Home/Makatawag ng Pansin/Article

May 12, 2022 1056 0 Emily Shaw, Australia
Makatawag ng Pansin

5 HAKBANG UPANG MANATILI SA IYONG MGA PANUKALANG PANG-MAHAL NA ARAW

Umaasa sa isang pagbabagong karanasan ngayong Mahal na Araw? Kung gayon ito ay para sa iyo

“Bakit ang mga pagdurusa sa Mahal na Araw ay katulad sa mga panukalang pam-Bagong Taon?” ang biro ng isang kaibigan habang nagtitipon kami sa Bisperas ng Bagong Taon.  Sa isang napaka-Australyanong pamamaraan ay nagdiwang kami na may mga inihaw na karne at salad, at languyan sa palanguyan.  Ngayon, habang kami’y namaahinga matapos ang hapunan, at umiiwas sa mga lamok, ang aming pag-uusap ay napunta sa mas pilosopikong mga paksa.

Ang sagot sa tanong niya ay ito: “Hindi mo ito ibinabahagi sa iba maliban kung gusto mong mahuli!”  Talaga naman, ito ay isang napaka pihikang biro na pang Katoliko, ngunit tulad ng lumang kasabihan, may mga pananalitang binibigkas nang pabiro na sa bandana huli ay nagiging totoo.

Ang Mahal na Araw ay maaaring maging mahirap na panahon para sa ating mga makasalanan.  Tulad ng ating mga panukalang pam-Bagong Taon maaari tayong magsimula na may pinakamabuting layunin patungkol sa ating mga pagdiriwang ng Kuwaresma ngunit kadalasan ay hinahayaan natin ang mga bagay-bagay, o tuluyan nang isuko ang sarili sa kabiguan.

Ngunit hindi pa tapos ang Mahal na Araw, at may panahon pa na mapanumbalik ang ating mga pagsisikap sa Kuwaresma, gaano man kapanglaw ang mga ito hanggang ngayon sa ngayon!

  1. Huwag Maging Ganap

Bagama’t nakakatawa ang biro ng aking kaibigan, ang pagiging “nahuli” ay hindi isang bagay na kailangan nating katakutan.  Hindi tayo ginagatlaan ng Diyos sa ating mga kabiguan, hinuhusgahan ang mga ito tulad ng ginagawa natin, ginagatlaan nating tayo ay hindi sapat at hinihiling na muling sumuko.  Ang awa ng Diyos ay walang katapusan.

Ang katotohanan ay laging may ilang pagkabuwal sa daan patungo sa Kalbaryo—hindi ba’t ating pinagninilay-nilay ang mga iyon sa paglalakbay ni Hesus patungo sa kanyang pagkakapako sa Krus?  Talaga naman, ang Kanyang mga pagkabuwal ay hindi katulad ng sa atin, ngunit ang damdamin ay magkatulad.

Hindi inaasahan ng Diyos na ang ating mga pagdiriwang ng Kuwaresma ay maihahandog nang ganap.  Ginagamit Niya ang mga pagdurusang  ito upang tulungan tayong yumabong sa kabanalan, kababaang-loob at pagtanggap sa Kanyang kalooban para sa atin.  Alam Niya na hindi tayo ganap, kaya sinisikap Niyang tulungan tayo na maging mas ganap, mas katulad Niya.

  1. Maging May Kapanagutan

Kapag natanggap na natin ang ating makasalanang kalikasan at ang pagkakaibig nito sa di-kaganapan, ang kapaki-paupangkinabang na kasangkapan upang magamit nang ganap ang Kuwaresma ay ang panagutin ang ating sarili.  Ang isa sa mga pinakasimpleng paraan upang maisagawa ito ay ang pagsusuri ng ating pag-unlad sa pagtatapos ng bawat araw sa pamamagitan ng gabi-gabing pagsusulit.

Ang pang gabi-gabing pagsusuri ay kung saan inilalagay natin ang ating sarili na may mandalas na panalangin sa presensya ng Diyos at suriin ang ating budhi.  Maaari nating tanungin ang ating sarili ng mga tanong gaya ng: Isinagawa ko ba ang pagtalima ng Kuwaresma ngayon?  Tinupad ko ba ito nang may masayang kalooban o bilang isang pananagutan?

May mga araw na ang mga kasagutan sa mga tanong na iyon ay maaaring hindi mainam ngunit doon papasok ang susunod na hakbang.

  1. Maging Mapagkumbaba

Pagkatapos nating suriin ang ating budhi, at ang ating mga pagsisikap sa Mahal na Araw, maaari tayong humingi ng kapatawadan sa Diyos para sa ating mga pagkukulang na matupad ang ating mga inaasahan at panata, sa tulong ng Diyos, na subukang muli bukas.

Ang mahalagang tandaan dito ay ito: ‘sa tulong ng Diyos’.  Hindi tayo kinakailangang maghabol ng hihinga kapag Mahal na Araw sa sarili nating singaw.  Ang paglago sa kabanalan at pagsunod sa kalooban ng Diyos ay nangangahulugan ng tunay na pag-unawa kung ano ang nais Niya para sa atin at pagpapahintulot sa Kanya na tulungan tayo.

Ang pagkilala at pagtanggap na kailangan natin ang Kanyang tulong ay kadalasan ang pinakamahirap na pagkaunawa na ating isaisip. Nais nating mamahala ngunit, kung nagpapahalaga tayo sa kabanalan, kailangan nating tanggapin na hindi tayo ang namamahala at magtiwala tayo sa balak ng Diyos para sa atin.

  1. Huwag Maging Kapuna-puna

Sa Ebanghelyo ni Mateo, tahasanggg binanggit ni Jesus ang tungkol sa saloobin at paraan na dapat nating taglayin sa pag-aayuno at pagpepenitensiya: “At sa tuwing kayo ay mag-aayuno, huwag kayong magmukhang mapanglaw, gaya ng mga mapagkunwari, sapagkat kanilang pinasasama ang kanilang mga mukha upang ipakita sa iba na sila ay nag-aayuno. . Katotohanang sinasabi ko sa inyo, tinanggap na nila ang kanilang gantimpala.  Ngunit kapag nag-aayuno ka, lagyan mo ng langis ang iyong ulo at hugasan mo ang iyong mukha, upang ang iyong pag-aayuno ay hindi makita ng iba, kundi ng iyong Ama, at ang iyong Ama na nakakakita sa lihim ay gagantimpalaan ka.” (Mateo 6:16-18).

Ang mga nakatagong pagpapakasakit ay yaong kadalasang humingi sa atin ng pinakamalaki kapalit—at bukod pa dito—na nagbigay sa ating ng pinakamadaming espirituwal na bunga.  Kung makikita lamang ng Diyos ang naging halaga ng pag-inom mo ng kape na walang asukal, o pagpigil ng pagdadagdag ng asin sa iyong mga pagkain, o bumangon ng 15 minuto nang mas maaga upang gumugol ng mas madaming oras sa pananalangin, kung gayon iyon ay isang espirituwal na pagkapanalo.

Ang pagrereklamo o pakikiramay sa iba tungkol sa kung gaano kahirap ang ating Mahal na Araw ay nakakabawas ng madaming kabutihang natamo ng ating mga pagpapakasakit at pagdurusa.

  1. Magpanibago

Sa kanyang liham sa mga Romano, pinayuhan sila ni San Pablo, at dahil dito, huwag tayong umayon sa mundong ito.  Ang Kanyang mga salita ay ang ganap na pagpapahayag kung ano ang magagawa sa iyo ng Kuwaresma, kung matatag kang lalapit dito, at magsisikap na maging mas malapit sa Diyos:

“Kaya nga, mga kapatid, ipinamamanhik ko sa inyo, sa pamamagitan ng mga habag ng Diyos, na inyong iharap ang inyong mga katawan bilang isang haing buhay, banal at kaaya-aya sa Diyos, na siyang inyong espirituwal na pagsamba.  Huwag kayong umayon sa sanlibutang ito, kundi magbago kayo sa pamamagitan ng pagbabago ng inyong pag-iisip, upang inyong makilala kung ano ang kalooban ng Diyos—kung ano ang mabuti at kaayaaya at sakdal.” (Roma 12:1-2)

Share:

Emily Shaw

Emily Shaw is a former Australasian Catholic Press Association award-winning editor turned blogger for australiancatholicmums.com and is a contributor to Catholic-Link. A wife and mother of seven, she resides on a farm in rural Australia and enjoys the spiritual support of her local catholic community.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles