Home/Makatawag ng Pansin/Article

Jun 23, 2021 734 0 Cardinal Raniero Cantalamessa
Makatawag ng Pansin

Maaari Bang Magkamali ang Panginoon?

Kagustuhan kaya ng Ama ng Diyos ang pagkamatay ng kanyang Anak na si Jesus upang magdulot ng kabutihan?

Si James Thornhill as isang pintor na taga London.  Habang siya ay nagpipintura sa pader sa St. Paul Cathedral sa London, siya ay nasabik sa kanyang ginagawang pintura ng akwarela at humakbang patalikod para makita ng mabuti ang kanyang ginagawa. Hindi niya namamalayan na siya ay nasa dulo na ng kanyang tuntungan sa pag pipinta. Nakita ng kanyang kasamang nagpipinta ang masamang mangyayari ngunit nangamba siya na kung pagsasabihan niya si James ng sitwasyon ay lalong mabibilis ang disgrasya ng pagkahulog niya. Sa walang dalawang pag iisip ay inilubog niya ang isang gamit na pang pintura at inihagis sa ginagawang pintura sa pader na ginagawa ni James. Sa pagkamangha ni James, siya ay humakbang pausog. Napinsala ang kanyang bagay na pinipintura ngunit nailigtas naman ang kanyang buhay.

Ang ganitong pangyayari ay ipinagkakaloob sa atin ng Panginoon, paminsan . Dumarating ang pag gulo ng ating katahimikan at plano sa buhay para mailigtas tayo sa kailaliman ng ating hinaharap. Ang ating Panginoon ay ating kapanig; ngunit hindi kapanig ng kumakalat na salot.

Ang Panginoon mismo ang nagsabi, mula sa Aklat ng Banal Na Bibliya, Jerimias 29.11 “Sapagkat batid kong lubos ang mga plano ko para sa inyo, mga planong hindi ninyo ikakasama kundi para sa inyong kabutihan. Ito’y mga planong magdudulot ng kinabukasang punong puno ng pagasa “

Kung ang salot na ito ay parusa mula sa Panginoon, hindi ito magdudulot ng sakit na kapantayan sa mga mabuti at masamang tao. Hindi rin para sa mga mahihirap na nagdurusang lubha. Sila ba ay napaka makasalanan? Hindi!

Si Jesus na nag damdam at umiyak sa pagkamatay ng kaniyang kaibigan na si Lazarus ay kasama nating nagdadalamhati dahil sa salot na sumapit sa sangkatauhan.

Oo, ang Panginoon ay nagdurusa katulad ng isang magulang kapag ang kanilang anak ay maysakit. Karamay natin ang Panginoon sa sakit upang ito ay mapagtagumpayan.  Sinulat ni St. Agustine… sa pagiging napakagaling niya para sa ating kabutihan , hindi pababayaan ng Panginoon ang kasamaan na magmula sa kanya maliban kung sa kanyang kapangyarihan at kabutihan, ay magbubunga ng kabutihan ang masama.

Minarahil kaya ng Ama ng Diyos ang pagnanasa ng kamatayan ng kanyang Anak na si Jesus para magbunga ng kabutihan?  Hindi!

Pinahintulutan lamang niya ang kalayaan ng tao na gawin ang kurso nito. Ganun paman, ito ay nagsilbi sa pagsalba sa sangkatauhan.

Gusto kaya ng Panginoon na siya ay pakiusapan para ibigay ang kanyang benipisyo?  Makapag babago kaya ang mga dasal natin sa plano ng Panginoon? Hindi!   Ang Panginoon ay may mga bagay na nakalaan para bigyan tayo ng bunga ng kanyang grasya sa ating pagdarasal.

Sinabi nga sa Aklat ng Banal na Bibliya ni Mateo 7:7 “Magsihingi kayo at kayo’y bibigyan; magsihanap kayo, at kayo’s makakasumpong; magsituktok kayo, at kayo’y bubuksan “

Sinabi ng Panginoon kay Nikodemus, “at kung paanong itinaas ni Moses sa ilang na disyerto ang ahas, ay gayon kinakailangan itaas ang Anak ng Tao upang sinumang sumampalataya ay magkaroon ng buhay na walang hanggan.

Sa kasalukuyang panahon, tayo ay biktima rin ng isang hindi nakikitang nakakalason na katumbas ng “ahas”.  Ipako natin ang ating pananaw sa kurus at sambahin nating lahat ang Panginoon na itinaas sa kurus para sa sang katauhan. Ang taong may pananampalataya ay pinangakuan ng buhay na walang hanggan.

Share:

Cardinal Raniero Cantalamessa

Cardinal Raniero Cantalamessa is the preacher to the Papal household from the time of Pope John Paul II. A prolific author, Cardinal Cantalamessa is also a popular speaker, invited to give talks and retreats around the world.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles