Home/Masiyahan/Article

Nov 19, 2021 521 0 Shalom Tidings
Masiyahan

TATLONG PARAAN UPANG PANGHAWAKAN ANG TAONG MAHIRAP PAKITUNGUHAN

Madalas na tayo ay makakita ng mga tao na maaring maging masama, magaspang, nakapopoot o maligalig.  Kahit na tayo ay tinawag upang magmahal ng bawa’t-isa, ito ay di-kailang mahirap gawin. Huwag nang mag-alala!  Si Santa Teresa ng Lisieux ay narito na may tatlong magagandang payo upang mahalin ang mga mahirap pakitunguhan kung ito ay gagawin ni Jesus.

“May isang madre sa Komunidad na may ugaling mangsuya sa akin sa lahat ng bagay, sa kanyang mga paraan, kanyang mga pananalita, kanyang asal, tila lahat ay di-kanais-nais sa akin. At gayunpaman, siya ay isang hinirang na deboto na dapat na kaaya-aya sa Diyos.” *

Papaano kaya hinarap ni Santa Teresa itong Madre?

1. Sa pamamagitan ng kawanggawa hindi sa damdamin, kundi sa kilos.

“Habang walang balak na magapi ng likas na pagka-inis na aking dinadanas, ihinanda ko ang sarili sa aking gagawin para sa Madreng ito kung ano ang gagawin ko sa taong pinakamamahal ko.” *

2. Sa pamamagitan ng dasal

“Ipinagdasal ko siya sa Diyos, iniaalay sa Kanya ang kanyang mga kabutihan at mga katangian.  Nadama ko na ito ay kaaya-aya kay Jesus; pagka’t walang pintor na hindi  tumatanggap ng papuri sa kanyang mga gawa!”*

3. Sa pamamagitan ng di-pagtatalo, ngunit sa pag-ngiti at pag-iba ng paksa.

“Ako ay hindi na-ibsan nang payak sa pagdarasal lamang ng lubos para sa Madreng ito na nagbigay sa akin ng labis na pakikibaka, ngunit pinanghawakan ko [din] ang pag-alay sa kanya nang lahat ng posibleng paglilingkod, at kung ako ay natutuksong sumagot nang hindi sang-ayon na paraan, ako ay panatag sa pagbigay ng pinakamagiliw na ngiti, at pag-iba ng paksa ng pag-uusap.

Isang araw sa oras ng libangan, tinanong ako ng Madre sa halos ganitong mga salita: “Maaari mo bang isabi sa akin, Sor Teresa ng Sanggol na si Jesus, kung ano ang nakapaghalina ng lubos sa iyo mula sa akin; tuwing tinitingnan mo ako, nakikita kitang nakangiti?” *

Ang bagay na nakahalina kay Santa Teresa ay si Jesus na nakalingid sa kaibuturan ng kaluluwa ng Madre—si Jesus na nakapagpapatamis ng anumang pinakamapait.  Ating pag-aralan ang sining ng pagsagot sa kalamigan, kagaspangan, tsismis, at paghamak sa pamamagitan ng mapagmahal na kabaitan at awa.

Share:

Shalom Tidings

Shalom Tidings

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles