Home/Makatawag ng Pansin/Article

Nov 19, 2021 1374 0 Kevin and Johanna Caldwell
Makatawag ng Pansin

SUMANG-AYON KA SA MGA HIMALA

Mga Taon ng Pighati

Nang ikasal kami ng aking asawa, hindi kami makapaghintay upang magsimula ng isang pamilya, ngunit nakalipas ang bawat buwan, nalungkot kami nang malaman namin na hindi pa nagbubuntis si Johanna. Makalipas ang isang taon o higit pa, binisita namin ang isang doktor na nag-utos ng ilang mga pagsusuri. Si Johanna ay dumaan sa operasyon upang suriin at kinumpirma nito na mayroon siyang mga medikal na isyu na dahilan kaya mahirap siyang mabuntis. Nasuri din ako na hindi kaagad makakabuntis.

Bagaman nakatira kami sa Darwin, tumatawid kami sa kontinente kahit isang beses o dalawang beses sa isang taon upang bisitahin ang aking doktor sa mata sa Melbourne. Dahil ang kanyang klinika ay nasa kabilang kalsada lamang mula sa St. Patrick’s Cathedral, lagi kaming pumupunta doon upang manalangin. Habang nakaluhod kami sa harap ng isang rebulto ng Our Lady, nanalangin kami na mangyari ang kalooban ng Diyos, ngunit nanalangin kami, ng may pag-asa, na ang Kaniyang kalooban ay ang magkaroon kami ng anak.

Matapos ang maraming taon ng pagsubok sa iba’t ibang paggagamot, sa wakas ay nabuntis si Johanna kay Gabriela. Kami ay labis na natuwa at nagpasalamat sa Panginoon sa pagsagot sa aming mga panalangin pagkatapos ng walong taong pighati. Sa aming susunod na pagbisita sa Melbourne, nagsindi kami ng kandila sa harap ng rebulto ng Our Lady at nanalangin nang taos-pusong pasasalamat para sa kanyang pamamagitan.

Nang isilang si Gabriela na may mabuting kalusugan, natuwa kami sa mga ipinagkaloob na mga pagpapala ng Diyos. Pagkatapos sa ika-apat na buwan, nagulat kami nang siya ay kinombulsyon habang nasa pag-aaral ng paglangoy. Bagaman inakala ng mga doktor na ito ay isang febrile na pangingisay lamang, si Gabriela ay patuloy na nagkakaroon ng mga atake tuwing mayroon siyang kaunting sipon. Sa paglaon, nasuri siya na may Dravet’s syndrome — isang uri ng Epilepsy na may mga atake na mahirap kontrolin. Kami ay nagimbal nang matanggap namin ang resulta ng pagsusuri, dahil ang posibilidad na magkaroon siya ng matinding pinsala sa utak ay malamang, ngunit naramdaman namin na ang kamay ng Diyos ay hindi malayo sa amin kahit sa sandaling ito. Habang siya ay lumalaki, nagsimula siyang tumakbo, sumayaw, kumanta at maglaro, at kumalong sa amin para sabihing, “Mahal kita.” habang nagtatawa nadidinig ko pa rin sa aking tainga ang mga tawa niya nang sabihin niya sa akin na, “Papa nakakatawa ka,”

Himalang Sanggol

Umaasa kami na si Gabriela ay hindi namin magiging tanging anak, ngunit hindi pa rin kami nabuntis sa natural na paraan. Kaya’t bumalik kami sa doktor upang gawin ang parehong paggagamot sa aking asawa sa pagkabuntis kay Gabriela. Nagulat kami, ng malaman namin sa appointment na biniyayaan na pala kami ng Diyos. Hindi na namin kailangang simulan ang paggagamot dahil buntis na si Johanna kay Sofia! Tinawag namin si Sofia na aming ‘himalang sanggol’.

Sa gitna ng aming mga pagsubok, naramdaman namin na mapalad kami na ipinaglihi siya nang walang anumang interbensyon. Matapos basahin ang magandang paliwanag ni Pope John Paul II tungkol sa layunin ng pagbubuklod at pagpaparami sa pag-aasawa sa kanyang Teolohiya ng Katawan , sineryoso namin ang aming mga sinumpaan sa kasal at bukas kami sa buhay na nais ng Diyos para sa aming kasal. Gayunpaman, sina Gabriela at Sofia lamang ang mga anak na pinili ng Diyos para isipin namin.

Dahil si Gabriela ay patuloy na bumabalik mula sa kanyang mga atake, may pag-asa kami. Ngunit nang siya ay 3 ½, habang nasa gitna pa kami ng pananabik at pagsusumikap na pangalagaan ang aming bagong sanggol, si Gabriela ay nanghina dahil sa gastroenteritis. Nasanay kami sa mga paghihirap niya dahil sa pag-atake  tuwing siya ay nagkakasakit, ngunit sa pagkakataong ito nagpatuloy ang mga atake sa loob ng apat na araw. Ipinasok siya sa isang silid na may mga angkop na gamit para sa coma na nangangailangan ng matinding pangangalaga, hindi kami sigurado kung malalampasan niya ito. Nagimbal kami, ngunit ang pag-ibig ng Diyos ang nagtaguyod sa amin sa mahabang oras sa ospital at ng kalungkutan na nakikita ang aming maaliwalas, at magandang anak na lumalala. Nakita namin ang bawat sandali, bawat araw bilang isang pagpapala.

Kung makakasama lamang namin siya ng isa o dalawa pang taon, sa gayon ang sandaling ito ay sapat na at pupuspusin namin siya ng aming pagmamahal. Sa tulong ng pagdarasal, sinurpresa niya ang kanyang mga doktor sa kanyang pagnanais na mabuhay, ngunit ang patuloy na mga atake ay naging sanhi ng matinding pinsala sa utak niya na makakaalis sa kanyang kakayahang maglakad, makausap o kumain, kaya’t nanatili siya ng 3 buwan pa sa ospital.

Pagtaas at Pagbaba

Ang susunod na pagsubok ay ang pag-uuwi sa kanya na nasa isang upuang de gulong, at ganap na aasa sa amin para sa lahat ng bagay, habang inaalagaan din namin ang sanggol. Umiiyak si Gabriela sa lahat ng oras, araw at gabi, ngunit kapag nakainom siya ng gamot na pampakalma para sa kanyang patuloy na pag-iyak, natutulog naman siya sa lahat ng oras. Hindi namin sigurado kung ano ang gagawin sa batang ito na umiiyak o natutulog sa lahat ng oras. Mahirap tignan ang isang inosenteng bata na labis na naghihirap gayong wala naman siyang ginawang masama sa kaninuman.

Paano ito naging posible? Bakit siya at bakit tayo? Kami ay nasa isang emosyonal na pagtaas at pagbaba, nakikita siya na hindi maganda ang kalagayan at hindi siya matulungan. Kaya’t, ipinagkatiwala na namin siya sa Diyos na sumagot sa aming mga panalangin nang may pagmamahal. Naramdaman namin na sinabi Niya na, “Ako ang iyong Ama. Ako ang Panginoon na gumagabay sa iyong buhay. ” Bagaman ito ay lampas sa aming kakayahan, binigyan Niya kami ng lakas na makapaglakbay sa paglalakbay na ito na kasama siya.

Nasisiguro namin na kung ito ang gusto ng Diyos para sa amin, mananatili Siya at lalaban na katabi namin. Ito ay naging mahirap, ngunit ang pagkakaroon ng batang  may kapansanan ay nagbigay daan sa amin na umasa sa isa’t isa at ibaling ang aming pag-iisip mula sa aming sariling mga problema at kahinaan, at upang mailagay namin ang aming buong lakas sa batang ito na labis ang pangangailangan sa amin. Hindi namin ito magagawa nang wala ang bawat isa at ang suporta ng aming komunidad. Nang kami ay gumawa ng malaking hakbang sa paglipat sa Brisbane upang magkaroon ng daan sa mga therapies na nakatulong kay Gabriela, suportado kami ng aming Neo-Catechumenal na komunidad.

Ang kanilang mga tulong, at suporta sa pangangalap ng pondo na mas malawak na pamayanang Katoliko ay kritikal sa mga hamon na hinaharap. Si Gabriela ay 100% na umaasa sa ibang tao upang makumpleto ang mga gawain at hindi maiwan mag-isa. Hindi niya magawang magsipilyo ng ngipin o suklayin ang kanyang buhok, pakainin ang sarili o pumunta sa banyo. Hindi siya nagsasalita at hindi makalakad. Nagpapasalamat kami ni Johanna na nakakakuha kami ng tulong sa pangangalaga sa kanya at mga therapies sa pamamagitan ng National Disability Insurance Scheme (NDIS). Bukod sa mga therapies, kailangan ng operasyon ni Gabriela upang ayusin ang kanyang balakang. Sa edad na pito, sakit sa puso naman ang naging sanhi sa pakikipaglaban niyang muli para sa kanyang buhay pagkatapos ng operasyon. Sinabi sa amin ng mga doktor na tawagin ang aming pamilya upang magpaalam.

Kami ay nagdadalamhati. Muli, hindi pa kami handa na isuko ang pinakahihintay naming anak na babae. hiningi ko ang pamamagitan nila St John Paul II, St Mary of the Cross (MacKillop) at Our Lady. Ito ay sandali ng matindi at walang tigil na pagdarasal – ipinagdarasal na gawin ang kalooban ng Diyos, ngunit nagdarasal din para sa isang himala. Sa pamamagitan ng biyaya ng Diyos, nagpadala Siya sa amin ng mga sugo sa anyo ng aming mga kapatid sa aming Neo-catechumenal na komunidad. Ito ay tulad ng Isaias 50: 4 “Panginoon, binigyan mo ako ng dila ng isang alagad, upang dalhin ko sa pagod ang isang salitang ginhawa. Ang aming mga kapatid kay Kristo ay nanalangin sa oras ng Liturhiya at sa pagrorosaryo na kasama namin. Habang inihahabilin namin siya sa Diyos, nanalangin din kami nang may pagtitiwala at pag-asa.

Sinabi sa amin sa simula pa lang ng araw na iyon na ang buhay ni Gabriela ay ‘oras kada -oras’. Ang Panalangin sa Gabi sa gabing iyon ay may kasamang masiglang pagbasa mula sa Job 1:21 “ang Panginoon ay nagbibigay at ang Panginoon ay kumukuha”. Nagulat ako sa kahulugan ng mga salitang iyon nang tama sa sandaling iyon, na humihiling sa Diyos na maawa sa amin at ihanda ang aming mga puso. Sumali sa amin ang aming pari sa ospital upang pahiran siya ng langis para sa maysakit at kasamang manalangin sa tabi ng kanyang kama.

Pinayuhan niya kaming manalangin, bawat oras, isang salita na dinadasal ng mga Israelita sa disyerto— “Dayenu”. Ang salitang ito, na naka-dugtong sa Paskuwa at sa Kasaysayan ng Kaligtasan, ay nagsasabing ‘Panginoon, purihin ka para sa lahat ng iyong ginawa … Ang ginawa mong paglabas lang sa amin sa Ehipto ay, sapat na … ang ginawa mong makalampas kami sa dagat ay, naging sapat na ‘. Ito ang awit na kinakanta ko sa pagtatapos ng video at ito ay isang makapangyarihang salita para sa amin sa pinakamahirap na pinagdadaanan ng aming buhay. Mga alas tres ng madaling araw, bigla siyang nagsimulang gumaling at nagpatuloy sa kanyang paggaling hanggang sa siya ay naging maayos na at pwede ng lumabas nang ospital. Naniniwala ako na ito ay isang himala na nakaligtas si Gabriela. Wala sa mga kawani ng medisina sa intensive care unit ang inaasahan na mabubuhay siya.

Mga Paboritong Bagay

Sa kabila ng kanyang mga kapansanan, mahal ni Gabriela ang buhay. Masaya siya sa pagsali sa kanyang mga kaibigan sa isang Espesyal na Paaralan na may mahusay na pamayanan, kung saan nasisiyahan siya sa mga aktibidad tulad ng pagpipinta at palipat – lipat sa pamamagitan ng pag-angat ng kanyang kanang kamay upang pindutin ang isang switch, upang ang mga pahina ay magbukas sa isang e-book sa iPad. Nakikipag-usap siya sa pamamagitan ng pagkurap at bahagyang pagtango ng ulo para sa ‘oo’, at tumitingin palayo para sa ‘hindi’. Ang mga espesyal na nakaayos na tanong ay tumutulong sa prosesong ito.

Nasisiyahan si Gabriela sa mga aktibidad kasama ang kanyang kapatid, mga pinsan at kaibigan. Kasama sa kanyang mga paboritong bagay ay ang musika, pelikula, teatro sa musikal, maliliwanag na ilaw, kulay at pagkain. Maaari siyang kumain ng mga malapot na sopas, sorbetes, sarsa at tsokolate. Masaya siya sa paglabas na may araw at ang pagbisita sa hardin ng mga halaman sa Botanic Gardens kung saan naaamoy niya ang iba’t ibang mga mababangong halaman. Gustung-gusto ni Gabriela na sumayaw at naging bahagi ng Superstars, isang pangunahing pangkat ng pagsayaw, nang mahigit na anim taon. Tinutulungan nila siya na makasali sa pamamagitan ng paggalaw ng kanyang mga bisig at pag-ikot sa paligid. Ang iba pang mga batang babae ay sumasayaw sa paligid niya upang maisama siya sa mga routine ng sayaw.

Isang Malaking Panalangin

Alam ni Gabriela na mahal siya ng Diyos at tinutulungan siya sa maraming mga krus at paghihirap na kinakaharap niya. Ang pagpunta sa Misa ay isa sa pinakatampok ng kanyang linggo. Sinasamba niya ang pagtanggap ng Banal na Komunyon at nakikilahok sa musika sa liturhiya ng mga bata at sa aming pagdarasal sa bahay, kasama ang kanyang kapatid na tumutulong sa kanya para tumugtog ng mga instrumento sa pagtambol, kagaya ng drum o xylophone.

Ang pananalangin ay isang malaking bahagi ng buhay ni Gabriela. Mayroon siyang larawan ni Pope St John Paul II sa dulo ng kanyang kama, sa tabi ng mga icon at isang makulay na tradisyunal na krus mula sa El Salvador. Alam ni Gabriela ang maraming mga panalangin sa puso, tulad ng panalangin ng Panginoon at ng Shema (Deuteronomio 6: 4-10) na binibigkas namin bago siya matulog at sa paggising niya. Kahit na hindi siya nagsasalita, ang kanyang mga mata ay nagniningning sa pagpapasalamat.

Kung ang isang pamilya ay nakikipaglaban dahil sa kapansanan, maaari pa rin nilang purihin ang Diyos, at patuloy na lumakad patungo sa Kanya. Dahil sa lahat ng pinagdaanan namin, nagawa naming magpayo at gabayan ang mga mag-asawa na nagkakaroon ng mga problema sa kanilang pagsasama. Sa kabila ng aming mga pakikibaka, hindi kami tumalikod sa Diyos. Ang pang-araw-araw na pagdarasal sa bahay at sa aming pamayanan ng simbahan ay nakatulong sa amin na unahin ang Diyos at magtiwala na may isang layunin para sa lahat sa ating buhay.

Sa buong buhay natin, maraming mga krus, ngunit sinabi ni Hesus, “Buhatin mo ang iyong Krus at halika, sundan mo ako.” (Mateo 16:24) Posible para sa akin na makita ang mga paghihirap sa aming buhay-tulad ng mga pagkabigo ni Gabriela nang pigilan siya ng pinsala sa utak na gawin ang mga bagay na dati niyang ginagawa – bilang mga pagkakataon para buhatin ang Krus.

Hindi namin alam kung ano ang plano ng Diyos para sa aming hinaharap, para sa kanya o para sa amin, ngunit nakikita namin ang bawat araw bilang isang pagpapala. Nakikita ko ang layunin kay Gabriela sa kanyang koneksyon sa Diyos. Alam niya na may Diyos sa kanyang buhay at ang kanyang tungkulin bilang isang messenger upang masaksihan ang pagmamahal ng Diyos sa kanya. Ang mga tao ay naaakit sa kanya, nais na malaman ang tungkol sa kanyang kwento at patuloy Niyang sinasagot ang kanyang mga panalangin sa malalim na paraan.

Share:

Kevin and Johanna Caldwell

Kevin and Johanna Caldwell live in Brisbane with their daughters, Gabriela and Sofia. Article is based on Shalom World TV program “Triumph” featuring Gabriela and their personal testimony. To watch the episode visit: shalomworld.org/episode/gabriela-elizabeth-caldwell-triumph

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles