Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jun 23, 2021 1019 0 Michelle Harold
Makatawag ng Pansin

Paglalakbay Patungong Langit

Ang lahat ng ito ay nasa paghahanap ng daan at direksyon ng buhay!

Madalas kong maisip na isang pagpapala ang pinalaki akong isang Katoliko. Naipakita sa akin ang tamang daan mula ng ako’y isilang. Mula pa lang sa pagkabata ay naging madali para sa akin na panatilihin ang nagniningas kong pananampalataya.

Nabigyan ko ba ng sapat na katuwiran ang aking mga paniniwala habang ako ay lumalaki? May mga oras ako ng pag-aalinlangan, pagkalungkot at kawalan ng pag-asa. Gayun paman, nanatili ang aking pananampalataya at lalong tumibay magmula noon. Hindi ko magagawa ang lahat ng ito kung sa sariling pangunawa ko lang. Malinaw na dahil ito sa malaking sa malaking tulong na natanggap ko.

Malinaw pa sa aking ala-ala nuong ako’y siyam na taong gulang pa lamang, malapit na ang aking kaarawan ng kami ng nanay ko ay tumitingin ng mga panindang pang regalo sa tindahang Katoliko ni Santo Miguel. Sa gitna ng kamangha-manghang mga larawan ng Banal, mga Imahen at maliliit na bagay na maayos na magkakasama, may isang natatangi ang nakatawag ng aking pansin, ang Imahen ng Inang Maria na sa kalaunan ay nalaman kong siya ang “Ina ng Laging Saklolo”

Nakatagpo ako ng mapagalagang ina sa langit na tutulong sa akin sa maraming paraan at sa mga darating na panahon. Nang mabasa ko ang librong ” Our Lady of Fatima’s Peace Plan from Heaven’ na bigay ng aking Ina, nalaman ko kung gaano tayo kamahal at hinangad ng mapagpalang Ina ang ating kaligtasan. Lalong pinagtibay ang aking paniniwala habang pinapanood ko ang isang magandang palabas tungkol sa mga banal na pagpapakita ni Maria.

Simula ng makilala ko si Mother Mary, Siya na ang lagi kong kausap anumang oras at kalagayan ng aking  pananalig. Lagi niya akong inilalapit sa Panginoon. Kadalasan sa aking pagdarasal humihingi ako ng tulong sa kanya dahil a mahigpit na pangangailangan. Maraming pagkakataon na ang mga inihingi ko sa kanya ng tulong ay nasasagot sa araw ng Miyerkoles, ang araw ng debosyon ng ” Ina ng Laging Saklolo”.

Hinimok din ako ni Mother Mary na huwag kong ituring ang Panginoon bilang isang Salamangkero na ibibigay ang mga kahilingan ko, sapagka’t pinalakas niya ako upang matuto at malampasan ang mga pagsubok na ibibigay niya at hinubog para sa karapat-dapat na kasagutan sa tamang kahilingan. Madalas sa kanyang pamamagitan pinapaalala niya sa akin na huwag masyadong mag-alala, ipagpatuloy ang pamumuhay at magbalik sa kanyang anak na si Jesus.

Pagkatapos kong mapagdugtong dugtong ang lahat ng mga banal na tulong, pamamagitan, at pagpapala na natanggap ko sa mga nakaraang taon, napagtanto ko, na ang lahat ng iyon ay nagbigay daan upang makasunod ako sa tamang pamamaraan ng pamumuhay na sa palagay ko ay angkop na kahulugan ng banal na paglalakbay.

Napakaganda sana kung lahat tayo ay maglalaan ng ilang sandali upang makapagisip-isip kung kailan lumalakas ang ating pananampalataya sa Panginoon? Maaaring ang tao sa mundo ay nagagabayan at nabibigyan ng tulong mula sa langit, na sila; Inang Maria, San Jose, San Antonio, at lahat ng mga banal na Santo upang mapalapit tayo kay Jesus at para sa pagbubunyag ng kanyang sarili sa atin, at ang pagtahak sa tamang landas patungo sa kanya sa pamamagitan ng kanyang patnubay bilang isang mabuting Pastol.

Alalahanin natin kung gaano kadalas tayong pinagkalooban ng Panginoon ng higit pa sa kailangan natin; Ang mga pagkakataon na nag-ugnay sa atin sa ating mga asawa, sa mga kaibigang katulad ng ating pag-iisip, at lahat ng mga munting himala na nagbibigay liwanag sa ating buhay na hindi natin napapansin dahil sa sobrang abala. Alamin natin ang daan at ang paraan na inilaan sa atin ng Panginoon, panindigan at manalangin tayo ng taimtim sapagka’t ngayon ang panahon na ang mundo ay nangangailangan ng mga panalangin higit kailanman.

Share:

Michelle Harold

Michelle Harold is an IT professional who finds great joy in living the Catholic faith. She resides with her husband in Melbourne, Australia.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles