Home/Makatagpo/Article

Sep 09, 2021 1383 0 Steffi Siby
Makatagpo

BAWAT HAKBANG AY BILANG

Nais mo bang maging pinakamabuting bersyon ng sarili mo? Magsagawa ng unang hakbang!

Nawawalang Karugtong

Ang patotoo ko ay hindi tungkol sa isang makapangyarihang pagbabalik-loob, isang sandaling pagbabago ng buhay o isang malahimalang pagpapagaling. Ito ay isang maliliit na hakbang sa paglalakbay. Isang paglalakbay na kung saan ako ay patuloy na natitisod at nadadapa, ngunit ang Panginoon ay lagi akong itinatayo at sinasamahan sa aking paglalakad. Ipinanganak at pinalaki akong Katoliko. Gayunpaman, tulad ng patunay ng maraming tao, hindi ito laging totoo. Sumali ako sa mga Sakramento at palagiang nagsisimba, ngunit kulang ang aking personal na kaugnayan kay Jesus.

Sa panahon ng aking pamumuhay sa Unibersidad, kapag ako ay nahaharap sa mga paghihirap, bumabaling ako sa Panginoon upang maalo. Palagi Siyang naririto para sa akin, ngunit ako ay hindi palaging naroon para sa kanya. Inilalagay ko ang Diyos sa isang kompartamento at bumabaling sa Kanya kapag may kailangan lang. Siya ay tiyak na bahagi ng buhay ko, dahil patuloy akong nagsisimba tuwing Linggo at madalas na magdasal, ngunit hindi Siya ang nasa gitna ng buhay ko. Ang aking mga interes at mga hangarin ay nangunguna sa aking isipan. Hindi ako kailanman huminto kahit sandali upang pag-isipan kung ano ang kalooban ng Diyos.

Anim na buwan bago ang pagtatapos, bumaligtad ang buong mundo ko. Dumaan ako sa matinding depresyon at sa mahabang panahon, puro kadiliman lang. Ang paghihirap ng kalooban at kawalan ng pag-asa na naramdaman ko ay mahirap ipaliwanag sa mga salita, ngunit sa palagay ko marami rin sa inyo na nagbabasa nito ang nakaranas din ng ganito. Kapag nangyari ito, gumagawa tayo ng paraan o iba pa. Tumatakbo tayo palapit sa Diyos naghahanap ng kanlungan sa Kanya o tumatakbong palayo sa kanya sa galit.

Nakakalungkot dahil pinili ko ang huli. Hindi ko maintindihan kung bakit hinayaan ng Diyos na ako’y dumaan sa isang bagay na nakakatakot kung mahal Niya ako. Ang pinakamabuting bahagi ng taon, lubusan akong humiwalay sa mga tao. Tumigil ako sa pagsisimba. Tumigil ako sa pagpunta kahit saan. Nabalot ako ng pakiramdam ng pagkahiya at kawalan ng halaga. Ang mga saloobin tulad ng “Ikaw ay isang pasanin’ at ang’ lahat ay magiging mas maayos kung wala ka! ay patuloy na pumapasok sa aking isipan. Ang aking isip ay tulad ng isang bilangguan na hindi ko matakasan.

Sa kabutihang palad, hindi doon nagtatapos ang aking kuwento. Isa sa mga paborito kong taludtod sa Bibliya ay ang Roma 8:28. “Alam nating sa lahat ng bagay, ang Diyos ay gumagawang kasama ang mga nagmamahal sa Kanya, ang mga tinawag ayon sa kanyang panukala,”sa kanilang ikabubuti. Tinitiyak nito sa atin na, Anuman ang maaaring mangyari sa ating buhay, gagawin ng Diyos ang makabubuti sa atin. At ipinaaalala rin Niya sa atin ng may buong pagmamahal na tayo ay pinili Niya at may layunin sa pamamagitan Niya.” Naging maliwanag ito sa aking buhay ng dahan-dahan akong bumalik sa pananampalataya sa tulong ng iba’t-ibang mga tao at mga pangyayari na tiyak kagagawan ng Diyos.

Maliliit na Hakbang

Sa pagkakataong ito, naiiba ito. Nagsisimba ako sa pang araw-araw na misa at mga pag-aayuno dahil tunay kong hinahangad ang pagmamahal ng Diyos. Gayunpaman, ang hindi pa maayos na kalusugan ng aking pag-iisip ay paulit-ulit at patuloy akong nakikibaka. Walang anumang pag-unlad o paggaling kaya ang aking kinabukasan ay walang katiyakan. Palagi akong nagsasawa sa buhay. Ang pag-asa at kapayapaan na ipinangako ni Jesus ay tila malayo pa. Gaya ng sabi ko noon, walang mahiwagang sandali na makapagbabago ng mga bagay sa paligid ko para sa akin gaya ng gusto ko. Kailangan kong maghintay sa oras ng Diyos. Gayunpaman, ang ilang maliliit na hakbang ay nakatulong sa akin sa pag-unlad sa mas tiyak na kalagayan.

Ang aking pamilya ay ang pinaka malaking pagpapala sa akin. Nanindigan sila sa tabi ko sa pinaka madilim na panahon ng aking buhay at tunay akong nagpapasalamat sa Diyos dahil sa kanila. Makalipas ang dalawang taon, nagsimula kaming magbasa ng Bibliya ng tatlumpong minuto araw-araw- isang bagay na patuloy naming ginagawa. Kahit na ito ay maaaring maging mahirap, lalo na sa pagsasaliksik ng ilang lumang Tipan, talagang sulit ang pagtityaga. Kapag pinahalagahan natin ang Bibliya bilang buhay na salita ng Diyos, maiisip natin na mayroong isang sagot doon para sa lahat ng bagay.

“Ang puntirya ni Satanas ay ang iyong isip at ang kanyang mga sandata ay ang mga kasinungalingan. Kaya punan ang iyong isip ng mga salita ng Diyos” – Greg Locke.

Binibigyang diin ng sipi na ito kung paano ginagamit ng diyablo ang kasinungalingan laban sa atin bilang mga sandata. Ang aking mga pakikibaka higit sa lahat ay nasa aking isip at pakiramdam ko ako ay nakulong. Nakipagbuno ako sa maraming kasalanan na patuloy na bumabalik paulit-ulit. Sinabi sa akin ng demonyo na hindi ako minahal, wasak at walang halaga samantalang ang totoo, ako ay anak ng Diyos na minahal ng walang hanggan. Ito ang ilang mga pagpapatunay na ibinibigay ng Salita ng Diyos sa bawat isa sa atin:

“Tayo’y Kanyang nilalang, nilikha sa pamamagitan ni Kristo Jesus upang iukol natin ang ating buhay sa paggawa ng mabuti, na itinalaga ng Diyos para sa atin noon pa mang una.” (Mga Taga Efeso 2:10)

Mga anak, kayo’y sa Diyos at pinagtagumpayan ninyo ang mga bulaang propeta, sapagkat ang espiritong nasa inyo ay makapangyarihan kaysa espiritong nasa makasanlibutan.” (1 Juan 4:4)

“Datapwa’t, kayo ay isang lahing hinirang, mga saserdote ng Hari, isang bansang nakatalaga sa Diyos. Pinili kayo ng Diyos upang maging Kanya at maghayag ng mga kahanga-hangang gawa niya. Siya rin ang tumawag sa inyo mula sa kadiliman tungo sa kanyang kagila-gilalas na kaliwanagan” (1 Pedro 2:9).

Walang Katulad na Pagmamahal

Isa sa aking paboritong bagay tungkol sa paniniwala ng Katoliko ay ang Sakramento ng Pagsisisi (Pagkakasundo). Ang pagkakaroon ng kakayahan upang humangos sa kumpisalan at ibuhos ang laman ng aking puso kay Jesus ay naging malaking kahalagahan. Ang pagtanggap ng Kanyang kapatawaran ay nagpapalaya sa atin mula sa pagkakasala at kahihiyan na ipinagkait ng demonyo sa atin. Tinutulungan tayo ng Banal na Espiritu na ipaalam sa atin kapag tayo ay naliligaw ng landas at kailangang magsisi at magbalik sa Diyos. Hangga’t ginagawa natin ito, walang dapat ipag-alala kahit na maaaring kailangang gawin ito ng paulit-ulit. Gaano man tayo kalayo sa pagkakaligaw sa Diyos, ay mas higit siyang nagagalak sa ating pagbabalik, tulad ng pagdiriwang ng isang ama sa pagbabalik ng isang alibughang anak.

Matagal bago ko ito napagtanto at hindi ko pa rin maintindihan ng husto; Hindi ko na kailangang gumawa ng kahit na ano upang matamo ang pagmamahal ng Diyos. Ito ay isang walang kondisyon na regalo na ibinubuhos Niya sa atin. Ang Kanyang pag-ibig ay hindi nakasalalay sa akin o sa aking kamalian. Ito ay nakasalalay sa Kanyang kalikasan na puro pagmamahal at pagka mahabagin.

Kahit sa pinaka madilim na panahon ko at sa iyo, ang pag-ibig na ito ang nagbibigay pag-asa sa atin. Sa aklat ng propetang si Oseas, inihayag ng Diyos na “babaguhin Niya ang lambak ng problema sa isang Landas ng Pag-asa” (Oseas 2:15 NLT). Maganda nitong inilalarawan kung ano ang nangyari sa akng buhay.

Sa pamamagitan ng Kanyang pagmamahal, binago ng Diyos ang aking mga problema at naging isang pagkakataon upang magkaroon ng pag-asa at ibahagi ang pag-asang iyon sa iyo.

Unti – Unti

Dahil sa mga naranasan kong sakit tuluyan akong napalapit sa Diyos. Tanging Siya lamang ang totoong naroon para sa akin sa lahat ng bagay. Hindi lamang Siya dakila, at lubos na makapangyarihang Diyos, Siya ang aking taga-aliw at kaibigan. Higit kong natutunan na tanggapin ang kalooban ng Diyos at ang Kanyang pagtatalaga. Hindi nangyari ang mga gusto kong mangyari na plinano ko sa buhay ko, pero hindi naman masama sapagkat ang mga paraan ng Diyos ay higit na mabuti kaysa  aking mga pamamaraan. “Ang wika ni Yahweh: “Ang aking isipa’y di ninyo isipan, At magkaiba ang ating daan. Kung paanong ang langit higit na mataas, mataas sa lupa, at ang daa’t isip ko’y hindi maaabot ng inyong akala.” (Isaias 55: 8-9)

Sa katagalan maraming maliliit na kadahilanan ang nag-ambag upang madagdagan ang aking pananampalataya. Inakay ako nito sa mas matinding pagpapahalaga at pag-unawa sa Panginoon. Naniniwala rin ako na ang kapangyarihan ng panalangin ay nakatulong sa akin na makaligtas sa maraming mga hamon sa buhay. Buong pakumbaba akong humihiling na isama ninyo ako sa inyong mga panalangin at sana ugaliin natin at isaisip ang pagdarasal para sa isa’t isa. Ayon sa aking karanasan, hindi natin kinakailangang gumawa ng mga malalaking bagay upang mapalapit sa Diyos. Maliliit na hakbang ang kailangan lamang. Sana ikaw ay unti-unting humahakbang palapit sa Diyos sa araw na ito. Siya ay buong pagmamahal at bukas ang mga bisig na naghihintay.

Mahal na Diyos, ako ay lubos na naniniwala at umaasa sa iyo. Ang tanging hiling ko lang ay ang biyaya na makilala ka at mahalin. Yakapin mo ako at ikulong sa iyong mapagmahal na bisig.

Amen!

Share:

Steffi Siby

Steffi Siby has a passion for reading and writing. She lives with her family in Blackpool, England. To read more of her articles visit: spreadyoursmile.home.blog/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles