tampok sa karamihan ng aking mga klase at napagkalooban ng mga gantimpala sa larangan ng Pelikula, Telebisyon, at Dula. Ako’y nagkamit ng mga antas upang makaabot sa Pamantasan. Dalawang linggo bago matapos ang ikalabindalawang baytang, may nag-alok sa akin ng mariwana. Sumagot ako ng oo. Sa katapusan ng eskuwela, lahat ay nagsi-alis, at nang muli ako’y nanubok ng ibang mga droga. Magmula sa isang batang masugid na nakatutok sa pagtapos ng pag-aaral, ako’y napadpad sa palubog na pagkalubha. Ako’y nakapasok pa rin ng Pamantasan, ngunit sa ikalawang taon, ako’y nasangkot sa isang kaugnayan ng lalaking nagumon sa herowin. Tanda ko noong pinayuhan ako ng lahat ng aking mga kaibigan sa panahong yaon, “Ikaw ay magiging durugista, isang gumon sa herowin.” Ako naman, sa kabilang dako, ay nag-akala na magiging kanyang tagapagligtas. Ngunit ang lahat ng pagtatalik, mga durug at rak en rol ay nauwi sa aking pagdadalantao. Pumunta kami sa manggagamot, ang aking kinakasama ay bangag pa rin sa herowin. Minasdan kami ng manggagamot at dagliang pinayuhan kami upang makapagpalaglag—maaaring napagtanto ng babaeng ito na ang sanggol ay walang pag-asa sa piling ng aming pagsasama. Lumipas ang tatlong araw, ako’y nakapagpalaglag. Nakadama ako ng kapanagutan, kahihiyan, at lumbay. Mamasdan ko ang aking kasama na magpapakabangag sa herowin, mamamanhid at walang pagkabagabag. Nagmakaawa ako para sa kaunting herowin, ngunit lahat ng kanyang tugon: “Mahal kita. Hindi kita aalayan ng herowin.” Isang araw, kinakailangan niya ng salapi, at ako’y nakapagtunguhan ng kaunting herowin bilang kapalit. Ito’y isang kapiranggot na bahagi, at pinasamà nito ang pakiramdam ko, ngunit ito rin ay walang ipinadama sa akin. Ipinatuloy ko ang paggamit ng dosa nang pataas sa bawa’t panahon. Tuluyan kong iniwan ang Pamantasan at naging palagiang gumagamit nito. Ako’y walang maisip na paraan kung paano bayaran ang halos katumbas ng isandaang dolyar ng herowin na ginagamit ko sa pang-araw-araw. Nagsimula kaming magtanim ng mariwana sa loob ng bahay; ipagbibili namin ito upang magamit ang salapi sa pagbili ng higit na maraming mga droga. Ipinagbili namin ang bawa’t pag-aari namin, napalayas sa aking inuupahang tirahan, at pagkaraan, unti-unti, ako’y nagsimulang magnakaw mula sa aking pamilya at mga kaibigan. Ako’y ni-hindi nakadama ng kahihiyan. Hindi nagtagal, sinimulan kong magnakaw mula sa pinapasukan. Inakala kong hindi nila nalaman, ngunit ako rin ay pinalayas doon. Sa huli, ang nalalabing bagay lamang sa akin ay ang katawan ko. Sa unang gabi na nakipagtalik ako sa mga hindi kilala, ninais kong isisin nang malinis ang aking sarili. Ngunit hindi ko magawa. Hindi mo maiisis ang iyong sarili nang malinis sa loob palabas… Ngunit hindi ako tinigilan nito sa pagbalik. Mula sa pagkita ng $300 bawa’t gabi at ginugugol itong lahat sa herowin para sa kalaguyo ko at sa akin, humantod akong makakita ng isanlibong dolyar bawa’t gabi, bawa’t kusing na aking naipon ay napunta sa pagbili ng higit na maraming droga. Sa kalagitnaan nitong palubog na pumapaikot na galaw nang ang aking ina ay dumating at sinagip ako ng kanyang pag-ibig at habag. Ngunit yaon ay hindi sapat. Isang Butas sa Aking Kaluluwa Tinanong ng manggagamot ang kasaysayan ng aking pagdudurug. Sa pag-uukilkil ko sa aking mahabang salaysay, ang ina ko ay nanatiling lumuluha--siya'y natulala sa kapunuan ng aking salaysay. Pinayuhan ako ng manggagamot na nangangailangan ako ng rehab. Tinanong ko: “Hindi ba ang mga gumon sa droga ay nagre-rehab? Siya’y nagulat: “Hindi mo akalang ikaw ay kabilang?” Sumunod, tumitig siya sa akin at nagsabi: “Sa wari ko'y hindi mga droga ang suliranin mo. Ang iyong suliranin ay, ikaw ay may butas sa iyong kaluluwa na si Hesus lamang ang makapupuno.” May layunin na pinili ko ang rehab na ako’y tiyak na hindi Kristiyano. Ako’y may sakit, nagsisimulang nang marahang magpurga nang, isang araw matapos ang hapunan, tinawag nila kaming lahat na lumabas para sa pulong na panalangin, ako’y galit, kaya umupo ako sa sulok at sinikap kong huwag silang bigyan ng pansin—ang kanilang musika at awitan, at kanilang Hesus at lahat. Sa Linggo, idinala nila kami sa simbahan. Tumayo ako sa labas at humithit ng mga sigarilyo. Ako’y galit, nasasaktan, at nalulumbay. Magsimulang Muli Sa ikaanim na Linggo, ikalabinlima ng Agosto, bumubuhos ang ulan—isang sabwatan, sa pagbabalik-tanaw. Wala akong magawa kundi pumasok sa loob ng gusali, nanatili ako sa likod, iniisip na ako’y hindi makikita ng Diyos. Nasimulan ko nang maging mulat na ang ilan sa mga pagpapasya ko sa buhay ay mga kasalanan, kaya naroon akong nakaupo, sa likuran. Gayunman sa huli, sinabi ng pari: “Mayroon ba rito na nais na ialay ang kanilang mga puso kay Hesus ngayong araw?” Aking naaalalang ako’y nakatayo sa harap at nakikinig sa sinabi ng pari: “Nais mo bang ialay ang iyong puso kay Hesus? Siya’y makapag-aalay ng kapatawaran para sa nakalipas mo, isang panibagong buhay ngayong araw, at pag-asa para sa iyong hinaharap.” Sa yaong yugto, ako’y naging malinis, ligtas mula sa herowin sa halos anim na mga linggo. Ngunit ang hindi ko napagtanto ay mayroong labis na pagkakaiba sa pagiging malinis at pagiging ligtas. Isinaad kong muli ang Panalangin ng Kailigtasan kasabay ang pari, isang panalangin na hindi ko man naunawaan, ngunit doon, ihinabilin ko ang aking puso kay Hesus. Yaong araw, sinimulan ko lakbay ng pagbabagong-anyo. Kinailangan kong magsimulang muli, matanggap ang kapunuan ng pag-ibig, biyaya, at kabutihan ng isang Diyos na nakilala na ako sa aking tanang buhay at nailigtas ako mula sa aking sarili. Ang daan pasulong ay hindi nangangahulugang walang kamalian. Ako’y nagkaroon ng kaugnayan sa rehab, at ako’y muling nagdalantao. Ngunit sa halip na isipin ito bilang parusa para sa maling pagpasyang nagawa ko, pinili naming manatiling magsama. Sinabi ng kinakasama ko: “Magpakasal tayo at pagbutihan nating gawin ito ngayon ayon sa Kanyang paraan.” Si Grace ay ipinanganak makaraan ang isang taon; dahil sa kanya, nakaranas ako ng labis na biyaya. Parati na akong may matinding pagnanais na magbahagi ng mga salaysay; hinandogan ako ng Diyos ng isang salaysay na nakatulong sa pagbabagong-anyo ng mga buhay. Nagamit na Niya ako sa napakaraming mga paraan upang ibahagi ang aking salaysay—sa mga salita, sa panunulat, at sa pag-aalay ng aking lahat upang maglingkod para sa, at kasama ng, mga babaeng nalublob sa magkawangis na buhay na dati kong tinatahak. Ngayong araw, ako’y isang babaeng napagbago ng biyaya. Ako’y natagpuan ng pag-ibig ng Langit, at ngayon ay nais kong mabuhay sa paraan na mapapayagan akong makipagsosyo sa mga layunin ng Langit.
By: Bronwen Healey
MoreSa mga oras ng problema naisip mo na ba kung mayroon lang akong tulong na hindi mo alam na mayroon ka talagang personal na pangkat na tutulong sa iyo? Ang aking anak na babae ay nagtanong sa akin kung bakit hindi ako kamukha tulad ng mga tipikal na Polish kung ako ay 100% Polish. Hindi ako nagkaroon ng isang magandang sagot hanggang sa linggo na ito, kapag natutunan ko na ang ilan sa aking mga magulang ay Goral na tagabundok. Ang Goral tagabundok nanirahan sa mga bundok sa tabi ng timog na hangganan ng Poland. Sila ay kilala para sa kanilang pag-iisip, pag-ibig ng kalayaan, at natatanging dress, kultura, at musika. Sa kasalukuyang ito, ang isang partikular na Goral folk song ay patuloy na naglalaro muli at muli sa aking puso, kaya kaya na ibinigay ko sa aking asawa na ito ay, sa katunayan, tinawag sa akin bumalik sa aking sariling bansa. Ang pag-aaral na ako ay may ninuno na Goral ay sa katunayan na ginawa ang aking puso pumailanglang! Ang Paghahanap Para sa Mga Ugat Ako ay naniniwala na mayroong ilang pagnanais sa loob ng bawat isa sa amin upang makipag-ugnayan sa aming mga ugnayan. Ito ay nagpapaliwanag ng maraming mga lugar pinag-angkanan at DNA-pagsusuri negosyo na lumitaw sa kamakailan-lamang. Bakit ito? Marahil ito ay nagmula sa isang pangangailangan upang malaman na tayo ay bahagi ng isang bagay na mas malaki kaysa sa ating sarili. Kami ay naghihintay para sa kahulugan at koneksyon sa mga nagmula sa amin. Ang pagkatuklas ng aming mga angkan ay nagpapakita na tayo ay bahagi ng isang mas malalim na kasaysayan. Hindi lamang na, ngunit ang pagkilala ng aming mga magulang ay nagbibigay sa amin ng isang kahulugan ng identidad at solidaridad. Lahat namin ay dumating mula sa isang lugar, kami ay nasa ilang lugar, at kami ay sa isang paglalakbay sama-sama. Ang pag-iisip sa ito ay nagpaalam sa akin kung paano mahalaga ang pagtuklas ng ating espirituwal na mana, hindi lamang ang ating pisikal na. Sa katunayan, ang mga tao ay katawan at kaluluwa, laman at espiritu. Maraming benepisyaryo sa atin na malaman ang mga Banal na yumao na bago sa atin. Hindi lamang dapat nating malaman ang kanilang mga kasaysayan, kundi dapat din nating maunawaan ang mga ito. Paghahanap ng Koneksyon Kailangan kong ipagkatiwalaan, hindi ko palaging mahusay ang pagsasanay sa pagtanong-para-sa-intercession- ng isang santo. Ito ay tiyak na isang bagong pagdaragdag sa aking rutina ng panalangin. Ang ipinagkaloob sa akin sa katotohanan na ito ay ang payo ni San Felipe Neri: “Ang pinakamahusay na gamot laban sa espirituwal na kagutom ay ang paghahatid ng ating sarili na gaya ng mga mangangasiwa sa presensya ng Dios at ng mga Banal. At pumunta tulad ng isang mangmang mula sa isa sa isa at humingi ng espirituwal na almas na may parehong pagsisikap na ang isang mahihirap na tao sa kalye ay tumingin para sa almas.” Ang unang hakbang ay upang malaman kung sino ang mga Banal. Mayroong maraming mga magandang mga mapagkukunan sa onlayn. Ang isa pang paraan ay basahin ang Biblia. May mga malakas na tagapamahala sa parehong Lumang at Bagong Tipan, at maaari mong may kaugnayan sa isa higit pa kaysa sa iba. Bukod dito, mayroong maraming mga aklat tungkol sa mga Banal at ang kanilang mga kasulatan. Manalangin ka para sa patnubay, at dadalhin ka ng Dios sa iyong personal na grupo ng mga tagapagsalita. Halimbawa, tinanong ko ang Santo David na Hari para sa tulong sa aking ministeryo ng musika. Ang Banal na Jose ay sa akin kung ako'y sumampalataya para sa aking asawa at para sa pagkilala sa trabaho. Manalangin ko ang tulong ng Banal na Juan Pablo II, San Pedro, at San Pio X kapag narinig ko ang tawag na manalangin para sa Iglesia. Ako'y nanalangin para sa mga ina sa pamamagitan ng pananalangin ng Saint Anne at Saint Monica. Sa panalangin para sa mga pangangaral, minsan ay tinatawag ko ang Banal na Teresa at Santo Padre Pio. Patuloy ang listahan. Ang Banal na Carlo Acutis ay ang aking pag-go-to para sa mga problema sa teknolohiya. Ang mga Santo Jacinta at Santo Francisco ay nagtuturo sa akin tungkol sa panalangin at kung paano mas mahusay na maghandog ng mga handog. Ang Banal na Juan ang Ebanghelista ay tumutulong sa akin na lumago sa kontemplasyon. At ako ay magiging negligenteng hindi sabihin na ako madalas nagtanong para sa intercession ng aking mga magulang. Sila ay nagsipanalangin para sa akin habang sila ay sa lupa, at alam ko na sila ay nagsisampalataya para sa ako sa walang hanggan na buhay. Ngunit ang aking mga paboritong tagapagsalita sa lahat ng panahon ay palaging ang ating minamahal na Banal na Ina. Isang Panalangin Lang Ang Layo Kung sinuman natin ginugugol ang ating oras ay saligan. Inihuhubog tayo sa pagigiging ating pagkatao.. May katotohanan ay may isang “mga alapaap ng mga saksi” na naglalapit sa amin na kami ay konektado sa sa isang tunay na paraan (Hebrews 12:1). Maghanap tayo upang maunawaan ang mga ito mas mahusay. Maaari naming magpadala ng mga simpleng panalangin ng puso tulad ng, “Santo t ____, Gusto kong malaman ang iyo. Mangyaring tulungan mo ako.” Hindi tayo inaasahan na gawin ito-isa sa paglalakbay sa pananampalataya. Kami ay nagliligtas bilang isang grupo ng mga tao, bilang katawan ni Kristo. Sa pamamagitan ng pagpapanatili sa mga Banal, natagpuan namin ang parehong isang kompas na nagbibigay ng direksyon at tanging tulong upang maglakbay nang ligtas sa ating Langitang bahay. Hayaan ang Espiritu Santo tumulong sa atin na makipag-ugnayan sa ating mga espirituwal na ugat upang tayo ay makakasakop sa mga Banal at magpapatuloy ng walang hanggan bilang isang maluwalhating pamilya ng Dios!
By: Denise Jasek
MoreMayroong isang patula na pagninilay ng isang unang ika-20 siglo Greko nobelista na tinatawag na Nikos Kazantzakis na iningatan ko sa aking lamesa panggabi kapag Adbento sa paligid ng bawat taon. Inilarawan Niya si Kristo bilang isang binata, nakikita ang bayan ng Israel mula sa malayo na taluktok ng bundok, hindi pa handa na magsimula ang Kanyang ministeryo ngunit matinding, malubhang sensitibo sa pagnanasa at pagdurusa ng Kaniyang bayan. Ang Diyos ng Israel ay nasa gitna nila—nguni't hindi nila ito nalalaman pa. Binabasa ko ito aking mga mag-aaral sa nakaraang araw, tulad ng ginagawa ko sa bawat taon sa simula ng Adbento at isa sa mga ito ay sinabi sa akin pagkatapos ng klase: “Huhulaan ko na ito ay kung paano ang pag-iisip ni Hesus ngayon rin.” Sinabi ko sa kanya kung ano ang ibig niya. Sinabi niya, "Alam mo, si Hesus, na nakaupo doon sa tabernakulo, at tayo lamang ay lumalakad na parang Siya'y hindi naruruon." Mula ngayon, nagkaroon ako ng bagong larawan sa aking mga panalangin sa Adbento ni Hesus, na naghihintay sa Tabernakulo, nakikita sa Kanyang mga tao—nakarinig ang aming mga pag-aawit, aming mga pananalangin, at aming mga tinig. Naghihintay... Sa isang paraan, ito ay ang paraan na pinili ng Diyos na dumating sa atin. Ang kapanganakan ng Mesiyas ay ang PANGUNAHING KAGANAPAN SA BUONG KASAYSAYAN NG TAO, at gayon ma'y nais ng Diyos na magaganap ito “gayon madali na ang sanglibutan ay nagsisilakad sa kanyang mga gawain na parang walang nangyari.” Ang ilang pastol ay tumitingin, at gayon din ang mga mago (at maaari naming makipag-ugnayan sa Herodes, na nagtataglay para sa lahat ng mga maling dahilan!). Pagkatapos, malinaw, ang buong bagay ay nawala. Para sa isang oras. Sa isang paraan... mayroon kang isang bagay sa paghihintay na mabuti para sa atin. Pinili ng Diyos na maghintay para sa atin. Pinili Niya na tayo'y maghihintay sa Kanya. At kapag ikaw ay nag-iisip tungkol dito sa liwanag na ito, ang buong kasaysayan ng kaligtasan ay naging kasaysahan ng paghihintay. Kaya, nakikita mo, mayroong pare-pareho na kahulugan ng pangangailangan—na kailangan nating tumugon sa tawag ng Diyos at kailangan nati Siya na tumugoon sa ating tawag, at sa lalong madaling panahon. “Sumagot ka sa akin, Panginoon, kung ako'y tumatawag i sa iyo,” sabi ng salmista. Mayroong isang bagay na parang bastos tungkol sa talatang ito na ka akit akit. May isang pangangailangan sa mga Awit. Ngunit mayroon ding kahulugan na dapat natutunan natin na maging matibay at maghintay—paghihintay sa masaya na pagasa—at makahanap ang sagot ng Diyos sa paghintay.
By: Father Augustine Wetta O.S.B
MoreAng Kasulatan na binabasa sa Misa ay laging magandang pakinggan sa aking mga tainga bilang isang batang babae. Bagaman, pagkat ito’y nakalilito, inilalagay ko ito kabílang sa tumpok ng mga bagay na “napakahirap” na maunawaan, sa gayon ay isinasaisang-uri ang lahat ng Kasulatan bilang isang hiwaga na balang araw ay maipaliliwag kung ako’y nasa langit na kapiling ang Diyos. Pagkaraan, bilang isang may sapat na gulang, ako’y nakarinig ng isang nakapagbabagumbuhay na sipi ni San Geronimo, “Ang pagkawalang-malay sa Kasulatan ay pagkawalang-malay kay Kristo.” Si San Geronimo ay pinapayuhan ako na hindi ko na kailangang maghintay para sa “balang-araw.” Sa halip, nagkaroon ako ng pahintulot ng Diyos na maunawaan at makilala si Kristo sa sandaling ito. Ang aking lakbay sa loob ng salita ng Diyos ay tulad ng pagtatalatag ng isang panulirong larô ay naging higit na malinaw nang ang mga bahagi ay naisaayos nang tama. Ang Kasulatan, lalo na ang Ebanghelyo ni Juan, ay isinisiwalat na ang Makapangyarihang Diwa ng Diyos, ang may-likha ng lahat, ay nagkatawang-tao pagkat ako’y minahal Niya. Bilang bahagi ng Kanyang paglikha, nais Niya akong maging Kanyang anak, upang manahin ang Kanyang Kaharian, at manahan na kasama Siya nang payapa habambuhay. Gayunman, ang Hari ng Kaluwalhatian ay mapagkumbabang pinili na magkatawang-tao bilang isang sanggol, nagdusa, at namatay sa krus para sa akin, upang matupad ang Kanyang plano. Sa bawa’t lipat ng pahina, ang saklob ng pagkawalang-malay ay naitataas habang ang aking pananampalataya at pag-ibig para sa Kanya ay lumalaki; alam ko na ngayon na ako’y nakasapi sa Kanya. Sa tulong ng Banal na Ispirito, sinusubukan kong himukin ang iba na huwag maging walang malay kay Kristo dahil sa kakulangan ng pag-unawa sa Kasulatan. Sa loob ng maraming taon, ako at ang aking asawa ay mga tagapagtugma ng programa sa pag-aaral ng Kasulatan sa aming parokya, sa pag-aasang kami’y makapagkakayag ng iba sa Ang Diwa ng Diyos, na darating upang makilala si Hesus, ang Anak ng Diyos, na naging tao.
By: Teresa Ann Weider
MoreHanapin ang landas na inilatag para sa iyo bago pa man magsimula ang iyong panahon sa mundo, at ang iyong buhay ay hindi kailanman magiging pareho. Ang pagiging Perpekto, o ang Tamang Direksyon, ay isang pandaya na madalas kong ginagamit sa aking mga anak kapag kinakailangan nila ng pagwawasto. Sila ay lubos na bigo sa pakikipagtalo sa akin na inaasahan kong sila ay maging perpekto. Isinasagot ko na "Hindi ko hinihingi ang pagiging perpekto, gusto ko lang na magsimula ka sa tamang direksyon." Ang Inaasahan ng Diyos Para sa akin, ito ay naglalarawan sa kababaang-loob ng kanilang puso. Kung kinikilala ng isa sa aking mga anak na nakagawa sila ng isang hindi tamang pagpili at ang kanilang mga naging aksyon ay labag sa mga mahahalagang pinaniniwalaan nating totoo at tama, samakatwid isang simpleng, 'Alam kong mali ako, at ikinalulungkot ko. Ano ang maaari kong gawin para mapaganda ang mga bagay-bagay?’ ay ang pinakamabilis na paraan ng pagpapatawad at pagpapanumbalik ng pagkakaisa. Gayunpaman, kung makikipagtalo sila na kahit papaano ay okay lang para sa kanila na sumuway o gumawa ng isang bagay na wala sa itinatag na mga panuntunan ng aming tahanan, natural na tumatagal ang panahon ng paghihiwalay ng relasyon at ang bilang ng mga kahihinatnan. Ito ay pareho sa ating paglalakad kasama si Hesus. Binigyan tayo ng mga inaasahan sa atin ng Diyos sa Sampung Utos, at nilinaw ito ni Hesus sa Pangaral sa Bundok (Mateo 5-7). At kung hindi pa iyon sapat, inuulit nina San Pablo, San Pedro, at ng iba pang mga Apostol ang mga Utos ng Diyos sa kabuuan ng kanilang mga Sulat sa isang nadaramang paraan. Kita mo, wala tayong ibang paraan para dito. Ang Tamang Direksyon ay ginawang napakalinaw para sa lahat ng sangkatauhan. Masyadong halata ang lahat. Puwede nating piliin ang paraan ng Diyos o lumaban dito sa pamamagitan ng pagrerebelde. At kaya nga, nagsimula na tayong makakita ng isang lipunang baluktot na nagbigay ng maling pakahulugan ang Banal na Kasulatan at binabaluktot ang mga paraan ng Diyos upang payapain ang pagkakasala ng makamundo nitong pagnanasa. Tayo ay nahaharap sa isang panahon na walang katulad, kung saan marami ang nahulog palayo sa Katotohanan ng Diyos. Nakumbinsi sila na kung babaguhin lang nila ang salaysay, kahit papaano ay maiiwasan nila ang itinalagang resulta. Sa kasamaang palad, hindi nila naiintindihan ang mga paraan ng Diyos at ang realidad ng Kanyang Katotohanan. Ito mga kaibigan, ang dahilan kung bakit ang Ebanghelyo ang pinakasimple ngunit hindi maintindihan na mensahe na maaaring ihayag kailanman. Paliko-liko at Paikot-ikot Ang mabuting balita ay napatawad ka na--nakaraan, kasalukuyan, at hinaharap. Gayunpaman, nangangailangan ito ng pagsisisi at matatag na pangako sa bawat araw upang ipagpatuloy ang pakikibaka upang manatili sa tamang landas. Ang kagandahan sa Ebanghelyo ay samantalang hindi natin magagawa ang ginawa ni Kristo sa pamamagitan ng Kanyang Pasyon at Pagkabuhay na Mag-uli, ay matatanggap pa rin natin ang pakinabang ng Kanyang gawain. Kapag sumuko tayo sa Kanyang pamamaraan, patuloy Niya tayong aakayin sa Tamang Direksyon. Sa Bagong Tipan, sinabi ni Hesus: “Kung hindi hihigit ang inyong pagkamakatwiran sa mga Pariseo, hindi kayo makapapasok sa Kaharian ng Langit.” Sa madaling salita, karamihan sa mga relihiyoso sa mundong ito ay hindi pa rin sapat na mabuti sa pamamagitan ng kanilang sariling mga gawa upang makapasok sa Kaharian ng Diyos. Ang pagiging perpekto ay hindi ang sagot, at hindi rin ito ang kinakailangan para sa isang relasyon; kungdi ang pagpapakumbaba. Kapag binasa mo ang Mateo kabanata 5-7, maaari mong tingnan ito bilang isang imposibleng gawain na inilalatag ni Hesus sa ating harapan. Hanapin ang Iyong Daan Pabalik Nabigo akong sundin ang marami sa mga tuntuning ito sa paglipas ng mga taon, gayunpaman, hindi inilalatag ni Hesus ang mga paraan ng Diyos upang ilibing tayo sa ilalim ng pang-aapi dahil sa mga tuntuning hindi matamo. Ilarawan mo ang iyong sarili na kasama si Hesus at ikaw ay nakatayo sa tuktok ng (sa tuktok) isang burol na tinatanaw ang isang malaking lambak. May malinaw na pinagdaanan. Gayunpaman, humahabi ito sa mga kagubatan, ilog, at iba pang likas na katangian. Ganito ang Mateo 5-7. Ito ay ang landas. Ngunit, sa halip na sabihin ni Hesus na, ‘Buweno, mas makabubuting pumunta ka na,’ ipinakilala ka Niya sa Banal na Espiritu, iniaabot sa iyo ang isang kompas (ang Bibliya), at ipinapaalala sa iyo na hindi ka Niya iiwan o pababayaan. Pagkatapos ay sinabi niya, “Kung ikaw ay mapagpakumbaba, at ang iyong puso ay mananatiling nakatuon sa akin, mangyayaring mahahanap mo ang landas kahit gaano pa ito magpaliko-liko o magpaikot-ikot. At kung nagkataon na naligaw ka o pumili ng landas maliban sa akin, ang kailangan mo lang gawin ay magpakumbaba ng buong puso at tumawag sa akin, at tutulungan kitang mahanap ang daan pabalik.” Ito ang tinukoy ng ilan bilang ang pinakamalaking iskandalo sa lahat ng panahon. Ang Diyos ng Langit, na lumikha ng lahat ng nakikita natin at maging ng hindi natin nakikita, ay nagpakumbaba ng Kanyang sarili upang iligtas ang Kanyang nilikha. Mayroon tayong isang simpleng trabaho. Magpatuloy sa Kanyang direksyon. Dalangin ko sa araw na ito kung nasaan ka man at anuman ang iyong nagawa, masumpungan mo nawa ang iyong sarili na magpakumbaba at nakayuko sa harap ng krus at bumabalik sa landas na inilatag ng Diyos para sa iyo bago magsimula ang iyong panahon sa mundong ito.
By: Stephen Santos
MoreAng iyo bang mga pakikibaka ay tila walang katapusan? Kapag ang desperasyon ay kumakapit sa iyong puso, ano ang iyong ginagawa? Nakaupo ako sa isang sobrang laking upuan na pinipiga ang mga kamay ko at hinihintay ang Sikologo na pumasok sa kwarto. Gusto kong bumangon at tumakbo. Binati ako ng Sikologo, nagtanong ng ilang pangunahing katanungan, at pagkatapos ay nagsimula ang sesyon ng pagpapayo. May hawak siyang tableta at panulat. Sa tuwing may sasabihin ako o gumagawa ng mga senyales gamit ang mga kamay ko, nagsusulat siya ng mga tala sa tableta. Pagkaraan ng maikling panahon, alam ko mula sa kaibuturan ng aking puso na malalaman niyang wala ng magagawang tulong para sa akin. Natapos ang miting na may kasamang mungkahi na uminom ako ng mga pampakalma para matulungan akong makayanan ang kaguluhan ng buhay ko. Sinabi ko sa kanya na pag-iisipan ko ito; ngunit sa kaooban ko alam kong hindi iyon solusyon. Desperado at Nalulumgkot Sa mesa ng resepsyonista para magpa iskedyul ng isa pang tipanan, nag-pasikot-sikot ako sa resepsyonista tungkol sa gulo ng buhay ko. Mabait siyang nakikinig at nagtanong kung naisipan kong pumunta sa isang pulong ng Al-Anon. Ipinaliwanag niya na ang Al-Anon ay para sa mga miyembro ng pamilya na ang buhay ay apektado ng alkoholismo ng isang tao. Iniabot niya sa akin ang isang pangalan at numero ng telepono at sinabi sa akin na dadalhin ako ng babaeng Al-Anon na ito sa isang pulong. Sa aking sasakyan, kasabay ng pag-agos ng aking mga luha sa aking mga pisngi, tinitigan ko ang pangalan at numero ng telepono. Samantalang walang nakuhang tulong mula sa sikologo, sa kaguluhan ng aking buhay, ako ay desperado na subukan ang anumang bagay. Napagpasyahan ko rin na ang sikologo ay nasuri na ako bilang wala ng magagawang tulong na anumang bagay para sa akin maliban sa mga tabletas. Kaya, tinawagan ko ang babaeng Al-Anon. Iyon ang sandaling pumasok ang Diyos sa kaguluhan ng aking buhay, at nagsimula ang aking paglalakbay sa paggaling. Masasabi kong ito ay maayos na paglalakbay pagkatapos simulan ang tulong sa 12-hakbang na programa ng Al-Anon, ngunit may mga matatarik na bundok at madilim, malungkot na mga lambak na tatahakin, bagama't laging may sinag ng pag-asa. Matapat akong dumalo sa dalawang pulong ng Al-Anon bawat linggo. Ang 12-hakbang na programa ng AL-Anon ay aking naging linya ng buhay. Nagbukas ako sa ibang mga miyembro. Unti unting pumasok sa buhay ko ang sinag ng araw. Nagsimula akong manalanging muli at magtiwala sa Diyos. Pagkatapos ng dalawang taon ng mga pagpupulong sa Al-Anon, alam kong kailangan ko ng karagdagang propesyonal na tulong. Hinikayat ako ng isang mabait na kaibigang Al-Anon na pumasok sa isang 30-araw na programa sa paggamot sa pasyente sa loob. Pagpapalaya Dahil galit ako sa alak, ayaw kong makasama ang alinman sa mga “lasing” sa programang ito ng paggagamot. Sa masidhing panahon ng programa, talagang napapaligiran ako ng maraming alkoholiko at mga adik sa droga. Tila alam ng Diyos kung ano ang kailangan kong pagalingin: nagsimulang lumambot ang puso ko nang masaksihan ko ang personal na sakit ng mga kapwa ko adik at ang matinding sakit na idinulot nila sa kanilang mga pamilya. Sa panahon ding ito ng pagsuko ko napagtanto ko ang sarili kong alkoholismo. Nalaman ko na uminom ako para matakpan ang sakit na nararamdaman ko. Napagtanto ko na ako rin ay inaabuso ang pag-inom ng alak at mas makakabuti kung ako ay tuluyang iiwas sa pag-inom. Sa buwang ding iyon, iniwan ko ang aking galit sa aking asawa at inilagay siya sa mga kamay ng Diyos. Pagkatapos kong gawin iyon, napatawad ko na rin siya. Pagkatapos ng aking 30-araw na programa, sa awa ng Diyos, ang aking asawa ay pumasok din sa isang programa sa pagpapagamot para sa kanyang alkoholismo. Bumubuti ang kalagayan ng buhay para sa akin at sa aking asawa at sa aming dalawang tinedyer na lalaki. Nakabalik na rin kami sa Simbahang Katoliko at ang aming pagsasama ay gumagaling nang paisa-isa kada araw. Makabagbag Damdaming Sakit Pagkatapos, ang buhay ay nagdulot sa amin ng isang hindi maisip na dagok na dumurog sa aming mga puso sa isang milyong piraso-piraso. Ang aming labing pitong taong gulang na anak na lalaki at ang kanyang kaibigan ay namatay sa isang nakawiwindang na pagkawasak ng kotse. Ang aksidente ay sanhi ng sobrang bilis at pag-inom. Gulantang kami ng ilang linggo. Sa marahas na pagkuha sa amin ng aming anak, ang aming pamilya ng apat ay biglang nabawasan at naging tatlo. Kaming mag-asawa at ang aming 15-taong-gulang na anak na lalaki ay kumapit sa isa't isa, sa aming mga kaibigan at sa aming pananampalataya. Ang pagtanggap nito nang paisa-isa ay higit pa sa kakayanan ko; Kinailangan kong tanggapin ito ng kada isang minuto, sa bawat isang oras sa bawat isang pagkakataon. Akala ko hindi na kami iiwan ng sakit. Sa awa ng Diyos, pumasok kami sa mahabang panahon ng pagpapayo. Ang mabait at mapagmalasakit na tagapayo, batid na ang bawat miyembro ng pamilya ay humaharap sa pagkamatay ng isang mahal sa buhay sa kanilang sariling paraan at sa kanilang sariling panahon, ay nakipagtulungan sa bawat isa sa amin upang iproseso ang aming kalungkutan. Makalipas ang ilang buwan pagkatapos ng kamatayan ng aking anak, ako ay nilamon pa rin ng galit at poot. Nakakatakot para sa akin na mapagtanto na ang aking mga emosyon ay sobrang hindi makontrol. Hindi ako galit sa Diyos sa pagkuha ng aking anak, ngunit sa aking anak dahil sa kanyang iresponsableng desisyon noong gabing siya ay namatay. Pinili niyang uminom ng alak at maging pasahero sa isang sasakyan na minamaneho ng isang nakainom din. Nagalit ako sa alak sa anumang anyo nito. Isang araw sa aming lokal na supermerkado, nakita ko ang isang hanay ng beer na nakaladlad sa dulo ng isang pasilyo. Sa bawat pagdaan ko sa hanay ng beer na nakaladlad, nakakaramdam ako ng galit. Gusto kong gibain ang hanay ng nakaladlad na beer hanggang sa wala na ditong matira. Nagmamadali akong lumabas ng tindahan bago sumabog ang galit ko sa hindi mapigilang poot. Ibinahagi ko ang kuwento sa aming tagapayo sa pamilya. Nag-alok siya na dalhin ako sa lugar ng pagbaril kung saan magagamit ko ang kanyang riple para itutok, barilin, at ubusin ang napakaraming walang laman na lata ng mga beer na kailangan kong barilin para ligtas na mailabas ko ang matinding galit na kumokontrol sa akin. Pag-ibig na nakapagpapagaling Subalit ang Diyos sa Kanyang walang katapusang karunungan ay may iba pang malumanay na plano para sa akin. Nagpahinga ako ng isang linggo sa trabaho at dumalo sa isang espirituwal na pagbabalik. Sa ikalawang araw ng pagbabalik, nakilahok ako sa isang panloob na pagpapagaling sa pamamagitan ng pagninilay kung saan inilarawan ko si Hesus, ang aking anak, at ako sa isang magandang hardin na napapalibutan ng mga makukulay na bulaklak, masaganang berdeng damo, at magagandang puno na puno ng mahinang huni ng asul na mga ibon. Ito ay mapayapa at tahimik. Tuwang-tuwa ako na nasa piling ni Hesus at nayakap ang aking pinakamamahal na anak. Si Jesus, ang aking anak, at ako ay maluwag na naglalakad na magkahawak-kamay, tahimik na naramdaman ang isang napakalaking pagmamahal na dumadaloy sa pagitan namin. Pagkatapos ng pagmumuni-muni, nakaramdam ako ng matinding kapayapaan. Hanggang sa pag-uwi ko mula sa pagbabalik ay saka ko napagtanto na nalusaw na ang aking galit at poot. Pinagaling ako ni Jesus sa aking hindi mapigil na galit at pinalitan ito ng pagbubuhos ng Kanyang biyaya. Sa halip na galit, tanging pagmamahal ang naramdaman ko sa aking pinakamamahal na anak. Nagpapasalamat ako sa pagmamahal, kagalakan, at kaligayahang ibinigay sa akin ng aking anak sa kanyang napakaikling buhay. Ang mabigat kong pasanin ay gumagaan na. Kapag ang kalunos-lunos na kamatayan ay dumarating sa isang pamilya, ang bawat miyembro ay maaaring madaig ng kalungkutan. Ang pagpoproseso ng pagkawala ay mahirap, na kinakailangan natin na maglakad sa madilim na lambak. Ngunit ang pag-ibig ng Diyos at ang Kanyang kamangha-manghang biyaya ay maaaring magbigay ng mga sikat ng araw at pag-asa pabalik sa ating buhay. Ang kalungkutan, na puspos ng pag-ibig ng Diyos ay binabago tayo mula sa loob palabas, na unti-unting nagiging mga taong may pagmamahal at pagkahabag. Walang maliw na Pag-asa Sa maraming taon ng pagharap sa mga epekto ng adiksyon at kabaliwan na dulot nito, kasama ng pagdadalamhati sa pagkamatay ng aking anak, kumapit ako kay Jesucristo, ang aking saligan, at ang aking kaligtasan. Ang aming pagsasama ay lubhang nagdusa pagkatapos ng pagkamatay ng aming anak. Ngunit dahil sa biyaya ng Diyos at sa aming kagustuhang humingi ng tulong, patuloy kami, sa maliliit na hakbang sa bawat araw, sa pagmamahal at pagtanggap sa isa't isa. Nangangailangan ito ng araw-araw na pagsuko, pagtitiwala, pagtanggap, panalangin at pagkapit sa pag-asa na mayroon tayo kay Hesukristo, ating Tagapagligtas, at ating Panginoon. Bawat isa sa atin ay may kanya kanyang istorya para ikwento. Kadalasan ito ay isang kuwento ng dalamhati, hamon, at kalungkutan, na may halong saya, at pag-asa. Lahat tayo ay hinahanap ang Diyos, aminin man natin ito o hindi. Gaya ng sinabi ni San Agustin: "Ginawa Mo kami para sa Iyong Sarili, O Panginoon, at ang aming puso ay hindi mapakali hanggang sa ito ay mapanatag sa iyo." Sa paghahanap natin sa Diyos marami sa atin ang lumihis at napatungo sa madilim at malulungkot na mga lugar. Ang ilan sa atin ay umiwas sa mga paglihis at naghanap ng mas malalim na kaugnayan kay Jesus. Ngunit anuman ang iyong pinagdadaanan sa kasalukuyan ng iyong buhay, may pag-asa at paggaling. Sa bawat sandali ay hinahanap tayo ng Diyos. Ang kailangan lang nating gawin ay iabot ang ating kamay at hayaan Siyang kunin ito at pamunuan tayo. “Kapag ikaw ay dumaan sa mga tubig, ako ay kasama mo; sa mga ilog, hindi ka matatangay. Kapag lumakad ka sa apoy, hindi ka masusunog, ni lalamunin man ng apoy. Ako, ang Panginoon, ang iyong Diyos, ang Banal ng Israel, ang iyong tagapagligtas.” Isaias 43:2-3
By: Connie Beckman
MoreQ – Ang aking mga dalagita ay humihingi ng telepono para makakuha sila ng panlipunan pakikipagtalastasan, tulad ng lahat ng kanilang mga kaibigan. Ako ay naliligalid dahil ayaw kong maiwanan sila, ngunit alam ko kung gaano ito mapanganib. Ano ang iyong palagay? A: Maaaring gamitin ang panlipunan pakikipagtalastasan para sa kabutihan. May kakilala akong labindalawang taong gulang na gumagawa ng maikling pagmumuni-muni sa Bibliya sa TikTok, at nakakuha siya ng daan-daang panonood. Ang isa pang kabataang kakilala ko ay may akwawnt sa Instagram na nakatuon sa pagpapahayag tungkol sa mga santo. Ang ibang mga kabataan na kilala ko ay nagtungo sa Hindi Pagkakasunduan o iba pang mga silid pang usap upang makipagtalo sa mga ateista o upang hikayatin ang ibang mga kabataan sa kanilang Pananampalataya. Walang alinlangan, may magandang gamit ang panllpunan pakikipagtalalstasan sa pagtuturo ng Ebanghelyo at pagbuo ng Kristiyanong komunidad At gayon pa man...mas malaki ba ang mga pakinabang kaysa sa mga panganib? Ang isang magandang kasabihan sa espirituwal na buhay ay: "Magtiwala nang lubos sa Diyos...huwag magtiwala sa iyong sarili!" Dapat ba nating ipagkatiwala sa isang kabataan ang walang pagpigil na paggamit sa internet? Kahit na nagsimula sila sa pinakamabuting pakay, sapat ba ang kanilang lakas na labanan ang mga tukso? Ang panlipunan pakikipagtalastasan ay maaaring maging isang imbornal—hindi lamang halatang mga tukso tulad ng pornograpiya o pagpuri sa karahasan, ngunit mas mapanlinlang na mga tukso tulad ng ideolohiya ng kasarian, pang-aapi, pagiging gumon sa pagiging "mataas " na makakuha ng mga likes at views, at mga pakiramdam ng kakulangan kapag nagsimulang ihambing ng mga kabataan ang kanilang sarili sa iba sa panlipunan pakikipagtalastasan. Sa aking palagay, ang mga panganib ay mas malaki kaysa sa mga pakinabang ng pagpapahintulot sa mga kabataan na makapasok sa isang sekular na mundo na nagsusumikap na hubugin sila papalayo sa pag-iisip kay Kristo. Kamakailan ay pinag-usapan namin ng isang ina ang hindi magandang asal at ugali ng kanyang teenager na anak, na nauugnay sa paggamit niya ng TikTok at sa kanyang walang kapararakang paggamit sa internet. Ang ina ay napabuntong hininga sa kawalan nang magawa at nagwika, "Nakakalungkot lang na ang mga kabataan ay nalululong sa kanilang mga telepono...ngunit ano ang magagawa mo?" Ano ang maaari mong gawin? Maaari kang maging isang magulang! Oo, alam kong napakatindi ng panggigipit ng mga barkada upang payagan na magkaron ang iyong mga anak ng telepono o kasangkapan upang magkaron nang walang pigil na paggamit sa lahat ng pinakamasamang maiaalok ng sangkatauhan (kaparehas ng panlipunan pakikipagtalastasan) – ngunit bilang isang magulang ang iyong tungkulin ay hubugin ang iyong mga anak na maging mga santo. Ang kanilang kaluluwa ay nakadalalay sa iyong mga kamay. Dapat na tayo ang syang unang linya ng pagtatanggol laban sa mga panganib ng mundo. Kailanman, hindi natin hahayaan na sila ay gumugol ng oras sa pedopilya; kung alam natin na sila ay inaapi, sisikapin nating sila ay pangalagaan; kung may nakapipinsala sa kanilang kalusugan, hindi tayo magtitipid at isusugod natin sila sa manggagamot. Kung gayon, bakit natin sila na bibigyan ng pagkakataong makalusot sa imburnal ng porn, poot, at basurang mapag-aksaya ng oras na madaling makuha sa internet nang hindi nag-dudulot ng maingat na patnubay? Madaming pag-aaral ang nagpakita ng mga hindi magagandang epekto ng internet sa pangkalahatan—at partikular na sa panlipunan pakikipagtalastasan —ngunit nagbulag-bulagan pa din tayo at nagtataka kung bakit nahihirapan ang ating mga anak na lalaki at babae sa mga krisis sa pagkakakilanlan, depresyon, pagkamuhi sa sarili, pagkagumon, di kaayaayang pag-uugali, katamaran, kawalan ng pagnanais sa kabanalan! Mga magulang, huwag talikuran ang iyong kapangyarihany at responsibilidad! Sa huling bahagi ng inyong buhay, tatanungin kayo ng Panginoon kung gaano nyo pinastol ang mga kaluluwang ito na ipinagkatiwala Niya sa iyo—naakay mo man sila sa Langit o hindi at iniligtas ang kanilang mga kaluluwa mula sa kasalanan sa abot ng iyong makakaya. Hindi natin magagamit ang dahilan na, "Naku, ang mga anak ng bawat isa ay may , kaya ang aking mga anak ay magiging kakaiba kung wala sila! Magagalit ba sa iyo ang iyong mga anak, baka sabihin pa nga na muhi sila sa iyo, kung maglalagay ka ng mga paghihigpit sa kanilang mga device? Malamang. Ngunit ang kanilang galit ay pansamantala—ang kanilang pasasalamat ay magiging walang hanggan. Kamakailan ay isa pang kaibigan na naglalakbay sa bansa na nananalumpati tungkol sa mga panganib ng social media ay nagsabi sa akin na pagkatapos ng kanyang talumpati ay palaging madaming mga kabataan ang lumapit sa kanya na may isa sa dalawang tauli: Noong panahong iyon, galit na galit ako sa aking mga magulang sa pagbawi ng aking telepono, ngunit ngayon ay nagpapasalamat ako.” O “Talagang minimithi ko na sana ay naipagtanggol ako ng aking mga magulang laban sa pagkawala ng kamusmusan.” Walang sinuman ang nagpasalamat na ang kanilang mga magulang ay naging mapagparaya! Kaya, ano ang maaaring gawin? Una, huwag bigyan ang mga kabataan (o mas bata!) ng mga teleponong may internet o pagpapairal. Madami pa ding mga pulpol na telepono ang umiiral! Kung kailangang bigyan mo sila ng teleponong makakagamit sa internet, lagyan mo ng mga paghihigpit ng magulang ang mga ito. Maglagay ng Covenant Eyes sa telepono ng iyong anak—at sa iyong kompyuter sa bahay habang ginagawa mo ito (halos lahat ng Kumpisal na nadidinig ko ay may kasamang pornograpiya, na lubhang makasalanan at maaaring magtulak sa iyong anak na ituring ang na mga babae ay walang iba kundi mga bagay lamang, na magkakaroon ng malaking epekto sa kanyang mga pakikipag-ugnayan sa hinaharap). Huwag pahintulutang gamitin ang kanilang mga pagpapairal sa hapag kainan o habang nag-iisa sa kanilang mga silid-tulugan. Kunin ang pagtataguyod ng ibang mga pamilya na may singtulad na mga patakaran. Pinakamahalaga—huwag pagsikapang maging kaibigan ng iyong anak, ngunit maging magulang ka sa kanila. Ang tunay na pagmamahal ay nangangailangan ng mga hangganan, disiplina, at pagpapakasakit. Sulit ang walang hanggang kapakanan ng iyong anak, kaya huwag mong sabihing, “Naku, wala akong magagawa—kailangang makibagay ang anak ko.” Mas mainam na maging katangi-tangi dito sa lupa nang tayo ay maging kaayaaya sa Komunyon ng mga Santo!
By: PADRE JOSEPH GILL
MoreKahiman alam mo o hindi, kapag hanap mo ang katotohanan, hanap mo ang Diyos Isang maalinsangan na araw ng tag-init nang ako'y siyam na taong gulang, ako ay namasyal kasama ang ilang kaibigan. Isa sa mga kaibigan ko, na mas matanda, ay may dalang riple. Habang naglalakad kami sa loob ng sementeryo, itinuro niya ang isang ibon sa ibabaw ng bubong ng simbahan at tinanong kung sa tingin ko ay tatamaan ko ito. Hindi ako nagdalawang isip, kinuha ko ang baril, kinargahan, at tinutukan. Nang sandaling pinisil ko ang gatilyo, isang malamig na pakiramdam ng kamatayan ang dumagan sa akin. Bago pa man lumisan ang bulita sa baril, alam kong tatamaan ko ang buhay na nilalang na ito at ito'y mamamatay. Habang pinagmamasdan ko ang pagbagsak ng ibon sa lupa, narkadanas ako ang kalungkutan at pagsisisi, at nalipos ako ng pagkalito. Naitanong ko kung bakit nagawa ko iyon, ngunit wala akong maisagot. Wala akong sapantaha kung bakit ako sumang-ayon, ngunit nakadama ako ng kawalang-halaga at pagkamanhid. Katulad ng madaming bagay sa buhay, ibinaon ko ang pangyayari sa loob ko at sa madaling panahon ay nalimutan ko ito. Muling Nangyari Noong bandang huli ng aking twenties, nagdalantao ang babaeng karelasyon ko. Nang nalaman namin, hindi kami nagtapat kahit kanino. Hindi ako umasa ng anumang tulong o payo kung sabagay, at hindi ito naging malaking bagay. Pinapaniwala ko ang aking sarili na ginagawa ko ang 'kapitagang bagay'– pangakuhan siya na aalalayan ko ang anumang pasya na gagawin niya, kung panatilihin ang sanggol o ipalaglag. Sa madaming kadahilanan, nagpasya kaming wakasan ang pagdadalantao. Ang nakatulong sa akin na madating ang desisyon na yon ay ang legalidad ng pagpapalaglag sa bansang ito at ang malaking bilang ng mga taong nagpapalaglag. Paano ito naging masama? Sa kabalintunaan, ang magpalaki ng sarili kong mga anak ay ang pinakamalaking pangarap ko sa buhay. Nakipagtipán kami sa 'clinic ng aborsyon.' Ang pagtungo doon ay parang isang simpleng paglalakbay sa parmaseutiko para kumuha ng reseta, kung kaya't, sa katunayan, naghintay ako sa sasakysn sa may labas, di -alintana ang kalakhan at pagkakaroon ng epekto ng pasyang ito. Paglabas ng girlfriend ko sa gusali, agad kong nakita ang pagbabago niya. Ang kanyang maputlang mukha ay nagtudla ng ‘Kamatayan.’ Ang mga damdamin na naramdaman ko bilang siyam na taong gulang na batang lalaki na bumabaril ng ibon ang dumagsa sa akin. Tahimik kaming naglakbay pauwi, at halos hindi na nag-usap muli tungkol dito. Subalit pareho naming alam na may nabago sa amin noong araw na iyon, isang bagay na kalunos-lunos, isang bagay na madilim. Kalayaan Dalawang taon ang lumipas, and inakusahan ako ng isang krimen na hindi ko ginawa at inilagay sa pagtatanod sa HMP Manchester (Strange ways Prison) upang maghintay ng paglilitis. Sinimulan kong makipag-usap sa Diyos sa aking puso, at sa unang pagkakataon sa aking buhay nagsimula akong magdasal ng Rosaryo ng maayos. Pagkaraan ng ilang araw, sinimulan kong suriin ang aking buhay, eksena bawat eksena, at nakita ko ang madaming biyayang natanggap ko, pati na din ang aking madaming kasalanan. Nang madating ko ang kasalanan ng pagpapalaglag, sa unang pagkakataon sa aking buhay ay malinaw kong napagtanto na ito ay isang tunay na buhay na sanggol na lumaki sa sinapupunan, at na iyon ay aking anak. Ang pagkaunawa na pinili kong wakasan ang buhay ng sarili kong anak ay dumurog sa aking puso, at habang umiiyak na nakaluhod sa selda ng bilangguan na iyon ay sinabi ko sa aking sarili, 'Hindi ako mapapatawad.' Subalit nang mismong sandaling iyon na si Jesus ay lumapit sa akin at nagwika ng mga salita ng kapatawaran, nuon at doon ko nalaman na Siya ay namatay para sa aking mga kasalanan. Agad akong dinagsa ng Kanyang pagmamahal, awa, at biyaya. Sa unang pagkakataon ang buhay ko ay naging makabuluhan. Dapat akong bigyan ng kamatayan ngunit tumanggap ng buhay mula sa Isang nagsabi, ‘Ako ang Buhay’ (Juan 14:6). Gaano man kalaki ang ating mga kasalanan, napagtanto ko, ang pag-ibig ng Diyos ay higit na dakila (Juan 3:16-17)! Isang Pagtatagpo Kamakailan, nakaupo ako sa isang himpilan ng tren sa London naghihintay ng aking tren, tahimik kong hiniling kay Jesus na pasakayin ang isang tao sa tren na mapapasaksihan ko tungkol sa Kanya. Nang maupo ako, natagpuan ko ang aking sarili na kaharap ang dalawang babae. Ilang sandali ang lumipas, nagsimula kaming mag-usap at isa sa kanila ang nagtanong tungkol sa aking sampalataya at kung ako ay dati nang isang mananampalataya. Ibinahagi ko ang ilan sa aking nakaraan, kabilang ang pagpapalaglag, at ipinaliwanag na sa sandaling napagtanto kong kinitil ko ang buhay ng sarili kong anak ay nakaharap ko ang ipinakong Kristo, at pinatawad at pinalaya. Kaagad na nagbago ang kaaya-ayang kalagayan. Nakasagi ako ng damdamin at ang isa sa mga babae ay nagsimulang maghihiyaw sa akin. Pinaalala ko sa kanyang hiningi niya ang aking kuwento, kaya sinasagot ko lamang ang kanyang tanong. Sa kasamaang palad, walang maayos na pangangatwiran sa kanya. Humiyaw siya "Hindi ito isang sanggol sa sinapupunan!" sabay tango ng isang babae bilang pagsang-ayon. Matiyaga akong nakaupo at pagkatapos ay tinanong sila kung ano ang magiging dahilan kung bakit ang nasa sinapupunan ay "isang sanggol". Ang isa ay sumagot ng "DNA," at ang isa ay sumang-ayon. Sinabi ko sa kanila na ang DNA ay naroroon sa sandaling ang isang sanggol ay ipinaglihi, at ang kasarian at kulay ng mata ay napagpasyahan na. Muli, sinigawan nila ako hanggang sa ang isa sa kanila ay nanginig. Matapos ang isang nakakailáng na katahimikan, nagpaumanhin ako na labis kong napasama ang kanyang damdamin. Kinalabasan, ang babaeng ito ay nagpalaglag ng sanggol dati pa madaming taon na at malinaw na dinadala pa din niya ang mga sugat mula doon sa karanasan. Nang tumayo siya para bumaba, nagkamayan kami, at pinangako ko sa kanya ang aking mga panalangin. Pinalaya Sa Pagkakatali Ang kalunusan ng pagwawakas ng isang inosenteng buhay sa sinapupunan ay bihira nang pinag-uusapan ngayon, at kapag nangyari ito, madami tayong nadidinig na maling pabatid at mga kasinungalingan pa sa halip na katotohanan. Ang piliing ipalaglag ang isang anak ay hindi isang minsanang, tapos-na-ang-lahat na pagpasya, na walang pangmatagalang kalalabsan na masama. Iginigiit ng kilusang pro-choice na "katawan ito ng ina, kaya't sa kanya ang pagpili." Ngunit may higit pa sa katawan ng ina at pagpili na dapat isaalang-alang. Mayroong isang maliit, mahimalang buhay na tumutubo sa sinapupunan. Bilang ama ng isang ipinalaglag na sanggol, ang pamamaraan ng aking paghilom ay patuloy...ito ay patuloy at maaaring hindi na matatapos. Madaming salamat sa Diyos na ang mga naghahanap ng katotohanan ay matatagpuan ito, kung lamang ay bubuksan nila ang kanilang mga puso. At kapag napag-alaman nila ang ‘Katotohanan’, ang ‘katotohanan ang magpapalaya sa kanila’ (Juan 8:31-32).
By: Sean Booth
MoreKilalanin ang pinakadakilang kapangyarihan sa uniberso na may kakayahang baguhin ka...at ang mukha ng mundo Noong 2019, natapos ng aming Parokya ang pagkukumpuni ng simbahan na nagdagdag ng lugar para sa pagtitipon, mga upuan , elebeytor, at banyo na naging mas madaling mapuntahan at magiliw sa ating simbahan. Ngunit tatlong taon pagkatapos ng pagsasaayos, tila kakaunti ang mga parokyano ang nakakaalam tungkol sa pinakanagbabagong karagdagan sa lahat: Ang Kapilya ng Walang hanggang Pagsamba na matatagpuan sa silong ng aming simbahan. Ang Pinakamagandang Oras sa Mundo Nakatago sa pagitan ng aming bagong silid para sa Tinedyer /Nakakatanda at ng isang abalang hagdanan ay isang maganda, matalik, santuwaryo na inilaan para sa Eukaristikong Pagsamba. Naniniwala ang mga Katoliko na si Hesus ay tunay na naroroon—Katawan, Dugo, Kaluluwa at Pagka-Diyos—sa Banal na Eukaristiya. Ang Eukaristikong Pagsamba ay ang ating pagsamba sa Eukaristiya sa labas ng Misa. Dalawampu't apat na oras sa isang araw, pitong araw sa isang linggo ang sinuman ay maaaring pumasok sa katapatang loob sa kalawakan na ito upang maglaan ng oras sa pagsamba sa Eukaristiya Panginoon na ipinapakita sa isang magandang pinaglalagyan ng Eukaristiya sa altar. Minsan ay sinabi ni San Teresa ng Calcutta, “Ang oras na iyong ginugugol kasama ni Hesus sa Banal na Sakramento ay ang pinakamagandang oras na iyong gugugulin sa lupa. Ang bawat sandali na iyong kasama ni Hesus ay magpapalalim sa iyong pakikipag-isa sa Kanya at gagawing mas maluwalhati at maganda ang iyong kaluluwa magpakailanman sa langit, at tutulong na magkaroon ng walang hanggang kapayapaan sa lupa.” Magdulot ng walang hanggang kapayapaan sa lupa? Sino ba naman ang hindi gugustuhing gawin yun?! Gayunpaman, karamihan sa mga araw ay sinusubukan ko lamang na maging isang mas mabuting ina. Isang Matibay na Pagsasama Sa nakalipas na taon, ang Eukaristikong Pagsamba ay naging mahalagang bahagi ng aking relasyon kay Hesus at ng aking pagsisikap na maging magulang nang may higit na pagmamahal. Sapagkat “kung ako ay may pananampalataya na makapagpapalipat ng mga bundok, ngunit walang pag-ibig, ako ay walang kabuluhan” (1 Mga Taga-Corinto 13:1). Ang Kapilya ng Pagsamba ang pinupuntahan ko kapag pakiramdam ko malayo ako kay Hesus. Dito ko hinarap ang araw-araw na pakikibaka ng pagsama sa aking pamilya sa landas tungo sa pagiging banal. Minsan ay nakakita ako ng karatula sa labas ng simbahan na nagsasabing, “Halika kung ano ka; pwede kang magpalit sa loob." Iyan ang nararamdaman ko sa pagtungo sa Pagsamba —hindi na kailangang magbihis o gumawa ng espesyal na paghahanda. Kahit na medyo matagal na, pumasok ako sa kapilya at kinuha kung saan ako tumigil. Ang oras ng aking pagsamba ay katulad ng isa sa isa na oras na ginugugol ko sa mga taong pinakamamahal ko. Tulad ng “gabi sa pakikipag-tipanan” sa ating asawa o sa mahabang pakikipag-usap sa isang mabuting kaibigan na nag-aangkla sa mga relasyong iyon, ang Pagsamba ay nagtatatag ng tiwala sa Diyos at nagpapaunlad ng uri ng pagsasama na komportable sa katahimikan at presensya. Ano ang ginagawa ng isang tao sa Pagsamba? Iba-iba ang nakagawian ko. Minsan nagdadasal ako ng Rosaryo, minsan naman ay nagninilay-nilay ako sa isang talata ng banal na kasulatan o naglalaan ng oras sa pag-talaarawan. May posibilidad tayong magsikap nang husto upang mahanap ang Diyos kaya hindi natin Siya binibigyan ng oras na hanapin tayo. Kaya, kadalasan, inilalagay ko lang ang aking sarili sa presensya ng Panginoon at sinasabi, “Panginoon, narito ako. Gabayan mo ako.” Pagkatapos ay itinaas ko ang mga sitwasyon o “buhol” Kailangan ko ng tulong at ipagdasal ang sinumang pinangako ko ng panalangin sa linggong iyon. Karaniwang umaalis ako sa kapilya na nadarama kong lumakas, payapa, o tinutulak sa isang bagong direksyon. Ang paggugol ng isa sa isa na oras sa ating Panginoon ay ginagawang mas matalik ang ating relasyon. Kapag narinig mo ang isang miyembro ng pamilya na bumababa sa hagdan, alam mo kung sino ito mula sa tunog ng kanilang mga yapak. Ang pagiging pamilyar na iyon ay nagreresulta mula sa dami ng oras na ginugugol namin sa mga miyembro ng pamilya at nagbibigay sa amin ng malalim na pakiramdam ng pag-alam at pagpapahalaga sa bawat isa sa kanila. Ang pagsamba ay nagtataguyod ng ganitong uri ng pagkakilala sa Diyos. Isaalang-alang ang paggugol ng oras kasama si Hesus sa Banal na Sakramento sa pamamagitan ng pagbisita sa isang Kapilya ng Pagsamba. Anuman ang iyong sitwasyon—kung hindi ka regular na dumadalo sa Misa, kung kailangan mong maglatag ng mga pakikibaka sa paanan ng Panginoon, kung gusto mong maging isang mas mapagmahal na magulang, o kung kailangan mo lamang na lumayo sa kaguluhan ng iyong araw at humakbang sa sagradong katahimikan ng Pagsamba— anuman ang pangangailangan, palagi kang malugod na tinatanggap sa presensya ng Panginoon. Ang regular na oras sa pagsamba ay huhubog sa atin bilang mga Kristiyanong alagad at bilang mga magulang. Gaya ng sinasabi sa atin ni Mother Teresa, ito ay maaaring “magdulot ng walang hanggang kapayapaan sa lupa”.
By: Jessica Braun
MoreDumausdos kami sa aming upuan na may nalalabi pang isang minuto, at nararamdaman ko na ang Misa ay magiging isang pakikibaka para sa aming pamilya. Sa oras na matapos basahin ng pari ang Ebanghelyo, ako ay nanlulumo at nalulula. At sa panahon ng Kredo— habang pinipigilan ko ang pagsigaw ng, “Hindi na tayo pupunta sa banyo!”—dinidilaan ng abalang tatlong taong gulang kong anak ang bangko habang sinasabi sa akin ng aking pitong taong gulang na anak na nauuhaw na naman siya at nagtatanong kung ano ang ibig sabihin ng con-substantial. Ang pagpunta sa misa ay hindi laging madali. Nasisiraan ako ng loob at nahihiya pa nga dahil sa hindi ko mapagtuunan ng hustong pansin ang misa. Paano akong makakasamba sa Diyos ng tama habang binabalanse ang maraming humihingi ng aking atensiyon? Ang sagot: isang pusong mababa ang loob. Iniisip ko noon, ang kasabihang "aktibong pakikilahok sa Misa" ay nangangahulugan ng paglirip ng malalim na kahulugan ng bawat salitang naririnig ko. Ngunit sa panahong ito ng buhay, ang pagkakaroon ng pokus ay isang luho. Ngayon habang pinapalaki ko ang aking mga anak, nagsisimula akong maunawaan na hindi pinipigilan ng Diyos ang Kanyang paanyaya o Kanyang Presensya dahil lamang sa magulo ang aking buhay. Mahal niya ako at tinatanggap niya ako bilang ako—gulo at lahat—kahit sa gitna ng kaguluhan ng isang napakahirap na karanasan sa Misa. Kung natatandaan natin ito, ikaw at ako ay maaaring gumawa ng mga simpleng hakbang upang ihanda ang ating mga puso para sa pinakamataas na regalo ng pagmamahal ng Diyos na nasa Eukaristiya. Tuklasin ang Isang Maikling Parirala Madalas akong nalulula sa dami ng mga salita na naririnig ko sa bawat misa. Nawawala ang aking atensyon, at nahihirapan akong sundan ang marami sa mga binigkas na bahagi. Kung sasabak ka rin sa hamon na ito, dapat mong malaman na ikaw at ako ay tinatawag pa ring makinig at makibahagi sa Misa. Paano? Pasimplehin. Makinig para sa isang maikling parirala na nakakuha ng iyong pansin. Pagnilayan ito. Ulitin ito. Dalhin mo ito kay Jesus at hilingin sa Kanya na ipakita sa iyo kung bakit ito mahalaga. Hawakan ang pariralang ito sa iyong puso sa buong Misa at hayaan itong maging isang angkla para sa iyong atensyon habang ginagawa mo ang iyong mga responsibilidad sa pamilya. Ang iyong bukas na puso ay isang tanawin para sa biyaya ni Kristo. Tumingin nang May Pagmamahal Ang pag-ibig ay hindi palaging nangangailangan ng mga salita. Minsan ang isang simpleng sulyap ay maaaring magpahayag ng karagatan ng pag-ibig. Kung ang mga salita ay humuhugas sa iyo, ituon ang iyong puso at idirekta ang iyong pagmamahal sa Panginoon sa pamamagitan ng pagtutuon ng iyong mga mata sa isang Krus o isang Istasyon ng Krus. Pagnilayan ang mga detalyeng makikita mo: Ang mukha ni Kristo, ang Kanyang koronang tinik, ang Kanyang dumudugong puso. Ang bawat detalyeng kinukusa mong tanggapin ay naglalapit ng iyong puso kay Hesus at naghahanda sa iyo na tanggapin ang napakalaking regalo ng Pag-ibig ng Ating Panginoon na nasa Eukaristiya. Dalhin ang Iyong Puso Kung ang lahat ay mabibigo, dalhin ang iyong sarili kay Hesus bilang handog ng pag-ibig. Alam ng Panginoon ang iyong mga hangarin at ang iyong tunay na mga kagustuhan. Kung nakakaramdam ka ng pagkapagod at kawalan ng pansin sa mga bagay na hindi mo kontrolado, maaari ka pa ring lumapit sa Panginoon nang may pusong handang sambahin Siya, tanggapin Siya at mahalin Siya. Pukawin ang pagmamahal sa iyong puso at ulitin ang “Narito ako Panginoon. pinipili kita. Baguhin mo ang puso ko!" Ang ating Panginoon ay nagagalak sa tuwing nakakaharap natin Siya sa Misa, anuman ang ating kalagayan. Si Jesus ay nagkatawang tao—Siya ay napagod, Siya ay nagambala. Naiintindihan ng ating Panginoon ang gulo ng buhay! At kahit sa gitna nito, nais Niyang ibigay ang Kanyang sarili sa iyo na nasa Eukaristiya. Kaya sa susunod na pagpunta mo sa Misa, ibigay mo kay Hesus ang iyong kusang loob, ang iyong "oo" na lumapit sa Kanya bilang ikaw. Ang pag-ibig ni Kristo ay mas malaki kaysa sa anumang kaguluhan sa pamilya na nangyayari sa iyong upuan.
By: Jody Weis
MoreAng Hindi ko inaasahan noong sinimulan ko ang mabisang panalanging ito... O Munting Therese ng Batang Hesus, mangyaring pumili para sa akin ng isang rosas mula sa hardin ng Langit at ipadala ito sa akin bilang isang mensahe ng pag-ibig." Ang kahilingang ito, ang una sa tatlo na bumubuo ng 'Padalhan moa ko ng Rosas ' Novena kay Saint Therese, ay kumuha ng aking atensyon. Nag-iisa ako. Malungkot sa isang bagong lungsod, nananabik para sa mga bagong kaibigan. Nag-iisa sa isang bagong buhay ng pananampalataya, pananabik para sa isang kaibigan at huwaran. Nagbabasa ako tungkol kay Santa Therese, ang pangalan ko sa binyag, nang walang pagsubaybay sa kanya. Namuhay siya sa marubdob na debosyon kay Hesus mula noong siya ay 12 taong gulang at nagpetisyon sa Papa na pumasok sa monasteryo ng Carmelite sa edad na 15. Ang aking sariling buhay ay ibang-iba. Nasaan ang Aking Rosas? Si Therese ay puno ng sigasig para sa mga kaluluwa; nanalangin siya para sa pagbabagong loob ng isang kilalang kriminal. Mula sa nakatagong mundo ng kumbento ng Carmel, inilaan niya ang kanyang panalangin para sa pamamagitan ukol sa mga misyonerong nagpalaganap ng pag-ibig ng Diyos sa malalayong lugar. Habang nakahiga sa kanyang higaan ng kamatayan, ang banal na madre na ito mula sa Normandy ay nagsabi sa kanyang mga kapatid na babae: “Pagkatapos ng aking kamatayan, magpapaulan ako ng mga rosas. Gugugulin ko ang aking Langit sa paggawa ng mabuti sa lupa.” Ang aklat na binabasa ko ay nagsabi na mula noong siya ay namatay noong 1897, pinaulanan niya ang mundo ng maraming grasya, himala, at maging ng mga rosas. "Baka padadalhan niya rin ako ng rosas," naisip ko. Ito ang pinakaunang Nobena na dinasal ko. Hindi ko masyadong inisip ang dalawa pang kahilingan ng panalangin—ang pabor na mamagitan sa Diyos para sa aking intensyon at marubdob na maniwala sa dakilang pag-ibig ng Diyos para sa akin upang magaya ko ang Munting Daan ni Therese. Hindi ko matandaan kung ano ang aking intensyon dahil sa wala kong pagkaunawa sa Munting Paraan ni Therese. Nakatuon lang ako sa rosas. Sa umaga ng ika siyam na araw, nagdasal ako ng Nobena sa huling pagkakataon. At naghintay. Baka mag dadala ng rosas ang isang magbubulaklak ngayon. O baka uuwi ang asawa ko galing sa trabaho na may dalang mga rosas para sa akin. Sa pagtatapos ng araw, ang tanging rosas na tumawid sa aking pintuan ay naka-print sa isang kard na kasama ng isang pakete ng mga pagbating kard mula sa isang orden ng misyonaryo. Ito ay isang matingkad na pula, namagandang rosas. Ito ba ang aking rosas mula kay Therese? Aking Hindi Nakikitang Kaibigan Minsan, nagdasal ulit ako ng Padalhan mo ako ng Rosas Nobna. Laging pareho ang mga resulta. Ang mga rosas ay makikita ko sa maliit, na nakatagong mga lugar; Makaka-kilala ako ng isang taong nagngangalang Rose, makakakita ng rosas sa pabalat ng libro, sa likuran ng isang larawan, o sa mesa ng isang kaibigan. Sa kalaunan, naiisip ko si St. Therese sa tuwing may masisilip akong isang rosas. Siya ay naging isang kasama sa aking pang-araw-araw na buhay. Tinigilan ang Nobena, natagpuan ko ang aking sarili na humihiling sa kanyang pamamagitan sa mga pakikibaka sa buhay. Si Therese ay ang hindi ko nakikitang kaibigan. Nabasa ko ang tungkol sa mas marami pang mga Santo, at namamangha ako sa kanilang mga iba't ibang mga paraan na ang mga kalalakihan, kababaihan, at mga bata ay namuhay ng may marubdob na pagmamahal sa Diyos. Ang pagkaalam sa konstelasyon na ito ng mga tao, na ipinahayag ng Simbahan nang may katiyakan na sila ay nasa Langit, ay nagbigay sa akin ng pag-asa. Sa bawat lugar at sa bawat buhay, kailangang mamuhay nang may kabayanihang kabutihan. Ang kabanalan ay posible kahit para sa akin. At may mga huwaran. Marami sila! Sinubukan kong gayahin ang pasensya ni Saint Francis de Sales, ang atensyon at banayad na paggabay ni Saint John Bosco para sa bawat bata sa kanyang pangangalaga, at ang kawanggawa ni Saint Elizabeth ng Hungary. Nagpapasalamat ako sa kanilang mga halimbawa na nakatulong sa akin. Mahalaga silang mga kakilala, ngunit mas higit si Thérèse. Dahil naging kaibigan ko siya. Isang Panimula Sa kalaunan, binasa ko ang The Story of a Soul, ang sariling talambuhay ni Saint Therese. Sa personal na patotoo na ito ako unang nagsimulang maunawaan ang kanyang Little Way. Iniisip ni Therese ang kanyang sarili espiritwal bilang isang napakaliit na bata na may kakayahan lamang sa maliliit na mga gawain. Ngunit sinasamba niya ang kanyang Ama at ginawa ang bawat maliliit na bagay nang may malaking pagmamahal, at bilang isang regalo para sa Ama na nagmamahal sa kanya. Ang bigkis ng pag-ibig ay mas malaki kaysa sa laki o tagumpay ng kanyang mga gawain. Ito ay isang bagong diskarte sa buhay para sa akin. Ang aking espirituwal na buhay ay nakahinto sa oras na iyon. Baka masimulan ito ng The Little Way ni Therese. Bilang ina ng isang malaki at aktibong pamilya, ang aking kalagayan ay ibang-iba kay Therese. Siguro maaari kong subukang umpisahan ang aking mga pang-araw-araw na gawain na may parehong mapagmahal na saloobin. Sa kaliitan at tagong aking tahanan, gaya ng dating kumbento para kay Therese, maaari kong subukang gawin ang bawat gawain ng may pagmamahal. Bawat isa ay maaaring maging kaloob ng pagmamahal sa Diyos; at sa kalaunan ay pagmamahal para sa aking asawa, sa aking anak, sa kapitbahay. Sa ilang pagsasanay, bawat pagpapalit ng lampin, bawat pagkain na nilagay ko sa mesa, at bawat kargada ng labahan ay naging munting handog ng pagmamahal. Ang aking mga araw ay naging mas madali, at ang aking pagmamahal sa Diyos ay lalong lumakas. Hindi na ako nag-iisa. Sa bandang huli, ito ay tumagal ng higit sa siyam na araw, ngunit ang pabigla-bigla kong paghiling ng isang rosas ay naglagay sa akin sa landas tungo sa isang bagong espirituwal na buhay. Sa pamamagitan nito, nakipag-ugnayan sa akin si Saint Therese. Hinila niya ako sa pag-ibig, sa pag-ibig na siyang pakikipag-isa ng mga Banal sa Langit, sa pagsasagawa ng kanyang "Munting Paraan" at, higit sa lahat, sa higit na pagmamahal sa Diyos. Sa bandang huli ay nakatanggap ako ng higit pa sa isang rosas! Alam mo ba na ang kapistahan ni Saint Therese ay sa Oktubre 1? Maligayang kapistahan sa mga kapangalan ni Therese.
By: Erin Rybicki
MoreNaglalakad kami ng kaibigan ko sa kalye nang may narinig kaming sumisigaw sa likod namin. Isang galit na toro ang mabilis na umaakay sa kalsada sa di kalayuan, habang ang mga natakot na tao ay nagsisigawan at nagsitakbuhan palayo. “Tumakbo tayo!” Sumigaw ako, ngunit mahinahong sumagot ang aking kaibigan: "Kung magsisimula tayong tumakbo, tiyak na hahabulin tayo nito." Pagkaraan ng ilang sandali, walang natitira sa pagitan namin at ng toro. "Ayan na. Kailangan na tayong tumakbo “Sigaw ko sa kaibigan ko, at sabay kaming umalis. Tumakbo kami nang buong lakas, ngunit hindi kami gaanong nagtagumpay. Sinubukan ng ilang mabubuting tao na hulihin ang toro. Hingal na hingal akong naghintay saglit, umaasang ligtas na kami sa wakas. Sa kasamaang palad, nagpatuloy ang paghabol. Sa isang punto, naalala kong magdasal Tapos, tumigil na lang ako sa pagtakbo. Tumayo ako roon, nakatingin sa toro na patungo sa akin. Nang ilang pulgada na lang ang layo ay huminto ito. Nagkatinginan kami sa mata ng isa't isa. Nakatayo kami doon, magkaharap, ng ilang segundo. Halos hindi ako naglakas-loob na huminga. Pagkatapos, bigla itong nagtungo sa ibang direksyon, iniwan kaming nanginginig. Palagi kong iniisip kung ano ang nangyari sa sandaling iyon. Sino ang maaaring tumayo sa pagitan ko at ng toro? Talagang naramdaman ko ang isang malakas na presensya na nagpoprotekta sa akin mula sa pinsala. Marami sa atin ang patuloy na tumatakas sa takot sa isang bagay. Bihira nating harapin ang ating takot at harapin ito sa makapangyarihang presensya ng Diyos. Madali tayong maging alipin ng mga taga kalmante tulad ng alak, droga, pamimili, pornograpiya, o kahit na labis na pangako sa mga layunin sa karera. Ang paglublob sa madaliang pagnanais na kasiyahan o labis na trabaho upang sugpuin ang ating mga pagkabalisa ay maaaring pansamantalang makagambala sa atin mula sa sakit ng malungkot na pagkabata, hindi nababayarang mga pautang, hindi kanais-nais na mga amo o kasamahan sa trabaho, mga lasing na asawa, hindi kasiya-siyang tahanan, o mga personal na pagkabigo. Ngunit sinisira nito ang ating kakayahang bumuo ng malusog na relasyon. Takot na lumiko sa kanan o sa kaliwa, hinayaan namin ang aming sarili na mag-dulot sa gulat. Paano natin mapapagaling ang ating mga sugat nang hindi nagdudulot ng karagdagang pinsala at makakahanap ng lunas? "Itiningin ko ang aking mga mata sa mga burol - saan manggagaling ang aking tulong? Ang tulong ko ay mula sa Panginoon, na gumawa ng langit at lupa." (Awit 121:1-2). Kapag ikaw ay nababagabag sa anumang uri ng pagdurusa, huminto sa pagtakbo nang walang patutunguhan at humingi ng tulong ng Diyos. Huwag tumingin sa kanan o kaliwa, ngunit tumingin sa Panginoon sa itaas upang mahanap ang pinakamahusay na mga sagot sa iyong mga problema.
By: Dr. Anjali Joy
MoreBilang isang duyan na Katoliko, itinuro sa akin na ang pagpapatawad ay isa sa mga pinahahalagahan ng Kristiyanismo, gayunpaman nahihirapan akong isagawa ito. Hindi nagtagal ay naging pabigat ang pakikibaka nang magsimula akong tumuon sa aking kawalan ng kakayahang magpatawad. Sa panahon ng Kumpisal, itinuro ng pari ang kapatawaran ni Kristo: "Hindi lamang niya sila pinatawad, ngunit nanalangin siya para sa kanilang pagtubos." Sinabi ni Hesus: “Ama, patawarin mo sila, sapagkat hindi nila alam ang kanilang ginagawa.” Ang panalanging ito ni Jesus ay naghahayag ng isang kapirasong madalas na napapabayaan. Malinaw na inilalantad nito na ang tingin ni Hesus ay hindi sa sakit o kalupitan ng mga sundalo kundi sa kanilang kawalan ng kaalaman sa katotohanan. Pinili ni Hesus ang pira pirasong sirang bahaging ito upang mamagitan para sa kanila. Ang mensahe ay bumungad sa akin na ang aking pagpapatawad ay kailangang umusbong mula sa pagbibigay ng espasyo sa hindi kilalang mga pira-piraso ng ibang tao at maging sa aking sarili. Mas magaan at mas masaya ang pakiramdam ko dahil dati, eksklusibong nakikitungo ako sa mga alam kong salik—ang pananakit na dulot ng iba, ang mga salitang binigkas nila, at ang pagkawasak ng mga puso at relasyon. Iniwan na ni Hesus na bukas ang pintuan ng pagpapatawad para sa akin, kailangan ko na lang tahakin ang landas na ito ng mapagpakumbabang pagkilala sa hindi kilalang mga pira-piraso sirang bahagi sa loob ko at ng iba. Ang kamalayan ng hindi kilalang mga pira pirasong sirang bahagi ay nagdaragdag din ng mga patong ng kahulugan sa kung ano ang ibig sabihin ni Hesus kapag inanyayahan Niya tayong maglakad nang higit pa. Naisip ko na ang pagpapatawad ay isang paglalakbay na nagsisimula mula sa pagkilos ng pagpapatawad hanggang sa isang tapat na pamamagitan. Ang sandaling ito ng dagdag na milya, sa pamamagitan ng pagdarasal para sa ikabubuti ng mga nakasakit sa akin, ay ang paglalakad ko sa Getsemani. At ito ang aking buong pagsuko sa Kanyang kalooban. Mapagmahal niyang tinawag ang lahat sa kawalang-hanggan at sino ako para maging hadlang sa aking kaakuhan at sama ng loob? Ang pagbubukas ng ating mga puso sa hindi kilalang mga pira-piraso sirang bahagi ay nag-aayos ng ating relasyon sa isa't isa at naghahatid sa atin sa mas malalim na relasyon sa Diyos, na nagbibigay sa atin at sa iba ng daan sa Kanyang masaganang kapayapaan at kalayaan.
By: Emily Sangeetha
MoreKailan mo huling ipinatong ang iyong mga kamay sa ulo ng iyong anak, ipinikit ang iyong mga mata, at buong pusong nanalangin para sa kanila? Ang pagpapala sa ating mga anak ay isang makapangyarihang aksyon na maaaring humubog sa kanilang buhay sa malalim na paraan. Mga Halimbawa sa Bibliya: "Umuwi si David upang basbasan ang kanyang sambahayan." (1 Kronika 16:43) Itinatampok ng simpleng gawaing ito ang kahalagahan ng pagsasalita ng positibong mga salita sa ating mga mahal sa buhay. Sinabi ng Panginoon kay Moises: “Ganito mo pagpalain ang mga Israelita: ‘Pagpalain ka at ingatan ka ng Panginoon; paliwanagin ng Panginoon ang Kanyang mukha sa iyo at maging mapagbiyaya sa iyo; iharap sa iyo ng Panginoon ang Kanyang mukha at bibigyan ka ng kapayapaan.’” (Bilang 6:22–26) Ang mga salitang ito ay nagpapahiwatig ng proteksiyon, pagsang-ayon, at kapayapaan ng Diyos. Paghihikayat at Pagdakila: Kapag pinagpapala natin ang isang tao, hinihikayat natin sila, pinalalakas sila ng positibong pagpapatibay. Kasabay nito, dinadakila natin ang Diyos sa pamamagitan ng pagkilala sa Kanyang kabutihan at biyaya. Ang mga pagpapala ay lumikha ng isang positibong kapaligiran kung saan ang mga bata ay nakadarama ng pagmamahal, pagpapahalaga, at seguridad. Pagbibigay ng Pagkakakilanlan: Ang mga pagpapala ay nakakatulong sa paghubog ng pagkakakilanlan ng isang bata. Kapag ang mga magulang ay nagsasalita ng mga pagpapala sa kanilang mga anak, pinagtitibay nila ang kanilang pagiging karapat-dapat at layunin. Isinasaloob ng mga bata ang mga mensaheng ito, dinadala ang mga ito hanggang sa pagtanda. Ang Kapangyarihan ng mga Salita: Sa isang pag-aaral ng pagganap ng koponan, natuklasan ng Harvard Business School na ang mga koponan na may mataas na pagganap ay nakatanggap ng halos anim na positibong komento para sa bawat negatibong komento. Ang mga pagpapala ay higit pa kaysa sa mga positibong komento. Kapag pinagpapala natin ang isang tao, ipinapahayag natin ang katotohanan sa kanila—ang katotohanan ng Diyos! Ang mga bata ay parang mga espongha, sumisipsip ng mga mensahe mula sa kanilang kapaligiran. Sa pamamagitan ng pagpapala sa kanila, nagbibigay tayo ng panimbang sa mga negatibong impluwensyang nararanasan nila. Bilang mga magulang o tagapag-alaga, may pananagutan tayong pagpalain ang ating mga anak—magsalita ng nagbibigay-buhay na mga salita na nagpapatibay sa kanila sa emosyonal, espirituwal, at kaisipan. Maging maingat na huwag sumpain sila nang hindi sinasadya sa pamamagitan ng mga negatibong komento o nakakapinsalang saloobin. Sa halip, sadyang pagpalain sila ng pagmamahal, pampatibay-loob, at katotohanan ng Diyos.
By: George Thomas
More