Home/Makatagpo/Article

Jul 10, 2024 128 0 Annu Plachei
Makatagpo

Siya’y Nasa Likod mo!

Kapag ang iyong landas ay nangungumpol ng mga kahirapan, at ika’y nakadarama ng walang-kalutasan, ano ang gagawin mo?  

Ang tag-init ng 2015 ay isang alaalang walang kupas.  Ako’y nasa pinakamababang tagpo mg aking buhay—nag-iisa, nalulumbay, at nagsusumikap nang lahat ng aking sigla upang makatakas sa isang kahila-hilakbot na katayuan. Ako’y napipiga sa pag-iisip at damdamin, at nadama ko na ang aking mundo ay humahantong sa katapusan.  Ngunit sa kakaibang gawi, mga himala ay lumaladlad nang hindi mo inaasahan.  Sa pamamaraan ng isang hanay ng mga di-karaniwang pangyayari, ito’y halos ang Diyos ang kusang bumubulong sa aking tenga na Siya’y nakaalalay sa likod ko. 

Sa kakaibang araw na yaon, ako’y nanatili sa higaan na nawalan ng pag-asa at bigo.  Sa kawalan ng tulog, muli kong pinag-iisipan ang malungkot na katayuan ng buhay ko habang mahigpit na tangan ang rosaryo, sinusubukang makapagdasal.  Sa kakaibang uri ng pananaw o panaginip, isang makináng na liwanag ang nagmumula sa rosaryo na nakalapag sa aking dibdib, pinupuno ang silid ng isang maluwalhating busilak ng kagintuan.  Habang ito’y kumakalat nang marahan, napuna ko ang madilim, walang mukha, maaninong mga hugis sa palibot ng busilak.  Sila’y nagsisipaglapit na sa akin na may di-mawaring bilis.  Ngunit ang ginintuang liwanag ay higit na lumaking maliwanag at tinaboy silang higit na palayo tuwing nag-aakma silang lumapit sa akin.  Ako’y nangatal sa lamig, hindi makakilos sa kakaibhan ng pananaw.  Pagkaraan ng ilang mga saglit, ito’y biglaang natapos, isinisisid muli ang silid sa sukdulang kadiliman.  Dala ng ganap na pagkabalisa at pagkatakot na matulog, binuksan ko ang TV.  Isang pari ay hinahawakan nang pataas ang isang medalya* ni San Benedicto at ipinaliliwanag kung paano ito nakapag-alay ng isang banal na panananggalang. 

Sa pagtatalakay niya ng mga sagisag at mga salitang nakasulat sa medalya, tumingin ako nang payuko sa aking rosaryo—isang alaala mula sa aking lolo—at napuna ko na ang Krus ay may kagayang medalya na nakakabit dito.  Ito ay nagbigay-daan sa isang pagpapakilala.  Ang mga luha’y simulang nagsidaloy sa aking mga pisngi nang maunawaan ko na ang Diyos ay kasama ko kahit na noong inakala kong ang aking buhay ay gumuguho sa pagkagiba.  Isang kulimlim ng alinlangan ang nawaglit sa aking isip, at nakatagpo ako ng ginhawa sa kaalamang hindi na ako nag-iisa. 

Kailanma’y hindi ko naunawaan ang medalyang Benediktino sa simula, kaya itong bagong tagpong paniniwala ay nagdulot sa akin ng dakilang kaginhawaan, pinasisigla ang pananalig at pag-asa ko sa Diyos.  Kasama ng walang sukat na pag-ibig at pakikiramay, ang Diyos ay umiiral nang walang hanggan, nakahanda upang sagipin ako kapag ako’y nadudulas.  Ito’y isang nakabibigay-galak na kabatiran na sinaklaw ang katauhan ko, pinupuno ako ng pag-asa at sigla. 

Pinatatatag ang Aking Kaluluwa 

Itong pagbago ng pagtanaw ay itinulak ako sa paglalakbay sa panunuklas at pagpapalaki ng sarili.  Tinigilan kong ituring ang kabanalan na isang bagay na nalalayo at nakahiwalay sa aking pang-araw-araw na  buhay.  Bagkus, hinanap kong mapangalagaan ang mataimtim na kaugnayan sa Diyos sa pamamagitan ng panalangin, pagdidili-dili, at mga asal ng kabutihan, nauunawaan na ang Kanyang pag-iral ay hindi napasusubali sa mga malakihang pagpapakita ngunit madarama sa pinakalikas na mga tagpo sa pang-araw-araw na kabuhayan. 

Ang ganap na pagbabago ay hindi nangyari nang magdamagan, ngunit ako’y nakapansin ng matatalas na pagbabago sa aking kalooban-looban.  Ako’y napagtubuan upang lalong maging matiyaga, natutunan ang pagbitiw ng pagkabahala at pag-aalala, at natanggap ang natagpuang pananalig na ang mga bagay ay mamumukadkad ayon sa kalooban ng Diyos kapag ihahabilin ko ang aking tiwala sa Kanya. 

Higit pa rito, ang pagkaunawa ko ng panalangin ay nagbago, umuunlad tungo sa lalong makahulugang pakikipag-usap na sumisibol mula sa kaalaman na, bagama’t ang Kanyang sakdal-bait na pag-iral ay hindi makikita, ang Diyos ay nakikinig at nagmamasid sa atin.  Tulad ng isang gumagawa ng palayok na nag-uukit ng luwad sa hugis ng isang kaaya-ayang sining, magagawa ng Diyos na gamitin ang pinakamakamundong mga bahagi ng ating mga buhay at isahugis ang mga ito sa pinakamagandang mga uri na mahaharaya.  Ang pagtiwala at pag-asa sa Kanya ay magdadala ng mabubuting mga bagay sa mga buhay natin na higit pa sa ating magagawa nang sarilinan, at makatutulong sa atin upang lalong maging malakas sa kabila ng mga pagsubok na dumaraan sa ating landas. 

*Ang mga Medalya ni San Benedicto ay napaniniwalaang nagdudulot ng pagkalinga at mga biyaya sa mga nagsusuot ng mga ito.  Ang ilang mga tao ay ibinabaon ang mga ito sa mga saligan ng bagong mga gusali, habang ang iba naman ay ikinakabit sila sa mga rosaryo o isinasabit sa mga dingding ng tahanan.  Gayon pa man, ang pinaka-karaniwang kaugalian ay ang pagsuot ng medalya ni San Benedicto na nakapatong sa eskapularyo o napasasaloob sa isang Krus. 

Share:

Annu Plachei

Annu Plachei ay naghahanapbuhay bilang isang website content strategist sa Kerala, India. Sa paraan ng kanyang pagsusulát, inaanyayahan niya ang mga mambabasá na salihan siya sa paglalakbay sa pagtuklas ng sarili, na nabibigyang- liwanag ng Katotohanan ni Hesus.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

Latest Articles