Home/Masiyahan/Article

Jul 07, 2024 137 0 Emilin Mathew
Masiyahan

Isinusulat Niya Ang Aking Salaysay

Ako ay tatlong-taóng gulang nang ang buhay ko ay uminog nang patiwarik.  Walang bagay ang bumalik sa dati, hanggang sa natagpuan ko Siya! 

Sa ikatlong taong gulang, ako’y nagdanas ng mabigat na lagnat na sinundan ng biglaang epilepsya, na pagkaraan ay nagsimula akong magpakita ng tandang walang pagdarama sa mukha.  Nang nakaabot ako ng limang taon, ang aking mukha’y kapuna-punang nawala sa pantay na ayos.  Ang buhay ay tumigil nang makinis sa pag-inog.

Habang ang aking mga magulang ay abalang-abala sa paghanap ng bagong mga pagamutan, ang kirot at pang-isipang pinsala na aking dinaranas ay sadyang nakagagapi sa akin upang tiisin—ang paulit-ulit na mga tanong, ang kakaibang kaanyuhan, ang mga sanhi at kasunod na mga sanhi ng bagong mga paggamot nang paminsan-minsan…

Gumagapang paloob ng Bahay-uod 

Ako’y panatag kapag nag-iisa, dahil ang mga pangkat ay balintunang nagagawa akong malungkot.  Ikinatatakot kong lubha na ang mga bata sa kabiláng bahay ay magsisi-iyak nang malakas kapag ngingitian ko sila.  Tanda ko pa noong nag-uuwi ng matatamis na kakanin ang aking ama tuwing gabi upang matulungan akong mainom ang nakayayamot na gamot, na saksakan ng pait.  Ang lingguhang paglalakad sa mga pasilyo ng pagamutan kasama ang aking ina para mga terapi ng katawan ay kailanma’y hindi masayang katapusan ng linggo—sa bawa’t pagkatal-katalan mula sa aparatong dadampi sa aking mukha, ang mga luha ay magsisimulang dadaloy.

Mayroong  ilang magagandang mga kaluluwa ang nagpagaan sa aking mga takot at sakit, gaya ng aking mga magulang na kailanma’y hindi nawalan ng pag-asa sa akin.  Sila ay dinala ako sa bawa’t pagamutang makakaya nilang mapuntahan, at sinubukan namin ang sari-saring mga panlunas.  Pagkaraan, makikita ko silang nawawasakan ng loob noong ipinayo ang neurosurgery.

Para sa kauna-unahang pagkakataon, nadama kong ako’y napahiwalay ng pagtahan sa ibang pook.  Kinailangan kong gumawa ng ibang bagay.  Kaya sa unang semestro ng kolehiyo, dahil hindi ko na makayanan, ipinasya kong hintuan ang paggagamot.

Natatagpuan ang Ganda 

Matapos kong tigilan ang paggagamot, ako’y nakadama ng sumasambulat na sigla upang lumikha ng bagay nang sarili ko.  Inaanyayahan ko ang bagong buhay, ngunit ako’y ganap na walang kabakasan kung papaano isasabuhay ito.  Sinimulan kong magsulat nang lalo, mangarap nang lalo, magpinta nang lalo, at maghanap ng mga kulay sa maabong mga bahagi ng buhay.  Yaon ang mga araw na sinimulan kong maging masigla sa Jesus Youth Movement (isang pandaigdig na kilusan na Katolikang kinikilala ng Holy See o Banal na Kinasasakupan); sinimulan kong matututunan nang marahan na buksan ang aking sarili sa pag-ibig ng Diyos at madama kong mamahal nang muli.

Ang pagkatanto ng kahalagahan ng katolikang pamumuhay ay natulungan akong malinawan ang layon ko.   Sinimulan kong manalig nang muli na ako’y labis na higit pa sa lahat ng mga nangyari sa akin.  Ngayon, kung lumilingon akong pabalik sa mga tagpong napalatandaan ng mga pintuang nakapinid, nakikita ko nang malinaw na sa bawa’t pagtanggi, ang mahabaging piling ni Hesus ay sinamahan ako, ibinabalot ako ng Kanyang walang-hanggang pag-ibig at pagkaunawa.  Nakilala ko kung sino ako at mula sa mga sugat na ako’y nalunasan.

Dahilan upang Kumapit 

Isinasaad ng Panginoon: “Sapagka’t ikaw ay mahalaga at kinikilala sa aking pananaw, at dahil mahal kita, bibigyan kita ng mga tao para sa iyo, at mga bansa para sa buhay mo.  Huwag kang matakot, pagka’t ako’y sumasaiyo” (Isiyas 43:4-5).

Ang paghanap sa Kanya sa mga kawalan ko ng kapanatagan ay kailanma’y hindi naging madaling tungkulin.  Habang may napakaraming dahilan na magpatuloy pa, itong tungkol sa pagtagpo ng isang dahilan ang may kinalaman lamang upang manatili.  At ito’y binigyan ako ng lakas at tiwala habang ako’y nabubuhay  sa kabila ng aking mga kahinaan.  Ang lakbay ng paghahanap ng aking halaga, dangal, at ligaya kay Kristo ay pawang kahanga-hanga.  Tayo’y madalas magmaktol kapag hindi natin makamit ang biyaya kahit pagkaraan ng ating paghihirap na tinatahak.  Sa tingin ko, ito’y tungkol sa pag-uunawa ng mga pasakit.  Ang pagpapahayag ng katapatan sa pinakamaliit na pakikipagbagay sa buhay na walang anumang uri ng galit ay nagdudulot ng liwanag sa iyong buhay.

Ito’y sadyang isang paglalakbay.  At habang patuloy Niyang isinusulat ang aking salaysay, ako’y  natututo bawa’t araw na tanggapin ito nang higit, maghangad nang walang paghihigpit, magbigay ng patlang para sa munting mga ligaya sa buhay.  Ang aking mga dasal ay hindi na naglalaman ng palagiang pangangailangan ng mga bagay na ninanais ko.  Sa halip, hinihingi ko sa Kanya ang lakas na magsabing ‘Amen’ sa mga pagbabagong patuloy na nagaganap habang nasa landas.

Idinadalangin ko na Siya’y pagagalingin at babaguhin ako mula sa mga salungating bagay na nakagawian sa aking loob at paligid.

Hinihiling ko sa Kanya na pasisiglahin Niya ang mga bahagi sa akin na nawala ko.

Pinasasalamatan ko Siya para sa bawa’t bagay na aking naraanan, lahat ng mga biyaya na aking natatanggap bawa’t minuto ng araw, at para sa katauhan na ako’y naging ganap.

At sinisikap ko nang pinakamabuti na mahalin Siya nang buong puso at kaluluwa.

Share:

Emilin Mathew

Emilin Mathew is a civil servant in the UK. She lives in Sunderland and loves to read, paint, and scribble her thoughts at sanguinitydesign.wordpress.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles