Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 09, 2021 956 0 Jackie Perry
Makatawag ng Pansin

Ikaw Ba Ay Nagtitiwala?

Ang Panginoon Diyos ay may plano para sa iyo; ngunit, paano kung hindi ito nagtutugma sa iyong plano?

“Ako ay nababahala,” ang malubhang pagtanggap ng ultrasound technician. Ang aming puso ay lumubog sa lungkot.  Lahat ng kagalakan at kasayahan na naipon sa paghihintay ng aming magiging anak ay nabahid ng dalawang salita na hindi naming inaasahan marinig.

Ako at ang aking asawa ay kasal na ng mahigit ng isang taon at kalahati at sinisikap na mag karoon ng anak sa simula pa man. Masaya naming pinangarap na magkaroon ng lumalaking pamilya. May madiin kaming pagnanais na makapag bigay ng buhay sa mundong ito na aming pangangalagaan at mamahalin, at magtulungan kaming mag asawa na maging mabuting tao at maging mahusay na magulang.

Pagkatapos ng isang taon at kalahati ng pag sisikap na magkaroon ng anak, patuloy kami sa pagdaranas ng kabiguan kapag nakita naming ang resulta ng pagusbok ng pabubuntis.  Hindi ninyo siguro mawari ang galak at kaligayahan ng aming nadama ng naging positibo ang resulta ng test ng pag bubuntis. Kami ay magiging magulang na …sa wakas! Magkakaroon na kami ng anak at kami ay sabik na sabik.

Nag hintay kami ng tatlong linggo para sa unang ultrasound, at hindi naming nawari na may dahilan para mangamba. Sa pagtatapos ng pamamaraan, pinagsabihan kami ng technician na bumalik pagkaraan ng isang lingo, kasama na ang manggagamot dahil ang sanggol sa sinapupunan ko ay hindi nagtatama sa sukat ng pang walong linggo.

Sa halip na kami ay mag alala at matakot, nagpasiya kaming pasalamatan ang Panginoon Diyos sa biyaya ng buhay at magtiwala sa Kanyang plano, ano pa man.

Pa minsan, ang ating mga hangarin ay hindi nangyayari sigun sa ating inaasahan. Pa minsan, hindi natin alam kung bakit. Pagkatapos ng sampung araw, bumalik kami para sa pangalawang ultrasound. Nakatanggap kami ng masamang balita na ang sanggol sa aking sinapupunan ay walang tibok ang puso at maaaring mahulog sa aking pagbubuntis.

Nang kaming mag asawa ay papunta sa ospital para sa pangalawang ultrasound, kami ay tiwala na ipa kikita sa amin sa screen ng Panginoon Diyos ang isang malusog na sanggol, at kami ay naniniwala na  ganoon ang aming makikita.  Ngunit, ang Panginoon Diyos ay may ibang plano – planong mahirap tanggapin.

Hindi ko matanggap ang balita. Gusto ko man kontrolin ang pangyayari, hindi ko gusto ang naging bagong  katotohanan, ngunit wala naman akong magagawa para ito baguhin.

Ang Panginoon Diyos ay may plano para sa amin; plano na may kasamang sakit sa puso, pighati at pag kawala ng isang inaasahan.  Sa gitna ng kalungkutan, ay tinanggap namin ang Kanyang plano at dinala namin ang aming sarili patungo sa Kanyang plano, anuman ito. Maging ganon pa man, ang pag tanggap ng plano ng Panginoon ay hindi katumbas ng pag kakaunawa ng Kanyang plano, O kaya ang pag tanggap ng Kanyang plano ay hindi nanganga hulugan na komportable ka sa Kanyang plano.  Gusto naming maging iba ang plano ng Panginoon Diyos; ngunit kailangan naming tanuning ang aming sarili kung kami ay magagalit sa Panginoon Diyos o kaya ay tanggapin ang Kanyang plano at magtiwala sa Kanya.

Matapos ang lahat, sinabi ng Panginoon Diyos:

Sapagka’t nalalaman ko ang mga pagiisip na aking iniisip sa inyo, sabi ng Panginoon, mga pagiisip tungkol sa kapayapaan, at hindi tungkol sa kasamaan, upang bigyan kayo ng pagasa sa inyong huling wakas.  At kayo’y magsisitawag sa akin, at kayo’y magsisiyaon at magsisidalangin sa akin, at aking didinggin kayo.  At inyong hahanapin ako, at masusumpungan ako, pagka inyong sisiyasatin ako ng inyong buong puso.”Jerimias 29:11-14

Kung tayo ay naniniwala sa Panginoon Diyos, kailangan tayong magtiwala sa Kanyang mga pangako, hindi ba?  Sinabi nga isang beses ni Padre Joe McMahon na “alinman, kundi nag sisinungaling ang Panginoon Diyos or dili kaya ay hindi tayo nagtitiwala sa Kanya.” Kagustguhan ng Panginoon Diyos ang ating pagtitiwala, sa Kanya, ang ating paniniwala sa Kanya at pananampalataya.

Sa bawat oras na ako ay nakakaramdan ng kasiraan ng loob taglay ng kalungkutan at kawalan ng laman ay binbalingan ko ang sipi mula sa Jeremias 29:11-14.

Pinag isipan ko ba na ang Panginoon Diyos ay isang sinungaling? o baka kaya ako ay hindi nagtitiwala sa Kanya sa gitna ng aking sakit ng kalooban.  Pinag isipan ko ba na ang Panginoon Diyos ay isang sinungaling at inilayo ko na ang aking sarili sa Kanya dahil sa sakit ng aking kalooban?

Kayo naman?  Ikaw ba any nagtitiwala sa Panginoon Diyos? Ikaw ba ay nagtitiwala na isinulat na ng Panginoon Diyos ang iyong buhay? Nagtitiwala ka ba kung saan ka niya pina ngungunahan sa iyong pupuntahan? Nagtitiwala ka ba sa Panginoon Diyos sa gitna ng iyonng mga sakit sa kalooban at dalamhati?

Kahit anu paman ang iyong sakit sa kalooban at kalungkutan, NGAYON na ang oras para ialay sa paanan ng Kurus ng Panginoon Diyos ang iyong mga sakit at kalungkutan, iwanan mo sa Kanyang Paanan at hayaan ang ating Taga paglikha ang lumutas ng ating sakit at kalungkutan.  Sa gitna ng sakit at kawalang katiyakan ay ang tamang panahon na magtiwala tayo sa Panginoon Diyos, kahit pa man gaano kahirap o gaano kasakit ang ating dinaranas.

Palakihin natin ang ating pagtitiwala sa Panginoon Diyos. Ibigay natin sa Kanya ang ating mga sakit sa kalooban at dalamhati, para Niya tayo mapagbago at ipa kita sa atin ang ating hinaharap na kapalaran.  Payagan natin ang ating sarili na maging maliit para maipakita NIya sa atin kung gaano Siya kalaki.

Dasal: “O! Panginoon Diyos, kapag ako ay nakakaramdam ng panghihina at wala ng magawa, ay iparamdam Ninyo po ang Iyong presensya sa aking buhay.  Tulungan Ninyo po akong magtiwala sa iyong pagmamahal at malakas na kapangyarihan, ng wala po akong katakutan at hindi mangamba. Sa halip na mabuhay na malapit sa Iyo, ipakita Mo po sa akin ang Iyong Kamay, ang Iyong layunin at ang Iyong kagustuhan sa lahat ng bagay, AMEN.

Share:

Jackie Perry

Jackie Perry is a wife, mother, and inspiring writer. Her Catholic faith ignites her desire to share her journey of life on her blog jackieperrywrites.com *The article, ‘Do You Trust?’ appeared in the September/October 2020 issue of Shalom Tidings magazine. Scan now to read. (shalomtidings.org/do-you-trust)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles