Home/Masiyahan/Article

Sep 17, 2021 10075 0 Emily Shaw, Australia
Masiyahan

LIMANG PARAAN PARA SA MAAYOS NA PANANAMPALATAYA

Mga payo upang matulungan kang manatiling nakatuon!

Kakadating lang namin sa kapilya na kadugtong ng aming lokal na seminario. Habang pinapayuhan kong magpakita ng naaangkop na pag-kilos ang nakasimangot kong apat na taong gulang na anak, ang aking dalawang taong gulang na anak na babae ay tahimik na kumawala sa aming bangko at gumala patungo sa dambana.

Halos malapit na siya sa paanan ng dambana bago siya lumingon upang tumingin sa akin, na nakaturo sa tabernakulo sumisigaw: “Tingnan mo, Nay. Si Jesus. Si Jesus ay naroroon.”

Talagang tama siya. Nandoon si Jesus. Sa pagmamadali kong mapaupo at maisaayos ang mga bata, nalimutan ko ang Tunay na Presensya ni Jesus sa kapilyang iyon. Sa halip, basta na lang akong pumasok sa kapilya, inasikaso ang mga bata, at binigyan ng ilang aklat upang mapanatili silang abala.

Ang mga makatotohanang parte ng pagiging isang ina ay tunay na mahalaga. Tutal, nandoon ako para mapakinabangan ang Sakramento ng Kumpisal at magsagawa ng kahatulang pang espiritwal pagkatapos. Subalit nagambala ako sa pag-asikaso ng mga karaniwang gawain para sa kinaumagahan.

Unawain ang Walang Hangganan

Nang ipinatuon ng aking anak na babae ang aking pansin sa Tabernakulo, damdam kong kinailangan akong sawayin. Sa totoo lang, nainggit ako sa kanyang simpleng pananampalataya. Makagandang panoorin ang aking mga anak na nakikipag-ugnayan kay Jesus at sa aming pananampalataya sa kanya-kanyang pamamaraan. Ang isa ay may pansariling kaugnayan kay Saint Michael at sa kanyang paggapi kay satanas. Ang isa ay may malaking paggalang at pagmamahal para sa Ating Ina. Higit sa lahat, tila nauunawaan nila ang walang hangganan, habang ako naman ay madalas na abala sa may hangganan.

At hindi ko maiwasang gunitain ang Kabanata 18 ng Ebanghelyo ni Mateo:

Nang oras na yaon nagsilapit ang mga alagad kay Jesus at nangagsasabi, “Sino nga ba ang pinakadakila sa kaharian ng langit?” At pinalapit Niya sa Kanya ang isang maliit na bata, at inilagay sa gitna nila at nagwika, “Makatotohanang sinasabi Ko sa inyo, hanggat kayo’y hindi magsipanumbalik, at maging tulad ng maliit na bata, hindi kayo makakapasok sa kaharian ng langit. Sinoman ang magpapakumbaba gaya ng maliit na batang ito ay siyang pinakadakila sa kaharian ng langit. At sinomang tumatanggap sa gayung bata sa ngalan Ko ay tinatanggap Ako.” (Mat 18: 1-5)

Maliban kung magpanumbalik ka at maging katulad ng mga bata … Marahil, mas madaling sabihin kaysa gawin, ngunit narito ang ilang mga payo para sa ating lahat:

1. Maging Mapagkumbaba

Tanggap ng mga bata na hindi nila alam ang lahat. Nagtitiwala sila na ang mga nakatatanda ay may sagot sa kanilang mga katanungan, may karunungan na gabayan sila sa mga mapaglinlang na katayuan, at may isang pag-ibig na walang pasubali at walang katapusan. Ang tanggaping hindi natin alam ang lahat ng sagot at ang magtiwala sa karunungan at awa ng Diyos ay mahalaga.

2. Panatilihing Simple

Madami tayong mababasang mga espiritwal na aklat, blogpost at artikulo, ngunit kung ang pagbabasang iyon ay hindi sinusundan ng pagmumuni-muni at panalangin na mabatid ang paggamit nito sa sarili, kaunti lang ang iuunlad ng ating buhay pang-espiritwal. Ang isa sa mga pinakamahusay na paraan para matiyak ang pag-unlad sa kabanalan, upang mapagyaman ang ating musmos na pananampalataya, ay ang manalangin ng taimtim at isaisip ang Panginoon. At mas nakakahigit kung gagamitin ang oras ng pagdarasal na ito sa Kanyang tunay na Presensya.

3. Isiping Kasama Mo Siya

Ito ay magagawa natin sa mga oras ng nakatakdang pagdadasal, gayun din sa nakakainip na mga pang araw-araw na gawain. Nakakasawang magsampay ng nilabhan? Ang bawat pagsipit ay samahan ng “Lahat para sa Iyo, Jesus, lahat para sa Iyo.” Pasalamatan Siya kapag tayo ay masaya, manalig sa Kanya kapag tayo ay may binabata. Maiksi, malinaw at tapat, at galing sa puso.

4. Manghingi ng Tulong

Kung ikaw ay dumadanas ng paghihirap sa buhay, lumapit sa isang mabait at maka-diyos na pari upang makahingi ng tulong at payong pang-espiritwal. O di kaya, ang mga pinagkakatiwalaang kaibigan at kamag-anak, na may pananampalatayang tulad ng sa iyo, ay maaaring makapag mungkahi ng tulong at patnubay para sa anumang binabata mo. Sa katunayan, malaman aaminin pa nilang nakadanas sila ng katulad sa dinadanas mo. Ang mapakinggan ang mga salaysay nilang magtagumpay sa kanilang pakikibaka sa gitna ng kagipitan (at makatamasa ng kapayapaan) ay maaaring makabigay sa iyo ng pag-asa na ang kasalukuyang hirap na dinadanas mo ay maiibsan din.

5. Higit sa lahat, magtiwala sa Kanya

Kung katulad mo ako, ang talikuran ang pag control ay hindi madaling gawin. Ngunit kapag tinanggap natin ang kalooban ng Diyos sa ating buhay, tiyak nating magagawa ang pinaka espiritwal na pag-usad. Ang matutunang ipagsaalang-alang ang kalooban ng Diyos o ang

pagtanggap nito kahit na ito ay ang buong kabaligtaran ng kagustuhan natin ay maaaring napakasakit. Alam ng Diyos ang pinakamahusay para sa atin, at kung papayagan natin Siya na pangunahan tayo, ano kaya ang maiisakatuparan natin para sa Kanya?

Nawa’y dagdagan ng Panginoon ang ating pananampalataya, pagtitiwala, at pag-asa nang sa gayon ay masabi nating tunay tayong mga anak na Diyos at maranasan ang langit, kung saan tayo nabibilang.

“Kaya ang mga maliliit na bata ay dinadala sa Kanya upang ang mga ito ay mabasbasan. Ang mga nagdala sa mga bata ay mabalasik na pinagsalitaan ng mga alagad; ngunit nagwika si Jesus, “Hayaan nyo ang mga maliliit na bata na lumapit sa Akin, at huwag nyo silang pigilan; sapagka’t ang Kaharian ng langit ay para sa mga tulad nila.” (Mateo 19: 13-14)

Share:

Emily Shaw

Emily Shaw is a former Australasian Catholic Press Association award-winning editor turned blogger for australiancatholicmums.com and is a contributor to Catholic-Link. A wife and mother of seven, she resides on a farm in rural Australia and enjoys the spiritual support of her local catholic community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles