Home/Makatawag ng Pansin/Article

Sep 17, 2021 2980 0 Steffi Siby
Makatawag ng Pansin

TUNAY NA TAGUMPAY

Ang pagsasalarawan ng daan patungo sa tunay na tagumpay sa loob ng 1000 na salita!

Tinawag tayo sa isang buhay na may pag-asa, kapayapaan at kagalakan. Minsang nagpahayag si Papa San Juan Paul ikalawa na, “Sa totoo lang, ang kagalakan ang pangunahing tagubilin ng pagiging Kristiyano. Ang hiling ko ay na ang tagubiling ito ay makabigay ng kagalakan sa lahat nang magbubukas ng kanilang puso para tanggapin ito … Ang pananampalataya ang pinagmumulan ng kagalakan.

Ano ang isasagot mo kung tatanungin mo ang iyong sarili, “Nagpapahayag ba ng kagalakan ang aking buhay?  Ang pananampalataya ko ba ang pinagkukunan ko ng aking kagalakan?

Kung tayo ay magiging matapat, malamang masasabi natin na kadalasan, ang mga pangyayari sa buhay ay nagiging sagabal upang mamuhay na galak. At kamakailan lang, ang mga nangyayari sa paligid ay naging hindi kanais-nais – ang pandemya ay nakasama sa bawat isa sa atin.

Ang manatiling positibo at may pag-asa hindi madaling gawin. Higit pa sa mga pangyayari sa paligid natin, may isa pang kawatan ng ating kagalakan: ang ating Sarili. Ang pangunahing dahilan ng kawalan ng kaligayahan ay nagmumula sa negatibong saloobin at pananaw sa sarili.

Lahat tayo ay mga anak ng Diyos – mahalaga at minahal. Ngunit kadalasan, nakakalimutan natin ito at sa halip, tinutukoy natin ang sarili ayon sa makamundong pamantayan; isa na ang tagumpay. Marahil, sinusukat natin ang sarili sa pamamagitan ng tagumpay mula pa sa pagkabata.  Paulit-ulit tayong pinagsasabihan na kailangan nating tiyakin ang mahusay na karera, suweldo, at buhay-may-asawa.  At na maging masinop sa anumang gawain! Tila iyon ang mahigpit na tagubilin na makapagbibigay sa atin ng pakiramdam na hindi sapat ang ating kakayahan.

Tayo ay sinanay na manghusga ayon sa nakikita natin. Pinupuri natin ang mga tao sa kanilang mga nagawa, hindi sa kanilang mga pagsisikap. Ayon pa, ang kinalabasan ng anumang gawa ang mahalaga. Kung kaya madali nating makalimutan kung ano ang totoong mahalaga.

Ang propetang si Jeremias ay tinawag ng Diyos upang bigyan ng babala ang mga taga Israel tungkol sa nalalapit na paghuhukom. Ngunit sa sarili nyang pananalita alam natin ang kanyang kabiguan: “Sino ang makikinig sa akin kung kakausapin ko sila at bigyan ng babala? Matigas ang ulo nila at tumatangging makinig sa Iyong mensahe; tinatawanan nila ang sinasabi Mong sabihin ko sa kanila.” (Jeremias 6:10 GNT). Tumanggi ang mga tao na makinig kay Jeremias at tinanggihan siya ng mga pinuno ng Israel.  Nangyari ang paghuhukom na hinulaan niya at naghirap ang Israel.

Kung pagmamasdan natin ito sa pamamagitan ng isang makamundong lente, lahat ng gawain ni Jeremias ay tila walang halaga. Gayunpaman, nagpakita siya ng kapuna-punang katapatan sa harap ng napakalaking pagsalungat. Sinunod nya ang kalooban ng Diyos at iyon ang dahilan ng kanyang tagumpay.

Ngayon naman, tingnan natin ang isang makabagong halimbawa. Sinabi ni Santa Mother Teresa, “Hindi ako tinawag ng Diyos upang maging matagumpay; Tinawag niya ako upang maging matapat.” Makakaisip ka pa ba ng isang mas kontra-kultural na /salungat sa kulturang kasabihan na magiging gabay mo sa buhay?

Sa palagay ko madami ang sasang-ayon na si Mother Teresa ay namuhay sa isang makabuluhan at kahanga-hangang pamamaraan. Paano naging makabuluhan at kahanga-hanga ang kanyang buhay? Ang kanyang mga salita ang magpapahayag nito. Sa halip na magtangkang maging matagumpay, sinunod niya ang iniutos ng Diyos; nakatuon sya sa Diyos at hindi sa kanyang sarili. Malinaw itong makikita sa kanyang pambihirang kabaitan, at kung paano nya nakita ang Diyos lalo na sa pinakamahina at pinakamahirap sa lipunan.

Ang patunay nila Jeremias at Mother Teresa ay magbibigay sa atin ng isang mahalagang pananaw: “Ang PANGINOON ay hindi tumitingin sa mga bagay na tinitingnan ng tao. Ang mga tao ay tumitingin sa panlabas na anyo, ngunit ang PANGINOON ay tumitingin sa puso.

Kung kaya, huwag tayong magpagapi at magpakahirap na maging matagumpay alinsunod sa mga pamantayan ng mundo. Kung tayo ay malapit sa Diyos at buong pusong maglingkod sa Kanya, pagpapalain Niya ang ating mga pagsisikap. Gayunpaman, kasama ng pagiging matapat sa Diyos ang madaming hamon. Kailangan nito ang tiis at tiyaga; ngunit alam natin na ito ay isang layunin na dapat nating pagsikapang matamo.

Nakakatuksong ihambing natin ang ating sarili sa kapwa at magsumikap na magtamo ng makamundong tagumpay na hahantong lang naman sa pagkabigo at kawalang-kabuluhan dahil palaging may mas mahusay, mas matalino, at mas matagumpay. Gayunpaman, mayroong isang mapagkakatiwalaang katotohanan:

Nakikita tayo ng mundo kaiba sa paraang nakikita tayo ng Diyos. Ang Diyos ay nakatingin sa ating puso. Tinitingnan ng Diyos ang ating mga puso. At sa bandang  huli ang husga ng Diyos lamang ang mahalaga.

Share:

Steffi Siby

Steffi Siby has a passion for reading and writing. She lives with her family in Blackpool, England. To read more of her articles visit: spreadyoursmile.home.blog/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles