Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jun 23, 2021 1132 0 Dina Mananquil Delfino, Australia
Makatawag ng Pansin

PANDEMIC: Pagpapala o Sumpa?

Pagsasagunita

“Hinawakan mo ang kape ko!” hiyaw ng patron sa batang barista, na napaiyak habang walang palad nyang inalok ng isang bagong tasa ang magagaliting babae, na nawari naming hindi sya isang lokal. Magkaisang ipinagtanggol ng mga tapat na patron ang batang babae. “Kung nag-aalala kang mahawa, ni hindi ka dapat lumabas!”, sigaw ng isang patron. “Manatili sa bahay!” dagdag pa ng isa.

Bilang isang pastoral worker, nag-alay ako ng salita ng kaginhawahan sa barista.  Habang ginagawan niya ko ng tasa sa pagitan ng mga hikbi, ipinaalala kong ang lahat ng tao ay balisa dahil sa pangkasalukuyang kapaligiran kaya di nya dapat ito gawing personal at huwag payagang sirain ang kanyang araw.  Ilang minuto mayamaya, ako mismo ang nangailangan ng sarili kong payo.  Nang di sinasadyang lumampas ako sa marka sa tindahan na 1.5 metro, may alibadbad na sinabihan ako ng isang nakatatandang ginoo: “Tumigil ka sa iyong lugar!” at may sundot pa sa braso para sa dagdag na diin. Matapos pa, nang inilabas ko ang aking apo para sa isang kinakailangang ehersisyo, siya ay sinigawan ng isang nagdadaan, “1.5 metro!”. Whew !!!

Ilan lamang ito sa mga insidenteng tila naging mga nakatagong biktima ng Covid-19 pandemic.  Pinalis ng gumapang na takot at pagkabalisa ang pag-ibig, kagalakan at kagandahang-loob ng buhay.  Halos wala nang ngumiti. Nakatungo, mga matang mapagmasid na nakatuon sa kawalan, katawang malinaw na nagwiwika, “Lumayo ka sa akin.” Ito ay madaling intindihin habang hinaharap ang isang mapanganib, di-kitang kaaway at hindi namin alam kung sino ang babagsak bago matapos ang pandemic.  Libo-libong buhay at kabuhayan ang apektado; social distancing at paghihiwalay ng sarili ang naging pinakamahalagang sandata laban dito sa bago at di-kilalang salot.

Nakatago at Lantarang mga Biktima

Ang lahat ay naapektuhan nito. Kahit sa ano pa mang kadahilanan, lalo na sa pagkawala ng mga minamahal, pati na ng mga bayani sa front-line ng kalusugan, ang pighati ay napakalaki at di mapaniwalaan, lalo na kapag ang mga nahahapis ay di nakatanggap ng pakikidamay ng mga kaibigan at pamilya. Nagdudugo ang puso ko para sa mga ito at ang manalangin lamang ang aking magagawa para sa kanilang mga kaluluwa at para sa kaginhawaan ng kanilang mga pamilya. Ginawa nang lahat ng gubyerno at otoridad ng kalusugan ang para ipatupad kung ano ang alam nilang pinakamahusay na hakbang upang kontrolin at pigilan ang pandemic na ito. Itinuturing ng madami sa kanila na ito ay gaya ng paglaban sa digmaan.  At doon, totoo ngang may nga biktima.  Ang bawat bansa ay nagsipanikluhod.

Pero ano ba ang personal na epekto nito sa akin?  Nang ipataw ang lockdown at ang pag-shutdown tiningnan ko ang mga proyekto na dapat kong asikasuhin. Sa sandaling iyon, ang mga ito ay naging walang katuturan para sa kin kaya nagpasya akong ilagay ang mga ito sa garahe dahil alam kong di ko ito ngayon magagawa.  Ang pananaw ko’y mabilis na nagbago: ang hinaharap ay naging di kasinghalaga ng bawat pangkasalukuyang sandali at walang naging mas mahalaga pa sa kalusugan at kaligtasan.  Nang kelangan kong magpunta sa doktor, nagsumamo ako sa Panginoon na iadya Nya akong maratay sa ospital sa dahilang kinatatakutan ko ang kapaligiran doon.

Ako ay naging mas mapanimdim at masuri kung aling parte ng aking buhay na kelangan kong baguhin.  Araw-araw, paluhod akong nagsusumamo sa Panginoon para sa tulong.  Sinimulan kong magdasal bawat oras ng paborito kong Salmo 91 para sa proteksyon ng lahat, at ang manalangin ng: “Panginoong Jesu-Cristo na Anak ng Diyos, maawa ka sa akin na isang makasalanan.”

Nakabalatkayong Pagpapala

Karaniwang kong pinananabikan ang pagdating ng mga proyekto, ngunit sa Covid-19, ang hinaharap ay naging malabo.  Ang di-batid ay naging pang araw-araw kong katotohanan.  Dahil ako’y sanay sa bising pamumuhay, kinailangan kong humanap ng mga aktividades upang magapi ang sitwasyon.  Mas madalas ang pagluluto ko para sa pamilya. Dahil ang anak kong babae at ang asawa nya ay sa bahay nagtatrabaho, inako ko ang mga tungkulin sa kusina.  Ang buhay-pamilya ang naging pundasyon namin.  Ang mga unang linggo ng paglalagi sa bahay 24/7 ay  mapanubuk, ngunit ito ay umige habang ang pagkakaisa ng pamilya ay nabigyan ng mas higit na importancia pati na ang pagpapahalaga sa bawa’t isa, na nag-ambag pa ng mas higit sa mga tungkuling pantahanan.

Ang pang-araw-araw na paglalaba ay naging pampalubag-loob –ang banayad na ugong ay tunog ng kanormalan.  Ang pagkakaroon ng sapat na oras para malinis ang platera at uri-uriin ang bahay ay nagbigay sa akin ng isang layunin.  Sa simula ang pagtulog ay naging isang pagtakas ngunit nang lumaon ay natanto ko kung gaano kapagód ang katawan ko sa nagsilipas na mga taon, at tinanggap ko ang pamamahinga at pagbabagál. Sa pagdudumali ko sa palengke sa umaga, habang may stock pa ng aming mahalagang pangangailangan, ang paliligo ko sa umaga ay naging pang-hapong ritwal.  Ang pagiging simple ay naging isang pamantayan: walang make-up, ni pabango.  May maliliit na himalang nangyari.  Kapag ako ay desperado sa pagbili ng mga gamit panlinis sa bahay kasama na ang pamatay ng mikrobyo dahil wala nang tinda sa tindahan, may natatagpuan akong ilang bagay na kailangan ko sa mga iniwang karo ng paninda.

Nasaan ang Dios?

Ibinunyag ng mga ulat mula sa ibang bahagi ng mundo na samantalang ang polusyon ay nabawasan, ang kalikasan naman ay nakadanas ng pamamahingang nakapagpapagaling, habang ang  kalangitan, karagatan, at kagubatan naman ay sumigla.  Sadyang mahirap ang pagsara ng aming mga simbahan sa panahon ng Quaresma at Pasko ng Pagkabuhay at nagtataka ako kung anong mensahe ang ipinadadating ng Panginoon.  Nasaan ang Diyos sa lahat ng ito?,  tanong ng marami.  Ang mga espirituwal na mensahe ay sagana na kadamihan ay mapanghikayat at nagpapatunay na hindi ang Diyos ang pinagmulan ng mga kaguluhang ito, dahil Siya’y walang kasamaan; na  Siya ay kasama namin sa mahapding paglalakbay na ito gaya noong Siya ay nagdusa dito sa lupa, at ang Kanyang Muling Pagkabuhay ang nagbibigay Pag-asan na makayanan ang pagsubok na ito.

Ang aming pangkat ng nananalangin, na lingguhang nagpupulong sa nakalipas na 22 taon, ay hindi pinanghinaan ng loob sa lockdown.  Pinamunuan ng Banal na Espirito, isinagawa namin ang aming mga pagpupulong sa pamamagitan ng telepono tuwing Biyernes, at nangangalap ng mensaheng prophetic /mapanghula at mga paghimok upang makatawid sa magulong panahong gaya nito.

Sa pamamagitan ng teknolohiya: tv, radio, internet, kami ay nanatiling konektado sa aming mga saserdote na nagpatuloy na magdiwang ng Misa.  Ang pagpapala mula dito ay ang mga tao na dating hindi maka atend sa Misa ay nakakasali na sa pagtitipon at mga turo ng simbahan na nagbigay daan sa isang mas malalim na pang-unawa ng pananampalataya.  Hindi kailanman ko muling ipagsasawalang-bahala ang Kaloob na Eukaristiya.  Ito ang pinaka-matinding pag-aayunong naranasan ko kailanman.

Kamakailan, nakatanggap ako ng isang tawag mula sa isang kaibigang araw-araw ay nakikipaglaban sa malubhang sakit –sa anumang sandali ay maaaring siya ay mamatay sa sakit sa puso at sa bato.  Matapos maospital gawa ng komplikasyon, nasabi niyang ang kanyang pananaw ay isang araw,  isang pagkakataon.  Napagnilay kong kami ay nasa parehong bangka.

Ang Covid-19 ay nakapagturo sa amin ng isang mahalagang aral — pagpahalagahan ang bawat sandali at maging puno ng pasasalamat sa Diyos buong araw mula paggising.  Ang mga gawa at salita ng pag-ibig ay kailangang gawin at sabihin ngayon at dito mismo –hindi bukas.

Tayo ba ay nakapagpasalamat nang taos sa isang tao na nagsilbi sa atin ngayon?

“Tuwing umaga ay ang Iyong Bagong Pag-ibig, Dakilang Diyos ng Liwanag, at buong maghapon Kang nagtatrabaho para sa ikabubuti ng mundo.  Pukawin Mo sa amin ang pagnanais na maglingkod sa Iyo, ang mamuhay nang tahimik kasama ng aming mga kapitbahay at lahat ng iyong nilikha, at ialay ang bawat araw sa iyong Anak, ang ating Tagapagligtas na si JesuKristo. ” Amen.

— Pagsipi mula sa “Pagsasamba sa Upper Room”  Liturhiya para sa Pang-umagang Pananalangin.

Share:

Dina Mananquil Delfino

Dina Mananquil Delfino nagtatrabaho sa isang Aged Care Residence sa Berwick.Isa rin siyang tagapayo, mapagaan bago ang kasal, boluntaryo sa simbahan, at regular na kolumnista para sa Philippine Times newspaper magazine. Nakatira siya kasama ang kanyang asawa sa Pakenham, Victoria.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles