Home/Makatawag ng Pansin/Article

Dec 04, 2021 1338 0 PADRE JOSEPH GILL, USA
Makatawag ng Pansin

TANONG AT SAGOT

Tanong:  Ako’y may dalawang maliliit na anak, at pinag-aalala ko ang tungkol sa paraan kung paano sila mapananatili sa Pananampalataya.  Sa ating daigdig na tila’y lumalaki na mas makamundo bawat taon, mayroon bang paraan na maikikintal ko ang Pananampalatayang Katolika nang taimtiman sa looban nila upang manatiling Katoliko habang tumatanda?

Sagot:  Ito’y sadyang masalimuot na katayuan para sa maraming mga magulang, habang ang kultura natin ay lantarang sumasalungat sa ating Pananampalatayang Katolika.  Paano sila mapananatiling Katoliko kung nagmimistulang sila’y napaiilaliman ng isang palapag?

Isang bahagi ng hamon ay pagkat ang grasya ng Diyos ay isang hiwaga.  Isang-daang tao ay makakadinig ng parehong talumpati o homilya, at para sa ilan ito’y makapagbabago ng kanilang buhay at sa iba naman ay matatagpuan nila itong nakakainip at walang kabuluhan.  Sa aking sariling pamilya, ako’y may lalaking kapatid  na kinikilala ang kanyang sarili bilang isang ateista—kapwa isang pari at isang ateista sa parehong mag-anak, mula sa parehong mga magulang at pagpapalaki!  Kaya dapat nating tanggapin na ang grasya ay isang hiwaga—ngunit tayo rin ay napasasang-ayon na mahal ng Diyos ang iyong mga anak higit pa sa maaaring magawa mo, at ginagawa Niya ang lahat ng maaari upang maakit ang mga puso nila at mapatnubayan sila sa kaligtasan.

Kasama ng mga nabanggit, mayroong mga ilang bagay na magagawa ng mga magulang upang matulungan ang mga bata na matagpuan si Kristo at manatiling tapat sa Kanya.  Bagama’t wala akong mga anak, nakapaglingkod na ako kasama ang libu-lubong mga bata at mga binatilyo sa mga nakaraang labing-pitong  taon sa ministeryo ng kabataan, at nakakita na ako ng kaunting mga matagumpay na estrateya na ginamit ng mga pamilya upang panatilihin na matapat ang kanilang mga anak.

Ang una, gawin ang Lingguhang Misa na hindi maisakakatuwiran.  Magugunita ko ang aking mga magulang na isinasama kami sa Misa tuwing bakasyon, at hindi nila pinahihintulutan ang isa sa mga paligsahang laro na humadlang sa Misa.  Ang Pagsisimba bilang halimbawa ng ama sa mga anak ay sadyang mapanuri.  Mayroong kasabihan na, “Kapag ang ina ay Sumisimba, ang mga anak ay Sisimba, ngunit kapag ang ama ay Sumisimba, ang mga apo ay Sisimba.”  Ang ama ko ay dating nagpapanukala ng mga sadyang lakbay sa boy iskawt na toldahan upang dalhin ako at ang aking kapatid sa Misa, at ibabalik kami sa lugar ng kampingan kapag ang Misa ay tapos na! Ito’y nagdulot ng malaking bakas sa akin at tinuruan ako nito na wala, lubos na walang nakapamamagitan sa amin at sa Lingguhang Misa.  Yaon ang tunay na batong panulok sa aming mag-anak.  Kung ikaw ay nasa bakasyon, matutuntunan mo ang www.masstimes.org na tinatalá ang lahat ng mga Misa sa buong mundo—kaya maski ikaw ay nasa Paris o Buenos Aires o Disney World, makahahanap ka pa rin ng Lingguhang Misa!

Pangalawa, magdasal nang magkakasama bilang isang pamilya.  Ang aking pamilya ay nakasanayang magdasal ng Rosaryo habang patungo sa Misa, at kami ay may mga natatanging debosyon sa palibot ng pang-Abyentong Korona.  Kami ay dadalo sa Mga Istasyon ng Krus sa panahon ng Kuwaresma, at ang mga magulang namin ay sinasama kami sa Pagsamba ng Yukaristiya nang madalas.  Bagama’t mayroong mga panahon na nagreklamo ako tungkol sa pagkakaladkad sa mga bagay na ito, ipinakilala nila ako sa isang malapít na pagkakaugnay kay Kristo, isang bagay na nananatiling matibay sa araw na ito.

At saka, huwag kaligtaang magdasal at mag-ayuno para sa iyong mga bata—bawat araw!

Ikatlo, alisin ang sala sa iyong tahanan.  Kung pinapayagan mo ang iyong mga bata na magkaroon ng smartphone, lagyan mo ito ng piltro.  Tiyakin na ang mga palabas at mga pelikula na pinanonood nila, mga musikang pinakikinggan nila, at mga aklat na binabasa nila ay mabubuti.  Kahit na magreklamo ang mga bata, ang mga magulang ay dapat alalahanin ang tungkol sa walang-hanggang kasiyahan ng mga bata, kaysa sa dagliang pansamantalang kasiyahan sa panonood ng masamang pelikula.

Isa pang mabuting bagay na magagawa ay gawin ang iyong tahanan na isang banal na lugar.  Punuin ito ng mga krusipiho, mga sagradong larawan, mga estatwa ng mga santo, at mga babasahin tungkol sa Pananalig.  Ang lumang kasabihan ay totoo, “Wala sa paningin, wala sa isip.”  Kapag lalo nating inaalala ang mga walang-hanggang katotohanan, lalo tayong nananatiling tapat sa mga ito.

Ikalima, paligiran mo ang iyong mga bata ng mabuting komunidad na Katolika, kapwa mga kasinggulang at mga nakatatanda.  Kailangan nila ang mabubuting kaibigan na may mga tularing modo, kaya maaari mong himukin silang sumama sa isang pangkabataang lipon o pumunta sa Katolikang pantag-araw na kampo.  Kailangan din nila ang mga nakatatandang tagapayo na pinahahalagahan ang Pananalig, kaya makipagkaibigan ka sa ibang mga pamilyang Katolika.  Aniyah mo ang pari ng inyong parokya para sa hapunan.  Makipagsalo para sa isang piging na kasama ang ibang mga parokyano.  Noong ako’y mas bata pa, kung minsan ang aking ama ay idinadala ako sa kanyang lipon ng mga kalalakihan sa mga Sabado ng umaga, at hindi ko malilimutan ang bakas ng nakikita ang mga kalalakihang ito—mga lalaki na aking nakilala at ginalang at naibigan, mga tubero, mga abogado at mga tagasanay sa laro—nagdarasal at umaawit at marubdob tungkol kay Jesus.  Ginawa nito na mapagtanto ko na makamoda at matino na magkaroon ng tiwala sa Panginoon!

Isang kaugnay na tanong ay kung saang paaralan pasasapiin ang iyong anak.  Ang sagot ay napakapayak: sino Ang magbabago ng sino?  Kung ang anak mo ay pumupunta sa eskuwela at nakapagdadala doon ng Liwanag ni Kristo, nangangahulugang ito’y mabuting kapaligiran.  Kung ang anak mo ay nagsisimulang makiugali sa mga makamundong prinsipyo, maaaring panahon na upang magpalit ng paaralan. Ang malungkot ay, maraming mga paaralan ang hindi naglalaan ng tunay na paligirang nakasentro kay Kristo, kaya, mag-ingat kahit na ang pipiliin ay mga paaralang Katolika.

Ang ikahuli, ang pinakamabuti at ang pinakamabisang paraan upang maihabilin ang pananampalataya sa mga anak ay ang pagiging isang magulang na hinahangad ang Panginoon sa kanilang sariling buhay.  Ang aking ama ay laging dinarasal ang Rosaryo mula noong bago ako isinilang, at kapwa silang mga magulang ko ay maginhawang tinalakay ang buhay-pananalig sa loob ng tahanan.  Makikita ko silang pinag-aaralan ang Pananalig ng mag-isa, binabasa ang mga aklat ng mga santo o ng kabanalan.  Tulad ng lumang kasabihan, “Pananampalataya ay mas nasasalo, kaysa sa natuturo”—at ating mga kilos ay mas malakas kaysa sa mga salita.  Yaon ay hindi ibig sabihing tayo ay ganap, ngunit kailangan nating maging matapat na hangarin ang mukha ng Panginoon sa ating mga puso.

Wala sa mga ito ang may katiyakan, mangyari pa, habang ang ating mga bata ay may malayang kalooban at maaaring pumili kung nais o di-nais nilang paglingkuran ang Panginoon.  Ngunit sa pagsasagawa nitong mga bagay, binibigyan natin sila ng mga batayan, at hinahayaan ang Diyos na magkaroon ng pagkakataong makamit ang kanilang mga puso.  Ang Kanyang grasya lamang ang nakapagpapanatiling    Katoliko ang mga bata—tayo ay mga pamamaraan lamang ng yaong grasya!  Kailanma’y huwag kalilimutan na kahit gaano mo kamahal ang iyong mga anak, sila’y mas mahal ng Diyos nang walang-hanggan—at ninanais Niya ang kanilang kaligtasan!

Share:

PADRE JOSEPH GILL

PADRE JOSEPH GILL ay isang kapelyan sa mataas na paaralan at naglilingkod sa ministeryo ng parokya. Siya’y isang gradwado ng Franciscan University of Steubenville at ng Mount Saint Mary’s Seminary. Si Padre Gill ay nakapaglathala ng mga ilang album na Kristiyanong himig-ugoy (makukuha sa iTunes). Ang kanyang unang nobela, Days of Grace, ay makukuha sa amazon.com.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles