Home/Makatagpo/Article

Sep 09, 2021 857 0 Father Chris da Sousa
Makatagpo

IYAN AY ISANG HIMALA!

Si Padre Chris da Sousa ay bulag hanggang ang isang paglalakbay sa Fatima ay nagdulot sa kanya ng isang himala, at hindi iyon ang huling himala na natamo niya para sa kanyang pamilya.

Ang aking pananalangin sa ating Pinagpalang Ina ay nagsimula pa sa aking mga unang araw.  Ako ay Ipinanganak sa Australia, ngunit ang aking mga magulang ay mga dayuhan na Portuges, kaya malakas ang pananalangin namin sa ating Dilag ng Fatima. Nagdadasal kami raw-araw ng Banal na Rosaryo at sa pamamagitanan nya, sumibol sa akin ang isang dakilang pagtitiwala sa kanyang pamagitanan.

Ipinanganak akong ligal na bulag sa kanang mata at ang kaliwang mata naman ay pipahirapan ng isang pangkatawanang kalagayan na naging sanhi ng panghina ng aking paningin sa paglipas ng mga taon.  Habang ak Makipagsapalaran o’y lumalaki, napagkayarian ng aking mga magulang na dalhin ako sa ilang dalubhasa, umaasang sa isang lunas, ngunit parepareho ang kinalalabasan. Ito ay walang kagamutan at sa pagsapit ng pagkaadulto ako ay magiging ganap na bulag.

PAGSUBOK SA PANGANIB

Pagtuntong ko ng pagkaadulto, walang pangmalas ang naiwan sa aking kaliwang mata, kaya’t ang aking pag-aaral ng pagiging manananggol ay napakahirap. Pighating sinaksihan ng aking mga magulang ang aking pakikibaka sa pagbasa ng mga malalaking aklat sa limitado kong paningin. Kaya sa pangalawa sa huling taon ng aking pag-aaral, sila ay naglakbay sa Fatima upang humingi ng tulong sa ating Dilag na maibalik ang paningin ng kanilang anak.  Ako ay naiwan para tapusin ang aking huling taon. Nang sila ay bumalik na may mas malakas na pananampalataya at tiwala sa tulong ng ating Ina, nakatagpo nila ang isang dalubhasa na may natutunang bagong kadalubtiasaan sa Belgium na maaaring makatulong sa akin. Bagaman ang pagtakda ng isang tipanan sa dalubtiasang ito ay halos hindi matamo, hiniling nila ang tulong ng ating Dilag, at hindi inaasahang tinawag ako para sa isang pagsangguni. Bagaman naitalaga ko na ang aking sarili sa kakulangan ng paningin, di ko magawang biguin ang aking mga magulang matapos ang lahat ng kanilang pagsisikap.

Matapos suriin ang aking paningin, kaagad sinabi ng dalubhasa na hindi tiyak kung makakatulong sa akin ang kadalubtiasaag ito. Ito ay mapanganib, at dahil wala itong pagsang-ayon ng pamahalaan, ito ay napakamahal. Gayunpaman, sa laki ng tiwala ng aking mga magulang sa tulong ng ating Dilag, agad silang sumang-ayon sa halaga at hinikayat akong ipagpatuloy ang pagpapagamot.  Nag-aalala, bagamat umaayon, ipinagkatiwala ko ang aking sarili sa mapagmahal na pangangalaga ng ating Dilag.

PAGSUBOK SA PAGKAKATAON

Nagsimula sila sa aking kanang mata – ang ligal na bulag na mata. Sinabi ng siruhano na maaaring tumagal ng ilang buwan bago ako makakita nang ganap, kaya hindi ko inaasahan ang anumang agadang pagkakaiba. Ngunit sa loob ng 15 hanggang 20 minuto matapos ang pagtistis, sa kauna-unahang pagkakataon, malinaw na nakakita  ang aking ligal na bulag na mata. Mga kulay at katuringang hindi ko pa nakita!

Buhat sa pagtistis na iyon, ibinubunyi ko ang Panginoon, pinupuri Siya at pinasasalamatan ang Ating Pinagpalang Dilag sa kanyang gabay at pamamagitan. Habang masayang niyakap ko ang aking mga magulang, hinirang ito ng dalubhasa, na hindi isang mananampalataya, bilang isang himala. Hindi niya maipaliwanag ang agadang-handog na malinaw na paningin matapos ang pagtistis sa isang mata na kailanman ay hindi nagkaron ng malinaw na paningin.

Lumipas ang isang buwan, inopera ang aking kabilang mata. Ang asahang maulit ang himala ay tila kalabisan na, ngunit ang mga pagpapala ng Diyos ay sagana. Minsan pa, sa loob ng 15 hanggang 20 minuto, malinaw akong nakakita sa kaliwang mata. Ang ganap na paningin ay naibalik. Salamat sa pamamagitan ng ating Pinagpalang Mahal na Dilag at sa dakilang pananalig at tiwala ng aking mga magulang, nasimulan ko ang buhay bilang isang tagatangkilik.

GUMAWA NG PAGBABAGO

Lagi kong minithi na maging isang manananggol, ngunit binuksan ko din ang aking puso sa Panginoon. Ano ang hinihiling niya sa akin? Alam kong ang himalang ito ay isang handog na hindi nararapat ngunit kasama ang ating Pinagpalang Dilag, tatanungin ko Siya, “Panginoon, ano ang nais mo sa akin? Bakit mo ibinalik ang aking paningin habang marami pa ang nanatiling bulag?” Sinimulan nito ang isang mahabang panahong pag-aaninaw, samantala namang sinimulan ko ang magtrabaho. Kahit nakadama ako ng katupadan bilang isang manananggol at nagbalak magkaron ng buhay may-pamilya, tinanggap ko ang isang buhay-relihiyoso at pagkasaserdote noong sumama ako’y kasama sa paglalakbay ng Araw ng Kabataan sa Mundo.

Puspos sa labis na takot, tumagal nang ilang buwan bago ko matukoy ang  pagtawag sa akin. Noong ika-13 ng Mayo, sa Misa para sa Pista ng Ina ng Fatima sa aking bayan, hiniling ko sa kanya, “Kung ito ang gusto ng iyong Anak, tulungan mo akong makita ito nang malinaw gaya nang tinulungan mo akong makakita.”  Parang isang belo ang naangat mula sa aking mga mata. Alam kong tinatawag ako ng kanyang Anak sa  buhay-madasalin. Tinawag ako ng kanyang Anak sa pagkasaserdote. Ipinagkatiwala ang sarili sa mga kamay ng Ina, nabatid ko sa kalaunan na dapat kong ialay ang aking buhay sa Panginoon, kasama ang mga pari ng Somascan.

Sa pagsunod sa isang sinaunang kaugalian sa aming relihiyosong ordenan, nang ihayag ko ang aking mga panata ng kahirapan, kalinisang-puri at pagsunod, inilalay ko rin ang aking sarili sa ating Ina at idinagdag ang kanyang pangalang Maria sa akin. Ang aming tagapagtatag, si Santo Jerome Emiliani, ay mapaghimalang napalaya ng ating Pinagpalang Ina noong siya ay isang bilanggo ng digmaan 500 taon na ang nakalipas.  Napalaya din ako mula sa aking pagkabulag, sa kanyang pamamagitan, na makayanang maibigay ko ang aking buong buhay sa kanyang Anak.

ANG MGA HIMALA AY NANGYAYARI

Noong ako ay nasa Roma, naghahanda para sa aking huling pagsusulit sa Teolohiya, ang aking ama ay nagkaron ng kanser sa dugo. Habang siya’y naghahandang mabigyan ng panlapat-lunas, nagpunta ako sa Fatima upang ipagkatiwala ang kalusugan ng aking ama sa pag-aalaga ng ating Ina at upang pasalamatan siya sa himala na maibalik ang aking paningin. Sa araw ding iyon na pa-luhod akong naglakad sa kung saan siya nagpakita sa 3 bata 100 taon na ang nakaraan, natuklasan ng manggagamot ng aking ama na ang kanser sa kanyang dugo ay ganap na nawala.  Minsan pa, namagitan ang ating Mapagpalang Ina, mahimalang naibalik sa kalusugan ang isa pang kaanib ng pamilya.

Kasunod ng mga taong pagmimisyon sa India, Sri Lanka at Mozambique, umuwi ako sa Australia upang ihanda ang sarili para sa aking taimtim na panata at pag-orden ng pagkasaserdote. Ang aking pag-orden ay naganap sa buwan ni Maria, Mayo, Sabado, sa kanyang karangalan. Ipinagkatiwala ko ang aking buong pagkasaserdote sa kanyang mala-inang mga kamay. Kinabukasan, Kapistahan ng ating Dilag ng Fatima, ika-13 ng Mayo, idinaos ko ang aking unang Misa. Ito ay sinundan ng isang maganda at makandilang prusisyon, bilang parangal sa ating Dilag ng Fatima, sa haba ng kalye ng Fremantle.

Apaw kami ng kagalakan, nang malubhang magkasakit ang aking ina at agad na isinugod sa pagamutan. Mabilisan akong sumunod upang mabigyan ko sya ng Sakramento ng Pagpapahid sa May-sakit –ang sakramento ng pagpapagaling. Siya ang unang taong pinahiran ko sa sakramentong ito. Pinatibay nito ang aking pagkasaserdote upang magampanan ko ang paglilingkod sa kanya, hindi lamang bilang kanyang anak, kundi bilang isang pari. Inisip ng mga doktor na siya ay nagkaroon ng atake sa puso at binigyan siya ng gamot upang numipis ang kanyang dugo. Ang totoo, siya ay may isang aneurysm na kung saan ay nagdudugo sa loob ng katawanb.

Napagtanto lamang nila ito matapos ang mga ilang araw na binibigyan sya ng pampanipis ng dugo na syang tunay na dahilan ng labis na panloobang-pagdudugo. Siya ay madaliang pumasailalim ng pagtistis, na kung saan siya ay di inaasahang makaligtas; ngunit pinagpalaan kaming muli ng Diyos ng isang himala, salamat sa pamamagitan ng aming Pinagpalang Ina.  Hindi naipaliwanag ng mga manggagamot kung paano nangyaring buhay pa ang aking ina matapos ang panloobang-pagdudugo nang napakadaming araw. Ipinaliwanag sa akin ng aking ina na ang Mahal na Ina ay namagitan para sa kanya. “Inihandog ng aking anak ang kanyang sarili sa kanya at, bilang isang pari, iniaalay niya ang Banal na Misa para sa akin araw-araw. Iyan ang dahilan kung bakit ako gumaling, iyan ang dahilan kung bakit nangyari ang himalang ito.”

Pinangunahan ni Mamma ang Daan

Ang mahirap-unawaing mga karanasang ito ay nagpalalim ng aking pananalangin sa Ating Pinagpalang Dilag. Hinihikayat ko kayo na ipagkatiwala ang inyong buhay sa kanyang makalangit na pamamagitan. Maaari akong magpatotoo sa mga himalang naganap noong siya ay namamagitan para sa atin sa kanyang Anak. Siya, na ipinaglihi na walang bahid, ay nakatanggap ng mga biyaya, na nakuha ng kanyang Anak sa Krus. Nagawa niyang sumagot ng “Oo” upang maging Ina ng Diyos, bago pa tinanggap ng ating Panginoon ang Kanyang Pagdurusa at Kamatayan sa Krus. Ang pagnanais ng ating Pinagpalang Ina na tulungan ang mag-asawa sa Cana ang naging dahilan ng unang himala ng Panginoon. Ang puso ng ating Mapalad na Ina ay tinuhog ng kalungkutan (Lucas 2:35) na nagbabala ng pagtusok ng Puso ng ating Panginoon sa Krus (Juan 19:34). Kaya, ipinapakita niya sa atin kung paano sundin si Jesus, sa lahat ng ating kagalakan at pagdurusa, na ipinagkakaloob ang mga ito sa Kanya.

Share:

Father Chris da Sousa

Father Chris da Sousa is the first Australian priest in the Company of the Servants of the Poor – the Somascan Fathers. This article is based on the Shalom World TV program : Mary My Mother https://shalomworld.org/episode/i-was-blind-but-now-i-see-fr-christopher-john-maria-de-sousacrs.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles