Home/Makatawag ng Pansin/Article

Oct 17, 2023 369 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

TANONG AT SAGOT: Kailan nagiging tsismis ang pag-usapan ang tungkol sa isang tao? 

Q – Ang aking mag-anak ay may suliranin sa isa sa aking mga kapatid, at madalas na kailangan kong masalita tungkol sa kanya sa iba ko pang mga kapatid.  Ito ba ay pagbubunton?  Ito ba ày tsismis?  Okay lang ba, o makasalanan?

A – Pinapahalagahan ni Santiago ang mga hamon ng pagtimpi sa dila.  Sa ikatlong kabanata ng kanyang Kalatas, isinulat niya, “Kapag nilagyan natin ng renda ang mga bibig ng mga kabayo upang sundin tayo, kaya nating ibaling ang kanilang buong katawan…Gayundin, ang dila ay isang maliit na bahagi ng katawan, ngunit napakalaki ng nagagawang kayabangan.  Isipin kung paanong ang isang malawak na kagubatan ay napapalagablab ng isang maliit na kislap.  Ang dila din ay isang apoy, isang daigdig ng kasamaan na kabilang sa mga bahagi ng ating katawan.  Lahat ng uri ng hayop ay napaamo ng sangkatauhan, ngunit walang taong makakapagpaamo sa dila. Ito ang ginagamit natin sa pagpupuri sa ating Panginoon at Ama, at ito din ang ginagamit natin sa paglait sa taong nilalang kawangis ng Diyos.  Sa iisang bibig nanggagaling ang papuri at sumpa.  Mga kapatid, ito ay hindi dapat maganap.  Maaari ba na ang kapwa tubig-tabang at tubig-alat ay umagos mula sa iisang bukal?” (Santiago 3:3-12).

Ang Amerkanong punong-abala sa radio na si Bernard Meltzer ay minsang naglatag ng tatlong panuntunan sa kung dapat ba o hindi na tayo ay magsabi ng isang bagay tungkol sa ibang tao.  Ito ba ay kinakailangan?  Ito ba ay totoo?  Ito ba ay malumanay?

Ang mga ito ang tatlong mahahalagang katanungan!  Kapag pinag-uusapan ang iyong kapatid na babae, kinakailangan bang malaman ng iba pang miyembro ng iyong pamilya ang tungkol sa kanyang mga pagkakamali at pagkukulang?  Inihahayag mo ba ang katotohanang nilalayon o pinalalaki ang kanyang mga kahinaan? Ipinagpapalagay mo ba ang pinakamahusay sa kanyang mga layunin, o pinahihintulutan mong tuligsain ang mga negatibong motibo sa kanyang mga kilos?

Minsan, isang babae ang nagtungo kay San Philip Neri at ikinumpisal ang kasalanan na tsismis.  Bilang parusa, inatasan siya ni Fr. Neri na kumuha ng unan na puno ng mga balahibo at punitin ito sa ibabaw ng isang mataas na tore. Inakala ng babae na iyon ay isang kakaibang penitensiya, ngunit tinyoad niya ito at minasdan ang mga balahibo na lumipad sa apat na direksyon.  Sa pagbabalik sa santo, tinanong niya kung ano ang ibig sabihin nito.  Sumagot siya, “Ngayon, humayo ka at tipunin ang lahat ng mga balahibong iyon.” Tumugon siya na hindi ito magagawa. Sumagot siya, “Gayundin ang mga salitang sinasabi natin.  Hindi na natin sila maibabalik dahil ipinadala sila sa hangin sa mga lugar na hindi natin mauunawaan.”

Ngayon, may mga pagkakataon na kailangan nating ibahagi ang mga hindi magandang bagay tungkol sa ibang tao.  Nagtuturo ako sa isang Katolikong paaralan, at kung minsan kailangan kong ibahagi ang ilang bagay tungkol sa pag-uugali ng isang mag-aaral sa isang kasamahan.  Ito ay palaging nagbibigay sa akin ng pag-aalinlangan—ginagawa ko ba ito para sa mga tamang dahilan?  Tunay bang ninanais ko ang pinakamahusay para sa mag-aaral na ito?  Madaming ulit na nakikita ko ang aking sariling nasisisyahan na magbahagi ng mga kwento tungkol sa mga mag-aaral nanakakasira sa kanila, at kapag nasiyahan na ako sa kanilang mga kasawian o masamang pag-uugali, sa sandaling iyon, tiyak na lumampas na ako sa linya tungo sa pagkakasala.

May tatlong uri ng kasalanan na nakakasira sa karangalan ng ibang tao.  Mayroong padalos-dalos na paghatol, na nangangahulugang napakabilis nating ipinapalagay ang pinakamasama tungkol sa pag-uugali o layunin ng isang tao.  Pangalawa, mayroong paninirang-puri, na nangangahulugang pagsasabi ng mga di-mabuting kasinungalingan tungkol sa ibang tao.  Pangwakas, ang panliliit ay ang pagsisiwalat ng mga pagkakamali o pagkukulang ng ibang tao nang walang mabigat na kadahilanan.  Kaya, sa kaso ng iyong kapatid na babae, isang panliliit ba na ibahagi ang kanyang mga pagkukulang?  Kaya lang, nang walang mabigat na kadahilanan. Matanong mo ang iyong sarili: kung hindi mo ibahagi ang kanyang mga pagkukulang, siya ba o ang isa pang tao ay mapipinsala?  Kung hindi–at ito ay para lamang “magbunto”–samakatwid tayo ay tunay na nagpakasawa sa kasalanan ng paninira.  Ngunit kung ito ay tunay na kinakailangan para sa ikabubuti ng pamilya, kung gayon matuwid na siya ay pag-usapan nang patalikod.

Upang mapaglabanan ang mga pagkakasala ng dila, ipinapayo ko ang tatlong bagay.  Una, ipamahagi mo ang magagandang bagay tungkol sa iyong kapatid!  Ang bawat isa ay may mga mapantubos na katangian na maaari nating pag-usapan.  Pangalawa, dasalin ang Pagpupuri  isang magandang panalangin na lumuluwalhati at pumupuri sa Diyos, bilang kabayaran sa paggamit natin ng ating dila nang pasalungat.  Panghuli, isaalang-alang kung paano natin nais na mapag-usapan.  Walang sinuman ang magnanais na ipagparangya ang kanilang mga pagkakamali.  Kaya, pakitunguhan natin ang ating kapwa nang may pagkahabag sa ating pananalita, sa pag-asang matatamo natin ang kawangis na kabaitan!

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles